Si Muhammad ang Propeta ng Islam [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], ay nagturo ng mahahalagang prinsipyo at moralidad, at maging ang mga batas sa pakikidigma ay una siya sa pagtatakda at nahigitan pa ang batas pandigma na itinakda ng Geneva Convention.
Isaalang-alang ang mga sumusunod:
Lahat ng inosenteng buhay ay sagrado at ang kagaya niyan ay walang maaaring puminsala, maliban yaong mga sangkot na aktibong nakikipaglaban laban sa kanila. Ang pagsagip sa isang buhay ay para na ring sinagip ang buong mundo, habang ang pagkitil sa isang buhay na inosente ay para na ring pagkuha sa buhay ng buong mundo.
Walang paglipol sa anumang mga tribo kahit pa ang ilan ay nagawa ang paglipol laban sa ilang mga Muslim. Siya ay nag-alok ng kapwa pangangalaga at pagpapatawad sa lahat kahit pagkatapos na ang ilan ay sumira sa kanilang kasunduan sa kanya ng maraming ulit. Hindi niya pinahintulutang sila ay salakayin hangga’t maliwanag na napatunayang sila ay mga taksil sa panahon ng digmaan at nagtangkang pabagsakin ang Propeta ﷺ, at mga Muslim sa anumang paraan. Ang pagganti ay para lamang sa mga Hudyong nagtaksil at hindi sa iba pa.
Ang mga alipin ay karaniwan sa mga panahong yaon para sa lahat ng mga nasyon at tribo. Islam ang naghikayat sa pagpapalaya sa mga alipin at may malaking gantimpala mula kay Allah sa sinumang gumawa nito. Ang Propeta ﷺ ay nagbigay ng halimbawa nito sa pagpapalaya ng mga alipin at hinikayat ang lahat ng kanyang mga tagasunod na gayahin rin ito. Ang mga halimbawa ay kabilang ang kanyang sariling aliping [katotohanan ay itinuring niya itong sariling anak] si Zaid ibnul Haritha at Bilal ang aliping binili ni Abu Bakr para lamang sa layuning palayain siya.
Habang maraming pagtatangkang pagpaslang na ginawa kay Muhammad ﷺ [pinakabantog ang gabing pinalitan siya ni Ali sa higaan habang siya at si Abu Bakr ay tumakas patungo sa Madina], hindi niya pinayagan ang kanyang mga kasamahang paslangin ang sinumang sangkot kanila sa pagtatangkang ito. Ang katunayan dito ay nang sila ay matagumpay na pumasok sa Makkah at ang kanyang unang mga salitang inutos sa kanyang mga tagasunod ay huwag pinsalain ang ganito at ganyang tribo at si ganito at si ganyang pamilya. Ito ang isa sa mga pinakabantog na kanyang mga ginawang pagpapatawad at pagpapakumbaba.
Ang sandatahang pakikidigma ay ipinagbawal sa unang labintatlong taon ng pagkapropeta. Ang mga taga disyertong Arabe ay hindi na kailangan ang sinuman para turuan silang makipaglaban o makipagdigmaan. Sila ay mga dalubhasa sa larangang ito at may kaalitang mga tribo na tumagal ng mga dekada. Hindi ito tumigil hanggang sa ang tamang panuntunan ng pakikidigma ay itinakda ni Allah sa Qur’an, na may mga angkop ng mga karapatan at mga hangganan ayon sa Kanyang Kautusan, na anumang pagganti o labanan ay itakda. Ang mga kautusang mula kay Allah ay ginawang malinaw kung sino ang dapat na salakayin, paano at kailan at hanggang saan aabot ang labanan.
Pagsira ng mga imprastraktura ay lubos na ipinagbabawal maliban kung itinakda ni Allah sa ilang pagkakataon at ayon lamang sa Kanyang Kautusan.
Pagsumpa at paghiling ng masama ay katotohanang galing sa mga kaaway ng Propeta ﷺ habang siya naman ay ipinapanalangin para sa kanila ang gabay. Klasikong halimbawa ay ang kanyang paglalakbay sa Taif na ang mga pinuno dito ay hindi man lang siya pinakinggan o alukin man lang bilang nakagawiang paggalang at sa halip ay ibinuyo ang mga bata sa lansangan laban sa kanya, pinagbabato siya hanggang sa ang kanyang buong katawan ay dumugo na ang kanyang panyapak ay nabasa ng dugo. Siya ay inalok ni Anghel Gabriel na gumanti, na kung kanyang ipag-uutos, ay ipahihintulot ni Allah na gumuho sa kanila ang mga nasa paligid na kabundukan at lahat sila ay malilipol. Sa halip na sumpain sila o hingin ang kanilang pagkalipol, ipinagdasal niya na magabayan sila para sambahin ang kanilang Panginoon lamang, na walang anumang mga katambal.
Si Propeta Muhammad ﷺ ay inangking bawat batang ipinanganak ay isinilang sa kalagayang ISLAM [pagsuko sa Diyos sa Kanyang mga Takda na nasa Kapayapaan], bilang isang Muslim [MU-Islam nangangahulugang; “isang gumaganap ng ISLAM” hal.; sumusuko sa Kalooban ng Diyos at sumusunod sa Kanyang Kautusan]. Siya ay nagpahayag pa, ang Diyos ay nilikha ang bawat tao sa wangis na ayon sa Kanyang panukala, ang kanilang espiritu ay sa Kanya. Pagkatapos habang sila ay tumatanda ay nagsimula silang baguhin ang kanilang pananampalataya ayon sa impluwensya ng nangingibabaw na pamayanan at kanilang mga sariling mga pasya.
