Home Mga Tanong 8 Katanungang Kinatatakutan Mong Itanong Sa Iyo Tungkol sa Ramadan!

8 Katanungang Kinatatakutan Mong Itanong Sa Iyo Tungkol sa Ramadan!

Ang Buwan ng Ramadan ay nagaganap sa ika-9 na buwan ng kalendaryong lunar. Ito ang buwan kung saan ipinahayag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang mga unang talata ng Maluwalhating Qur’an sa Propeta Muhammad [Sumakaniya nawa ang pagpapala at kapayapaan]. Ang mga may kakayahang Muslim na mula sa buong mundo ay mag-aayuno mula sa bukang liwayway hanggang takip-silim at makikibahagi sa pagpaparami ng mga gawaing pagsamba upang maging mas mapalapit sa ating Tagapaglikha. Ito ay panahon ng taus-pusong pagsamba, kung saan ang mga pamilya ay nagkakasama-sama at nagtitipon ang mga kaibigan, lahat para sa kaluguran ng ating Panginoon.

1. Bakit Ang Ramadan ay Pumapatak sa Iba’t-ibang Araw Bawat Taon?

Sa pananampalataya ng Muslim, sinusunod natin ang kalendaryong lunar na batay sa buwan kumpara sa kalendaryong Gregoryan na batay sa araw. Bilang resulta, ang buwan ng Ramadan ay nagaganap sa iba’t-ibang panahon bawat taon ayon sa kinaroroonan ng taong nag-aayuno. Halimbawa, ang isang nag-aayuno sa Siyudad ng New York ay maaaring makaranas ng tag-init sa panahon ng Ramadan habang ang isang Muslim sa Australia ay maaaring magalak sa mga buwan ng tag-lamig. Matapos ang ilang mga Ramadan na nagdaan, ito ay magiging ganap na kabaligtaran sa parehong mga lugar. Ang isa sa mga pakinabang ng pagkakaroon ng isang mapagpalang buwan tulad ng Ramadan na pumapatak sa iba’t-ibang panahon, ay maaari kang magpakasasa sa napapanahong mga prutas at gulay habang ang iyong Ramadan ay marahang lumilipat sa buong kalendaryong lunar bawat taon.

Gaya ng maiisip, mas mahirap pang mag-ayuno sa mas maiinit na mga buwan ng kalendaryo. Ang pag-aayuno sa rurok ng tag-init ay maaaring maging sanhi ng mas malaking hamon na natutugunan ng katatagan at katapatan. Ang mga Muslim na nag-aayuno sa mas malamig na mga panahon ay laging naka-aalala sa kanilang kapwa mga kapatid sa pananampalatayang nag-aayuno nang may kahirapan at pinananatili sila sa kanilang mga pagdarasal.

2. Hindi Ka ba Mamatay Nang Walang Pagkain o Tubig Para sa Buong 30 Araw?

Sa panahon ng pagdiriwang ng Ramadan, ang mga Muslim ay hindi talaga umiiwas sa pagkain o tubig sa buong buwan! At oo, papatayin nito ang sinumang gagawa nito! Ang pag-aayuno sa Ramadan, ayon sa kahulugan, ay nangangahulugang ikaw ay nag-iwan ng pagkain at inumin mula bukang liwayway hanggang sa takip-silim. Ang mga Muslim ay gumigising bago ang pagdarasal sa bukang liwayway upang magpakasasa sa pampalusog na almusal na kadalasang binubuo ng mataas sa hiblang mga pagkain, sariwang prutas at maraming tubig. Mula sa sandaling ang pagtawag sa bukang liwayway na pagdarasal (o Adhan) ay ginanap, ang isang Muslim ay humihinto na sa pagkain at pag-inom.

Ang araw ng pag-aayuno ay ginugugol ng pagsasagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay, maging nangangahulugan mang ito ng pagpasok sa paaralan o pagpasok sa trabaho. Isinasagawa mo ang mga ubligadong pagdarasal habang nakikibahagi sa pagpaparami ng mga gawaing pagsamba sa buong araw. Sa Ramadan, ang bawat mabuting gawa o pagsambang ginagampanan ay lumalaki ang mga gantimpala. Maraming mga Muslim ang nagsisikap na gawin ang kanilang pinakamakakaya upang mag-ani ng lahat ng mga pakinabang na inaalok ng buwang ito. Halimbawa, ang ilang mga Muslim ay nagsisikap na basahin ang buong Qur’an sa loob ng 30 araw ng Ramadan.

