Ang bawat wika ay may isa o higit pang mga katawagan na ginagamit para Diyos at minsan sa mas maliit na sinasamba. Hindi ganito ang salitang ‘Allah’. Ang Allah ay pangalang pangtangi ng Nag-iisang Tunay na Diyos. Walang ibang tinatawag na Allah. Ang salitang ito ay walang pangmaramihan o kasarian. Ito ay nagpapakita ng pamumukod-tangi kung ihahambing sa salitang ‘diyos’ na maaaring gawing pangmaramihan, hal. ‘mga diyos’ o pangbabae, hal. ‘Diyosa’. Mahalagang tandaan na ang Allah ay pangtanging pangalan ng Diyos sa wikang Aramaic, ang wika ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan). Ang salitang Allah ay repleksyon ng kakaibang konsepto ng Islam kaugnay sa Diyos.
Para sa Muslim, si Allah ay ang Makapangyarihan, Tagapaglikha, Tagapagtustos ng Santinakpan, na walang katulad na anuman at walang maihahambing sa Kanya. Ang Propeta Muhammad ﷺ ay tinanong ng kanyang mga kasamahan tungkol kay Allah. Ang kasagutan ay dumating galing sa Diyos mismo sa anyo na maiksing kabanata ng Qur’an na isinasaalang-alang na pinakabuod ng Kaisahan ng Diyos o ang sawikain ng monotismo.
“Sabihin, ‘Siya si Allah, ang Nag-iisa, si Allah ang Ganap, Sandigan ng lahat. Hindi Siya nagka-anak at hindi Siya ipinanganak, at Siya ay walang katulad. [Maluwalhating Qur’an 112:1-4]
Ang ilang mga di-Muslim ay may paratang na ang konsepto ng Diyos sa Islam ay mahigpit at malupit na Diyos na nag-uutos na sundin ng mahigpit. Hindi Siya mapagmahal at maunawain. Walang ng higit pang malayo sa katotohanan sa bintang na ito. Sapat nang malaman na maliban sa isa, ang lahat ng 114 na kabanata ng Qur’an ay nagsisimula sa talata na: “Sa Ngalan ni Allah ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.” Sa isang kawikaan ng Propeta Muhammad ﷺ tayo ay sinabihan:
“Ang Diyos ay higit na mapagmahal at maunawain kaysa sa Nanay sa kanyang pinakamamahal na anak.”
Bukod sa pagiging napakamaawain, ang Diyos ay Makatarungan din. Kaya ang mga masasama at makasalanan ay dapat na magkamit ng kanilang parusa at ang matutuwid sa kanilang mabuting gantimpala. Katotohanan, ang katangian ng Diyos na Awa ay nababakas sa Kanyang katangiang ganap na Makatarungan. Ang mga tao na nagdurusa sa kanyang buong buhay alang-alang sa Kanya at ang mga taong nang-aapi at nanggagamit ng ibang tao sa buong buhay nila ay hindi nararapat na tumanggap ng magkatulad na pagturing mula sa kanilang Panginoon. Ang umasa ng magkatulad na pagturing ang para sa kanila ay magdudulot ng pagtanggi sa paniniwala na may pagsusulit sa Kabilang-buhay at kasama dito ay pagtanggi sa lahat ng mga gantimpala sa mga malilinis at matutuwid na buhay sa mundong ito.
Ang Islam ay pinawalang-saysay ang paglalarawan sa Diyos sa anyong tao o pagtatanghal sa Kanya na kumikiling sa ilang indibidwal o bansa sa pamantayan ng kayamanan, lakas o lahi. Nilikha Niya ang sangkatauhan ng pantay-pantay . Maaaring kilalanin ang kanilang sarili at anihin ang Kanyang pagtangkilik sa pamamagitan ng kagandahang-asal at pagkamatuwid lamang.
Pag-unawa Sa Tunay Na Kahalagahan Ng Diyos
Ang konsepto na ang Diyos ay nagpahinga sa ika-pitong araw ng paglikha, na ang Diyos ay nakipagbuno sa isa sa mga kawal Niya, na ang Diyos ay mainggitin na naghahangad ng masama laban sa sangkatauhan, o ang Diyos ay nagkatawang-tao sa kaninumang tao ay itinuturing na paglapastangan sa Diyos sa Islamikong pananaw. Ang paggamit ng Allah bilang pangalang pantangi ng Diyos ay larawan ng pagpapahalaga ng Islam sa kadalisayan ng pananampalataya sa Diyos. Ang paniniwala na ito sa Kaisahan ng Diyos, ay ang pinakamahalaga sa mensahe ng lahat ng mga Propeta ng Diyos. Dahil dito, ang Islam ay itinuturing ang pagtatambal sa Diyos ng kahit na anong sinasamba o personalidad ay napakalaking kasalanan na kailanman ay hindi mapapatawad ng Diyos kung ang tao ay namatay na hindi pinagsisihan ito.
