Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa palakasan, o kapag nakamasid tayo ng kahanga-hangang gawa ng kagitingan, o kapag nakapakinig tayo sa isang mapagganyak na pananalita — tayo ay napipilitang purihin kung ano ang ating naranasan. Tayo ay tumatayo. Tayo ay pumapalakpak. Tayo ay nagbibigay-pugay. Tayo ay naaantig, napupukaw, nahihikayat, nagagalak at natatangay ng anumang ating naranasan. Hindi natin kailanman makalimutan ang mga sandaling ito sa ating mga buhay. Alalahanin ang huling pagkakataong naranasan mo ang ganitong sandali at kung paano ang iyong reaksyong pumuri ay ang tanging makatarungan at kinakailangang reaksyon.
Ngayon ay ating ituon ang ating pansin sa ating sansinukob, tayo ay nabubuhay sa kamangha-manghang sansinukob na ito. Tayo ay umaasa, nagmamahal, naghahanap ng katarungan at naniniwala sa sukdulang halaga ng buhay ng tao. Tayo ay nangangatwiran, nakararamdam, nakapag-iisip at nakatutuklas. Tayo ay nabubuhay sa isang malawak na sansinukob na may bilyun-bilyong mga bituin, mga galaksiya at mga planeta. Ang sansinukob ay naglalaman ng nakararamdam na mga nilalang na mayroong isang natatanging daloy ng kamalayan. Tayo ay may di-materyal na pag-iisip na nakikipag-ugnayan sa pisikal na daigdig. Ang sansinukob ay may mga batas at isang tumpak na kaayusan na, kung magkakaiba, ay mapipigilan sana ang paglitaw ng may kamalayang buhay. Nararamdaman natin – sa ating kaibuturan – ang kamalian ng kasamaan at kawastuhan ng kabutihan.
Sa ating sansinukob, mayroon tayong mga hayop at mga kulisap, gaya ng langgam na kayang matagalan ang kanilang sariling bigat nang mahigit pa sa maraming ulit, at mga butil na kayang sumibol mula sa init ng isang apoy. Nabubuhay tayo sa isang planeta na may libu-libong mga wika at milyun-milyong mga uri ng hayop. Nabubuhay tayo sa isang sansinukob na kung saan ang isipan ng tao ay maaaring makatuklas ng mga sandata na kayang lipulin ang mundo, at makagawa ng mga ideya na maaaring pigilin ang mga sandatang yaon sa pagsabog. Tayo ay nabubuhay sa isang sansinukob na kung ang isa sa hindi mabilang na mga atomo ay maghiwalay, ito ay maaaring maglabas ng napakalaking dami ng enerhiya. Tayo ay nabubuhay sa isang planeta na kung, ang mga puso ay nagkaisa, ay maaaring magdala ng kapayapaan sa mundo.
Gayunpaman ang ilan sa atin ay hindi maatasang bigyan ang Diyos – na Siyang lumikha ng buong sansinukob at lahat ng nakapaloob dito – ng isang masigabong pagpupugay; na tumayo, luwalhatiin at purihin Siya. Hindi natin makayang mapasalamatan ang tagapaglikha sa bawat sandali, bawat kalagayan at pakikisalamuha? Tayo ay naligaw, nalinlang at makakalimutin sa Diyos, ang Siyang lumikha sa atin:
“O sangkatauhan, ano ang nakalinlang sa inyo hinggil sa inyong Panginoon, ang Mapagbigay? [Maluwalhating Quran 82:6]
Ang Diyos ay tunay na dakila, Siya ang pinakadakila. Siya ang karapat-dapat sa ating pagmamahal, pagsunod, at mga gawang pagsamba. Kung hindi mo pa nauunawaan kung bakit, narito ang tatlong mga pangunahing dahilan.
Ang karapatan ng Diyos na sambahin ay isang kinakailangang katotohanan ng Kanyang pag-iral
Ang pinakamainam na bahagi para magsimula ay ang maunawaan kung sino ang Diyos. Ang Diyos sa pakahulugan ay ang Siyang may karapatan sa ating pagsamba; ito ay isang kinakailangang katotohanan ng Kanyang pag-iral. Ang Qur’an ay paulit-ulit na binigyang-diin ang katotohanang ito tungkol sa Diyos,
“Katotohanan, Ako si Allah. Walang Diyos kundi Ako, kaya’t sambahin Ako at mag-alay ng mga pagdarasal bilang paggunita sa Akin.” [Maluwalhating Qur’an 20:14]
Dahil ang Diyos, sa pakahulugan, ay ang Namumukod-tanging Umiiral na ang karapatan ay ang ating pagsamba, magkagayun ang lahat ng ating mga gawang pagsamba ay nararapat na ituon sa Kanya lamang.