3. Bakit Ang Mga Batang Muslim ay Pinipilit Mag-ayuno?

Ang mga batang Muslim ay hindi pinipilit na mag-ayuno. Sinabi ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat sa Qur’an:

“WALANG SAPILITAN SA [PAGTANGGAP NG] RELIHIYON.” [MALUWALHATING QUR’AN  2:256]

Walang sinuman ang maaaring piliting gumawa ng anumang bagay sa Islam. At sa Islam, ang pag-aayuno ay ipinapayo para sa atin katulad nang sa ating mga ninuno na dumating bago tayo. Tanging ang mga Muslim lamang na nasa mabuting kalusugan at narating na ang edad ng pagbibinata o pagdadalaga ang kinakailangang mag-ayuno. Ang mga maysakit, matatanda, manlalakbay at may buwanang dalaw, nagpapasuso o mga babaeng nagdadalang tao ay hindi kailangang mag-ayuno. Sa katunayan, sa Islam, ipinagbabawal na magdala ng pinsala sa iyong sarili sa anumang paraan. Kaya kung ang pag-aayuno ay magpapahina sa isang tao o magdadala sa kanila ng sakit, ipinagbabawal sa kanila ang magsagawa nito.

May iba pang mga paraan na maaaring ipagdiwang ng mga Muslim ang Ramadan kahit hindi nag-aayuno. Ang paghahanda ng mga pagkain para sa mga taong nag-aayuno, ang pagbibigay ng pagkain sa mga mahihirap o kahit na pakikibahagi sa mga gawang pag-alala sa Diyos ay kahanga-hangang mga gawa lahat sa Islam na magkakamit ng kanilang sariling gantimpala.

4. Ang Ramadan ba ay isang Paraan Lamang Para sa mga Muslim na Mabawasan ang Timbang?

Medyo kabaligtaran! Ang ilang mga Muslim sa katunayan ay nadadagdagan ang timbang sa Ramadan. Dahil sa isang mahabang araw ng pag-aayuno na nagtatapos sa pagkain (na tinatawag na Iftar), maraming mga Muslim ang nagkakamali sa pagpapakasasa sa mga piniritong mga pampagana at panghimagas na kargado ng kaloriya sa sandaling ang araw ay lumubog. Ang ganitong uri ng diyeta ay nagdudulot ng pagtaas ng enerhiya na mabilis na nawawala at nagiging sanhi upang ang mga timbang ay madagdagan. Ang sikmura ay ang pinaka-nahihirapan tuwing Ramadan at maaaring magdulot ng pagka-antok, na humahantong sa katamaran habang nasa pagsamba.

Gayunpaman, marami ring mga Muslim ang nagsisikap kumain ng malusog na pagkaing Iftar. Ang mga buong butil, purong karne, gulay at iba’t-ibang prutas ay maaaring mapalakas ang enerhiya at bigyan ang isang Muslim ng tibay upang sumamba sa mahabang oras nang hindi kinakailangang danasin ang pangangasim ng sikmura.

5. May Iba Pa bang Hindi Mo Maaaring Gawin sa Ramadan?

 

Maraming mga bagay ang dapat iwasan ng mga Muslim mula sa panahon ng Banal na Buwan ng Ramadan. Ang intimasiya sa kanyang asawa ay isa sa mga pangunahing gawaing ipinagbabawal habang nasa oras ng pag-aayuno. Ang paninigarilyo, pagsisinungaling, pakikipag-tsismisan, paninirang-puri, at pakikibahagi sa iba pang mga bisyo ay mahigpit ring ipinagbabawal. Subalit ang maaaring gawin ng mga Muslim ay hangarin ang kaluguran ng Tagapaglikha sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga mabubuting gawa at iba pang mga pagkilos na nagpapatingkad ng pananampalataya.

6. Ano ang Punto ng Pagpapahirap sa Iyong Sarili sa pamamagitan ng Pag-aayuno?

Ang Banal na Buwan ng Ramadan ay isang pagpapala para sa lahat ng sangkatauhan. Ang mga Muslim mula sa lahat ng dako ng mundo ay naghihintay at inaasahan ang pagdating nito bawat taon at ikinatatangis sa kalungkutan kapag muli itong matatapos.

