Ang “Jannah” – na kilala rin bilang ang Paraiso o hardin sa Islam – ay inilarawan sa Qur’an bilang isang walang hanggang kabilang buhay ng kapayapaan at lubos na kasiyahan, kung saan ang mga matapat at matutuwid ay ginantimpalaan.
Ang Qur’an ay nagsalaysay na ang mga matutuwid ay mapapanatag sa piling ng Diyos, sa “mga hardin may mga ilog na umaagos sa ilalim”. Ang katagang “Jannah” ay mula sa Arabe kataga na nangangahulugang “takpan o itago ang isang bagay”. Ang langit, samakatuwid, ay isang lugar na nakatago sa atin. Ang Jannah ay ang pinakahantungan sa kabilang-buhay para sa mga Muslim.
Jannah Ayon sa Pagsasalarawan sa Qur’an
Ang Qur’an ay inilalarawan ang Jannah bilang:
“… ang magandang lugar para sa huling hantungan — ang hardin ng walang hanggan na kung saan ang mga pintuan ay palaging bukas para sa kanila.” [Maluwalhating Qur’an 38:49-50]
Mga taong papasok sa Jannah:
“… ay magsasabi. ‘Purihin si Allah na pumawi mula sa atin [lahat] ng lumbay, dahil ang ating Panginoon ay katunayan Mapagpatawad; Siya na nagpanahan sa atin sa bahay ng walang hanggang tahanan bunga ng Kanyang biyaya. Walang pagpapagal o diwa ng pagod ang dadapo sa atin doon.’” [Maluwalhating Qur’an 35:34-35]
Ang Qur’an ay nagsabi na sa Paraiso:
“… may mga ilog ng tubig na hindi nagbabago sa amoy at lasa at mga ilog ng gatas na hindi nagbago ang lasa nito at mga ilog ng alak na masarap para sa mga iinom at mga ilog ng pulut-pukyutan na dinalisay. Makakamit nila roon ang lahat ng mga bunga at awa mula sa Panginoon nila.” [Maluwalhating Qur’an 47:15]
Mga Kaligayahan ng Jannah
Sa Jannah, wala ditong pangamba ng maaaring pinsala: wala ritong pagod at ang mga Muslim ay hindi itataboy kailanman.
Ang mga Muslim sa paraiso, ayon sa Qur’an, ay magsusuot ng ginto, mga perlas, mga dyamante, mga kasuotang yari sa pinakamataas na uri ng seda, at sila ay sasandal sa itinaas na mga trono.
Sa Jannah, dito ay walang kirot, kalungkutan o kamatayan – mayroon lamang kasiyahan, kagalakan at kaligayahan. Ito ang hardin ng paraiso – na ang mga puno ay walang mga tinik, ang mga bulaklak at mga bunga ay patong-patong, na ang malinaw at mahalumigmig na tubig na dumadaloy, na ang mga kasama ay mayroong malaki, maganda, mapang-akit ng mga mata – na ipinangako ni Allah sa mga matutuwid.
Walang pagtatalo o pagkalasing sa Jannah – ngunit mayroong apat na ilog na pinangalanang Saihan, Jaihan, Furat, at Nile. Mayroong malalaking kabundukan na gawa sa musko at mga lambak na gawa sa mga perlas at mga rubi.
Pinakamainam na mga Paraan ng Pagpasok sa Jannah
Para makapasok sa isa sa walong pinto ng Jannah sa Islam, ang mga Muslim ay kailangang magsagawa ng mga mabubuting gawa, maging makatotohanan, maghanap ng kaalaman, may takot sa pinakamaawain, pumunta sa masjid tuwing umaga at hapon, maging malaya sa kayabangan at gayundin sa mga nasamsam mula sa digmaan at utang, ulitin ang pagtawag ng pagdarasal ng wagas at mula sa puso, magtayo ng masjid, laging magbalik-loob at magpalaki ng matuwid na mga anak.
Sinuman ang huling mga salita ay “La ilaha illa Allah,” ay sinabing, makakapasok sa Jannah – ngunit tunay lamang na makakapasok sa Jannah sa pamamagitan ng pagkakamit ng kaligtasan sa paghuhukom ng Diyos.