Napag-uusapan ang tungkol sa Qur’an, si Goethe ay nagsasabi sa “Dictionary of Islam”, p. 526:
Ito ay madaling nakakapang-akit, nakapagpapamangha at sa huli ay napilit ang aming pagpupugay… Ang istilo nito, alinsunod sa mga nilalaman nito at at layuning mapanindigan, marangya – walang hanggan at nanatili, tunay na kahanga-hanga -Kung kaya, ang aklat na ito ay magpapatuloy na isasabuhay sa lahat ng panahon, isang makapangyarihang impluwensya.
G. Maragliouth sa kanyang panimula sa J. M. Rodwells – ‘The Koran”, New York – ‘Everyman’s Library, 1977, p VI:
Ang Qur’an ay inaming ginagampanan ang mahalagang katayuan kasama ng mga dakilang aklat pangrelihiyon ng mundo. Bagamat ito ang pinakabago sa kasalukuyang panahon ay ginawang kabilang sa ganitong uri ng panitikan, ito ay umaani sa kahit na alin pa mang kahanga-hangang dulot na ibinunga sa malaking pangkat ng mga tao. Ito ay lumikha ng lahat ngunit bagong antas ng pantaong kaisipan at isang sariwang uri ng katangian. Una nitong binago ang ilang magkakaibang tribo sa disyerto ng Peninsula ng Arabiya tungo sa isang nasyon ng mga bayani, at saka nagpatuloy sa paglikha ng malawakang pulitiko’t relihiyosong mga samahan ng mga Muslim sa buong daigdig na naging isa sa mga pinakamalakas na puwersa kung saan ang Europa at ang Silangan ay dapat kilalanin ngayon.
Dr Steingass sinipi sa T. P. Hughes – “Dictionary of Islam”, pp 256-257:
Isang panulat, pagkatapos, ay nag-anyaya ng napakalakas at para bagang hindi magkasundong mga emosyon na kahit sa malayong mambabasa – layong tulad ng panahon, at gayun pa na higit pang katulad ng pagyabong ng isipan – isang gawa na hindi lamang napapangibabawan ang pagkamuhi na maaari sa umpisa ng kanyang pagbasa, subalit binabago ang damdaming salungat patungo sa pagkamangha at paghanga, ang ganyang gawa ay talaga ngang kahanga-hanga na likhain… tunay at isang suliranin ng pinakamataas na hangarin sa bawat mapag-isip na nagmamasid sa mga hantungan ng sangkatauhan.
Dr. Maurice Bucaille – may-akda ng “The Bible, the Quran and Science” 1978, p. 125:
Ito ay hindi maaaring mangyari na si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ang nag-akda ng Qur’an. Paanong ang isang tao, mula sa pagiging kawalang-aral, ay maging pinakamahalagang nag-akda, sa usaping pampanitikang merito, sa buong panitikang Arabe?Paano kaya niya magagawang bigkasin ang katotohanan ng kalikasan pang-agham na walang tao ang maaaring lumago ng ganun sa panahong yaon, at lahat ng ito kahit minsan ay hindi nagkaroon ng pagkakamali ng kahit na napakaliit sa kanyang pahayag sa paksa?
Dr. Steingass, sinipi sa Hughes’ Dictionary of Islam p. 528:
Dito, samakatuwid, ang mga merito nito bilang gawang pampanitikan ay dapat marahil ay hindi nasukat ng ilang pag-aakala ng mga kaisipang makasarili at mapanuring pananaw, kundi sa pamamagitan ng mga idinulot na mula sa mga kasabayan ni Muhammad at mga kapwa kababayan.Kung ito ay nangungusap ay napakamakapangyarihan at kapani-paniwala sa puso ng mga tagapakinig na para bagang pinagbibigkis hanggang ngayon ang mga elemento na mapagsarili at palakontra sa isang masinsin at maayos na katawan, isinasabuhay ng mga pananaw na malayong higit sa yaong mga hanggang ngayon ay nasasakop ng Arabiyanong kaisipan, pagkatapos ang pagtulang sanaysay nito ay perpekto, sa simpleng kadahilanang ito ay lumikha ng sibilisadong pamayanan mula sa pamayanang mga asal na tribu, at nagpasibol ng isang sariwang hibla sa matandang lubid ng kasaysayan.
Arthur J. Arberry – “The Koran Interpreted”, London: Oxford University Press . 1964, p. x.:
Sa paggawa ng kasalukuyang pagtatangkang pagyamanin ang pagganap ng aking mga ninuno, at para gumawa ng isang bagay na maaaring tanggapin bilang aalingawngaw datapwa’t mahina, ang pagkadakila ng retorika ng Arabeng Qur’an, ako ay nahihirapan na pag-aralan ang masalimuot at mayamang ibat-ibang himig na kung saan – bukod sa mismong mensahe – nagtatag ng hindi maitatatwang pag-aangkin ang Qur’an na manguna sa hanay ng mga pinakadakilang pampanitikang obra ng sangkatauhan..Ito mismong katangian ang nagtatampok – ‘itong hindi matutularang simponya’, katulad ng nanampalatayang si Pickthall ay isinalarawan ang kanyang Banal na Aklat, ‘ang mismong mga tunog ay nagdala sa tao na mapaiyak at kasukdulan’ ay halos tuluyang hindi bigyang pansin ng mga naunang tagapagsalin; magkagayun ay hindi nakakagulat na ang ginawa nila ay hindi kaaya-ayang tunog ng pinapanday na bakal na nakakabagot at tunay na sintunado kung ihahambing sa marangyang pinalamutian na orihinal..
Dr. Maurice Bucaille sa kanyang aklat: “The Bible, The Quran and Science” 1981, p. 18:
Ang isang lubusang makatarungang pagsusuri nito [ang Qur’an] sa tulong ng makabagong kaalaman ay inakay tayo na kilalanin ang pagkakasundo sa pagitan ng dalawa, gaya ng napansin na sa maraming ulit na pangyayari. Ito ay ginawa tayo na ipalagay itong hindi kayang isipin para sa isang tao sa panahon ni Muhammad na mag-akda ng ganitong mga pangungusap, patungkol sa katayuan ng kaalaman sa kanyang panahon.Ang ganitong pagsasaalang-alang ay bahagi na naglalagay sa Pagpapahayag ng Qur’an sa natatanging katayuan nito at itulak ang walang pagkiling na mga siyentipiko na aminin ang kanyang kawalan ng kakayahang maglabas at magpaliwanag na tanging nag-aanyaya lamang sa makamundong pangangatuwiran.