Ang Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

“SINABI NI ALLAH: ‘BAWAT GAWA NG ANAK NI ADAN AY PARA SA KANYA MALIBAN SA PAG-AAYUNO; ITO AY PARA SA AKIN AT AKO GAGANTIMPALA PARA DITO … “

Kapag nag-iisip ka para dito, ang Diyos na Makapangyarihan ay ipagkakaloob ang Kanyang Habag at Biyaya sa Kanyang mga sumasampalatayang mga alipin sa buong taon. Ang mag-ayuno upang ipakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa Tagapaglikha ay bagay sa mga Muslim na nagbibigay ng lubos na kagalakan para gawin. Sinasalubong nila ang Ramadan sa layuning bigyang lugod ang kanilang Panginoon. Ang pag-aayuno sa Ramadan ay hindi pagpapahirap sa anumang lawak ng imahinasyon. Ito ay, gayunpaman, isang pagsasanay sa pananampalataya at ganap na tiwala sa Nag-iisa at Tanging Diyos.

7. Ang Bawat Araw ba sa Ramadan ay Tulad ng isang Kapistahan?

Oo! Sa ilang mga paraan, ang mga araw ng Ramadan ay maaaring ihambing sa isang kapistahan. Ang mga pamilyang Muslim, mula sa buong mundo, ay may pagkain (na tinatawag na Iftar) na sapat na ang dami upang mapagkasya sa lahat ng mga miyembro ng pamilya at mga bisita. Ito ay isang nostalhiyang oras na ang mga Muslim anuman ang edad ay nagsasama-sama upang magsalu-salo sa pagkain at gunitain ang nagdaang mga Ramadan. Ito rin ay isang kahanga-hangang panahon upang paglaanan ang mahahalagang mga usapin sa pamilya at maghanap ng mga paraan upang malunasan ang mga ito sa panahon ng buwan ng pagsamba.

Katulad ng Araw ng Pasasalamat, mayroong maraming pagkain upang ihanda at mga pinggan upang hugasan. Maraming mga pamilyang Muslim ang hinihiling sa lahat na makiambag upang tumulong, kahit na ang pinakabata sa sambahayan, upang matiyak na ang lahat ay makakalabas ng kusina at tumuon sa pagsamba.

8. Nandaraya ka ba Kapag Nag-aayuno?

Ito ay isa sa mga pinaka-karaniwang mga tanong na itinatanong sa isang Muslim tungkol sa Ramadan at ang sagot ay isang matunog na “Hindi!” Ang mga Muslim ay naniniwalang kami ay nasa pagmamasid ng Diyos 24 oras sa isang linngo (kilala bilang Taqwa.) Ang isang Muslim ay may kamalayan sa kanyang Tagapaglikha sa lahat ng oras. Kahit na ang isang Muslim ay nasa isang nakakandado at walang bintanang silid na may buong hain ng pagkain, hindi siya magsusubo ng kahit isang maliit na piraso. Bagamat ang ibang tao ay hindi naroroon upang saksihan ang pagkagat, ang Diyos ay naroroon. Ang mga Muslim ay hindi lamang nahihiya sa ating Panginoon, Tagasubaybay at Tagapanatili, ngunit tayo ay natatakot ding galitin Siya at ito ay katulad ng isang malalim na pinag-ugatang pag-ibig na nangingibabaw sa lahat ng oras at lugar. Ang mga nakaw na paghigop ng tubig o mga kukot ng pagkain kapag walang nakatingin ay labas sa katanungan!

Habang nag-aayuno, ang Muslim ay nakararamdam ng mas malalim na kaugnayan sa ating Tagapaglikha. Ang pag-aayuno mismo ay nagbibigay sa mga Muslim ng napakalaking bagay sa paglayo, pagpipigil sa sarili at empatiya para sa paghihirap ng mga mas hindi pinalad. Wala nang anumang makakatulad sa isang tuyong lalamunan at sa kirot ng isang walang lamang sikmura para sa patikim ng katotohanan. Ang pag-aayuno sa Ramadan ay mahusay na pagsasanay upang magpigil sa mga pangunahing pangangailangan ng buhay ng tao upang maaari nating mapagtimpian ang mga ito sa halip na ang kabaligtaran.

Ang pagdiriwang ng Ramadan ay napaka-maluwalhati at natatanging maraming mga di-Muslim ang naaakit din dito at pinipili pang mag-ayuno para sa pagkakaisa. Ngayong ang lahat ng inyong mga nagbabagang mga katanungan sa Ramadan ay nasagot na, bakit hindi mag-ayuno ng isang araw o dalawa sa Ramadan upang makita kung ano ang lahat ng mga kasabikan ay para saan?

Ni Sumayyah Meehan

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…