Likas Na Kalagayan
Isipin na lang kung isang gabi ikaw ay nakatanggap ng isang tawag mula kay David, isa sa matagal mong naging kaibigan sa paaralan na dati mong katabi sa upuan sa tuwing araling agham. Hindi mo na siya nakausap ng ilang taon, gayunpaman, sumagi sa iyong isip ang kanyang kakaibang mga tanong na madalas niyang itanong sa iyo. Bagaman kilala mo siyang kaaya-aya, hindi ka tagahanga ng kanyang mga pananaw. Nag-aatubili kang sumagot ng pangkaraniwan. Pagkatapos ng isang maiksing palitan ng pagbabatian, inanyayahan ka niya na kumain ng pananghalian kasama niya. Nag-aalanganin kang tinanggap ang kanyang paanyaya.
Habang nanananghalian, tinanong ka niya: “Maaari ba akong magsabi sa iyo?” Sumagot ka ng pagsang-ayon, at siya ay nagsimulang ipahayag sa iyo ang isang bagay na hindi mo pa dating narinig. “Alam mo, ang nakaraan — kagaya ng ginawa mo kahapon, nang nakaraang taon, at lahat pabalik hanggang sa iyong pagsilang — hindi talaga ito nangyari. Ito ay isa lamang ilusyon sa iyong ulo. Kaya ang tanong ko sa iyo ay, ikaw ba ay naniniwala na ang nakaraan ay umiiral?”
Bilang makatwirang tao, hindi ka sang-ayon sa kanyang palagay at ikaw ay sumagot, “Anong katibayan na mayroon ka para patunayan na ang nakaraan ay hindi umiiral?”
Ngayon ibalik natin ang pag-uusap, at isiping ginugol mo ang buong pananghalian na sinusubukang patunayan na ang nakaraan ay bagay na talagang nangyari.
Aling senaryo ang pipiliin mo?
Ang dahilan sa pagpili mo ng unang senaryo ay dahil ikaw – kagaya ng ibang makatwirang mga taong naririto – ay isinasaalang-alang ang katotohanan ng nakaraan bilang katotohanan sa sarili nito. Para sa lahat ng katotohanan sa sarili nito, kung may sinuman ang humamon dito, ang bigat ng katibayan ay nasa kanyang nagtanong dito.
Ngayon gamitin natin ito sa isang talakayan ng ateista at teista.
Inanyayahan ng isang teista ang kanyang kaibigang ateista sa isang hapunan, habang kumakain ang ateista ay nagpahayag, “Alam mo, hindi umiiral ang Diyos! Walang katibayan sa kanyang pag-iral.” Ang teista ay tumugon ng maraming ibat-ibang argumento para sa pag-iral ng Diyos. Gayunman, ginamit ba ng teista ang tamang paraan?
Bago tayo magbigay ng isang positibong usapin para sa pag-iral ng Diyos, hindi ba dapat nating pinatutunayan kung bakit ang pagtatanong sa pag-iral ng Diyos ay ang ipinapalagay na sadyang katanungan? Hindi dapat maging, ‘umiiral ba ang Diyos?’ Sa halip, dapat maging, ‘anong mga dahilan ang mayroon tayo upang itatwa ang Kanyang pag-iral?’
Ngayon, huwag mo sana akong maliin. Naniniwala akong marami tayong mga magagandang argumento na magpapatibay sa paniniwala sa Diyos, ngunit ang punto na nais kong itaas dito ay kung walang argumento laban sa pag-iral ng Diyos, magkagayun ang makatwirang agarang posisyon ay ang paniniwala sa Kabaanalan. Kung hindi, ito ay kagaya na rin sa pagtatanong sa katotohanan ng nakaraan nang walang anumang mabuting dahilan para gawin ito. Mula sa pananaw na ito, ang ateismo ay hindi likas.
Mga Katotohanan sa Sarili nito
Itinuturing nating maraming mga pananampalataya na naging katotohanan sa sarili nito. Ito ay nangangahulugang ang paniniwala ay mailalarawan bilang likas o tunay na kalagayan nito. Ilan sa kanila ay kabilang:
- Ang pagkakatulad-tulad ng kalikasan
- Ang Batas ng Pananahilan [Causality]
- Ang katotohanan ng nakaraan
- Ang katumpakan ng ating pangangatwiran
- Ang pag-iral ng ibang mga kaisipan
- Ang pag-iral ng isang ibang mundo
Kapag pinagdudahan ng isang tao ang mga katotohanang ito, hindi natin tinatanggap ng basta basta ang kanilang mga konklusyon, at karaniwang isasagot natin, “Ano ang katibayan ang meron ka para hindi mo ito tanggapin?”.
