Astronomiya

Ang mga Muslim ay laging may natatanging pagkahilig sa larangan ng Agham tulad ng Astronomiya. Ang buwan at ang araw ay napakahalaga sa araw-araw na pamumuhay ng bawat Muslim. Sa pamamagitan ng buwan, ang mga Muslim ay nalalaman ang simula at katapusan ng mga buwan sa kanilang kalendaryong lunar. Sa pamamagitan ng araw, ang mga Muslim ay natatantiya ang mga oras ng pagdarasal at pag-aayuno. Sa pamamagitan din ng astronomiya ang mga Muslim ay nagagawang malaman ang tumpak na kinaroroonan ng Qiblah, upang humarap sa Ka’bah sa Makkah, sa oras ng pagdarasal.

Ang pinakatumpak na kalendaryong solar, higit na mahusay sa Julian, ay ang Jilali, ginawa sa ilalim ng pangangasiwa ni Umar Khayyam.

Ang Qur’an ay naglalaman ng maraming mga sanggunian sa astronomiya:

“At Siya yaong lumikha ng gabi at umaga at ng araw at buwan; lahat [ng buntala sa kalangitan] na sa pag-inog ay lumalangoy.” [Maluwalhating Qur’an 21:33]

Ang mga sangguniang ito, at ang mga kautusan na matuto, ang pumukaw sa mga naunang pantas na Muslim upang pag-aralan ang kalangitan. Pinagsama nila ang mga naunang nagawa ng mga Indiyano, Persiyano at Griyego sa isang bagong pagbubuo ng pag-aaral.

Ang Ptolemy’s Almagest (ang pamagat na kilala natin ngayon sa katunayan ay Arabik) ay isinalin, pinag-aralan at pinuna. Maraming mga bagong bituin ang natuklasan, gaya ng makikita natin sa kanilang mga pangalang Arabik – Algol, Deneb, Betelgeuse, Rigel, Aldebaran. Ang mga Astronomikong talaan ay pinagsama, kabilang sa kanila ang mga Toledang talaan, na ginamit ni Copernicus, Tycho Brahe at Kepler.

Pinagsama din ang mga almanak – isa pang Arabik na katawagan. Ang iba pang mga katawagang mula sa Arabik ay zenith, nadir, Aledo, azimuth.

Ang mga Muslim na astronomo ay ang unang nagtatag ng mga obserbatoryo, katulad ng isang itinayo sa Mugharah ni Hulagu, na anak ni Genghis Khan, sa Persiya, at sila ay umimbento ng mga kagamitan katulad ng kuwadrante at astrolabe, na nagbigay daan sa kanilang mga pag-usad hindi lamang sa astronomiya kundi sa pangkaragatang paglalayag, na nag-ambag sa panahon ng pananaliksik sa Europa.

Heograpiya

Ang mga pantas na Muslim ay nagbigay ng malaking pansin sa heograpiya. Sa katunayan, ang malaking pagpapahalaga ng mga Muslim sa heograpiya ay nagmula sa kanilang relihiyon.

Ang Qur’an ay humihimok ang mga taong maglakbay sa lahat ng dako ng kalupaan upang makita ang mga tanda at mga huwaran sa lahat ng dako. Ang Islam ay inutusan ang bawat muslim magkaroon ng kahit man lang sapat na kaalaman sa heograpiya upang malaman ang kinaroroonan ng Qiblah (kinalalagyan ng Ka’bah sa Makkah) ng sa gayon ay makapagdasal ng limang beses sa isang araw.

Ang mga Muslim ay nasanay din sa mahabang mga paglalakbay upang makipagkalakalan at upang isagawa din ang Hajj at ipalaganap ang kanilang relihiyon. Ang Islamikong imperyo na nakakalat sa malalayo ay nagbigay ng kakayahan sa mga pantas na mananaliksik upang makatipon ng malaking bilang ng heograpiko at klimatikong kaalaman mula sa Atlantiko hanggang sa Pasipiko.

Kabilang sa pinakatanyag na mga pangalan sa larangan ng heograpiya, maging sa Kanluran, ay sina Ibn Khaldun at Ibn Batuta, kilala sa kanilang mga isinulat na mga sanaysay ng kanilang mga malawakang pananaliksik.

Noong 1166, si Al-Idrisi, ang kilalang pantas na Muslim na naglingkod sa hukuman ng Sicilian, ay nakagawa ng napakatumpak na mga mapa, kabilang ang isang mapa ng daigdig kasama ang lahat mga kontinente at mga kabundukan nito, mga ilog at tanyag na mga siyudad. Si Al-Muqdishi ay ang unang heograpong nakagawa ng tumpak na mga mapa na may kulay.

