Ang Qur’an patungkol sa Dagat at Ilog
Ang Qur’an ay tumalakay sa dagat at ilog, higit sa 1,400 taon na ang nakakaraan
Ang makabagong Agham ay natuklasan na sa mga lugar na kung saan nagtatagpo ang dalawang magkaibang karagatan, ay may harang sa pagitan nila. Ang harang na ito ang naghahati sa dalawang karagatan kung kaya’t ang bawat isang dagat ay may sariling temperatura, alat, at kasinsinan. [Principle of Oceanography – Davis, pp. 92-93]
Halimbawa, ang tubig ng Dagat Mediteraneo ay maligamgam, maalat at hindi gaanong masinsin, kung ihahambing sa tubig ng Karagatang Atlantiko. Kapag ang tubig ng Dagat Mediteraneo ay pumapasok sa Atlantiko sa ibabaw ng lagusan ng Gibraltar, ito ay kumikilos ng ilang daang kilometro sa Atlantiko sa lalim na halos 1,000 metro na nasa kanyang sariling ligamgam, alat at hindi gaanong kasinsinan na mga katangian. Ang tubig Mediteraneo ay nananatili sa lalim na ito. [Principles of Oceanography p. 93]
Ang tubig ng Dagat Mediteraneo habang ito ay pumapasok sa Atlantiko sa ibabaw ng lagusan ng Gibraltar na nasa kanyang sariling ligamgam, alat at hindi gaanong kasinsisinan na mga katangian, ay dahil sa harang na nagbubukod sa pagitan nila. Ang temperatura ay nasa antas ng Sentigrado [C].
Kahit sa kalaliman [ipinakikita dito sa pamamagitan ng mas madilim na mga kulay] hanggang 1,400 metro at sa layong mula sa minus -100 hanggang +2,500 metro, ay makikita nating ang parehong katawan ng tubig ay nanatili ang kanilang kanya-kanyang temperatura at alat.
Bagama’t mayroon naglalakihang mga alon, malalakas na mga agos, at pagtaas-baba ng tubig sa mga karagatang ito, hindi sila naghahalo o lumalagpas sa harang na ito.
Ang Maluwalhating Qur’an ay binanggit na mayroon harang sa pagitan ng dalawang karagatan na nagtatagpo at hindi sila lumalagpas sa isat–isa. Ang Diyos ay nagsabi:
“Hinayaan Niya ang dalawang karagatan na magtagpo. Sa pagitan nila ay may harang. Hindi sila lalagpas [sa isat-isa].”
[Maluwalhating Qur’an 55:19-20]
Subalit kapag ang Qur’an ay nagsasalita tungkol sa nagbubukod sa pagitan ng tubig tabang at tubig alat, ay binabanggit ang pagkakaroon ng “sagkang ipinagbabawal” kasama ang harang.
Ang Diyos ay nagsabi sa Qur’an:
“At Siya ang nagpakawala ng dalawang umaagos na tubig, isa sa kanila ay matamis at malinis, at ang isa naman ay maalat at mapait. At kanyang ginawan sa kanilang pagitan ay harang at sagkang ipinagbabawal.” [Maluwalhating Qur’an 25:53]
Maaaring itanong, bakit binanggit sa Qur’an ang sagka kapag pinag-uusapan ang nagbubukod sa pagitan ng tubig tabang at tubig alat, subalit hindi ito binabanggit kapag ang pinag-uusapan ang tungkol sa nagbubukod sa pagitan ng dalawang karagatan?
Ang makabagong agham ay natuklasan na sa wawa, na kung saan ang tubig tabang at tubig alat ay nagtatagpo, ang kalagayan ay kahit papaano ay magkaiba mula sa natagpuan sa mga lugar na kung saan ang dalawang karagatan ay nagtatagpo. Ito ay natuklasan na ang nagtatangi sa tubig tabang mula sa tubig alat sa wawa ay “‘pycnoline zone’ ay may tanda ng hindi pagpapatuloy ng kasinsinang nagbubukod sa dalawang latag.” [Oceanography p. 242]
Ang sagka [sona ng pagbubuklod] na ito ay may magkaibang alat mula sa tubig tabang at mula sa tubig alat. [Oceanography p. 244 at Introductory Oceanography pp. 300-301]
Ang kaalamang ito ay natuklasan kamakailan lamang gamit ang makabagong mga kagamitan para masukat ang temperatura, alat, kasinsinan, hindi paghalo ng hangin, atbp. Ang paningin ng tao ay hindi kayang makita ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang karagatan na nagtatagpo, bagkus ang dalawang karagatan ay nakikita natin bilang isang magkakatulad na dagat. Ganundin ang paningin ng tao ay hindi nakikita ang pagkakabahagi ng tubig sa wawa sa tatlong uri: ang tubig tabang, ang tubig alat, ang sagka [sona ng pagbubuklod].
Paano tayo? Tayo ba ay bahagi ng nilikha? Paano tayo nagsimula? Ano ang nagpaunlad sa atin at dahilan na tayo ay nabubuhay at mamamatay? Paano tayo natutustusan?
Abangan ang susunod na artikulo patungkol sa “Embrayonikong paglago ng tao sa nakalipas na higit 1400 taon“.