Ang pinakahuling katunayan ng biyaya ng Diyos para sa tao, ang pinakamataas na karunungan, at pinakamaganda sa paghahayag: sa madaling salita ang pinagmumulan ng patnubay ay ang salita ng Diyos. Kung ang isang tao ay tatanungin ang sinumang Muslim na ilarawan ito, malamang sila’y magsasabi ng parehong mga salaysay. Ang Qur’an, para sa mga Muslim, ay hindi mapasisinungalingan, hindi matutularang Salita ng Diyos. Ito ay ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng kasangkapang si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya]. Ang Propeta ﷺ mismo ay walang ginampanang papel sa pag-aakda ng Qur’an, siya ay isang taong kalihim lamang, inuulit ang pahayag ng Banal na Tagapaglikha:
Hindi siya nagsasalita ng ayon sa nasa. Ito ay isang kapahayagan lamang na ikinasi sa kanya. [Maluwalhating Qur’an 53:3-4]
Ang Qur’an ay ipinahayag sa Arabe, kay Propeta Muhammad ﷺ sa loob ng dalawapu’t tatlong taon. Ito ay kinatha sa natatanging paraan, na hindi ito maituturing na tula o prosa, datapwat gayunman ay pinagsamang gayun. Ang Qur’an ay hindi matutularan; hindi ito maaaring ginaya o kinopya, at ang Makapangyarihang Diyos ay hinamon ang sangkatauhan para hangarin ang gayung pagsusumikap kung iniisip nilang magagawa nila:
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Magsabi ka: “Kaya magdala nga kayo ng isang surah [talata] na tulad nito at tawagin ninyo ang sinumang makakaya ninyo na iba pa bukod kay Allah, kung kayo ay makatotohanan?” [Maluwalhating Qur’an 10:38]
Ang wika ng Qur’an ay katunayang kahanga-hanga, ang pabigkas nito ay buhay, kagaya ng isang pantas na di-Muslim na nagpahayag, ito ay kagaya ng indayog ng tibok ng puso ko. Dahil sa kakaibang estilo ng wika nito, ang Qur’an ay hindi lamang kaakit-akit na basahin, datapwat ito rin ay madaling sauluhin. Ang panghuling binanggit na katangian ay ginampanan ang mahalagang papel hindi lang sa pag-iingat ng Qur’an, bagkus sa buhay espiritwal din ng mga Muslim. Mismong Diyos ay nagpahayag,
Talaga ngang pinadali Namin ang Qur’an sa pagsasaalaala kaya may magsasaalaala ba? [Maluwalhating Qur’an 54:17]
Isa sa pinakamahahalagang mga katangian ng Qur’an ay nananatili ito ngayon, ang tanging banal na aklat na hindi nagbago; ito ay nananatiling malaya mula sa anuman at lahat ng mga pagbabago. Si Sir William Muir ay nagpahayag, “Malamang sa buong mundo ay walang ibang aklat na nanatili sa mga [labing apat] siglong may napakadalisay na mga talata.” Ang Qur’an ay isinulat sa panahong nabubuhay at sa ilalim ng pamamatnubay ng Propeta ﷺ, na isang hindi marunong sumulat at bumasa, at pinagtibay kaagad matapos ang kanyang pagkamatay sa pamamagitan ng mahigpit na paraan na siniyasat pareho ang pagkasulat at tradisyong pagbigkas. Dahil dyan ang pagkamakatotohanan nito ay walang bahid, at ang pag-iingat nito ay makikita bilang katuparan ng pangako ng Diyos:
Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaalang ito, at tunay na Kami ay talagang mag-iingat nito. [Maluwalhating Qur’an 15:9]
Ang Qur’an ay isang aklat na nagkakaloob sa mga tao ng espiritwal at pangkaisipang pagkaing kailangan niya. Ang pangunahing paksa nito ay kaisahan ng Diyos, ang layunin ng pag-iral ng tao, paniniwala at kabatiran sa Diyos, ang Kabilang-buhay at kahalagahan nito. Ang Qur’an ay naglatag rin ng mabigat na pagdidiin sa katuwiran at pagkaunawa. Sa sakop ng pangunawa ng tao, ang Qur’an ay pumaroon pa para lamang masiyahan ang kaisipan ng tao; naging sanhi ito para ang isang tao ay magmuni-muni sa mga idinulot. Mayroong mga hamon ang Qur’an at mga propesiya. Isa sa mga kawiliwiling larangan sa kadaraang mga taon ay natuklasan, na malaking bilang ng siyentipikong impormasyon patungkol sa astronomiya, biolohiya, atbpa., walang isamang salaysay na hindi sinang-ayunan ng makabagong mga tuklas. Sa madaling salita, ang Qur’an ay ginagawang ganap ang puso, ang kaluluwa at ang isip.
Marahil ang pinakamainam na pagsasalarawan ng Qur’an ay ibinigay ni Ali, ang pinsan ni Propeta Muhammad ﷺ nang ipaliwanag ito bilang,
“Ang Aklat ng Diyos. Dito ay tala ng kung ano ang bago ka, ang hatol sa kung ano ang kinabibilangan mo, at ang propesiya kung ano ang darating pagkatapos mo. Ito ay determinado, hindi isang bagay para sa kawalang-tino. Sinuman ang mapaniil at binalewala ang Qur’an ay pupuksain ng Diyos. Sinuman ang naghahanap ng patnubay mula sa iba bukod dito ay maliligaw. Ang Qur’an ay hindi mapuputol na ugnayan sa Diyos; ito ay paggunitang tigib ng karunungan at ang tuwid na landas. Ang Qur’an ay hindi mapipilipit ng mga dila, ni maililigaw ng mga kapritso; hindi pagsasawaan kailanman mula sa paulit-ulit na pag-aaral; ang mga pantas sa tuwina ay naghahangad pa ng higit mula dito. Ang hiwaga ng Qur’an ay walang wakas. Sinuman ang magsalita mula dito ay magsasabi ng katotohanan, sinuman ang humatol mula dito ay makatarungan, at sinuman humawak dito ay magagabayan sa tuwid na landas.” [Tirmidhi]