Ang Diyos ay natatanging nag-iisa na walang anumang mga katambal. Sa Islamikong tradisyon, tayo ay ginawang may kamalayan na Siya ay perpekto, perpekto sa pagiging perpekto. Taglay Niya ang lahat ng perpektong mga pangalan at katangian sa pinakamataas na antas na maaari. Ang Diyos ay inilalarawan bilang Ang Mapagmahal, at nangangahulugan itong ang Kanyang pagmamahal ay ang pinakaperpektong pagmamahal at ang Kanyang pagmamahal ay ang pinakadakilang pagmamahal na maaari. Dahil sa mga pangalan at mga katangiang ito na ang Diyos ay dapat na sambahin.
Atin laging pinupuri ang mga tao dahil sa kanilang kabaitan, kaalaman at karunungan. Gayunpaman, ang kabaitan ng Diyos, kaalaman at karunungan ay nasa pinakamataas na antas na maaari nang walang kakulangan o kapintasan. Samakatuwid, Siya ay karapat-dapat sa pinakamalawak na anyo ng papuri at ang pagpuri sa Diyos ay isang anyo ng pagsamba. ِAng Diyos din ang tanging Nag-iisa na karapat-dapat sa ating mga pagsusumamo at mga pagdarasal. Nababatid Niya kung ano ang pinakamabuti para sa atin, at Siya din ay ninanais ng kung ano ang mabuti para sa atin. Ang ganitong Umiiral na may mga ganitong katangian ay karapat-dapat pagdasalan, at hilingan ng tulong. Ang Diyos ay nararapat sa ating pagsamba dahil mayroong bagay tungkol sa Diyos kung kaya Siya ganito. Siya ang Umiiral na may pinakaperpektong mga pangalan at mga katangian.
Ang isang mahalagang punto tungkol sa pagsamba sa Diyos ay ito ang Kanyang karapatan kahit pa hindi tayo tumatanggap ng anumang uri ng ginhawa. Kung tayo ay para mamuhay sa isang buhay na puno ng pagdurusa. Ang Diyos ay dapat pa ring sambahin. Ang pagsamba sa Diyos ay hindi nakabatay sa animo’y uri ng palitang ugnayan; Siya ay nagbibigay ng buhay, at sinasamba natin Siya bilang ganti. Huwag maliin kung ano ang sinasabi dito, ang Diyos ay pinauulanan tayo ng maraming mga biyaya [kagaya ng tinalakay sa ibaba], gayunpaman, Siya ay sinasamba dahil sa kung sino Siya at hindi dahil sa kinakailangan kung paano Siya nagpapasya – sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang karunungan – para ipamahagi ang Kanyang mga biyaya.
Ang Diyos ay lumikha at nagpapanatili sa lahat
Ang Diyos ay nilikha ang lahat, Siya ay patuloy na nagpapanatili sa buong kosmos at nagtutustos para sa atin mula sa Kanyang mga biyaya. Ang Qur’an ay patuloy na inuulit-ulit ang katotohanang ito sa maraming paraan, na pumupukaw ng diwa ng pasasalamat at pagkatako sa puso ng tagapakinig o mambabasa:
“Siya ang lumikha para sa inyo ng lahat ng nasa lupa.” [Maluwalhating Quran 2:29]
“Tunay na inuugnay ba nila sa Kanya bilang mga katambal ang mga bagay na hindi lumilikha ng anuman bagkus ang mga ito pa nga ang nilikha?” [Maluwalhating Quran 7-191]
“O sangkatauhan, alalahanin ang biyaya ng Diyos sa inyo. May tagapaglikha pa bang iba bukod sa Diyos na nagkakaloob sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, papaano kayo nangaligaw?” [Maluwalhating Qur’an 35:3]
Samakatuwid, ang lahat ng ginagamit natin sa ating araw-araw na mga buhay, at lahat ng mga mahahalagang bagay na kailangan natin para mabuhay, ay lahat para sa Diyos. Ang susunod dito magkagayun na lahat ng mga pasasalamat ay nauukol sa Kanya. Dahil ang Diyos ay nilikha ang lahat ng mga bagay na umiiral, Siya ang nagmamay-ari at panginoon ng lahat, kabilang tayo. Kaya, dapat tayo ay nasa diwa ng pagkatakot at pasasalamat sa Kanya. Dahil ang Diyos ay ang ating Panginoon, tayo ay dapat maging mga lingkod Niya. Ang pagtatatwa dito ay hindi lamang pagtanggi sa katotohanan, bagkus ito ay kasukdulan ng kawalang utang loob, pagmamataas at kawalang pasasalamat.
Dahil ang Diyos ay nilikha tayo, ang ating pag-iral ay nakabatay lamang sa Kanya.
