Ang Qur’an ay Kapwa Itinuturo!
- Sinasabi “si Allah ay – Al Khaliq” (Ang Tagapaglikha)
- Sinasabi ring “si Allah ay – Al Bari” (Ang Tagapag-anyo)
Para sa Muslim hindi kailangan ang paghihiwalay sa pagitan ng relihiyon at agham. Ito ay naiintindihan mula sa Qur’an, na ipinahayag mahigit 1,400 taon na ang nakalipas, na mayroon kapwa ; “Paglikha” at “Ebolusyon.” At sa parehong pagkakataon, si Allah lamang ang, “Ang may kakayahang gumawa ng lahat ng mga bagay.” Sa katunayan, ang mga siyentipikong Muslim, sa mahigit na 1,000 taon na ang nakalipas, ang nagsa-ayos ng yugto para sa pagsulong ng pag-aaral, teknolohiya at mga disiplina sa agham na alam natin ngayun.
Si Allah ay ipinaliwanag kung paano Niya nilikha ang bawat bagay dito sa santinakpan at mula sa tubig ay ginawa ang lahat ng buhay. Nilikha ang mga tao mula sa lupa (hindi sa mga unggoy) at hindi ng kailangan pa na tangkaing gumawa ng mga gawa-gawang “mga ugnayan” sa mundo ng mga hayop sa Islam.
Ang Bibliya ng Kristiyano ay nagsasabi na si Adan at Eba ay kapwa nilikha dito sa Mundo, sa kumulang na 10,000 taon ang nakalipas. Ang Qur’an ay nagsasabi na si Adan at Eba ay nilikha sa Langit, at HINDI sa Mundo. Nang kanilang sinuway ang Diyos, sila ay pinalabas Niya mula sa Langit, pababa sa Mundo.
Ang mga Muslim naniniwala na ang mga kaluluwa ay itinalaga na sa mga tao 40 araw pagkatapos na magsimulang mabuo ang tao. Ang Qur’an ay nagsasabi na ang mga anghel ay binabawi ang mga kaluluwa ng tao sa dalawang pagkakataon. Ang isang pagkakataon ay kung ang mga tao ay mamatay. Ang isa pang pagkakataon ay sa oras na ang mga tao ay natutulog. Kung ang mga tao ay nagising, ang mga anghel ay pinakakawalan ang mga kaluluwa pabalik sa kanila.
Si Allah ang kumukuha ng mga kaluluwa sa oras ng kanilang kamatayan at iyong hindi pa namatay [ay kinukuha Niya] habang sila’y natutulog. Hinahadlangan Niya [na makabalik pa ang mga kaluluwa] sa naitakda nang mamatay at ibinabalik Niya ang ibang [mga kaluluwa] hanggang sa takdang oras. Tunay na dito ay mayroong mga tanda para sa mga taong nag-iisip. [Maluwalhating Qur’an 39:42]
At si Allah ang Naglikha ng bawat hayop mula sa tubig. At sa kanila ay may gumagapang sa kanilang tiyan, at sa kanila ay may lumalakad sa dalawang binti, at sa kanila ay may lumalakad sa apat. Si Allah ay lumilikha ng Kanyang nais. Tunay na si Allah ay may Kapangyarihan sa lahat ng bagay. [Maluwalhating Qur’an 24:45]
Ang Qur’an ay nauna nang nakapaghanda 14 na siglo bago pa ang modernong agham, ipinapaliwanag sa simple at direktang mga pangungusap tungkol sa Kanyang “paglikha” ng mga hayop at ang kanilang magkaka-ibang tungkulin at tiniyak sa atin na Siya ay mayroong Kapangyarihan sa lahat ng bagay.
Ang paglalahad na ito ay kalakip ang katotohanan na si Allah kung nais Niya, baguhin at palitan ang Kanyang nilikha sa anumang Kanyang Naisin.
Mayroong malinaw na katibayan sa loob ng maraming uri ng hayop ang pagpapalit at pagbabago sa loob mismo ng mga uri nito. Datapwa’t, walang matibay na katibayan na magpapatunay na may paglipat sa pagbabago mula sa isang uri patungo sa iba, kagaya halimbawa ng mga reptilya na naging mga ibon o buwaya na naging mga baka.
