“Ang Pagpapatawad ang pinakadakilang handog – o kawanggawa sa Islam. Kinakailangan kong ibuhos ang aking sarili para mapatawad ang taong nagkasala sa aming pamilya,” sabi ni Dr. Sombat Jitmoud habang pinipigil ang pagluha pagkatapos niyang tumayo at magsalita sa harapan ng lupon ng mga taong nanonood. Ang korte ay napuno nang ika-7 ng Nobyembre sa inaasahang hatol sa karumal-dumal na pananaksak na nagdulot ng pagkamatay ng kanyang anak na 22 taong-gulang na si Salahuddin Jitmoud. Si Trey Relford ay nahatulan ng 31 taon nang pakakakulong sa Lexington Kentucky sa Estados Unidos para sa kanyang bahagi sa pagpatay. Sa tatlong sangkot , ang buong hurado ay tanging si Redford ang hinatulan sa salang pagpatay.
Karagdagan pa, si Dr. Jitmoud ay nagpatuloy pa sa malawak na pang-unawa nang kanyang ipaabot ang mga salita ng pakikiramay para sa pagdurusa ng mga magulang ni Trey Relford at nang ipaabot ang mga salita ng panghihikayat na gumawa ng mabuti. “Ako ay tunay na nakaramdam ng awa para sa iyong mga magulang. Pinalaki ka nila at hinahangad na ikaw ay maging matagumpay. Ang tagumpay mo ay tagumpay nila. Ang kaligayahan mo ay kaligayahan nila,” sabi niya an binibigyang pag-asa si Relford para baguhin ang kanyang buhay. “Ang pintuan ng pagkakataon na ang Diyos ay mapatawad siya ay bukas. Kung kaya lumapit sa Kanya. Mayroon kang bagong kabanata ng mabuting buhay na darating,” sabi ni Dr. Jitmoud pagkatapos na sisihin ang Demonyo sa pagliligaw kay Relford na gawin ang krimen. Ang bata pang si Relford ay nakamasid na hindi makapaniwalang siya ay pinatawad sa ngalan ng biktima at ng kanyang inang pumanaw dalawang taon na ang nakaraan.
Si Relford, na nagdurusa mula sa pagkasugapa sa gamot, ayon sa kanyang ina, ay kabilang sa grupo ng tatlo na umatake kay Salahuddin habang ito ay naghahatid ng kanyang huling pitsa sa gabi ng ika-19 ng Abril 2015. Si Salahuddin ay natagpuang wala ng buhay sa may bubong na daanan sa isang bakuran ng mga paupahang bahay. Itinanggi ni Relford ang pagpatay sa anak ni Dr. Jitmoud ngunit sinabing binalak niya ang pagnanakaw.
Si Dr. Jitmoud, na ginugol ang kanyang karera bilang punong-guro sa ibat-ibang Islamikong paaralan sa buong bansa, at ang luhaang si Relford ay niyakap pagkatapos na kamayan sa koros ng mga hikbi na maririnig sa buong silid kabilang ang mismong sa huwes. Ang walang pag-iimbot na ginawa niya ay hinipo ang mga puso ng lahat ng mga nakapanood. “Wala na ako talagang masasabi pa. Paumanhin sa nangyari ng araw na yaon. Wala na akong magagawa pa upang maibalik ito sa iyo.” ang wika ni Relford na napayuko at bumalik sa kanyang upuan.
Ang paghahangad ng Kaluguran at Pagmamahal ni Allah ang maaaring nag-udyok kay Dr. Jitmoud para iabot ang kanyang kamay ng pagpapatawad sa batang lalaki na may pananagutan sa pagbabago ng kanyang buhay. Si Allah ay nagpahayag sa Maluwalhating Qur’an:
“Ang mga mananampalataya ay yaong gumugugol sa kawanggawa sa panahon ng ginhawa at kahirapan at siya na nagtitimpi ng kanilang galit at nagpapatawad sa mga tao – at si Allah ay minamahal ang mga gumagawa ng mabuti.” [Maluwalhating Qur’an 3:134]
Bilang Karagdagan, si Propeta Muhammad ﷺ ay itinuro yaon,
“WALANG ISANG NAGPAPATAWAD, MALIBAN NA SI ALLAH AY ITATAAS ANG KANYANG KARANGALAN.” [SAHIH MUSLIM]
Katiyakang ang karangalan ni Dr. Jitmoud ay itinaas sa araw ng pagbasa ng hatol nang kanyang isinagawa ang Islamikong kaugalian. Katiyakang ito ay isang sandali ng karangalan sa lahat ng mga Muslim nang ang tunay na mukha ng Islam bilang isang maawain at mapagmahal na relihiyon ay bigyang liwanag sa pamamagitan ng mga ginawa ng nagdadalamhating biyudong ito na isinasaayos ang kanyang landas sa kagimbal-gimbal na trahedya, ang kamatayan ng batang anak na nagsisimula pa lang ng kanyang buhay.