Si Hesus nga ba ay Namatay sa Krus?
Ang sandigan ng Kristiyanong paniniwala ay dumating si Hesus at Namatay sa Krus bilang kamatayang pagtubos para sa mga kasalanan ng sangkatauhan.
Habang maaaring makipagtalo ang isang tao sa usapin ng pagkamatay ni Hesus batay sa mga nasusulat sa Ebanghelyo, mula naman sa pananaw ng Muslim ay hindi na ito malaking usapin. Ito ay dahil sa mga ilang kadahilanan.
Ang una ay pinasinungalingan ng Qur’an ang palagay na “kamatayan sa krus” ng pangkalahatan. Ito ay malinaw sa paksang ito:
“At dahil sabi nila, Tunay na napatay namin ang Mesiyas, Hesus, anak ni Marya, ang Sugo ni Allah. Ngunit siya ay hindi nila napatay at siya ay hindi nila naipako sa krus; ngunit [may isang] pinagmukhang siya para sa kanila. At katotohanan, yaong mga nagkaiba-iba sa kanya ay talagang nasa pag-aalinlangan tungkol dito. Wala silang kaalaman dito maliban sa pagsunod sa pag-aakala. At katiyakang siya ay hindi nila napatay.” [Maluwalhating Qur’an 4:157]
Pangalawa, sa mga nasusulat sa Ebanghelyo, si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay ipinakitang naipako sa krus. Mapananaligan man o hindi ang nasusulat na salaysay sa mga Ebanghelyo, ay may usaping mabubuo na sa kasaysayan sa unang ilang mga siglo ng Kristiyanismo, hindi lahat ng sekta ng mga Kristiyano ay naniwala sa pagkapako ni Hesus o sa kanyang kamatayang pantubos bilang paraan ng kaligtasan. Kahit pa ngayon, batay sa mga nasusulat sa Ebanghelyo, maraming tao ang gumawa ng usaping si Hesus ay naipako lamang sa krus ngunit hindi namatay. Maraming Muslim ang lumundag sa karosang ito.
Hindi natin iniisip kung ito ang tamang paraan para sa mga Muslim na kunin. Sa halip, ang tamang paraan ay sabihing kahit na ang nasusulat sa Ebanghelyo ay naipako, hindi tayo sumasang-ayon dito dahil mula sa pananaw ng Muslim, ang Qur’an ay ang pinakahuling kapahayagang mula sa Diyos at sinasabi sa atin ang kaibahan tungkol dito. Dahil ang Diyos ay nalalaman ang lahat ng katotohanan, itinuro Niya ang tamang pananaw ukol dito at ang iba pang mga bagay kay Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] sa pamamagitan ng kapahayagan. Pakiusap na pakatandaang sa Islamikong teolohiya ang Biblia ngayon ay hindi itinuturing na 100% na mapananaligan at dahil dito ang mga nasusulat sa Ebanghelyo ay hindi pwedeng panghawakan ng tuwiran sa ipinamumukha nito.
Ngunit sa panghuli ang tunay na katanungang nararapat na itanong ay ganito: Kung ang pangunahing misyon ni Hesus sa mundong ito ay para mamatay bilang pantubos para sa ating mga kasalanan magkagayun ay nararapat na magkaroon ng maraming mga buong detalye at mga aral mula kay Hesus mismo sa bagay na ito. Ngunit wala tayong nalalaman na may kahit isang malinaw na pahayag mula sa kanya na maliwanag at tahasang tumukoy na ang kanyang misyon ay para mamatay bilang kamatayang pantubos at kabayaran para sa mga kasalanan ng sangkatauhan at tayo ay DAPAT na maniwalang sa kanyang pagkamatay at pagkabuhay na muli ay maliligtas.
Ang pahayag na madalas banggitin mula kay Hesus sa paksang ito ay katulad ng mga sumusunod:
“Gayon din naman ang Anak ng Tao ay hindi naparito upang paglingkuran kundi upang maglingkod, at ibigay ang kanyang buhay na pantubos sa marami.” [Mateo 20:28]
Hindi natin nakikita kung paano ang talatang ito ay nagtuturo ng kamatayang pantubos at kabayaran. Sa pinakadiwa ay nagsasabing si Hesus ay nakahanda niyang ibigay ang kanyang buhay para sa kanyang mga tagasunod at para sa kanyang layunin. Ang kahandaan na ialay ang buhay ng isang tao para sa higit na dakilang layunin ay isang bagay na hindi kakaiba para kay Hesus. Makikita natin na maraming propeta sa Biblia ang dumanas ng matindi [katulad ni Abraham] at ilan pa na kahit buhay ay inalay [katulad ni Juan Bautista] para sa kanilang misyon.
Ang ganito ay katotohanan din kay Propeta Muhammad. Sa pagpunta ng Taif, na kung saan ay pumaroon para anyayahan ang mga tao sa Islam, ang mga mamamayan sa Taif ay talagang pinakitunguhan siya ng masama. Ang Propeta ay matinding pinagbabato na mistulang ang kanyang buong katawan ay maduguan at ang kanyang panyapak ay nabasa ng sariling dugo. Kaya para kay Hesus nang sabihing mag-aalay siya ng dugo o maging pantubos para sa kanyang mga mamamayan, ay maaaring nangangahulugan lamang na siya ay nakahandang ialay ang lahat para ang mga tao ay matutunan ang katotohanan mula sa kanya at maligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga aral na yaon. Ang pagkaunawang ito ay katulad lang ng mga pagtitiis ng lahat ng mga naunang propeta.
