Sa mga Di-Muslim; Nawa’y ang Katotohanan ang Magpalaya Sa’yo, Naitanung ba natin minsan sa ating sarili: “Ako ba ay nakahanda na sa Kamatayan?
Tumanggap kami ng maraming mga Email mula sa ibat-ibang panig ng mundo at ang isang ito ay nanggaling sa isang di-Muslim na nagngangalang S,W. Siya ay nagtanong:
“Minamahal na Ginoo.” Sinusubukan kong maglista ng mga bagay na dapat gawin bago ako mamatay at nais ko ng ilang mga mungkahi? Maaari ka bang magbigay puna kung ano ang sinasabi ng Islam tungkol sa kamatayan?” Salamat sa’yo, S.W.”
Sagot mula kay Shaykh Yusuf Estes,
US Federal Prison Chaplain (retirado)
Si Allah ang Makapangyarihan ay Matalino sa lahat at ang Nakababatid sa lahat ng mga Bagay.
Sa mga hindi sanay sa mga aral ng Islam, ay kailangan seguro na daanan natin ang ilang mga pangunahing paniniwala bago subukang sagutin ang napakatapat at malalim na katanungang ito.
Mayroong maiksing kabanata sa hulihan ng Banal na Qur’an ang tinatawag na “Al-Asr” at ito ay nagdadala ng mabigat na kahulugan na makakatugon sa maraming suliranin na tumutukoy sa buhay at kamatayan ng nilikhang tao. Ating isaalang-alang ang humigit kumulang na salin sa wikang tagalog.
“Sumpa man sa panahon [1], tunay na ang tao ay nasa kalugihan [2], maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga matuwid at nagpapayuhann ng katotohanan at nagpapayuhan ng pagtitiis [3].” [Maluwalhating Qur’an 103:1-3]
1. Si Allah ay sumumpa ng matinding kahihinatnan
2. Ibig sabihin “Impiyerno” ang bunga ng kanilang mga gawain habang nasa mundo
3. Kaisahan ni Allah [Tawhid o kaisahan]
4. Dito ay “Katotohanan” ay nangangahulugan ng anumang bagay at lahat ng bagay ukol sa dalisay na kaisahan
Mula sa binanggit sa itaas na bahagi ng Qur’an at talata na kaugnay nito, ang mga pantas ng Islam ay nagkaroon ng pakahulugan na mga sumusunod:
Lahat tayo ay isinilang na may layuning dapat matupad bago ang kamatayan – Pagsamba sa Isa at Tunay na Diyos, Nag-iisa at sa Kanyang mga tuntunin at kondisyon.
Lahat tayo ay isinilang na may layuning dapat matupad bago ang kamatayan – Pagsamba sa Isa at Tunay na Diyos, Nag-iisa at sa Kanyang mga tuntunin at kondisyon.
“Nilikha lamang kayong lahat ni Allah sa layuning sambahin Siya.”
Lahat tayo ay mamamatay at hahantong sa libingan.
“Ang bawat kaluluwa ay makakaranas ng kamatayan.” Maluwalhating Qur’an
Lahat tayo [mga mananampalataya at mga di-mananamapalatay] ay muling bubuhayin sa Araw ng Paghuhukom.
“Katiyakan kay Allah tayo nagmula at sa Kanya tayo ay magbabalik.”
” At Hindi ba nila naiisip na sila ay muling bubuhayin, sa Dakilang Araw? Sa Araw na ang lahat ng sangkatauhan ay tatayo sa harapan ng Panginoon ng mga Daigdig?”
Ang bawat tao ay tatanggap ng kanyang “Aklat ng Talaan” [nakatala ang lahat ng kanyang gawa].
“Hindi! Katiyakan, ang Talaan ng masama ay Naingatang Talaan.” At “Silang tatanggap ng kanilang mga aklat sa kanilang kanang kamay ay magtatagumpay.” At “Silang tatanggap ng kanilang aklat sa kanilang likuran ay mga talunan.”
Ang bawat tao ay mananagot sa kanyang mga ginawa.
