Home Blog Balita Binayaran ng mga Muslim ang Multa ng Lalaking Nanira sa Kanilang Masjid Para Hindi Ito Makulong

Binayaran ng mga Muslim ang Multa ng Lalaking Nanira sa Kanilang Masjid Para Hindi Ito Makulong

Mosque Bandalismo

Sa pamamagitan ng botelyang pang-sprey sa kamay ni Abraham Davis ay pininturahan ng isang itim na ‘Nazi Swastika’ ang buong dingding ng Masjid As-Salam sa Fort Arkansas noong Oktubre 2016. Siya ay nagmamadaling nagsusulat ng “Umuwi na Kayo” sa mismong ibabaw ng paskil na wanted-tagapag-alaga ng bata na nakasabit sa pintuang kahoy sa harap ng masjid nang mahuli siya ng kamerang pangseguridad sa akto.

Abraham Davis - Piitan ng Sebastian County
Abraham Davis

“Hindi Namin Kayo Kailangan Dito sa U.S.A.” ang mga katagang bumungad kay Hisham Yasis kinaumagahan pagdating niya sa Masjid As-Salam na nangangahulugang “Ang Kapayapaan” sa Arabe. Sa isa sa mga harapang bintana, kabilang sa mga paglapastangan tungkol sa Islam at kay Allah, ay mga katagang hindi niya napansin: “Deus Vult”. Ito ay katagang Latin para sa “Ito ay Kalooban ng Diyos” – isang sama-samang sigaw ng mga Krusada sa kalagitnaang panahon. Si Hisham, isa sa mga nagtayo ng masjid, ay nagulat. Sa pakiramdam na itinataboy at nababalisa, si Hisham ay tumawag ng pulis, at ipinaalam sa mga kasapi ng kapulungan.

Ang pagkakasala ni Davis, ay itinuring bilang krimen na may multang 3,200 dolyar na may karagdagang paglilingkod sa komunidad sa kabila ng paghingi ng kaluwagan ng masjid alang-alang kay Davis. Pagkatapos na mapagnilayan ang tungkol sa kanyang nagawa, si Davis ay napagtantong siya ay nakagawa ng pagkakamali. Siya ay nagsisi sa pangyayari at nagpadala ng liham sa masjid na humihingi ng patawad sa kanyang mga nagawa:

“Alam kong kayo ay malamang na hindi na umaasa pang makarinig ng mula sa akin subalit talagang nais kong makarating ito sa iyong lahat. Ako’y labis na nagsisisi sa nagawa ng aking kamay sa paninira ng inyong masjid. Ito ay mali at lahat kayo ay hindi nararapat na gawan ng ganito. Nasaktan ko kayong lahat at ako ay kinokonsensya nito. At sa kabila ng lahat ng ito ay pinatawad pa rin ninyo ako. Kayo ay higit na mabubuting mga tao kumpara sa sarili ko.

Pagkatanggap ng liham ni Davis, ang mga kasaping katiwala ng masjid ay agad nagpatawag ng isang pagpupulong at nagpasyang ang pagpapakita ng awa at pagpapatawad ay higit na nangingibabaw sa kanilang mga Islamikong kaugalian. Ganunpaman, ang mga bagay ay nagpatuloy na naging mapagbiro kay Davis. Bukod sa kabilang sa pamilyang hikahos, ay dinagdagan pa ng pasaning multang bayarin. Ang korte ay nagpabatid na sa kanyang siya ay kailangang gumugol ng hanggang anim na taon sa piitan kung hindi niya mababayaran ang kanyang atraso. Ang mga kasapi ng kapulungan ay muling nagpulong. Ang pangulo ng As-Salam, na si Louay Nassri ay nagsabi:

“Alam namin na ang taong ito ay nakagawa ng masama at talagang ito ay may kabayaran para sa kanyang mga ginawa, subalit kami ay walang anumang hinanakit sa kaninuman. Hindi rin nararapat na ito ay dala-dala niya sa kanyang nalalabing buhay.”

Sa mga kasapi ay nakaukit na sa kanilang mga isip ang utos na nasa Qur’an para sa mga Muslim na maging mabilis sa pagkakawanggawa at pagpapatawad.

“MAKIPAG-UNAHAN KAYO SA PAGPAPATAWAD MULA SA PANGINOON NINYO AT ANG PARAISO NA ANG LUWANG NITO AY ANG MGA LANGIT AT ANG LUPA, NA INIHANDA PARA SA MGA NANGINGILAG MAGKASALA, NA GUMUGUGOL [SA LANDAS NI ALLAH] SA SANDALI NG KALUWAGAN AT KAGIPITAN, MGA NAGPIPIGIL NG GALIT AT MGA NAGPAPAUMANHIN SA MGA TAO. AT MINAMAHAL NI ALLAH ANG MGA GUMAGAWA NG MABUTI.” [Maluwalhating Qur’an 3:133-134]

Isinabuhay ni Nassri ang talatang ito nang pinatawad niya si Davis at gumugol para sa landas ni Allah sa pamamagitan ng paglalaan ng isang tseke para sa isang libo at pitong daang dolyar na pambayad sa natitirang utang ng binata. Si Davis ay napalaya mula sa parusa dahil sa isang gawang matagal na niyang pinagsisihan.

Masjid As-Salam, sinira noong Oktubre 2016
Masjid As-Salam, sinira noong Oktubre 2016

Nang ang kwento ay lumabas, ang telepono ng masjid ay nagsimulang tumunog dahil ang mga pinuno ng simbahan, sinagoga at maging templo ng mga Budista ay tumawag upang ipaabot ang kanilang mga simpatiya at pagkilala. Ang mga residenteng nabalitaan o yaong mga natangay ang damdamin ng bandalismo sa masjid ay tumawag din para iparating ang kanilang pakikiisang damdaming at pagsuporta. Napaiyak pa ang isang tao habang isinasalaysay muli ang istoryang ito ng kanyang anak na babae nang makita ang bandalismo habang papasok sa kanyang pinaglilingkuran.

Ito ay isang gawang makatao na katulad ng ipinakita ng pamayanang Muslim na maaaring magpapabago ng pihit ng alon. Sa pagpapakita ng awa sa pangyayaring ito, si Dr. Louay Nassri, Hisham Yasin at ang iba pang mga kasapi ng masjid ay nagdulot ng napakalakas na dagok laban sa kamangmangan na nag-uudyok sa mga gawang pagkasuklam at bandalismo. Ang munting masjid na ito ay dumaan sa isang masamang kalagayan at sinamantala ang pagkakataon para ipakita sa kanilang pamayanan ang tunay na anyo ng kung ano ang kahulugan ng paniniwala sa Islam.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…