Home Mga Tanong Bakit Ang Islam Ipinagbawal Ang Pag-inom Ng Alak?

Bakit Ang Islam Ipinagbawal Ang Pag-inom Ng Alak?

Islam Ipinagbawal Pag-inom Alak

Ang alak ay naging salot na ng lipunan simula noong sinaunang panahon pa. Ito ay patuloy na kumikitil ng hindi mabilang na buhay ng tao, at sanhi ng malubhang pagdurusa ng milyon-milyon sa buong mundo. Ang alak ay ugat ng maraming mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Sa istatistika ng tumataas na bilang ng krimen, pagdami ng mga pangyayari ng sakit sa pag-iisip at milyon-milyong nawasak na tahanan sa buong mundo ay taglay ang piping saksi sa makapaminsalang kapangyarihan ng alak.

Pagbabawal ng Alak sa Qur’an

Ang pagbabawal ng alak sa Islam ay kinuha mula sa mga sumusunod na talata ng Maluwalhating Qur’an:

“O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang mga dambana, at ang pagsasapalaran sa pamamagitan mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang na kabilang sa gawain ng Demonyo. Kaya iwaksi ninyo ito, nang harinawa kayo ay magtagumpay.” [Maluwalhating Qur’an 5:90]

Pagbabawal ng Alak sa Biblia

Ang Biblia ay nagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga sumusunod na talata:

“Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinumang napaligaw sa kaniya ay hindi pantas.” [Mga Kawikaan 20:1]

“At huwag kayong magsipaglasing ng alak.” [Mga Taga-Efeso 5:18]

Sa Alak Ba Ay May Pakinabang?

Ang ilang pagsasaliksik ay nagpahiwatig na ang limitadong pag-inom ay maaaring magdulot ng ilang pangkalusugang mga pakinabang. Ito ay alinsunod sa talata ng Maluwalhating Qur’an:

“Tinatanong ka nila [O Muhammad] hinggil sa alak at sugal. Sabihin mo: ‘Sa dalawang ito ay may malaking kasalanan at ilang mga kapakinabangan para sa tao subalit ang kasalanang dulot ng dalawang ito ay higit na malaki kaysa sa kapakinabangang dulot ng dalawang ito.’” [Maluwalhating Qur’an 2:219]

Ang Alak ay Pinipigilan ang Sentrong Inhibitoryo

Isang Karatula Ng Pagpapabatid Sa Alak Sa Ball State University, Sa Indiana

Ang mga tao ay nagtataglay ng sentrong inhibitoryo sa kanilang mga utak. Ang sentrong inhibitoryo na ito ay humahadlang sa tao mula sa paggawa ng mga bagay na itinuturing niyang masama. Halimbawa ang isang tao ay hindi likas na gumagamit ng mapanuyang salita kung nakikipagusap sa mga magulang at mga nakatatanda. Ang sentrong inhibitoryo ay hinahadlangan ang isang tao na tugunin ang tawag ng kalikasan sa publiko.

Kung ang tao ay umiinom ng alak, ang sentrong inhibitoryo mismo ay pinipigilan. Ito mismo ang dahilan kung bakit ang taong lasing ay madalas na makikitang sangkot sa gawing ganap na hindi pagkataong sa kanya. Halimbawa ang isang taong lango ay gagamit ng mapang-abusong salita sa taong kanyang iginagalang at/o gagawa ng pananamantalang sekswal sa kanila, at pagsisihan ang mga ginawi kalauanan pagkatapos mahulasan.

Paano naman ang Pag-inom ng ‘Katamtaman’?

Ang ilan ay nangangatuwiran na maaaring uminom ng katamtaman at masanay pagpipigil sa sarili para mahadlangan ang sarili mula sa pagkalango. Ang pagsisiyasat ay nagpahayag na karamihan sa mga manginginom ay nagsimula bilang mga ‘nakikisamang manginginom’. Halimbawa ang isang ‘nakikisamang manginginom’ ay nawawalan ng pagpipigil sa sarili ng minsan lang. Sa kalagayang pagkalango siya ay maaaring makagawa ng matinding krimen, na may makapagpapabagong-buhay na ibubunga. Ang bilang ng mga namatay at nasugatan sanhi ng sakunang kinasangkutan ng mga lasing na nagmamaneho ay naghatid ng hindi mawaring pighati sa libo-libong pamilya bawat taon.