“Ang bawat tao ay makikita ang anumang mabuti na kanyang ginawa, kahit na katiting. Ang bawat tao ay makikita ang kanyang masamang ginawa, kahit pa katiting.”
Walang sinuman ang mananagot sa kasalanan ng iba.
“Si Allah ay hindi binibigyan ng pasanin ang isang tao na lagpas sa kanyang kakayahan. Siya ay gagantimpalaan kung ano ang kanyang naipon [na mabuti], at paparusahan kung ang kanyang naipon [na masama].
Walang sinuman ang makapamamagitan sa Makapangyarihan maliban sa Kanyang Naisin.
“Sino nga ba ang makapamamagitan kay Allah at sa Kanyang nilikha maliban sa Kanyang binigyan ng pahintulot?”
Ang huling hantungan na Langit o Impiyerno ay ilalantad pagkatapos.
“Katiyakan, inyong makikita ang naglalagablab na Apoy [Impiyerno].”
Walang isa man papasok sa Paraiso maliban sa Habag ni Allah.
Si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan] ay nagsabi:
“Walang makakapasok sa Jannah [Paraiso] maliban sa Habag ni Allah. Nang tinanong ng kanyang mga kasamahan: “Kahit pa ikaw? O, propeta ni Allah?” At siya ay sumagot: “Kahit pa ako.”
Walang papasok sa Apoy maliban silang mga umani nito.
“Sa makatuwid, binalaan ko kayo ng naglalagablab na Apoy [Impiyerno]. Walang papasok dito maliban ang pinakamasasama.”
Ang kamatayan ay parang paglalakbay sa kalupaan na dito ay wala ng balikan pa. Magkagayun bago ka mamatay, tiyaking inihanda ang tatlong bagay na dadalhing kasama ninyo sa paglalakbay:
- Wastong pagkakilanlan – I.D.
- Sapat na panustos na tatagal Magpakailanman
- Sapat na mga Kasuotan o mga Pantakip
1. Wastong I.D.: [Aklat Talaan ng Buhay ng Tao]
Ito ay sumasakop sa dalawang napakahalagang mga kategorya:
- Pananampalataya [paniniwala]
- Mga gawa
Dapat sa kanila ay parehong tama upang matiyak ang madaling paglipat sa Susunod na Buhay at maayos na lugar sa Paraiso sa Kabilang-buhay.
Simulan natin sa Kasunduan ng pananampalataya sa Isang Tunay na Diyos at mga Gawang pagsamba sa Kanya Lamang ng walang mga katambal. Ito ay nangangahulugang sinuman ang dumating sa pagkaunawang: “Mayroon lamang Isang Tunay na Diyos na Tagapaglikha, Tagapagtustos, at Diyos ng lahat ng nilikha.” Ito ay mauunawaan na “Kaisahan” o Tawhid ng Islam.
Ito ay higit na mauunawaan sa pamamagitan ng paghihimay sa mga sumusunod na tatlong mga kategorya:
- Kaisahan sa Pagsamba [Tawhid Al-Uluhiyah]
- Kaisahan sa Pagkapanginoon [Tawhid Ar-Rubbobiyah]
- Kaisahan sa Kanyang mga Bukod-tanging Pangalan at Katangian
Wastong mga Paniniwala
Tatlo [3] Mga Bagay na Itatanong sa Kamatayan:
- Tanong: Sino ang iyong Panginoon?
Ang Tanging Tanggap na Sagot: Allah - Tanong: Ano ang iyong relihiyon?
Ang Tanging Tanggap na Sagot: Islam - Tanong: Sino ang iyong propeta?
Ang Tanging Tanggap na Sagot: Muhammad
Kaagad nating matatagpuan silang mga nagsasabi na ito ay hindi makatarungan. Pagkatapos ng lahat, si Muhammad, sumakanya ang kapayapaan at mga pagpapala, ay ipinadala ni Allah na may mensahe ng Islam sa nakalipas 1,400 taon lamang. Kaya’t paano ang lahat ng mga nabuhay bago pa siya? At paano ang mga dumating pagkatapos niya na hind kailanman narinig ng tungkol kay Allah, sa Islam, at Muhammad ﷺ?
