Ang Kadiliman ay matatagpuan sa Malalim na mga Karagatan
Si Allah ay nagpahayag sa Qur’an tungkol sa mga karagatan:
O [ang kalagayan ng mga di-mananampalataya] gaya ng mga kadiliman sa isang pagkalalim-lalim na dagat na tinatakpan ng mga alon, na sa ibabaw ng mga ito ay mga alon pa, na sa ibabaw ng mga ito ay mga ulap. Mga kadiliman na sa ibabaw ay kadiliman. Kapag iniunat niya ang kanyang kamay, hindi niya halos makikita ito..” [Maluwalhating Qur’an 24:40]
Ang talatang ito ay binanggit ang kadilimang na matatagpuan sa kailaliman ng mga karagatan, na kapag ang tao ay iniunat ang kanyang kamay, hindi niya ito makikita. Ang kadiliman sa kailaliman ng mga karagatan ay matatagpuan sa lalim na 200 metro at pababa. Sa lalim na ito, ay halos wala nang liwanag. Sa ibaba pa ng lalim na 1,000 metro ay wala na talagang liwanag. [Oceans Elder and Pernetta p.27]
Ang mga tao ay hindi kayang sumisid sa mahigit na apatnapung metro nang walang tulong ng submarino o espesyal na kagamitan. Ang mga tao ay hindi mabubuhay nang walang tulong sa kailalimang madilim na bahagi ng mga karagatan, katulad ng lalim na 200 metro.
Ang mga siyentipiko ay natuklasan kamakailan lamang ang kadilimang ito sa pamamagitan ng espesyal na kagamitan at mga submarino na nagbibigay kakayahan sa kanila para sumisid sa kailaliman ng mga karagatan.
Sa Malalim na mga Karagatan, ito ay natatakpan ng mga alon
Mauunawaan din natin mula sa mga sumusunod na pangungusap sa naunang talatang, “..sa malalim na dagat. Ito ay natatakpan ng mga alon, na sa ibabaw ay mga alon, na sa ibabaw ay mga ulap,…” na ang malalalim na tubig ng mga karagatan ay natatakpan ng mga alon, at sa ibabaw ng mga along ito ay mga alon parin.
Malinaw na ang pangalawang grupo ng mga alon ay ang mga alon sa ibabaw na ating nakikita, dahil ang talata ay nagbanggit na sa ibabaw ng pangalawang mga alon ay may mga ulap. Subalit ano nga ba ang tungkol sa unang mga alon?
Ang mga Siyentipiko ay natuklasan lamang kamakailan na mayroong mga pag-alon sa ilalim “na nagaganap sa nagtatagpong densidad sa pagitan ng bawat patong ng magkakaibang densidad.” [Oceanography, Gross, p. 205]
Ang mga pangilalim na mga alon ay natatakpan ang kalaliman ng tubig ng mga karagatan dahil ang kalaliman ng mga tubig ay may mas mataas ang densidad kaysa sa mga tubig sa ibabaw nila. Ang pangilalim na mga alon ay kumikilos katulad ng pangibabaw na mga alon.
Maaari din silang mabasag katulad ng mga pangibabaw na mga alon. Ang pangilalim na mga alon ay hindi makikita ng mga mata ng tao, subalit ito ay mahahalata sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng temperatura o pagbabago ng alat sa isang takdang kinalalagyan.
Sinasakop ng tubig ang karamihan sa lupain at kahit sa mga ilog at sapa ng lupain. Gayunpaman, mayroong isang bagay na nagpapanatili sa kanila na patuloy silang pinag-hihiwalay. Ano ang nasa mahiwagang paghihiwalay ng mga tubig?