Ang mga paglalahad na ginawa sa Qur’an ay napakalinaw nang si Allah ay nagpahayag sa atin ng pagdating ng iba pang mga anyo ng buhay at pagkatapos ay lipulin o palitan sila ng iba. Sa muli , hindi nagpapahiwatig na ang ebolusyon sa kaisipan na ang isang uri ay magiging o magpapalit tungo sa isa pa.
Si Allah nagpahayag sa atin na Siya ay Al-Bari, (Ang Tagapaghubog o Nagpapainog) subalit muli, ito ay hindi nangangahulugang Siya ay may pangangailangang palitawin ang bawat anyo ng buhay lahat mula sa iisang uri. Sa katunayan, habang binabasa ang Qur’an, ay malalaman mo na Siya ay lumikha ng maraming uri at hugis at sukat ayon sa Kanyang Nais. Ang pagbabago sa loob ng mga uri ng hayop ay nagaganap na kasing bilis ng isa o dalawang mga kapanahunan, na hindi pa aabot kahit na isang buong taon, mas mababa ng milyon na gaya ng ipinapalagay ni Darwin.
Napag-usapan si Charles Darwin, siya ay isang balangkas ng mga nagsasaliksik ng kalikasan ng mga hayop at pinag-aralan lamang ang mga ibong finches sa mga isla ng Galapagos sa unang pagkakataon sa kalagitnaan ng taong 1850.
Kanyang napansin na sa bawat isla ang mga ibon ay mayroong ibat ibang hugis ng tuka na ayon sa uri ng pagkain na mayroon sa kanila sa bawat isla. Sa ganitong kadahilanan, kanyang inakala, na ang mga ibon ay nagkaroon ng pagbabago sa mahigit na ilang milyong taon at tanging ang pinakamatibay na uri lamang ang nakaligtas sa pagbago-bagong klima at mga pananim.
Gayunman, ito sa kabuuan ay may mali at pinawalang-saysay bilang isang katatawanan lamang sa isang serye sa TV (telebisyon) sa pang-edukasyong himpilan noong Oktubre 1998. Ayun sa mga siyentipiko ang mga tuklas sa parehong taon, ang mga dulot ng pangyayari sa panahon katulad ng El Niño, ang klima sa eksaktong mga islan ay nagkaroon ng matinding pagbabago sa loob lamang ng ilang mga buwan sa isang taon. At sa kanilang pagkamangha, ang mga itlog nitong mga ‘finches’ sa bawat isla ay napisa at naglabas ng mga ibon na may mga tukang nabago na upang umakma sa mga pagbabago ng kanilang kapaligiran.
Ang komentarista ay nagsabi pa na natumbok nito ang pabagsak ng teorya ni Darwin ng tuluyan at siya ay tumawa.
Walang pagsasaliksik na DNA ang tumutumbok sa pagkakaugnay sa pagitan ng mga unggoy at mga tao gaya ng ipinalagay ng mga siyentipiko at yaong mga gumastos sa kanila sa maraming taon. Sa katunayan, ang baboy na pang kamalig ay mas malapit sa mga tao sa maraming aspeto, kaysa unggoy o bakulaw. Isaalang-alang ang katotohanan, na ang mga manggagamot ay gumagamit ng balat ng mga baboy para palitan ang kailangang tisyu sa mga biktima ng sunog at ang tanyag na artistang si John Wayne ay may balbula ng puso ng baboy na inilagay sa kanyang sariling puso sa isang operasyon noong 1977 para masagip ang kanyang buhay. Ito ay gumana, ganunman – hanggang ang kanyang paninigarilyo ang naging dahilan ng kanyang kamatayan sa sakit na kanser.
Ang makatuwirang pagharap sa buong paksa sa halip ay lalong madali. Katulad ng Kanyang kakayahang likhain ang santinakpan at magbigay ng buhay, madali lamang din para sa Kanya ang magpalitaw ng maraming ibat-ibang uri ng anyo ng buhay kung Kanyang Nais. Hindi mahirap para sa Kanya, pagkatapos ng lahat – Siya ang Tagapaglikha at Siya ang Tagapaghubog. At ang pinaka mahalaga sa lahat, maaari Niyang baguhin ang anuman ayon sa Kanyang Nais – kahit pa ngayun.