Home Mga Tanong Maluwalhating Qur'an Si Muhammad ﷺ ba ang sumulat ng Qur’an?

Si Muhammad ﷺ ba ang sumulat ng Qur’an?

Si Muhammad ba ang sumulat ng Qur'an?

Maaari ko bang itanong – ang tungkol sa mga tao na sumulat ng unang Qur’an? [Sinabi mong si Propeta Muhammad ﷺ ay hindi marunong sumulat/bumasa, at ang kanyang mga kaibigan ang sumulat ng Qur’an pagkatapos niyang mamatay]. “Kanila bang inunawa o binago o dinagdagan o binawasan ang alinman sa mga talata ng Qur’an?”


Ikaw ay malugod na tinatanggap upang muling tingnan ang mga patunay at isaalang-alang para sa iyong sarili.

Hindi. Si Muhammad ﷺ ay hindi isinulat ang Qur’an. Hindi niya kayang gawin ito, dahil siya ay hindi nakapag-aral. Hindi siya marunong sumulat o bumasa at maraming nagpatotoo sa katotohanan nito.

“Magkagayon, kung hindi si Muhammad ﷺ ang sumulat ng Qur’an, ay sino?”

Walang tao na “gumawa” ng Qur’an. Ang Qur’an ay bumaba kay Muhammad ﷺ, mula sa Makapangyarihang Diyos [Allah] sa pamamagitan ng anghel Gabriel [Jibril] at isinaulo niya at pagkatapos ay itinuro sa kanyang mga Kasamahan ng pasalita.

Ang salitang “Qur’an” ay nangangahulugan ng “Pagbigkas”. Paano mo “isusulat ang tunog” binigkas na mga tunog? Ang maaari mo lang isulat kung ano ang iyong naririnig at inilalarawan ng panulat at tinta sa papel. Katunayan ang mga tao ay isinusulat lamang ang mga salita na kanilang naririnig sa “Qur’an” [Pagbigkas] ni Muhammad ﷺ, habang binibigkas ito sa kanila. Ang tunay na himig, tono, at tunog ay tunay na hindi natala sa papel.

Nang magkaroon kami ng Qur’an na nakasulat, sa anyong aklat ay kadalasang itinuturing itong kasulatan [mus-haf sa Arabik], bagamat ito ay nananatili parin Qur’an ito para sa amin. Kung kaya, habang ito ay ganun nga, ay maaaring isulat sa anyong aklat, kung ano ang naririnig natin sa ilang anyo o iba pa, ang pinakapunto ay na si Muhammad ﷺ, ay hindi ito binuo, o gawa-gawa o kathang-isip ang mga salita sa Qur’an. At walang paraan na magawa niya, dahil siya ay walang pinag-aralan at hindi kayang bumasa o sumulat. Kung kaya, ang katanungan ay tama na itanong sa ganitong paraan:

Sino ang unang bumigkas ng Qur’an?

Ngayon ito ay madali ng katanungan.
Ayon sa mga katuruan ng Qur’an, ito ay dumating ng direkta kay Muhammad ﷺ, mula sa anghel Gabriel [Jibril], na tumanggap mula sa Makapangyarihang Diyos [Allah] at pagkatapos ay binigkas ito kay Muhammad ﷺ, ng baha-bahagi, pangu-pangungusap, ipinapahayag na maliit at malalaking bahagi nito sa loob ng 23 taon.

Ang aktwal na pagkakabuo at pagkaka-ayos ng mga talata ay hindi kailanman binago ni Muhammad ﷺ. Si Jibril, ang Anghel ni Allah, ang nagtagubilin kung saan ilalagay sa tuwing may ipinahayag na bahagi ng Qur’an.

Kailangan bang isulat ang Qur’an para mapangalagaan?

“Kung si Muhammad ﷺ ay hindi marunong sumulat/bumasa, magkagayun ang kanyang mga kaibigan ay kailangan na isulat ang Qur’an [katulad ng Biblia] — tama?

Hindi! Muli, hindi nila kailangang isulat ito upang mapangalagaan, bagamat ginawa nila ito. Kanilang nasaulo ang lahat ng ito mula sa kanilang mga narinig.

Ang ilan sa kanila ay isinulat ito sa mga balat ng hayop, ang iba ay sa malalaking bato o dahon ng palmera, dahil ang propeta Muhammad ﷺ, ay inutusan sila na gawin ito. Kung kaya, kanilang isinulat kung ano ang kanilang narinig at iyan ang Qur’an sa anyong panulat. Silang lahat ay nasaulo ang Qur’an sa kanilang sarili at ipinasa ito kung paano nila nakuha ito. Ang bibig patungo sa tainga na pamamaraan ng pagsasaulo ay ginagamit parin sa parehong paraan ngayon sa makabagong mga Muslim.

“Maari nagkamali sila ng pagkaunawa o kaya’y binago o dinagdagan o binawasan ang alinmang talata sa Qur’an?”

Hindi! Si Allah ay sinabi sa atin sa Qur’an mismo:

“Kung kayo ay may alinlangan sa ibinaba Namin sa Aming alipin (Muhammad ﷺ), ay gumawa kayo ng isang kabanata katulad nito” [Maluwalhating Qur’an 2:23]

Kung kaya, nakikita natin na ito ay aklat, oo. Subalit hindi ito katulad ng pangkaraniwang aklat na isinulat o ginawa ng mga tao at ito ang pinakapunto dito.

Ngayon ito ang iyong pagkakataon upang bigyang-linaw ang pag-aangkin na ito, na ang Qur’an ay inaangkin sa kanyang sarili na mapapanaligan ito:

“Ito ang Aklat [Qur’an] na dito ay walang alinlangan…” [Maluwalhating Qur’an 2:2]

“Hindi ba isinasaalang-alang ng mga di-sumasampalataya ang Qur’an, na kung ito ay galing sa iba bukod kay Allah, magkagayon malalaman nila na ito ay maglalaman ng maraming salungatan?” [Maluwalhating Qur’an 4:82]

“Ipapakita Namin sa kanila ang mga Tanda sa kalawakan at sa kanilang mga sarili…” [Maluwalhating Qur’an 41:53]

“Kung kayo ay may alinlangan sa ibinaba Namin sa Aming alipin (Muhammad ﷺ), ay gumawa kayo ng isang kabanata katulad dito…” [Maluwalhating Qur’an 2:23]

Hanggang ngayon, walang isaman ang nakapaglabas ng kahit anong makakalapit man lang sa Qur’an sa kagandahan, estilo, kahulugan at mga propesiya. Ang makaagham na mga katunayan at mga katibayan na dahilan upang ang Qur’an ay maging pinakapinag-uusapang aklat sa mundo ng matatalino ngayon.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…