Home Mga Tanong Propeta Bakit nagpadala ng mga Propeta si Allah?

Bakit nagpadala ng mga Propeta si Allah?

Bakit nagpadala ng mga Propeta si Allah?

Kailangan ba ng mga tao ang mga propeta? Bakit ipinadala ng Diyos ang mga propeta?


Ang isang makahulugang aklat ay nangangailangan ng isang guro para maunawaan at ituro ang mga kahulugan nito. Ang sansinukob ay isang aklat. Ang bawat nilikha ay isang pangungusap, isang kataga o isang titik. Sumasaklaw mula sa mga atomo hanggang sa araw, ang bawat nilikha ay ikinukubli ang hindi mabilang, natatanging mga kahulugan sa likod ng sining, pagkalikha, sistema at disenyong nakaburda at nakakabit sa mga ito. Ano ang mga misteryo na ibinubulong ng sansinukob sa sangkatauhan? Ano ang ginagawa ng lahat ng mga nilikhang ito, mga pangyayari, pagsilang at kamatayan, pagbabago sa sansinukob, walang kaubusang kasaganaan, walang katapusang biyaya at hamak na pagkakaloob? Ang tagapaglikha na lumikha ng makahulugang aklat na ito, siyempre, magpapadala ng mga “propeta” bilang mga guro para basahin, unawain; ituro at ipaliwanag ang banal, misteryosong mga kahulugan ng kahanga-hangang sansinukob na ito para sa sangkatauhan.

Ang karunungan ay nangangailangan na ang bawat tao ay talagang nararapat na magtaka at itanong ang mga katanungang “Ano ba tayo? Saan ba tayo nagmula sa mundong ito? Saan tayo papunta? Bakit tayo narito?” Ang bawat matalino at makatuwirang nilikha ay nais ang kasagutan sa mga katanungang ito. Ngunit sino ang nakakaalam ng mga sagot? Sino pa kundi ang Panginoon at Tagapaglikha ng Mundo at ng mga buhay? Kung gaano si Allah ay nalalaman ang lahat ng mga kasagutang ito, Siya ay katiyakan na ipagbibigay-alam sa tao ang mga dakilang layuning itinakda sa sansinukob at siyempre Siya ay pipili ng natatanging indibidwal bilang mga “Propeta” para sa banal na misyong ito.

Kung ang mga propeta ay hindi ipinadala, ang mga tao ay mahihirapan sa pagpili sa pagitan ng tama at mali at matagpuan ang katotohanan, mabuti at ang pinakamapagbiyaya. Ito ay nangangailangan maraming oras para matutunan sa pamamagitan ng karanasan at pagkakamali at sila ay malamang mabigo sa huli. Kung kaya si Allah, sa Kanyang walang hanggang awa at biyaya, ay nagpadala ng mga propeta bilang mga gabay sa pinakatuwid na landas para sa sangkatauhan.

“[Nagsugo Kami] ng mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi na magkaroon ang mga tao ng maikatuwiran kay Allah kapag wala na ang mga sugo.” [Maluwalhating Qur’an 4:165]

Si Allah ang Pinakamapagmahal kaya hindi Niya nais na ang mga tao na gumawa ng mali. Kaya nagpadala Siya ng mga propeta para ipaalam at ituro sa mga tao ang tungkol sa mga mali at mga pinsala na maaaring makasira sa kanyang buhay dito sa mundo at sa kabilang-buhay. Ang mga tao na nagpumilit sa mali ay papanagutin at sila ay tatanungin sa Araw ng Paghuhukom. Kung si Allah ay hindi nagpadala ng propeta, ang mga tao ay tututol at magsasabi: “Hindi namin alam. Walang nagpaalala sa amin laban sa mali at nagpakita ng tama. Kung may gumawa lang nito, kami ay tiyak na pipiliin ang tama. Ang paghuhukom na ito ay hindi makatarungan!”

Ang mga Propeta ay iginagabay ang sangkatauhan hindi lang sa aspetong espiritwal, bagkus sila rin ay mga gabay at mga guro sa sibilisasyon, pang kultura at panlipunan pag-unlad at pansining, pangkalakalan, pang-agrikultura at iba pang uri ng mga hanapbuhay. Halimbawa, si Propeta Noe ay dalubhasa sa paggawa ng bangka. Si Propeta Jose ay dalubhasa sa paggawa ng orasan at si Propeta Edris ay dalubhasa sa pananahi. Ito ay nangangahulugang, ang mga tao ay nangangailangan ng mga propeta hindi lang para sa layuning panrelihiyon, pananampalataya at moralidad; bagkus ganundin para sa materyal at makamundong pag-unlad.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…