Ang katotohanang ito ay maliwanag dahil ito ay may katangian ng mga sumusunod:
Unibersal/Para sa Lahat: Hindi produkto ng isang tiyak na kultura; ito ay binubuo ng marami at ibat-ibang kultura.
Hindi itinuro: Hindi batay sa paglipat ng impormasyon. Ang mga ito ay hindi nakuha sa pamamagitan ng impormasyong panlabas na mula sa sariling introspeksyon o pagmumuni at pandama. Sa madaling salita, hindi sila natutunan sa pamamagitan ng pagkuha ng kaalaman.
Natural: Nabuo dahil sa likas na paggana ng utak ng tao..
Madaling maunawaan: Ang pinakamadali at simpleng interpretasyon ng mundo.
Diyos: Katotohanan na hindi kinakailangan ng Ebidensya
Katulad ng paniniwala na ang nakaraan ay minsang naging kasalukuyan, ang pagkakaroon ng Diyos ay isa ring maliwanag na katotohanan. Ang ibig sabihin ng ‘Diyos’ dito ay ang pangunahing konsepto ng isang tagalikha, isang di-pantao na pansariling dahilan o taga-disenyo. Hindi ito tumutukoy sa isang partikular na relihiyosong paglilihi ng isang diyos o Diyos. Ang sumusunod na talakayan ay nagpapaliwanag kung bakit ang paniniwala sa pangunahing ideyang ito ng Diyos ay unibersal, hindi nagtuturo, natural at madaling maunawaan.
Unibersal/Pangkalahatan
Ang pangunahing batayan ng ideya ng isang lumikha, o isang supernatural/hindi pangkaraniwang sanhi para sa sandaigdigan, ay cross-cultural, binubuo ng maraming kultura. Ito ay hindi nakabatay sa isang kultura subalit ito ay higit pa sa anumang kultura , tulad ng pagkakaroon ng paniniwala sa kadahilanan at pagkakaroon ng iba’t ibang kaisipan.
Halimbawa, ang ideya na ang mga tao ay may sariling kaisipan ay umiiral sa lahat ng kultura, ang isang paniniwala likas sa makatuwirang tao. Ang paniniwala sa Diyos o isang supernatural/Di pangkaraniwan na dahilan ay isang pangkalahatang paniniwala at hindi produkto ng isang partikular na kultura. Ang iba’t ibang mga konsepto patungkol Diyos ay umiiral sa iba’t ibang kultura, ngunit hindi nito itinatanggi ang payak na ideya ng tagapaglikha o hindi-uri-ng-tao na dahilan.
Sa kabila ng bilang ng mga ateista sa mundo, ang paniniwala sa Diyos ay pangkalahatan. Ang isang unibersal na paniniwala ay hindi nangangahulugang ang bawat tao sa planeta ay dapat maniwala rito. Ang isang cross-cultural consensus o nagkaisa ang maraming kultura ay sapat na katibayan upang patunayan ang pahayag ng mga tao sa pangkalahatan ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos.
Maliwanag, na marami pang mga theist o yung taong naniniwal sa Diyos kumpara sa mga ateista/yaong hindi naniniwala sa Diyos dito sa mundo, at ito na ang naging pangyayari mula pa sa simula ng mga kasaysayan.
Hindi tinuro
Maliwanag na katotohanan ay hindi na kailangan tinuturo o matutunan. Halimbawa, para matutunan ko ang spaghetti ay kailangan ko ang mga impormasyon patungkol sa lutuing kanluran at kulturang italiano. Hindi ko matututunan kung ano ang spaghetti sa pamamagitan lamang ng pagmumuni-muni. Salungat ito sa, hindi mo kinakailangan ng anumang impormasyon, maging mula sa kultura o edukasyon, upang mapatunayan na may lumikha sa mga bagay na umiiral.
Ito maaari ang isang dahilan kung bakit nagtatalo ang mga sosyolohista at antropolohista na kahit na ang mga batang ateista ay naiwan sa isang disyerto na isla, maniniwala sila na may isang lumikha sa isla. Ang pagkakaintindi natin sa Diyos ay maaaring magkakaiba, ngunit ang batayan ng paniniwala sa isang sanhi o tagalikha ay batay sa ating sariling pagninilay.
