Pagkatapos ng maraming mga taon ng pag-aaral ng relihiyon at dumating sa konklusyon na ang Islam ang tanging relihiyong may katuwiran sa aking kalikasan at sa hangarin kong maging ganito sa mata ng Diyos, ako ay yumakap sa Islam. Ang aking buhay ay lubhang nabago. At kahit umabot ng tatlong taon para ipagkasundo ang pasyang ito at isipin ang lahat ng mga bagay na aking tatalikuran sa buhay ko at lahat ng mga bagay na idaragdag ko, hindi ko alam kung anong magiging buhay ko. Hindi ko maisip… Itinala ko [ang ilan] mga bagay na hindi ko inasahan.
7. Hindi ko Inaasahang Maiibigang Manamit ng Mapitagan
Inakala ko na kailangan kong balutin ang aking sarili sa nakakapangilabot na damit, walang pormang pananamit para maisagawa ang Hijab. Habang nais kong magkaroon ng karangyaang may sariling pagpapasya sa aking pagkababae at ipapakita lamang ang aking kagandahan sa mga taong pipiliin ko, hindi ko nais na iwanan ang aking estilo. Ngayon, walang mali na magmukhang baduy kung yan ang nais mo, ngunit hindi ako. Mahal ko ang mga kulay, at ako ay masyadong malikhaing babae na may pagmamahal sa uso. Nalaman kong hindi ko kailangang iwanan ang aking sariling estilo ng dahil lamang sa nais kong maging kagalang-galang. Ang kahinhinan ay hindi nangangahulugan ng pag-iwan sa estilo. Ako ay masayang tutuklasin ito.
6. Hindi ko Inaasahang may Napakaraming Ibat-ibang Tatak ng Islam
Hindi ko inaasahang bawat Muslim na aking makakatagpo ay magnanais na ako’y sumapi sa kanilang natatanging tatak ng Islam. Ito ay lubhang nakakalito para sa mga kapatid na lalaki at babae na yumakap. Ang dapat lang gawin ay tiyakin, tiyakin at tiyakin. Alamin! Ang iyong! Mga Pinagkukunan! Ang pinakamagandang bagay sa Islam ay ang lahat ng mga bagay ay dokumentado at natiyak. Natutunan ko ito sa paraang mahirap. Noong una akong yumakap, inakala kong ang bawat Muslim ay higit na maalam kaysa sa akin. At karamihan ay ganun, ngunit mayroon din namang mga Muslim na masyadong panatiko sa kanilang tatak ng Islam na ang kanilang mga magulang ay pikit-matang ginaya sa kanilang mga magulang na ginaya din sa kanilang mga magulang. Sa kapwa mga Muslim at di-Muslim ay dapat na sumasangguni sa pinagmulan at sabihin sa inyong kalugar na mga Muslim na tiyakin ang “Islamikong mga katotohanan” na nais nilang ibenta sa iyo. Kung sila ay mayamot sa kahilingang ito, ay iwanan sila. Sila ay may problema sa ego.
5. Hindi ko Inaasahang Makakatipid Ako ng Mahabang Oras sa Hindi Pakikipag-Buno Araw-Araw sa Aking Buhok
Bago ang Islam, ako ay gumugugol ng limang (5) oras sa kabuuan sa pag-aayos ng aking buhok sa bawat isang linggo. Sa mahigit labing dalawang (12) taong pagsusuot ng hijab, naglalaan lang ako ng halos isang oras sa isang linggo para ayusin ang aking buhok na maging maganda para sa aking asawa [sige, maaaring halos 30 minuto, – paumanhin aking asawa]. Nakatipid ako ng halos apat na libong (4,000) taon sa tanging pag-aalaga lamang ng buhok. [Magaling ako sa matematika!]. Wala pa dito ang buong programa ng lubos na pagpapaganda ng mukha. Kahanga-hanga ito!
4. Hindi Ako Umaasa na Aasahang Babaguhin ko ang Aking Pangalan
Mayroon na akong napakagandang pangalan, salamat. “Theresa”. Ibig sabihin ay siyang umaani kung ano ang itinanim. Gaano pa kaya ang “Muslim” na maaaring marating? Siya nga pala, ang mga Sahabah ay hindi nagpalit ng kanilang mga pangalan nang sila ay yumakap. Ang kanilang mga pangalan ay naging mga pangalang Muslim, at gayun din ang sa akin, at gayun din ang sa iyo.
3. Hindi ko Inaasahang ang Pagdalo ay Itatala
Inasahan kong maging bahagi ng isang komunidad. Bilang bahagi ng mayorya sa aking bansa, ang komunidad ay hindi bagay na aking kinasanayan. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagdalo ko sa komunidad ay mamatyagan, itatanong at sinisiyasat. Nasaan ka sa nakaraang Jumu’ah? Bakit wala ka sa mga panayam tuwing gabi at umaga? Bakit hindi ka lumabas sa natatanging kaganapan ng Eid? Ang lahat ay makahulugan, ngunit ang hindi nila nauunawaan na ako mahilig na mapag-isa. Nais kong dumalo sa mga panayam at mga pagtitipon pagkaminsan, ngunit kailangan ko ring magkaroon ng sariling espasyo.
2. Hindi ko Inisip na Ako ay Aasahang Maging Dalubhasa sa Pulitika ng Gitnang Silangan
Hindi ako dalubhasa at mananatili hindi, at walang hangaring maging ganun. At malamang kahit ikaw. Ang pagkakaroon ng malakas na mga opinyon ay hindi gagawin ang tao na maging isang dalubhasa, para sa iyong kaalaman.
1. Hindi ko Inaasahang Mahalin
Hindi ko inaasahan na ang isang ganap na dayuhan sa bawat maliit na bayan at malaking lungsod na aking narating ay kaagad akong kagigiliwan dahil magkatulad kami sa pagmamahal kay Allah. At hindi ko inaasahan ang parehong damdamin para sa kanila.