Ang Espanya ay pinamunuan ng mga Muslim sa ilalim ng bandera ng Islam sa mahigit na 700 na taon. Nang ika-15 siglo ng Gregoryong kalendaryo ang pamumuno ng Islam ang nakaluklok sa Espanya at ang mga Muslim ay nagtatag ng mga sentrong pangkaalaman na umani ng pagkilala sa lahat ng mga kilalang nasyon sa panahong yaon. Walang naging “Panahon ng Kadiliman” (Dark Ages), para sa mga Muslim sa Espanya at yaong mga nabuhay doon na kasama nila ang dumanas ng katulad sa ibang bahagi ng Europa. Noong Enero ng 1492 ang Muslim na Espanya ay sumuko ayon sa kasunduan sa Romano Katoliko sa ilalim nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella. Hulyo ng taon ding yaon, ang mga Muslim ay kinasangkapan sa pagtulong sa paglalayag ni Christopher Columbus sa Carribean Timog ng Florida.

Ito, higit sa lahat, sa tulong ng mga Muslim na manlalayag at ng kanilang mga imbensyon na si Magellan ay nagawang bagtasin ang Cape ng Good Hope, at Da Gama at si Columbus ay mayroong mga Muslim na manlalayag na lulan ng kanilang mga barko.

Sangkatauhan

Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin sa Islam para sa bawat Muslim, lalaki at babae. Ang pangunahing pinagkukunan ng Islam, ang Quran at ang Sunnah (mga tradisyon ni Propeta Muhammad), hinihikayat ang mga Muslim na maghanap ng kaalaman at maging mga pantas, yamang ito ang pinakamainam na paraan para sa mga tao upang makilala si Allah (Diyos), upang pahalagahan ang Kanyang mga kamangha-manghang mga nilikha at maging mapagpasalamat para sa mga ito.

Ang mga Muslim ay laging masigasig sa paghahanap ng kaalaman, kapwa pangrelihiyon at sekyular, at sa loob ng ilang taong misyon ni Muhammad, isang malaking sibilisasyon ang sumibol at umunlad. Ang bunga ay makikita sa paglaganap ng Islamikong pamantasan; Al-Zaytunah sa Tunis, at Al-Azhar sa Cairo na noon pang mahigit nang 1,000 taon at pinakamatanda sa mga umiiral na pamantasan sa daigdig. Tunay, ito ang mga huwaran para sa mga unang Europeong pamantasan, katulad ng Bologna, Heidelberg, at ang Sorbonne. Maging ang kilalang akademikong gora at toga ay nagmula sa Pamantasan ng Al-Azhar.

Ang mga Muslim ay nakagawa ng malalaking pagsulong sa ibat-ibang larangan, katulad ng heograpiya, pisika, kimika, matematika, medisina, parmakolohiya, arkitektura, mga lingguistika at astronomiya. Ang Alhebra at Arabikong mga pamilang ay ipinakilala sa daigdig ng mga pantas na Muslim. Ang astrolabe, ang kuwadrante, at iba pang mga kagamitan sa paglalayag at mga mapa ay pinaunlad ng mga pantas na Muslim at gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad ng mundo, higit na kapansin-pansin ang panahon ng pananaliksik sa Europa.

Ang mga pantas na Muslim ay pinag-aralan ang mga sinaunang sibilisasyon mula sa Gresya at Roma hanggang Tsina at Indiya. Ang mga gawa ni Aristotle, Ptolemy, Euclid, at iba pa ay naisalin sa Arabik. Ang mga pantas na Muslim at mga siyentipiko pagkatapos ay idinagdag ng kanilang mga malikhaing kaisipan, mga tuklas, at mga imbensyon, at nang huli ay inihatid ang makabagong kaalamang ito sa Europa, tungo sa muling pag-usbong. Maraming mga siyentipiko at medikal na mga sanaysay, ang naisalin sa Latin, na ang karaniwang teksto at sangguniang mga aklat na noong pang ika-17 at ika-18 siglo.

Matematika

Ang mga Muslim na matematiko ay nanguna sa heometriya, na maaring makita sa kanilang mga sining grapiko, at siya ay ang dakilang Al-Biruni (na siyang nanguna din sa mga larangan ng kasaysayang pangkalikasan, maging sa heolohiya, at mineralohiya) na siyang nagtatag ng trigonomitriya bilang isang natatanging sangay ng matematika. Ang ibang mga Muslim na matematiko ay nakagawa ng makabuluhang pag-unlad sa teorya ng numero.