Ang ilang mga ateyista ay nagsabi, “Ang Diyos ay hindi naiiba kaysa sa paniniwala sa halimaw na spaghetti”. Ang pagtutol na ito ay malinaw na hindi totoo. Ang mga totoong maliwanag na katotohanan ay hindi nangangailangan ng panlabas na impormasyon. Ang ideya na may mga halimaw o kaya naman ay mayroong spaghetti, ay nangangailangan ng pagsalin ng impormasyon. Walang nakakuha ng kaalaman tungkol sa mga halimaw o spaghetti sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kaisipan o pagninilay. Samakatuwid, ang halimaw o spaghetti ay hindi isang malinaw na katotohanan, kung kaya’t, ang ihambing ito sa Diyos ay hindi maaaring gawin.
Natural (Natural na Ebidensya)
Ang paniniwala sa ilang uri ng hindi pangkaraniwan na taga-disenyo o layunin ay batay sa kalikasang pantao at pag-iisip. Ang konsepto ng pagkakaroon ng maliwanag na katotohanan ng Diyos ay naging isang paksa ng talakayan ng mga scholar sa islamikong intelektwal na tradisyon. Ang klasikal na iskolar na si Ibn Taymiyyah, ay ipinaliwanag na “ang pagpapatunay ng isang Lumikha ay matibay ang ugat sa puso ng lahat ng tao. ito ay mula sa binuklod na pangangailangan ng kanilang pagkakalikha…
Pati na rin ang posisyon ng Islam, ang yaman ng pananaliksik sa iba’t ibang larangan ay sumusuporta sa konklusyon na ang mundo ay dapat na tingnan bilang mag naglikha at may nagdesenyo.
Sikolohikal o pangkaisipan na Ebidensya
Ang akademikong, si Olivera Petrovich, ay nagsagawa ng pananaliksik. Patungkol sa pinagmulan ng mga likas na bagay, tulad ng mga halaman at hayop, At natuklasan niya na ang mga pre-schoolers ay mas magsasabi ng maka-pitong beses na ang panginoon ang naglikha sakanila kesa sa tao. Sakanyang tanyag na panayam, naghinuha si petrovich na ang paniniwala sa isang di-antropomorphic na Diyos ay tila natural at na ang ateismo ay isang nakuha na kognitibong posisyon.
Sosyolohikal at Antropolohikal na Katibayan
Ang pananaliksik ni Propesor Justin Barrett na inulat niya sa kanyang libro na Born believers: the science of children’s religious belief ay tumingin sa pag-uugali at mga salaysay ng mga bata. Siya’y nagpalagay na ang mga bata ay naniniwala sa kanyang tinawag na ” Natural Religion”. Ito ay ideya na mayroong isang pagkatao na lumikha ng buong sandaigdigan. At ang pagkatao na iyon ay hindi maaaring maging tao – dapat itong banal, hindi pangkaraniwan:
Ang maka-agham na pananaliksik patungkol sa di pangkaraniwang paniniwala ay nagsabi na karaniwan ang mga bata ay mabilis nilang nakukuha ang kaisipang nagtutulong sakanilang maunawaan ang Hindi Pangkaraniwang pagkatao. Partikular sa unang taon pagkatapos ng kapanganakan, ang bata ay nakakikilala sa pagitan ng tao o hindi tao, nauunawaan nito na ang tao ay nagagawa nito ang anumang kanyang naising layunin. Masigasig silang Nakakanap ng kinatawan sa kanilang paligid, bagaman bigyan lamang ng katiting na palatandaan. Di katagalan paglipas ng kanyang unang kaarawan, ang sanggol ay nakakaunawa na ng mga tao, ngunit hindi natural na puwersa o ordinaryong mga bagay, maaaring lumikha ng kaayusan sa labas ng kaguluhan. Ang kaugaliang ito upang makita ang tungkulin at layunin, kasama ang isang pag-unawa na ang layunin at pagkakasunud-sunod ay nagmula sa pag-iisip, napapaniwala nito ang mga bata na ang isang di-karaniwang kaganapan ay may kusang naglikha. Sino ang Lumikha? Alam ng mga bata na ang tao ay hindi angko na maging kandidato. Ito ay dapat na isang diyos … Ang mga bata ay likas mula sa kanilang pagkapanganak na naniniwala sa tinatawag na natural na relihiyon…
Madaling Maunawan
Ang mga tao ay mayroong kaugnayang itangi ang mga sanhi sa mga bagay-bagay sa lahat ng oras, at ang buong kosmos ay isa sa mga bagay na iyon. Hindi lahat ng intuisyon o kawatasan ay totoo ngunit ang katibayan ay kinakailangan upang ayusin ang naunang intuwisyon/pagkaunawa ng tao at iwanan ito kung kinakailangan.