Mayroong mga ilan pang ibang mga talata sa Ebanghelyo na inilalabas din ng mga Kristiyano bilang katibayan na si Hesus ay nagturo ng kaligtasan sa pamamagitan ng paniniwala sa kanyang pagkamatay at pagkabuhay muli. Subalit kapag talagang pag-aaralan natin ang mga talatang yaon, ay matatagpuan nating hindi nila itinuturo ang doktrinang ito sa anumang malinaw na pamamaraan.
Ang pagkaunawa natin ay binabasa ng mga tao ang mga talatang ito “kamatayang pantubos o kabayaran” dahil sila’y naniniwala na sa doktrinang ito. Kahit ang pinakamahinang mga kaugnayan ay nakakapag-isip sila na ang mga talatang ito ay talagang nagtuturo sa kanila ng pinaniniwalaan na nila. Marahil ang konklusyong ito ay may kinalaman sa kilalang kapangyarihan ng mungkahi.
Pagbabalik ni Hesus
Ang Islam ay nagtuturo na si Hesus ay hindi namatay sa krus, bagkus siya ay itinaas sa langit ng buhay. Siya ay magbabalik muli at mamumuhay ng pangkaraniwang buhay at pagkatapos ay mamamatay. Ang layunin ng kanyang muling pagbabalik, pinakauna ang itatag ang katarungan sa mundo at pagpaslang sa bulaang kristo.
“Bagkus ay itinaas siya ni Allah sa Kanya. At si Allah ay laging Makapangyarihan, ang Marunong. [Qur’an 4:158]
“Walang sinumang kabilang sa mga Angkan ng Kasulatan maliban na sasampalataya nga sa kanya [Hesus] bago ang kamatayan at sa Araw ng Pagkabuhay siya [Hesus] ay magiging saksi laban sa kanila.” [Maluwalhating Qur’an 4:159]
“Banggitin noong nagsabi si Allah: ‘O Hesus, tunay na Ako ay kukunin at itataas ka sa Akin, dadalisayin kita laban sa mga paratang ng mga di-mananampalataya, gagawing ang mga sumusunod sa iyo na mangibabaw [laban] sa mga di-mananampalataya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay Muli. Pagkatapos ay sa Akin ang pagbabalik ninyo at Ako ang hahatol sa inyo tungkol sa mga bagay na kayo ay nagtatalu-talo noon.’” [Maluwalhating Qur’an 3:55]
Ang Qur’an bagama’t hindi tahasan sa muling pagbabalik ni Hesus, ngunit maraming mga salaysay ni Propeta Muhammad ﷺ sa bagay na ito.
Isinalaysay ni Abu Huraira: Ang Sugo ﷺ ni Allah ay nagsabi,
“Ang Oras ay hindi darating hanggat ang anak ni Marya [Hesus] ay darating kasama ninyo bilang isang makatarungang pinuno, babaliin niya ang krus, papatayin ang mga baboy, at tatanggalin ang buwis na Jizya. Ang pera ay aapaw na wala nang tatanggap nito [bilang kawanggawa].” [Sahih Bukhari]
Isinalaysay ni Abu Huraira: Ang Propeta ﷺ ay nagsabi:
Walang propeta sa pagitan ko at niya, yaon ay si Hesus. Siya ay bababa [sa lupa]. Kapag nakita ninyo siya, makikila siya: isang lalaki na may katamtamang taas, mamula-mulang maputi, nakasuot ng dalawang dilaw na damit, akala mo ay pumapatak ang tubig sa kanyang buhok na parang basa ito subalit hindi. Siya ay makikipagdigma sa mga tao alang-alang sa Islam. Babaliin niya ang krus, papatayin ang baboy, at tatanggalin ang jizya. Lilipulin ni Hesus ang lahat ng mga relihiyon maliban sa Islam. Papatayin niya ang bulaang kristo at mamumuhay sa mundo ng apatnapung taon at pagkatapos ay mamamatay. Ang mga Muslim ay magdarasal para sa kanya. [Abu Dawud]
Ang Sugo ni Allah ﷺ ay nagsabi,
“Sumpa man sa Kanya na may Hawak ng aking kaluluwa, katiyakan [si Hesus], na anak ni Marya kalaunan ay bababa kasama ninyo at maghahatol sa mga tao [na makatarungang pinuno]; babaliin niya ang Krus at papatayin ang mga baboy at mawawala na ang jizya [buwis na kinukuha sa mga di-Muslim]. Ang pera ay aapaw na hanggang sa wala ng sinuman ang tatanggap nito, at ang isang pagpapatirapa kay Allah [sa pagdarasal] ay higit na mainam kaysa mundo at anumang nasa loob nito.” si Abu Huraira ay nagdagdag pa “Kung nais mo, ay maaari mong baigkasin [ang talatang ito ng Banal na Aklat]: — ‘Walang sinumang kabilang sa mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] maliban na sasampalataya sa kanya [Hesus bilang tao at Propeta ni Allah] bago ang kanyang kamatayan at sa Araw ng Pagkabuhay siya ay magiging isang saksi Laban sa kanila.” [4.159] [Sahih Al-Bukhari]
Mangyaring nalinaw mula sa talakayan sa itaas na ang mga Muslim ay naniniwala kay Hesus na muling babalik bago ang Araw ng Paghuhukom.