Ayon sa National Crime Victimization Survey Bureau of Justice [U.S. Department of Justice] sa taong 1996 lamang sa bawat araw ay tinatayang 2,713 na panghahalay ang nagaganap. Ang istatistika ay sinasabi sa atin na ang karamihan sa mga nanghalay ay lasing habang ginagawa ang krimen. Kahit pa ang ginawa ay pinagsisihan kalauanan, ang isang karaniwang tao ay kadalasang dinadala ang kasalanan sa buong buhay niya. Pareho ang biktima at salarin ay napinsala ng panghabang-buhay.

Mga Sakit Kaugnay sa Alkoholismo

Maraming mga siyentipikong dahilan para sa pagbabawal ng pag-inom ng nakakalasing hal. Alak. Ang pinakamataas na bilang ng mga namamatay sa buong mundo na kaugnay sa isang tukoy na dahilan ay sanhi ng pag-inom ng alak. Milyon-milyong tao ang namamatay sa bawat taon ng dahil lamang sa pag-inom ng alak. Sa ibaba ay isang payak na talaan ng ilan sa mga karamdamang kaugnay sa alak:

1. Cirrhosis ng atay [pinakakilalang sakit kaugnay sa alak].

2. Kanser sa lalamunan, sa ulo at leeg, sa atay [Hepatoma] at sa pagdumi.

3. Coronary Artherosclerosis, Angina at atake sa puso ay inugnay sa matinding pag-inom ng alak. Gayundin ang mga pag-atake at ibang uri ng pagkaparalisa ay inugnay sa pag-inom ng alak.

4. Ang Beriberi at iba pang kakulangan ay hindi na bihira sa mga manginginom ng alak. Kahit pa ang Pellegra ay nangyayari sa mga manginginom.

5. Ang Delerium Tremens ay isang malalang kumplikasyon na maaaring mangyari sa panahon ng pabalik-balik na inpeksiyon ng mga manginginom o pagkatapos na maoperahan. Nangyayari din ito sa panahon na pagpipigil uminom bilang tanda ng epekto ng paghinto sa pag-inom. Ito ay napakalubha at maaaring makamatay kahit pa ginagamot sa makabagong pagamutan.

6. Ang pabalik-balik na impeksiyon ay napakakaraniwan sa mga matagal ng manginginom. Ang panlaban sa sakit at imunolohiyang sistemang panangga ay nasaalang-alang sa pag-inom ng alak.

7. Ang impeksyon sa dibdib ay madalas na pumapatay sa mga manginginom. Pneumonia, Lung Abcess, Emphysema at Pulmonary Tuberculosis ay lahat karaniwan na sa mga manginginom.

8. Habang biglaang pagkalango sa alak, ang lasing na tao ay kadalasang sumusuka, ang repleksong pag-ubo na kung saan nangangalaga ay paralisado. Ang suka magkagayun ay madaling dumadaan sa baga na sanhi ng Pneumonia o Lung Abscess. Kung minsan ito ay magsasanhi pa ng pagkapupos at kamatayan.

9. Ang masamang dulot ng pag-inom ng alak sa kababaihan ay marapat sa natatanging pagbanggit. Ang kababaihan ay higit na dapuin ng Cirrhosis na may kaugnayan sa alak kaysa kalalakihan. Sa pagbubuntis ang pag-inom ng alak ay may malubhang nakakatakot na dulot sa sanggol. Ang Foetal Alcohol Syndrome ay nakilala ng higit pa sa propesyong medikal.

10. Mga Sakit sa balat ay may kaugnayan rin sa pag-inom ng alak.

11. Eczema, Alopecia, Nail Dystrophy, Paronychia [impeksyon sa palibot ng mga kuko] at Angular Stomatitis [pamamaga sa gilid ng bibig] ay karaniwang sakit ng mga manginginom.

Ang Alkoholismo Ba ay Isang Sakit?

Kung ang alak ay isang sakit, bukod tangi itong sakit na:

– Ibenebentang nasa mga botelya

– Inaanunsyo sa mga pahayagan, magasin, sa radyo at telibisyon

– May lisensyadong mga tindahan para ikalat ito

– Nagbubuwis sa pamahalaan

– Naghahatid ng marahas na kamatayan sa mga kalsada

– Nagwawasak ng buhay pamilya at nagpapataas ng krimen

– Walang mikrobyo at sanhing nakakahawa

ANG ALKOHOLISMO AY HINDI SAKIT – ITO AY KAGAGAWAN NI SATANAS

Ang Islam ay tinawag na “Deen-ul-Fitrah” o ang likas na relihiyon ng Tao. Lahat ng mga ipinag-uutos dito ay nakalayon para ingatan ang likas na kalagayan ng tao. Ang alak ay isang pagkaligaw mula sa likas na kalagayang ito, para sa indibidwal at gayundin sa lipunan. Kung kaya ang pag-inom ng alak ay ipinagbabawal sa Islam.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…