Halimbawa, kapag nakita ng tao ang disenyo at pagkakatugma ng uniberso o sandaig-digan, ang napakadaling pang-unawa dito bilang konklusyon ay mayroong isang taga-disenyo. Upang baguhin ang paniniwala ng isang tao, ang wastong katibayan ay kinakailangan upang bigyang-katwiran ang pananaw na sumasalungat sa katotohanang ito. Ang maniwala sa panginoon, taga-paglikha o tagadisenyo or di-pangkaraniwang sanhi ay maliwanag na katotohanan. Ito ay pangkalahatan, hindi kinakailangang ituro at napakadaling maunawaan. Sa kaliwanagang ito, ang tamang katanungan ay Hindi: May Diyos nga ba?
Ang tamang katanungan ay dapat: Bakit mo itinatanggi ang katotohanang may Panginoon? Ang may tungkuling magbigay ng katibayan ay nasa taong ang nag-uusisa pa or nagdududa sa isang maliwanag na katotohanan. Kapag may nagsasabing ang nakaraan ay isang ilusyon o ang ibang mga tao ay walang isip, Kailangan niyang pasanin ang pagbibigay ng katibayan nito. Ang mga ateista ay hindi naiiba. Kailangan nilang bigyang katwiran ang kanilang pagtanggi sa isang sanhi o ng tagapaglikha ng sandaigdig.
Likas na disposisyon o kalooban: Fitrah
Ang Diyos bilang isang maliwanag na katotohanan ay nauugnay sa konseptong teolohikal ng Islam Kung saan ito ay tinatawag sa Arabic na: ang Fitrah . Sa teolohikal na pananaw, ang fitrah ay ang likas na estado o ang likas na disposisyon/kalooban ng isang tao na nilikha ito ng Diyos na may isang likas na kaalaman tungkol sa Kanya at may kaakibat na relasyon o ugnayan na Pagsamba sa isang Dakila.
Ito ay batay sa autentikong pahayag ng Propeta Muhammad sumakanya nawa ang kapayapaanna nagsabi, “Ang bawat bata ay ipinanganak na nasa estado ng fitrah. Pagkatapos nito ang kanyang mga magulang ang gumawang sa kanya na isang Hudyo, isang Kristiyano o isang Magian…. ”
Ang maka Propetikong Tradisyon ay nagtuturo na ang bawat tao ay may likas na kaugalian, ngunit ang mga panlabas na impluwensya tulad ng pagpapalaki ng magulang – at sa pamamagitan ng pagpapalawak ng lipunan – nagbabago sa tao na hindi nababatay sa likas na kaalaman ng Diyos.
Sa kabila ng katotohanan na ang fitrah ay isang likas na estado, maaari itong ‘maikubli’ o ‘masira’ ng mga panlabas na impluwensya. Ang mga impluwensyang ito, tulad ng maka-propetikong tradisyon na nabanggit sa itaas, ay katulad ng impluwensya ng pag-papalaki ng magulang, lipunan at pigapit ng mga kaibigan o kasamahan.
Ang mga impluwensya ng ito ay maaaring makasira sa Fitrah at maging hadlang upang matanggap ang katotohanan. Kung ang likas na disposisyon o estado ay nasira ng ibang impluwensya, ang tao ay maaaring humingi ng mga katbayang nagpapatunay ng pag-iral o pagkakaroon ng panginoon.
Mula sa pananaw ng epistemolohiyang Islamiko o Agham ng pag-sulat ukol sa relihiyon, ay importanteng malaman pananalig sa Paniniwalang May Diyos ay hindi lamang basta-basta kinuha sa uri ng induktibo, deduktibo, pilosopikal o pang-agham na ebidensya.
Sa halip, ang mga ebidensya na ito ay gumi-gising at nagbubukas sa fitrah upang kilalanin ang likas na kaalaman ng Diyos. Ang katotohanan sa konsepto ng pagkakaroon ng Diyos at ang katotohanan na Siya ang karapat-dapat ng ating pagsamba ay kilala na ng fitrah. Gayunpaman, ang fitrah ay maaaring mangulimlim sa pamamagitan ng pakikipag halubilo at iba pang mga panlabas na impluwensya. Samakatuwid, ang papel ng mga maka tuwirang argumento ay ang paalalahanan tayo sa mga katotohanan na alam na natin.
