Isa sa katangian ng Diyos, Ang Makapangyarihan sa lahat
Halimbawa: Kaya ba ng Diyos lumikha ng napakalaking bato na walang sinuman ang makapag-papagalaw nito? Kung kaya Niyang lumikha ng napakalaking bato na walang sinuman ang makapag-papagalaw nito, maaaring mangahulugan rin na hindi Niya ito kayang pagalawin? O imposible sa Kanya na gumawa ng isang napakalaking bagay na hindi Niya kayang pagalawin?
Sabi ni Allah sa atin “Si Allah ay mayroong kakayahang gawin ang anumang bagay na Kanyang Nais gawin.” Dapat malamang sa Islam na naiintindihan nating si Allah ay hindi kailanman magnanais ng anumang bagay na gagawin Niya na hindi na bilang si Allah. Ito ay para sabihing, Siya ay hindi kailanman mamamatay sapagka’t ito ay mangangahulugang Siya’y hindi na “Ang Walang Hanggang Buhay” [isa sa Kanyang mga katangian na nabanggit sa Maluwalhating Qur’an].
Samakatuwid, Siya ay may kakayahang lumikha ng isang bato [o anuman sa ganung bagay] napakalaki o napakabigat – na walang sinuman sa buong sansinukob ang may kakayahang magpagalaw nito. Hinggil kay Allah sa ‘pagpapagalaw’ nito, Siya ay wala sa loob ng sansinukob at Siya ay walang kagaya sa Kanyang mga nilikha. Samakatuwid, Si Allah kailanman ay hindi saklaw ng mga Batas ng Nilikha dahil Siya ang kapwa Manlilikha at ang Tagapagbigay ng Batas. Kailanman Niya naising gawin ang anumang bagay, Kanya lamang sasabihin “Kun! Fa yakun!” [Mangyari! At mangyayari nga!]
Ang Diyos sa Qur’an
Tungkol naman sa Kanyang sarili, sinabi ni Allah:
“Ang (Allah) Tagapagpasimula ng mga kalangitan at kalupaan. At kapag ipinasya Niya ang isang bagay, Kanya lamang sasabihin ‘MANGYARI’ – at mangyayari nga.” [Maluwalhating Qur’an 2:117]
Nagsabi siya: “O Panginoon ko, papaano akong magkakaroon ng anak samantalang hindi naman ako nasaling ng isang lalaki?” Nagsabi ito: “Ganyan si Allah, linilikha Niya ang anumang Kanyang nais; kapag ipinasya Siya ang isang bagay ay magsasabi lamang Siya rito: MANGYARI! at mangyayari nga.” [Maluwalhating Qur’an 3:47]
Tunay na ang pagkakatulad kay Hesus para kay Allah ay kahalintulad ni Adan; nilikha Niya ito mula sa alabok, pagkatapos ay nagsabi Siya rito: ‘MANGYARI!’ at nangyari nga. [Maluwalhating Qur’an 3:59]
Siya at ang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan kalakip ang katotohanan, at sa Araw [ng pagkabuhay] ay magsasabi Siya: “Mangyari” kaya mangyayari. Ang sinasabi Niya ay ang katotohanan. Kanya ang paghahari sa araw na iihip sa tambuli. Ang Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan, Siya ang Marunong, ang Nakababatid [ng lahat]. [Maluwalhting Qur’an 6:73]
Ang sabi Namin sa isang bagay kapag hinangad Namin ito ay na magsasabi lamang Kami ng “Mangyari” at mangyayari nga. [Maluwalhating Qur’an 16:40]
“Hindi marapat kay Allah na magkaroon Siya ng isang anak; kaluwalhatian sa Kanya. Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay sasabihin lamang Niya na ‘MANGYARI’ at mangyayari nga.” [Maluwalhating Qur’an 19:35]
Ang utos Niya kapag naghangad Siya ng isang bagay ay na magsasabi lamang ng “Mangyari” at mangyayari na. [Maluwalhating Qur’an 36:82]
“Siya ang nagbibigay ng buhay at nagsasanhi ng kamatayan. At kapag Siya ay nagpasya sa isang bagay ay magsasabi lamang:‘MANGYARI!’ at mangyayari nga.” [Maluwalhating Qur’an 40:68]
Ang paglikha ayon sa nakita natin sa mga talata, ito ay isang bagay na hindi mahirap para sa Diyos kailanman. Siya ay magbibigay lamang ng utos at lahat ay magaganap ayon sa Kanyang Nais.