At ang sagot ay napakadali. Ang Islam ay ang tanging tunay na relihiyon na dinala ng lahat ng mga propeta ng Makapangyarihang Diyos [Allah]. Silang lahat ay nangaral ng mensahe ng lubos na pagsuko sa Nag-iisa at Tanging Tunay na Diyos ng Santinakpan. Kung ang tao ay mamuhay sa buhay ng “Pagsuko, Pagpapasakop at Pagsunod sa Makapangyarihan, ng Taos-puso at Payapa”, magkagayun katunayan, sila ay namumuhay na isang tunay na Muslim kahit hindi man nila alam ang mga salitang Arabik.
Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng mga tagasunod ng lahat ng mga propeta ng Makapangyarihang Diyos mula kay Adam hanggang kay Moises, kay Hesus at kay Muhammad, sumakanilang lahat ang kapayapaan, ay matatagpuan nila na sila ay binigyan ng mga wastong kasagutan sa mga katanungan na ito kapag tinanong.
Pagkatapos na kunin ng anghel ng kamatayan ang kaluluwa mula sa katawan, ang mga anghel ay dadalhin ang kaluluwa ng isang namatay sa mga kalangitan at kapag sila ay dumating kay Allah ang Kataas-taasan, Siya ay tatanggihan ang sinuman na walang tamang mga kasagutan [na binanggit sa itaas]. Pagkatapos ng pagtatanong ang tao ay muling ibabalik sa kanyang bangkay at gugulin ang natitirang mga oras sa paghihintay ng Araw ng Paghuhukom.
2. Panustos: [Wastong mga Gawa]
Si Propeta Muhammad ﷺ, ay tinuruan ang kanyang mga tagasunod:
“Siya ay hindi mananampalataya kung siya ay matutulog na busog at ang kanyang kapit-bahay ay nagugutom.”
Sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ
“Ang kawanggawa ay pangangailan sa bawat Muslim.” Siya ay tinanong: “Paano kung ang isang tao ay walang-wala?” Ang Propeta ay sumagot: “Siya ay dapat na magtrabaho sa sariling mga kamay para sa kanyang pakinabang at pagkatapos ay magbigay ng kawanggawa mula dito.” Ang mga Kasamahan ng Propeta ay nagtanong: “Paano kung siya ay hindi kayang magtrabaho?” Ang Propeta ay nagsabi: “Siya ay nararapat na tulungan ang mahihirap at nangangailangan.” Ang mga Kasamahan ay nagtanong pa: “Paano kung hindi niya magawa ang kahit ganun?” Ang Propeta ay nagsabi: “Dapat niyang hikayatin ang iba na gumawa ng mabuti.” Ang mga Kasamahan ay nagsabi: “Paano kung hindi rin niya kaya ito?” Ang Propeta ay nagsabi: “Dapat niyang pigilan ang kanyang sarili na gumawa ng masama. Maging ito ay isang ring kawanggawa.”
Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:
“Ang iyong katawan ay mayroong 360 na kasu-kasuan at ang bawat isa dito ay nangangailangan ng kawanggawa sa bawat araw.” At, “Kahit ang pagsalubong sa kapatid ng may ngiti ay kawanggawa.”
Ang mga kawanggawa at kabutihan na alang-alang sa Makapangyarihan. Ang mga mabuting gawa ay sasamahan ang tao sa kanyang buong buhay sa libingan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Sa Araw ng Paghuhukom ay makikita nila ang kanilang mga gawa ng malinaw.
Mayroong dalawang anghel na magtatala ng lahat ng mga kilos at gawa ng indibidwal mula sa pagsilang hanggang kamatayan. Ang anghel sa kanan ay magtatala ng lahat ng mabuting mga gawa habang ang anghel sa kaliwa ay magtatala ng lahat ng masama.
Sa oras na ang tao ay maghangad na gumawa ng mabuti, isang mabuting gawa ang itatala sa kanya.