Upang mailarawan ang puntong ito, isa-imahinasyon na naglilinis ako sa taas ng bahay ng aking ina. Habang nililipat ko ang mga lumang bag at itinatapon ang mga napaglumaan ng bagay, nakita ko ang aking paboritong laruan na dati kong nilalaro noong 5 taong gulang pa ako.
Ang nangyayari sa akin sa puntong ito ay naalala ko ng isang bagay na mayroon na akong kaalaman. Sa isip ko, Ang tingin ko: “Ahh oo, Naaalala ko itong laruan. Paborito ko ito.” Ang katotohanan ng Paniniwala sa panginoon at ang katotohanan na siya ang karapat-dapat sambahin ay walang pinag-iba. Ang mga pangangatwiran o ebidensya ay nagsisilbi bilang pang-gising sa espirituwal at intelektuwal ng tao upang maunawaan ang kaalaman na nilalaman ng ating fitrah.
Ibang paraan upang ang fitrah ay hindi magdilim ay kasama ang Instrospeksyon o pagsisiyasat sa sarili, espiritual na karanasan, pagmumuni-muni at pagninilaynilay.
Ang Quran ay naghihikayat ng pagtatanong at malalim na pag-iisip sa mga bagay-bagay.
“Sa Gayun, Kami nagpapaliwanag nang detalyado ang mga palatandaan para sa sinuman ang nag-iisip” [Maluwalhating Quran 10:24]
“Katotohanang sa gayun ay mga palatandaan sa mga taong nag-iisip.” [Maluwalhating Quran 45:13]
Ang islamikong pag-aaral sa relihiyon or Islamikong epistemolohiya ay naniniwala na ang makatwirang argumento ay isang paraan at hindi isang pagtatapos.
Kung kaya’t napaka-importanteng isa-alang alang na ang gabay ay manggagaling lamang sa ALLAH, at walang makatuwirang ebidensya ang makakakumbinsi sa puso ng isang tao upang mapagtanto ang katotohanan ng Islam. Malinaw na malinaw ng Diyos:
“Katotohanang hindi ikaw ang makakapagbigay gabay sa sinumang naisin mo, ngunit ang Panginoon ang nagbibigay gabay sa sinuman naisin niya. At Siya ang pinaka-maalam sa sinuman totoong nagabayan.” [Maluwalhating Quran 28:56]
Ang gabay ay isang espirituwal na bagay na batay sa awa, kaalaman at karunungan ng Diyos. Kung nanaisin ng Diyos na ang isang tao ay gagabayan sa pamamagitan ng mga makatuwirang argumento, magka-gayon walang makakapigil sa taong tanggapin ang katotohanan.
Sa pagtatapos, ang paniniwala na may isang Diyos ay isang maliwanag na katotohanan. Tulad ng lahat ng maliwanag na mga katotohanan sa ating sarili, kapag ang isang tao ay humahamon sa mga katotohanang ito, ang may tungkuling magbigay ng ebidensya o patunay ay sakanilang humahamon sa mga katotohanang ito. Gayunpaman, ang iilang pangangatwiran ng mga ateyista laban sa pagkakaroon ng Diyos ay mahina at mababaw ang pilosopiya. Ang maliwanag na katotohanan ng Diyos ay tinalakay sa Qur’an ma-higit sa 1,400 taon na ang nakalilipas:
“Mayroon ba dapat na pagdududa sa Panginoon, Siya ang lumikha ng kalangitan at kalupaan” [Maluwalhating Quran 14:10]
Mga Dahilan Upang Maniwala
Ipagpalagay na nagising ka isang umaga at naglakad patungo sa kusina para paghanda ng almusal. Habang papalapit ka sa hapagkainan, nakita mo ang 2 perasong tostado na mayroong paborito mong palaman.Gayunpaman, ang palaman ay naka-ayus sa mga salitang “I love you”. Nagtaka ka, pero bakit? Sa palagay mo ba na ang mga piraso ng tinapay ay nakapagtustado sa kaniyang sarili, at ang nagkalat ng tsokolate ay makakapaglinis sa kanyang sarili na sa gayung paraan— lahat ba ng iyon ay pagkakataon? O pinagpalagay mo na ang iyong mahal sa buhay ay nagdesisyong magising ng maaga at maghanda ng tostadong tinapay? Ang bawat makatuwiran na tao sa mundong ito ay tatanggi na nangyari ito nang walang anumang hangarin o dahilan; bulag na pagkakataon ay hindi sapat bilang katanggap tanggap na paliwanag.
