Ang Qur’an at mga Ulap
“Ang tubig ay nagiging singaw mula sa mga karagatan at mga ilog na namumuong maliliit na mga ulap. Ang maliliit na mga ulap ay nagsasama at ang pwersang pataas sa loob ng malaking ulap ay nadaragdagan. Ang pwersang pataas na malapit sa gitna ay higit na malakas, dahil sila ay protektado mula sa malamig na epekto ng labas na bahagi ng ulap. Ang pwersang pataas na ito ay nagdudulot sa katawan ng ulap para umusbong ng pataas, kung kaya ang ulap ay nagkakapatong-patong pataas. Itong pag-usbong na pataas ang nagdudulot sa katawan ng ulap para umabot sa higit na malamig pang rehiyon ng atmospera na kung saan ang mga patak ng tubig at ulan ng may yelo ay nabubuo at nagsisimulang lumaki ng lumaki. Kapag ang mga patak na ito ng tubig at ulan na may yelo ay naging napakabigat na para sa pwersang pataas na buhatin sila, sila ay magsisimulang bumagsak mula sa ulap bilang ulan, ulan na may yelo, atbp.” [Mula sa “The Atmosphere” p. 269 and “Elements of Meteorology” pp. 141-142]
Ngayon alang-alang sa pangangatuwiran, ating tingnan kung ano ang ginamit ng mga “Siyentipikong Muslim” na tuntunin sa kanilang pagkaunawa sa nakalipas na mga siglo base sa kapahayagan ng Qur’an [ipinahayag 1400 na nakalipas]:
Hindi mo ba nakikita kung paano pinagagalaw ni Allah ang ulap? At pagdaka’y pinagsama-sama sila, pagkatapos ay ginawa silang magkakapatong, at pagkatapos iyong makikita ang ulan lumabas mula dito… [Maluwalhating Qur’an 24:43]
Ang mga meteorolohista ay nalaman lamang kamakailan ang mga detalyeng ito ng pagbubuo ng ulap, estraktura, at paggana gamit ang makabagong kagamitan katulad ng mga eroplano, satelayt, kompyuter, mga lobo, at iba pang kagamitan para pag-aralan ang hangin at ang direksyon nito, para masukat ang halumigmig nito at ang pagkakaiba-iba nito, at para malaman ang mga bahagdan at pagkakaiba-iba ng pwersa ng atmospera.
Ang sumunod na talata, pagkatapos na banggitin ang mga ulap at ulan, ang Qur’an ay nagsalita tungkol sa ulan na may yelo at kidlat:
At ipinababa Niya mula sa kalawakan, mga bundok [na ulap] na sa loob nito ay ulang may yelo, at Kanyang pinababagsakan nito ang sinuman nais Niya at pinipigil ito sa kaninuman nais Niya. Ang kislap ng kidlat nito ay halos bulagin ang iyong mga mata. [Maluwalhating Qur’an 24:43]
Ang mga meteorolohista ay natagpuan na itong mga ulap ulan [cumulonimbus clouds], na nagpapaulan ng may yelo, ay naaabot ang taas na 25,000 hanggang 30,000 piye [4.7 hanggang 5.7 milya] katulad ng mga bundok, kagaya ng binanggit sa Qur’an;
At pinababa Niya ang ulan na may yelo mula sa mga bundok [na ulap] sa kalawakan… [Maluwalhating Qur’an 24:43]
Ngayon sa talatang ito ay maaaring itanong: “Bakit ang talata ay nagsasabing ‘ang kidlat nito’ habang tinutukoy ang ulan na may yelo? Ito ay maaaring magpahiwatig na ang ulan na may yelo ay malaking dahilan sa pagkakaroon ng kidlat. Sa paghahanap sa aklat ng paksang [Meteorology Today] ay natagpuan natin na nagsasabi itong:
“Ang mga ulap ay nagkakaroon ng kuryente kapag ang ulan na may yelo ay bumagsak sa rehiyon ng ulap na napakalamig na butil ng patak at kristal na yelo. Kapag ang mga butil ng patak ng tubig ay bumabangga sa ulan na may yelo sila ay tumitigas sa pagtama at naglalabas ng nakatagong init. Ito ang nagpapanatili sa ibabaw ng ulan na may yelo na mas maligamgam kaysa sa mga paligid ng yelong kristal. Kapag ang ulan na may yelo ay tumatama sa yelong kristal, isang mahalagang pangyayari ang nagaganap: ang mga elektron ay dumadaloy mula sa malamig na bagay patungo sa maligamgam na bagay. Kung kaya, ang ulan na may yelo ay magiging negatibong karga. Katulad na epekto ang nangyayari kapag ang napakalamig na butil ng patak ay bumabangga sa kapirasong ulan na may yelo at maliliit na piraso ng positibong karga na yelo ay mabibiyak. Itong mas magaan, positibong kargang mga parte ay dadalhin sa itaas na bahagi ng ulap ng hanging pataas. Ang ulan na may yelo, na naiwang may negatibong karga, ay nahuhulog sa pinakaibaba ng ulap, kung kaya ang ibabang bahagi ng ulap ay magiging negatibong karga. Ang mga negatibong karga na ito ay ididiskarga sa kalupaan bilang kidlat. [Meteorology Today p. 437]
Ang impormasyon sa kidlat ay natuklasan lamang kumakailan. Hanggang 1,600 A.D., ang pananaw ni Aristotle sa meteorolohiya ang nangingibabaw sa mga di-Muslim na mga bansa. Halimbawa, siya ay nagsabi na ang atmospera ay naglalaman ng dalawang uri ng pagbuga, mahalumigmig at tuyo. Siya din ay nagsabi na ang kulog ay tunog ng banggaan ng tuyong buga sa katabing mga ulap, at ang kidlat ay nagliliyab at nagsusunog ng tuyong buga na may manipis at mahinang apoy. [Works of Aristotle Translated into English pp. 369 a&b]
Ito ang ilang mga pananaw sa meteorolohiya na nangingibabaw sa panahon na ang Qur’an ay ipinahayag, labing apat na raang taon na ang nakalipas.