Si Muhammad ﷺ ay nagturo sa kanyang mga tagasunod na maniwala sa Diyos ni Adan, Noe, Abraham, Hakob, Moises, David, Solomon at Hesus [sumakanilang lahat ang kapayapaan], at maniwala sa kanila bilang tunay na mga propeta, mga sugo at mga lingkod ng Makapangyarihang Allah. Siya ay nagsikap na ilagay sa pinakamataas na antas ang lahat ng mga propeta ng walang pagtatangi sa pagitan nila, at inutusan ang kanyang mga tagasunod na banggitin ang mga katagang, “sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya” pagkatapos banggitin ang kanilang mga pangalan.
Siya rin ay nagturo na ang Tawrat [Matandang Kapahayagan], Zabur [Salmo] at Injeel [Ebanghelyo] ay orihinal na nagmula sa parehong pinagmulan kagaya ng Qur’an, mula kay Allah at patungo kay Anghel Gabriel. Sinabi niya sa mga Hudyo na humatol ayon sa kanilang sariling Aklat at sila ay nagtangkang takpan ang bahagi nito para itago ang tumpak na hatol, nakikilala siya ﷺ, na hindi marunong bumasa.
Siya ay nagpropesiya at humula ng mga mangyayari at ito ay nangyari kagaya ng pagkakasabi niya. Binanggit niya ang maraming bagay na ang mga tao sa kanyang panahon ay hindi pa nalalaman, datapwa’t nakikita natin ang mga katibayan na nangyayari ng paulit-ulit sa paglipas ng mga siglo sa agham, medisina, biolohiya, embrolohiya, sikolohiya, metrolohiya, heolohiya at marami pang ibang larangan at maging sa paglalakbay sa kalawakan at mga komunikasyong walang kable na lahat ng iyan ay hindi natin binibigyang pansin. Siya na naghula kahit ilang bagay mula sa nakaraan na mangyayari sa hinaharap, ay nangyari…
Ang Qur’an ay nagpahayag na si Paraon ay nalunod sa Pulang Karagatan habang hinahabol sila Moises at si Allah ay nagwikang pananatilihin Niya si Paraon bilang tanda sa hinaharap. Si Dr. Maurice Bucaille sa kanyang aklat na, “Bible, Qur’an and Science” ay nilinaw na ito ay nangyari at ang taong si Paraon mismo ay natuklasan sa Ehipto at ngayon ay nakatanghal para makita ng lahat. Ang pangyayaring ito ay naganap libong mga taon bago pa si Muhammad ﷺ at tunay na naganap sa huling ilang dekada, matapos ang maraming mga siglo pagkatapos ng kanyang kamatayan.
Si Muhammad ﷺ o maging ang kanyang mga tagasunod ay hindi kailanman inangkin na siya ay anak ng Diyos o Diyos na nagkatawang-tao o taong may kabanalan bagkus siya sa tuwina at kahit ngayon ay itinuturing bilang isang Sugo lamang na pinili ng Diyos. Siya ay nagsikap sa mga tao na purihin ang Makapangyarihang Diyos, lamang at huwag ipagbunyi siya o ang kanyang mga kasamahan sa anumang paraan. Habang ang karamihan sa mga tao ay hindi nag-atubiling itaas sa kabanalan at gawing mga ‘diyos’ mula sa ibang tao na ang pamumuhay at misyon ay naligaw sa alamat. Sa usapang pangkasaysayan, walang isaman sa mga alamat na ito ang narating kahit na kapiraso sa nagawa ni Muhammad ﷺ.
Pagkaisahin ang sangkatuhan para sa layuning pagsamba sa Isang Diyos ni Adan at lahat ng mga propeta, [sumakanilang lahat ang kapayapaan], ang pangunahing panghimok na dahilan at kanyang pagsisikap ay para lamang sa layuning ang lahat ay maunawaan at sundin ang mataas na pamantayang moral na itinakda ni Allah sa Kanyang Kapahayagan.
Ngayon makalipas ang labing apat na siglo, ang buhay at mga aral ni Muhamamad ﷺ ay nanatiling walang kahit katiting na nawala, napalitan o nabago. Ito’y nag-aalok ng parehong walang kamatayang pag-asa para lunasan ang maraming sakit ng sangkatauhan, na kanilang ginawa noong siya ay nabubuhay pa. Hindi ito isang pag-aangkin ng tagasunod ni Muhammad ﷺ bagkus hindi maiwasang konklusyong nagtulak sa maingat at walang kinikilingang kasaysayan.
Si Muhamamad ﷺ ay nag-angking lingkod, sugo at propeta ng Makapangyarihang Diyos; ang parehong Diyos ni Adan, Abraham, Moises, David at Solomon at ni Hesus, ang Kristo, anak ni Marya [sumakanilang lahat ang kapayapaan]. Siya ay nag-angkin na tumatanggap ng kapahayagan mula sa Makapangyarihang Diyos [Allah] sa pamamagitan ni Anghel Gabriel, tinatawag na ang Pagbigkas [Qur’an].
Inutusan niya ang mga taong maniwala sa Diyos bilang Isa, walang mga katambal, at sundin ang Kautusan ng Makapangyarihang Diyos sa abot ng kanilang kakayahan.
Pinagbawalan niya ang kanyang sarili at kanyang mga kasamahan sa masasamang gawa at maruming gawi, ipinakita sa kanila ang tamang paraan ng pagkain, pag-inom, paggamit ng palikuran at tamang asal sa lahat ng pakikipag-ugnayan. Ito ay inangkin niyang lahat ay nagmula kay Allah.