Ang sandaigdigan ay hindi naiiba. Ito ay may maayus at tiyak na kosmikong arkitektura..
Ang sandaigdigan ay may tamang hanay ng mga batas upang magbigay daan sa pagkakaroon ng buhay, at iniutos ito sa isang partikular na paraan upang magbigay daan sa mga nilalang upang umunlad. Kung naiiba ang mga batas o ang uniberso/Sandaigdigan ay hindi naglalaman ng isang sensitibong pag-aayos upang mapanatili ang buhay ng mga bituin, planeta, at iba pang mga pisikal na bagay na may iba’t ibang laki, hindi ka naririto na pagbabasa ng aklat na ito. Sa katunayan, walang anumang buhay na tao sa ngayon.
Pag-nilayan pa natin ang isa pang pagkakatulad. Isipin mong ikaw ay isang astronaut na nagtatrabaho para sa NASA. Ang taon ay 2070, at ikaw ang unang tao na makakabisita sa isang planetang tulad ng Earth sa ibang kalawakan. Ang iyong misyon ay upang makahanap ng pagkakaroon ng buhay. Sa wakas ay dumating ka, at sa paglabas mo sa iyong sasakyang pangalangaang, wala kang ibang nakikita kundi mga bato. Gayunpaman, habang ipinagpapatuloy mo ang iyong paglalakbay sa kalaunan ay nakahanap ka ng isang bagay na kawangis ang malaking greenhouse o punlaan
Sa loob nito may makikita kang parang-tao nilalang na naglalakad, kumakain, naglalaru, nagtatrabaho at namumuhay ng produktibong normal na pamumuhay. Napapansin mo din ang mga pananim, mga kahoy, at mga halaman. Habang papalapit ka ang mga straktura, magiliw na mga ambasador ay mainit kanilang tinanggap at inaanyayahan pumasok.
Sa inyong paunang pagtatagpo kasama ang mga magiliw na alien, sinasabi nila sayo na ang mga istraktura ay may sapat na antas ng oxygen. Ito rin ay may sapat na dami ng tubig at mga langkapan ng kemikal na tumutulong sa pag-gawa ng pagkain at mga halamang sumusuporta sa pamumuhay. Namangha ka sa narinig mo, tinanong mo sila kung papaanu nila pinamamahalaan ang ganitong ganap at masaganang systemang ekolohikal na nagpapanatili sa buhay. Isa sa mga mabsador ay nagsabi, “Ito ay pawang pagkakaton.”
Unang papasok sa isipan mo ay kung papanu mo maiintindihan ang implikasyon ang tulad ng ganitong nakakatawang pahayag. Ang pnakamalapit na paliwang dito sa kaayusang ito ay ang pagkakaroon nito ng taga-desinyo na isang matalinong nilalang, at hindi mula sa hindi tiyak na proseso. Ang sandaigdigan at lahat ng nasa loob nito ay sumusunod sa mga pisikal na batas. Kung ang mga batas na ito ay naiiba man ay walang dulot na pagka komplikado sa ating buhay.
Ang sandaigdigan ay binubuo ng milyong bituin at kalawakan. Kabilang sa mga hindi mabilang na mga kalawakan ay naga-ganap ang hindi mabilang na planeta. Isa sa planetang ito ay ang tahanan natin, ang Earth/Mundo. Ang ating planeta ay binubuo ng trilyong mabubuhay na mga nilalang. Nilalang na katulad natin na nakakapag-isip, nakakapag-planu at nakakapag-muni-muni.
Ang walang mintis na konklusyon mula sa lahat ng ito ay simple lang, ngunit napakalalim: Dapat mayroong isang tagapaglikha sa likod ng lahat ng disenyo na ito. Ang lahat sa paligid natin ay tumuturo sa Diyos. Ang pagninilay-nilay sa lahat ng nilikhang ito ay dapat magdulot ng pag-unawa at pasasalamat sa Diyos.
“Katotohanang, sa pagkakalikha sa langit at lupa at ang paghahalili ng gabi at araw ay palatandaan sa mga taong may pag-unawa.” [Maluwalhating Quran 3:190]