Ang Tagapaglikha ay dapat na may kakaibang kalikasan na katangian mula sa mga bagay na nilikha kung Siya ay katulad ng kalikasan ng sa kanila, Siya ay pansamantala lamang at magkagayun nangangailangan Siya ng tagapaglikha. Kasunod nito na walang katulad Niya. Kung ang Tagapaglikha ay hindi pansamantala, magkagayun Siya ay magpakailanman.
Subalit kapag Siya ay magpakailanman, hindi Siya pwede na maging bunga, at kung walang naging dahilan ang Kanyang pag-iral, walang mula sa labas Niya na dahilan upang Siya ay patuloy na iiral, samakatuwid ay dapat na Siya ay Ganap. At kung Siya ay hindi umaasa sa anuman para magpatuloy sa Kanyang pag-iral, magkagayun ang pag-iral na ito ay walang katapusan. Ang Tagapaglikha samakatuwid ay magpakailanman:
“Siya ang Una at ang Huli, ang Pinakamataas at ang Pinakamalapit. At Siya sa bawat bagay ay may Kapangyarihan.” [MaluwalhatingQur’an 57:3]
Siya ay ganap at walang pangangailangan o kung gagamitin ang talata sa Qur’an, Siya ay Al-Qayyum. Ang Tagapaglikha ay hindi lumilikha lamang upang pairalin ang mga bagay. Siya rin ang nagpapanatili sa kanila at bumabawi mula sa kanilang pag-iral at ang puno’t dulo ng anumang mangyayari sa kanila.
“Si Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng mga bagay, at Siya sa lahat ng nilikha ang Sandigan. Taglay NIya ang mga susi ng mga Kalangitan at Kalupaan. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga Tanda ni Allah, sila yaong mga mapapahamak.” [Al-Qur’an 39:62-63]
Walang may buhay na nilikha sa lupa maliban nasa kay Allah ang panustos nila. At nalalaman Niya ang tahanan nila at lugar ng imbakan. Ang lahat ay nasa malinaw na Talaan.
Mga Katangian Ng Diyos
Kung ang Tagapaglikha ay Magpakailanman at Walang-hangganan, magkagayun ang Kanyang mga katangian dapat ding Magpakailanman at Walang-hanganan. Hindi nararapat na magmaliw ang alinman sa Kanyang mga katangian o di-kaya ay magkaroon ng bago. Kung ganun nga, magkagayun ang Kanyang mga katangian ay ganap. Maaari bang magkaroon ng higit sa isang Tagapaglikha ng may ganap na katangian? Sa sandaling pag-iisip lang ay makikitang hindi ito maaari. Maluwalhating Qur’an ay pinaiksi ang usaping ito sa mga sumusunod na mga talata:
“Hindi kumuha si Allah ng anak at wala Siyang kasama na [ibang] diyos. [At kung mayroon], magkagayun ay kukunin ng bawat diyos ang lahat ng kanyang nilikha at ang ilan sa kanila ay hahangarin na gapiin ang ibang diyos. Kaluwalhatian kay Allah na higit sa kanilang inilalarawan [patungkol sa Kanya].” [Maluwalhating Qur’an 23:91]
Ang Kaisahan Ng Diyos
Ang Qur’an ay pinaalalahanan tayo sa pagiging huwad ng lahat ng mga ipinapalagay na mga diyos. Sa mga sumasamba sa mga bagay na gawang-tao ay itatanong:
“Siya ay nagsabi, ‘Inyo bang sinasamba yaong [sarili ninyong] inukit? Samantalang si Allah ang lumikha sa inyo at sa mga gawa ninyo.’” [Maluwalhating Qur’an 37:95-96]
“… Sabihin, ‘Kumuha ba kayo bukod sa Kanya ng kakampi na hindi nag-aangkin [kahit] para sa kanilang sarili ng pakinabang o pinsala?’” [Maluwalhating Qur’an 13:16]
Sa mga sumasamba ng mga nasa kalangitan ay tingnan ang kwento ni Abraham:
“Nang ang gabi ay mabalot na siya [ng kadiliman], nakita niya ang bituin. Siya ay nagsabi, ‘Ito ang aking Panginoon.’ Subalit nang ito ay lumubog, siya ay nagsabi, ‘Hindi ko gusto ang mga lumulubog [naglalaho]. At nang makita niya ang buwan na sumisikat, siya ay nagsabi, ‘Ito ang aking Panginoon.’ Subalit nang ito ay lumubog, siya ay nagsabi, ‘Maliban ang aking Panginoon ay patnubayan ako, katiyakan ako ay kabilang sa mga taong naligaw.’ At nang makita niya ang araw ay sumisikat, siya ay nagsabi, ‘Ito ang aking Panginoon; ito ay higit na dakila.’ Subalit nang ito ay lumubog, siya ay nagsabi, ‘O aking mga [kababayan] tao, katotohanan ako ay malaya mula sa mga itinatambal ninyo kay Allah. Katunayan, ibabaling ko ay aking mukha sa Kanya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, tungo sa katotohanan, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal ng iba pa kay Allah.” [Maluwalhating Qur’an 6:76-79]
Ang Pag-uugali Ng Mga Mananampalataya
Para maging Muslim [hal. isuko ang sarili sa Diyos], kailangan na maniwala sa Kaisahan ng Diyos, sa pakahulugang Siya ang tanging Tagapaglikha, Tagapagpanatili, Tagapagtustos, atbpa. na sa huli ay tinawag na Tawhid Ar-Rububiyyah, ay hindi pa sapat. Marami sa mga pagano ay alam at naniniwala na ang tanging Kataas-taasang Diyos ang makagagawa ng lahat ng ito. Para magkamit ng Tawhid Ar-Rububiyyah ay dapat ang Tawhid Al-Uluhiyyah, hal. dapat kilalanin ang katotohanan na ang Diyos ang tanging karapat-dapat na sambahin, at dapat umiwas sa pagsamba sa anumang nilikhang bagay.
At upang marating ang ganitong kaalaman ng Nag-iisang Tunay na Diyos, ang tao ay nararapat na patuloy sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Kanya, at nararapat na walang makakapilit sa kanya na itanggi ang katotohanan. Kapag ang tunay na pananampalataya ay pumasok sa puso ng tao, mababakas ito sa panlabas na anyo at gawi. Ang Propeta ﷺ ay nagsabi,
“Ang pananampalataya ay kung ano ang laman ng puso na pinatutunayan ng mga gawa.”
Isa sa mga kapansin-pansin na bunga ng pananampalataya ay ang pagiging mapagpasalamat sa Diyos, na masasabing katas ng Ibada [pagsamba]. Ang damdamin ng pasasalamat ay napakahalaga na ang sinumang itanggi ang katotohanan ay tatawaging kafir, o taong ‘walang utang na loob.’ Ang mananampalataya ay nagmamahal, at mapagpasalamat sa Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa kanya. Nalalaman niya na ang katotohanan ay ang mga mabubuting gawa niya ay hindi sapat na kabayaran sa Banal na pabor, at kung kaya siya ay palaging balisa para sa kaluguran ng Diyos. Madalas niyang inaalala ang Diyos. Maluwalhating Qur’an ay naghihikayat ng damdaming mapagpasalamat sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsambit ng mga katangian ng Diyos na napakadalas.
“Si Allah! Walang ibang Diyos maliban sa Kanya, Siya ay Buhay na walang kamatayan, ang Tagapagtustos ng [lahat] nilikha. Walang pagod at puyat para sa Kanya. Sa Kanya ang mga pag-aari ng mga nasa kalangitan at kalupaan. Sino ang makapamamagitan sa Kanya maliban sa pahintulutan Niya? Nalalaman Niya kung ano ang nasa harapan nila [ngayun] at kung ano ang pagkatapos nila, at wala silang kabatiran sa Kanyang kaalaman maliban sa Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi [patungan ng paa] ay nasasakop ang mga kalupaan at kalangitan, at hindi Siya napapagod sa pagpapanatili sa kanila. At Siya ang Kataas-taasan at ang Makapangyarihan.” [Maluwalhating Qur’an 2:255]