Kaaya-ayang bigyang pansin na ang Islam ay matinding hinihikayat ang sangkatauhang pag-aralan at saliksikin ang santinakpan. Halimbawa, ang Maluwalhating Quran ay nagpahayag:

“Kami (Allah) ay ipapakita sa inyo (sankatauhan) ang Aming mga tanda sa kalawakan at sa inyong mga sarili hanggang sa maging maliwanag ito sa kanila na ito ang katotohanan.” [Banal na Qur’an 41:53]

Ang paanyayang ito na magsaliksik at maghanap ay nagawang magkainteres ang mga Muslim sa astronomiya, matematika, kimika, at iba pang mga agham, at sila ay nagkaroon ng napakalinaw at matatag na pagkakaunawa ng mga ugnayan sa heometriya, matematika, at astronomiya.

Ang mga Muslim ay inimbento ang simbolo para sa zero (Ang salitang “cipher” ay mula sa Arabik na sifr), at kanilang isinaayos ang mga numero sa sistemang desimal – base sa 10. Karagdagan, kanilang inimbento ang simbolo para ilahad ang hindi lantad na bilang, katulad ng letrang x.

Ang unang dakilang Muslim na matematiko, Al-Khawarizmi, ay inimbento ang paksa ng alhebra (al-Jabr), na lubos pang nilinang ng iba, pinakabantog si Umar Khayyam. Ang gawa ni al-Khawarizmi, sa Latinong pagkakasalin, dinala ang Arabikong pamilang kasama ng matematika sa Europa, sa pamamagitan ng Espanya. Ang salitang “algorithm” ay kinuha mula sa kanyang pangalan.

Medisina

Sa Islam, ang katawan ng tao ay isang pinagmumulan ng pagpapahalaga, dahil ito ay nilikha ng Makapangyarihang Allah (Diyos). Paano ito gumagana, paano ito pananatilihing malinis at ligtas, paano maiiwasan ang mga karamdaman mula sa pag-atake dito o lunasan ang mga karamdamang yaon, ay naging mahalagang mga usapin para sa mga Muslim.

Si Ibn Sina (p. 1037), higit na kilala sa Kanluran bilang Avicenna, ay malamang na siya ang pinakadakilang manggagamot hanggang sa makabagong panahon. Ang kanyang tanyag na aklat, Al-Qanun fi al-Tibb, ay nanatiling pamantayan na araling aklat maging sa Europa, sa mahigit 700 taon. Ang gawa ni Ibn Sina ay nanatiling pinag-aaralan at itinayo sa Silangan.

Si Propeta Muhammad mismo ay hinikayat ang tao na “gumamit ng gamot para sa inyong mga karamdaman”, dahil ang tao sa panahong yaon ay nag-aatubiling gawin ito. Siya ay nagsabi din,

“Ang Diyos ay hindi lumikha ng mga karamdaman, maliban na Siya ay nagtakda para dito ng lunas, maliban sa katandaan. Kapag ang panlunas ay inilapat, ang pasyente ay gagaling sa pahintulot ng Diyos.”

Yamang ang relihiyon ay hindi ipinagbawal ito, ang mga pantas na Muslim ay ginamit ang mga bangkay ng tao upang pag-aralan ang anatomiya at pisolohiya at upang tulungan ang kanilang mga mag-aaral na maunawaan kung paano ang katawan ay gumagana. Ang pag-aaral ayun sa obserbasyon ay nagawa na paunlarin ang pag-opera ng napakabilis.

Si al-Razi, ang kilala sa Kanluran bilang Rhazes, ang tanyag na manggagamot at siyentipiko, (p. 932) ay isa sa mga pinakadakilang manggagamot sa buong mundo sa Kalagitnaang Panahon (Middle Ages). Binigyan-diin niya ang base sa nakikitang obserbasyon at klinikong medisina at di-mapapantayan bilang tagapagsuri ng sakit. Siya din ay gumawa ng sanaysay tungkol sa kalinisan sa mga pagamutan. Si Abul-Qasim Az-Zahrawi isang napakabantog na tagapag-opera noong ikalabing isang siglo, kilala sa Europa sa kanyang mga gawa, Konsesyon (Kitab At-Tasrif).

Ang iba pang mga makabuluhang ambag na nagawa sa parmakolohiya, katulad ng Kitab al-Shifa ni Ibn Sina (Aklat ng Panggagamot), at sa pampublikong kalusugan. Ang bawat malalaking siyudad sa mundo ng Islam ay may ilang mga napakagagaling na pagamutan, ang ilan sa kanila ay mga paaralang pagamutan, at marami sa kanila ay mga dalubhasa sa natatanging karamdaman, kabilang ang pangkaisipan at pang-emosyonal. Ang mga Ottoman ay natatanging kilala sa kanilang pagpapatayo ng mga pagamutan at mataas na antas ng pangkalusugang kasanayan sa kanila.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…