Islam Lumaganap Sa Pamamagitan Ng Tabak: Ang karaniwang imahe ng Islam ay ipinalaganap ng isang Arabo na sakay ng kamelyo sa disyerto hawak ang Qur’an sa isang kamay at simitar [pakurbang tabak] sa kabilang kamay na nag-aalok ng pagpipilian, tanggapin ang Islam o mawawalan ng ulo.
Kagaya ng nabanggit sa una sa ilalim ng usaping apostasiya, ang sapilitang pagpapamuslim ay ipinagbabawal sa Islam. Ang relihiyon ay hindi lumaganap sa pamamagitan ng tabak. Mayroong komprontasyong militar sa pagitan ng bansang Muslim at ng umiiral na mga pwersa sa mundo ng Roma at Persiya. Gayunpaman, ang mga lugar na nasakop ay inilagay sa ilalim ng pamamahala ng Muslim at ang mga mamamayan dito ay malaya na panatilihin ang kanilang sariling mga paniniwala. Ang mga Muslim ay pinamunuan ang Ehipto, Palestina at Lebanon mula ika-8 siglo at ang malalaking mga komunidad ng mga Kristiyano ay patuloy na umiiral sa nakaraang mahigit na 13 siglo. Ang mga Muslim ay pinamunuan ang Espanya ng 700 taon at ang India ng 1000 taon na ang kalakhang bilang ng populasyon nito ay hindi pinayakap sa Islam.
Ang pinakamalaking bansang Muslim sa mundo ngayon ay Indonesia, na mayroong 200 milyong mamamayan, na hindi kailanman nakitaan ni isang sundalong Muslim. Ang Islam ay lumaganap doon at sa Malaysia at Pilipinas sa pamamagitan ng kalakalan. Ganito rin ang pangyayari sa paglaganap ng Islam sa mga bansa sa Kanlurang Aprika kagaya ng Nigeria, Ghana, Senegal, Chad at Niger. Gayundin, ang Islam ay ang pinakamabilis na lumalaganap na relihiyon sa Amerika ngayon na tinatayang may yumayakap sa pagitan ng 300 at 500 kada araw. Ito ay nangyayari na wala ni isa mang sundalo o kahit na mga misyonaryo.
Terorismo
Ang terorismo ay binigyan ng kahulugan ng pamahalaang Amerikano bilang banta o paggamit ng karahasan para maisulong ang isang adhikaing pulitikal ng indibidwal o mga grupo, kahit pa kumikilos ito na salungat sa pagtatatag ng pamumunong pampamahalaan, kapag ang ganitong mga pagkilos ay naglalayong sindakin, guluhin o takutin ang pakay na grupo nang mas malawak pa sa pinakamalalapit na mga biktima. Katunayan ang ganitong pangkalahatang pakahulugan ay maibibilang ang lahat ng mga digmaan ng paglaya mula sa Digmaang Kasarinlan ng Amerikano sa Rebolusyong Pransiya. Ang pinakamasamang aspeto at marahil ang pinakapangkaraniwang katangian ng terorismo ay ang pagsasagawa ng karahasan laban sa mga inosenteng sibilyan.
Ang Estado ng Israel ang kamakailang halimbawa ng pagtatatagng isang estado sa pamamagitan ng terorismo. Ito ay itinatag ng mga grupo ng teroristang Hudyo, ang pinaka pusakal rito ay ang ‘Stern Gang’.
Ang katawagang “teroristang Muslim” ay ginamit para bansagan ang Islam bilang teroristang relihiyon. Gayunpaman, ito ay isang maling katawagan. Noong ang tagapagpasabog ng IRA ay sumalakay, sila ay hindi binansagan bilang mga “Katolikong terorista” kahit pa ang labanan ay sa pagitan ng Kotolikong Irlanda at Protestanteng Hilagang Irlanda na inayudahan ng Protestanteng Inglatera. Gayundin, noong si Timothy McVeigh ay pinasabog ang himpilan ng CIA sa lungsod ng Oklahoma noong 1995 na kumitil ng 168 katao, siya ay hindi binansagan bilang isang “Kristiyanong terorista”, bagama’t siya ay Kristiyano at isang terorista. Katunayan ang bansag na “teroristang Muslim” ay ikinabit sa mga gawain ng PLO na magkakahalong mga Muslim, mga Kristiyano at mga komunista. Ang PLO ay hindi o kailanman naging isang organisasyong Muslim. Ito ay isang nasyonalistang organisasyon na kumikilos para maitatag ang isang sekular na estado ng Palestina.
Ang mukha ng terorismo ay makikita sa mga mapagmalabis na kilusan ng Ehipto. Ang Al-Gama’a Al-Islamiyyah [Islamikong Samahan] at Kilusang Jihad ay gumawa ng panindak na tropa para sa isang matinding pakikipagpunyagi sa pwersang panseguridad ng Ehipto na nagdulot ng halos 1,200 na namatay mula 1992 hanggang 1997 ngunit nabigong pabagsakin ang sekular na pamumuno ni Husni Mubarak. Ang Gama’a ay nag-angking may kagagawan sa patayan sa Luxor ng mga turista noong Nobyembre 1997. Gayunman, noong Marso 1997 ang ipinatapong pinuno nito ay pansariling nagdeklara ng pakikipagkasundo at tinalikdan ang karahasan. Ang pilosopiya ng mga kilusang ito at ang kanilang programa ng pagkilos ay mariing kinokondena ng mga nangungunang pantas ng Muslim sa pandaigdigan at gayundin sa mga lokal na mga pantas ng Ehipto.
