Home Mga Tanong Allah Si Allah ba ay Diyos na Buwan?

Si Allah ba ay Diyos na Buwan?

Si Allah ba ay Diyos na Buwan?

Makatotohanan ba na si Allah ay Diyos na Buwan?


Pinatunayan ng Qur’an – Si “Allah” ay HINDI isang ‘diyos na buwan’:

“At kabilang sa mga Tanda Niya ay ang gabi at ang maghapon, ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan; magpatirapa kayo kay “Allah” na lumikha sa mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.” [Maluwalhating Quran 41:37]

Ang kakilala kong Kristiyano ay nagpadala sa akin ng kopya ng librito ni Morey ay nagpadala din sa akin ng limang katanungan kaugnay sa paksaing ito. Ako ay susubok na sagutin ang mga yaon sa ibaba.

Ano ang kahalagahan ng bagong buwan sa Islam?

Sagot:
Ang Qur’an ay sumagot sa katanungang ito bago ka pa nagtanong. Basahin ang talatang ito:

“Tinatanong ka ba nila tungkol sa mga bagong buwan? Sabihin mo: ‘Ang mga ito ay mga palatandaan ng mga takdang panahon para sa mga tao at sa hajj… ” [Maluwalhating Quran 2:189]

Bakit ang Islam ay sumusunod sa kalendaryong lunar?

Sagot:
Sa parehong Biblia at ang Qur’an ang mga pangrelihiyong pagdiriwang ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng kalendaryong lunar. Ang mga Hudyo at mga Muslim ay pinanatili ang mga pangangasiwang ito na kanilang pinaniniwalaang galing sa Diyos. Bakit naman ang mga Kristiyano ay sinusunod ang kalendaryong solar?

Bakit ang pagdiriwang ng Ramadan ay tinatandaan sa pamamagitan ng paglitaw ng bagong buwan?

Sagot:
Sa palagay ko ang ibig mong sabihin ay pag-aayuno sa Ramadan. Ang Diyos ay inutusan ang mga Muslim sa Qur’an na mag-ayuno mula sa bukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw sa tuwing buwang tinatawag na Ramadan [tingnan sa Qur’an 2:185-187]. Ang simula at katapusan ng buwan ay tinatandaan sa pamamagitan ng bagong buwan [2:189] ayon sa tagubilin ng Sugo ni Allah [sumakanya ang kapayapaan].

Kung bakit ang paraang ito at hindi ang iba ay wala sa atin na sabihin kundi sa Diyos at Kanyang Sugo lamang na mag-atas. Ganunpaman, natagpuan ko itong pamamaraan na tumpak. Ito ay pamamaraang angkop sa pandaigdigan, at ito ay nagpapahintulot sa Ramadan na umikot sa lahat na mga panahon. Ito ay pinahihintulutan ang mga mananampalataya na magkaroon ng kasiyahan sa pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno sa lahat ng ibat-ibang panahon; isang taon sa tag-init, sa susunod na ilang taon ay sa taglamig.

Bakit ang Qur’an ay inilagay ang mga Sabeano sa kapantay na antas kasama ng mga Hudyo at Kristiyano samantalang ang mga pantas ay maliwanag na napatunayan na ang mga Sabiano ay sangkot sa kultong sumasamba sa buwan?

Sagot:
Wala akong kamalayan na ang Qur’an ay ipinantay ang mga Sabeano sa parehong antas kasama ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Marahil ay nasa isip mo ay ang sumusunod na talata:

“Tunay na ang mga sumasampalataya, ang mga nagpaka-Hudyo, Kristiyano at mga Sabeano: ang sinumang sumampalataya kay Allah at sa Huling Araw at gumawa ng matuwid ay makakamit nila ang kabayaran nila buhat sa Panginioon at walang pangamba sa kanila at hindi sila malulungkot.” [Maluwalhating Quran 2:62, ganundin sa 5:69]

Ang talatang ito, datapwa’t, ay hindi naglalagay sa mga Sabeano sa parehong antas katulad ng mga Hudyo at mga Kristiyano maliban sa isang tukoy na pakahulugan. Ang talata ay nagsasabi sa apat na magkakaibang mga pamayanan, at nag-aalok sa lahat na apat ng pagkakataon na huwag matakot ni malungkot kung sila lamang ay maniniwala kay “Allah” at sa Huling Araw at gagawa ng mabuti. Ang apat na pamayanan ay ang mga:

  1. Mga Mananampalataya [mga Muslim]
  2. Ang mga Hudyo
  3. Ang mga Kristiyano
  4. Ang mga Sabeano

Habang silang lahat ay inalok ng parehong pagkakataon para sa pagbabago, subalit wala, na sinabi sa talatang ito tungkol sa katotohanan ng mga umiiral na pananampalataya ng apat na pamayanang ito. Na sa kabilang banda ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay tinutuligsa ng Qur’an dahil sa kanilang mga pagkaligaw ay hindi ilalagay sa parehong antas na kapantay ng mga mananampalataya. Ang bagay na ito ay naging maliwanag kapag napagtanto mo na ang mga mananampalataya dito ay hindi nangangahulugang ligtas na mga tao bagkus sila lamang mga maliwanag na nabibilang sa pamayanan ng mga Muslim. Sila din, katulad din ng tatlo pang grupo, ay dapat na gawin ang sumusunod para maligtas:

  • Maniwala kay “Allah”
  • Maniwala sa Huling Araw
  • At gumawa ng kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan ayon sa Qur’an ay kabilang ang pagsunod sa bawat aral ni Muhammad.

Ang mga taga Makkah ba ay sinasamba ang tunay na Diyos gayong kinikilala nila si “Allah”? Si “Allah” ba ay isa sa mga diyos ng Ka’bah? At kung ganito nga, saan hinango ng mga taga Makkah ang pagkilala at ang pangalan ni “Allah”?

Sagot:
Una, si “Allah” ay hindi isa sa 360 poon na naroroon sa Ka’bah, kahit pa si Morey ay inangkin ito ng wala namang katibayan. Nang si Propeta Muhammad ﷺ ay pumasok ng matagumpay sa Makkah siya ay pumunta sa Ka’bah at binasag ang lahat ng mga poon doon.

Pangalawa, ang katagang “Allah” ay ginagamit na noon pa man bilang pangalan ng Diyos sa Arabikong Biblia para sa parehong Hudyo at Kristiyano. Ang katibayan ay napakadaling patunayan; pumunta lamang sa kahit alinmang paupahang-silid dito sa lupa at hanapin ang estanting taguan na malapit sa higaan at ilabas mula dito Biblia na kaloob mula sa kagandahang-loob ng ‘Giddeons’ at pagkatapos ay tingnan sa pahina 5 o 6 na kung saan ay nakalista ang mga halimbawa ng mga salin na ginawa nila sa ibang mga wika. Ang pangalawang halimbawa na ibinigay ay para sa mga nagsasalita ng Arabik. Ang Talata ay mula sa Ebanghelyo ni Juan, kabanata 3, talata 16. Ang lahat ay nalalaman ito; “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan…” at ang kataga sa Arabik para sa “Diyos” ay “Allah”. Magkagayon kung mayroon kang Biblia sa Arabik, tingnan sa unang pahina sa Genesis, at iyong makikita ang katagang “Allah” ng 17 beses.

Ang susunod, ang pangalan ng Diyos sa mga Arabe, noon pa man sa panahon ni Abraham [sumakanya ang kapayapaan] ay “Allah” na at Siya sa kanila, ang Panginoon ng Ka’bah [ang itim na gusali sa gitna ng Banal na Tahanan sa Makkah]. Siya ang hindi nakikitang Diyos na tinatawag nila sa panahong ng pangangailangan. Oo, sinasamba nila ang tunay na Diyos subalit ang kanilang pagsamba ay hindi dalisay na para sa Kanya lamang. Sila ay sumasamba din sa ibang diyos sa pag-aakalang ang mga ito ay magsisilbing tagapamagitan sa kanila at sa tunay na Diyos, si Allah.

Ang mga Arabe ay nakikilala si Allah dahil si Abraham ay dumalaw sa Makkah at kasama ang kanyang anak na si Ismael ay itinayo ang pundasyon ng Ka’bah. Ang mga inapo ni Ismael ay pinanatili ang ilang mga ritwal ng pagsamba at paniniwala mula kay Abraham. Kabilang dito ang kanilang kaalaman ng tunay na Diyos ay si Allah.

Sa ibang dako ay ipapakita natin ng matibay na ang tunay na diyos, “El” sa Biblia ay si “Allah” ng Qur’an.

Pakiusap sumusog sa: Yahweh, Jehovah, or Allah – What Is God’s Real Name?” ni Shaykh Shabir Ally.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…