“Papaano kayong hindi sasampalataya sa Diyos gayong kayo ay mga walang buhay at binuhay Niya kayo, pagkatapos ay aalisan Niya kayo ng buhay, pagkatapos ay bubuhayin Niya kayo, pagkatapos ay sa Kanya kayo magbabalik.” [Maluwalhating Qur’an 2:28]
Hindi tayo nakasasapat sa sarili, kahit ang ilan sa atin ay naligaw sa pag-iisip na tayo nga ay ganun. Kahit pa tayo ay namumuhay sa karangyaan at kagaangan o kahirapan at pagdurusa, tayo sa kabuuan ay umaasa sa Diyos. Walang anuman sa sansinukob ang mangyayari nang wala Siya at anumang mangyari ay dahil sa Kanyang kalooban. Ang ating tagumpay sa buhay at ang dakilang mga bagay na maaari nating makamit ay dahil sa Diyos. Nilikha Niya ang mga pinagmumulan sa sansinukob na ginagamit natin para makamit ang tagumpay, at kung hindi Niya loloobin ang ating mga tagumpay, ito ay hindi kailanman mangyayari. Ang pag-unawa sa ating lubos na pag-asa sa Diyos ay nararapat na pumukaw ng masidhing diwa ng pasasalamat at pagpapakumbaba sa ating mga puso. Ang pagpapakumbaba ng ating mga sarili sa harapan ng Diyos at pagpapasalamat sa Kanya ay isang anyo ng pagsamba. Ang isa sa pinakamalaking hadlang sa Banal na gabay at awa ay ang kahibangan sa sariling kasapatan, na sa sukdulan ay nakabatay sa pagkasarili at pagmamataas. Ang Qur’an ay niliwanag ang puntong ito:
“Subalit ang tao ay nagmamalabis sa lahat ng hangganan, kapag kanyang inisip na siya ay sapat sa sarili.” [Maluwalhating Qur’an 96:6-7]
Ang Diyos ay nagkaloob sa atin ng hindi mabilang na mga pabor
“At kung [susubukang] bilangin ninyo ang pabor ng Diyos, hindi ninyo mabibilang ang mga ito. Tunay na ang sangkatauhan ay [sa pangkalahatan] walang katarungan, walang pasasalamat.” [Maluwalhating Qur’an 14:34]
Mula sa pananaw na ito, anumang bagay maliban sa pagtibok ng puso ay gantimpala. Ang panginoon ay nagbigay sa atin ng mga pabor na hindi natin mabibilang. At kung mabibilang man natin, Kinakailangan natin Siyang pasalamatan sa mga ginawa Niyang iyun. Tayo ay dapat na walang hanggang mapagpasalamat sa Diyos sapagkat hindi kailanman natin Siya mapapasalamatan sa kanyang mga biyaya. Halimbawa na lang ay ang ating puso. Ang puso ng tao ay tumitibok ng halos 100,000 beses sa isang araw, kung saan umaabot ng 35,000,000 beses sa isang taon. Kung mabubuhay tayo hanggang sa edad na 75, ang bilang ng tibok ng puso ay aabot sa 2,625,000,000. Ilan ba sa atin ang mismong nakapagbilang ng tibok ng puso natin? Wala pang sinumang nakakagawa.
Upang magawang mabilang ito ng maraming beses, kailangan mong simulan ang pagbibilang ng bawat tibok ng puso mula sa araw na isinilang ka. Nangangahulugan din ito na hindi ka mabubuhay ng isang pangkaraniwang buhay, dahil palaging kakailanganin mong magbilang sa tuwing magsisimula ng tibok ng iyong puso. Gayunpaman, ang bawat tibok ng puso ay mahalaga sa atin. Sinuman sa atin ay magnanais na magsakripisyo ng isang bundok na ginto upang matiyak na gumana nang maayos ang ating mga puso upang manatili tayong buhay. Gayunpaman kinakalimutan at itinatanggi natin ang Siyang lumikha ng ating mga puso at nagbibigay kakayahan sa mga ito upang gumana. Ang halimbawang ito ay nagtutulak sa ating ipagtibay na nararapat tayong maging mapagpasalamat sa Diyos, at ang pasasalamat ay isang anyo ng pagsamba.
Ang talakayan sa itaas ay tumutukoy lamang sa pagtibok ng puso, kaya isipin ang pasasalamat na dapat nating ipahiwatig para sa lahat ng iba pang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Mula sa pananaw na ito, ang anuman maliban sa pagtibok ng puso ay isang gantimpala. Binigyan tayo ng Diyos ng mga pabor na hindi natin kailanman mabibilang at kung mabibilang man natin ay kailangan nating pasalamatan SIYA para sa kakayahang magawa rin natin ito. Sa pagtatapos, ang mapagmahal na pagsamba sa Diyos at mapayapang pagsukong ating kalooban sa Kanya ay ang pagpapatupad ng layunin ng ating pag-iral.