Pagkatapos niyang gumawa ng mabuti, ay sampung mabuting gawa ang itatala sa kanya [ o 70 hanggang 700 na ulit o hanggang sa Nais ni Allah]
Kung ang tao ay nanghikayat ng iba na gumawa ng mabuti, magkagayun ay itatala din sa kanya ang mabuting gawa katulad ng gumawa nito.
Ang isa pang anghel sa kaliwa, nagtatala ng lahat ng mga masasamang gawa ng tao sa mga sumusunod:
Kung ang tao ay naghangad na gumawa ng masama, subalit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil alam niyang mali ito, magkagayun isang mabuting gawa ang itatala para sa kanya.
Kung isang tao ay naghangad na gumawa ng masamang gawa subalit hindi niya nagawa ito, magkagayun ay walang itatala sa kanya sa alinman.
Kung ang isang tao ay gumawa ng masama, ang anghel sa kaliwa ay itatala ang masamang gawa sa “Aklat Talaan”, subalit ang anghel sa kanan ay pipigilan siya at sasabihin na maghintay dahil baka ang taong ito ay magsisi.
Pagkalipas ng ilang sandali ang anghel sa kaliwa ay magsisimulang muli na isulat ang masamang gawa at muli ang anghel sa kanan ay pipigilan siya sa katulad na dahilan. Ito ay magpapatuloy sa ilan pang sandali at kung ang taong ito ay tumangging humingi ng tawad sa Makapangyarihan, magkagayun ang isang masamang gawa ay itatala sa kanya.
Sa anumang oras na ang tao ay nakagawa ng masama, siya ay nararapat na kaagad humingi ng tawad mula sa Makapangyarihan at sundan ang masamang gawa ng mabuti.
Karagdagan, kapag ang tao ay nagsasagawa ng obligadong mga pagdarasal sa takdang oras ayon sa turo ng Islam, ang lahat ng mga kasalanan mula sa pinakahuli niyang pagdarasal ay patatawarin.
Kapag ang tao ay dumalo sa pagdarasal ng Biyernes ayon sa mga turo ng Islam, siya ay patatawarin sa lahat ng mga kasalanan mula sa nakaraang linggo hanggan sa huling pagdarasal ng Biyernes.
Kapag ang tao ay isagawa ang obligadong paglalakbay sa Makkah sa panahon ng Dhul Hijjah sa kalendaryong Islamiko, ang lahat ng kasalanan simula ng ipinanganak ay pinatawad at ang talaan ay buburahin ng malinis para sa panibagong simula. Ang lahat ng mabuting gawa ay mananatili sa talaan.
Sa kalagayan ng isang pumasok sa Islam mula sa ibang pananampalataya, ang lahat ng kanyang kasalanan ay pinatawad at buburahin ng malinis at ang lahat ng mabuting gawa ay mananatili. Ang tao ay dalisay at walang muwang katulad ng bagong silang na sanggol maliban sa lahat ng nakaraang mga gawa mabuti man o masama ay nilinis para maging gabundok na mabuting gawa para sa bagong pasok sa Islam.
3. Mga Kasuotan: [Mga Pag-uugali at Gawi]
Siya ay hindi mananampalataya na matutulog sa gabi na busog habang ang kapit-bahay ay nagugutom.
Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi na si Allah ay nagpahayag:
“Ako ay nagdeklara ng digmaan laban sa isang kumakalaban ng Aking palasambang alipin. Ang Aking mananamba ay hindi mapapalapit sa Akin ng anumang higit na kamahal-mahal sa akin kaysa sa mga ipinag-utos ko sa kanila. Ang Aking alipin ay patuloy na mapapalapit sa Akin sa pagsasagawa ng mga karagdagang pagsamba hanggang mahalin Ko siya. Magkagayun Ako ay magiging kanyang pandinig, paningin, kamay, kanyang hakbang at kung siya ay hihingi ng anuman sa Akin, ay ibibigay Ko ito, at kung siya ay hihilingin ang Aking pangangalaga, ay pangangalagaan Ko siya. At wala Akong higit na hindi ninanais maliban sa kunin ang kanyang kaluluwa, dahil ayaw niyang mamatay at ayaw Kong madismaya siya.”