Sa kaso ng Algeria ay medyo higit na masalimuot. Gayunman, sapat nang sabihin na ang Islamic Salvation Front [F.I.S] – na nakaambang manalo sa halalan na ipinatigil ng militar ng Algeria – ay tinalikdan ang marahas na pakikibaka sa nakalipas na isang taon mahigit, ngunit ang pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan ay nagpatuloy pa rin. Sa simula ng mga pagpaslang sa mga sibilyan, ang F.I.S. ay itinanggi ito at kinilala ang G.I.A. bilang pangunahing salarin. Sa pinakabagong ulat ay ipinahiwatig na ang G.I.A. ay binuo ng lihim na ahente ng pamahalaan para siraan ang pakikibakang militar ng F.I.S. sa pamamagitan ng paninira dito sa mga mamamayan gamit ang mga pang-aabuso.
Ang Islam ay pinipigilan ang anumang anyo ng walang habas na karahasan. Ang Qur’an ay nagpahayag:
“…Ang sinumang pumatay ng tao, maliban sa paghihiganti,ay para na rin niyang pinatay ang buong sangkatauhan…” [Maluwalhating Qur’an 5:32]
Mayroong mahigpit na mga patakaran na nag-uutos kung paano maaaring isagawa ang digmaan. Si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay ipinagbawal ang pagpatay sa mga kababaihan, kabataan, at matatanda at pagwasak sa mga Simbahan at mga Sinagoga at mga bukirin. Subalit, kung ang mga kababaihan, kabataan o matatanda ay armado ay maaari silang mapatay bilang pagtatanggol sa sarili.
Jihad
Karaniwang isinasalin ng Kanluraning mamamahayag bilang “banal na digmaan” ay isang malaking pagkakamali ng pagkaunawa sa prinsipyo ng Islam. Walang kataga sa Arabe na nangangahulugan ng “banal na digmaan”. Ang “digmaan” para sa Islam ay hindi “banal”.
Ang kahulugan ng Jihad ay “pagpupunyagi” o “pakikibaka”. Ito ay ginamit sa Islam na tumutukoy sa ibat-ibang pagsisikap na ipinag-utos sa mga mananampalataya. Pagpupunyagi para panatilihin ng Diyos at Kanyang Sugo nang higit na mahalaga kaysa mahal sa buhay, kayamanan at mismong sarili ay ang pinakapangunahing anyo ng Jihad na itinagubilin sa bawat Muslim.
Ang Propeta ay nagwika:
“Walang isaman ang tunay na sumasampalataya hangga’t si Allah at Kanyang Sugo ang naging higit na mahal sa kanya kaysa sa lahat ng bagay.”
Ang paggawa ng mabubuting mga gawa na itinagubilin ng Diyos ay ang mismong Jihad. Ang Propeta ay iniulat na nagwika:
“Ang pinakamainam na Jihad ay ang perpektong Hajj.”
Sa ibang salaysay,, tinanong ng isang lalaki ang Propeta kung siya ba ay nararapat na sumama sa Jihad. Ang Propeta ay tumugon sa pamamagitan ng pagtatanong sa lalaki kung ang kanyang mga magulang ay buhay pa at nang siya ay sumagot na buhay pa, siya [Propeta] ay nagwika:
“Pagsilbihan sila at iyon ang Jihad mo.”
Ang pagtatanggol sa Islam at pamayanang Muslim ay isang pangunahing aspeto ng pisikal na Jihad na kabilang ang paghawak ng sandata laban sa kaaway. Ang Diyos ay nagpahayag sa Qur’an:
“Ang kapahintulutan para lumaban ay iginawad sa kanilang sinalakay dahil sila ay pinagmalupitan. At tunay na si Allah, ay ang Pinaka-Makapangyarihan.” [Maluwalhating Qur’an 22:39]
“Makipaglaban kayo sa landas ni Allah laban sa mga nakikipaglaban sa inyo, ngunit huwag kayong magmalabis sa itinakda.; Ttunay na hindi minamahal ni Allah ang mga nagmamalabis.” [Maluwalhating Qur’an 2:190]
Ang mga Muslim ay inutusan ring makipaglaban laban sa mapang-api. Ang Qur’an ay nagpahayag:
“Bakit hindi kayo lumaban sa landas ni Allah at para sa kanilang inaapi sapagkat sila ay mahihina. Mga kalalakihan, kababaihan at kabataan na tumataghoy, aming Panginoon! Iligtas Mo kami mula sa sambayanang ito ng mga mang-aapi.’” [Maluwalhating Qur’an 4:75]