MINA: Kabilang sa 19,000 na mga Briton ang nagsagawa ng Hajj sa taong ito ang Ambasador ng Britanya sa Saudi Arabia na si Simon Paul Collis at kanyang asawang si Huda Mujarkech.
Ito ay alam na ng ilang mga kinatawan at mamamahayag na siya ay yumakap sa Islam subalit walang naging opisyal na pahayag ukol dito.
Ang kumpirmasyon ay dumating noong Martes sa isang ‘Tweet’ mula sa isang Saudia na manunulat at akademikong si Fawziah Al-Bakr [@fawziah1].
Siya ay nagpaskil ng dalawang litrato nina Ambasador Collis at kanyang asawa habang siya ay nakasuot ng ‘ihram’.
Ang ambasador ay sumagot sa paskil bilang pasasalamat kay Al-Bakr sa kanyang opisyal na ‘Twitter’ [@HMASimonCollis]. Ang asawa ng ambasador [@HudaMCollis] ay inulit ang paskil sa ‘twitter’ ni Al-Bakr.
Bagama’t tumangging sa kahilingang makapanayam ng mamamahayag si Collis noong Miyerkules, siya ay nagsabi: “Ako ay yumakap sa Islam pagkatapos na mamuhay sa lipunan ng mga Muslim sa loob ng 30 taon, at bago pa ikasal kay Huda”.
Si Collis ay naglingkod bilang ambasador ng Britanya sa Saudi Arabia simula noong Enero ng nakaraang taon nang si Sir John Jenkins ay nagretiro mula sa paglilingkod bilang kinatawan. Ang mga larawan ay naging ‘viral’ sa ‘Twitter’, ‘Facebook’, ‘WhatsApp’ at ‘Instagram’, dinala ang ‘social media’ sa kasukdulan.
Kasama sa mga unang bumati sa ambasador at kanyang asawa ay si Prinsesa Basmah bint Saud [@PrincessBasmah].
“Maligayang pagbati sa ambasador at kanyang asawa,” isinulat ni Prinsesa Basmah.
“Salamat sa iyo, Prinsesa Basmah,” ang sagot ng ambasador.
Ang mga manlalakbay na Briton ay masayang nasorpresa sa mga balita.
“Nais kong batiin ang ambasador sa makasaysayang pangyayari na kanyang natapos ang Hajj”, sabi ni Rashid Mogradia, CEO ng Council of British Hajis [CBHUK]. “Siya ay isa sa libo-libong mga manlalakbay na Briton upang isagawa ang paglalakbay ng pananampalataya at kami ay umaasa sa kanya na ibahagi ang kanyang karanasan at bigyang inspirasyon kaming lahat,” dagdag pa ni Mogradia.
Sa panahon na napakaraming mga hayagang paninira laban sa Islam at mga Muslim, lalo na sa Kanluran, ang pagyakap sa Islam ng ambasador ay tinitingnan ng mga mananampalataya bilang ganti na pagtutuwid na pandaigdigang pag-apela ng relihiyon.
Si Collis ay nagsasalita ng matuwid na Arabik. Siya ay lumahok sa ‘British Foreign and Commonwealth Office [FCO] noong 1978, at pagkatapos ng pag-aaral ng Arabik, ay naglingkod ng halos ay sa mundo ng mga Arabo.
Ama ng limang anak, siya ay unang naitalaga sa Bahrain bilang pangalawang kalihim [1981-1984]. Siya ang naglingkod bilang ambasador ng Britanya sa Iraq [2012-2014], sa Syria [2007-2012] at Qatar [2005-2007]. Siya ang punong-konsul ng Britanya sa Dubai [2000-2004] at sa Basra [2004-2005]. Siya din ay naglingkod sa New Delhi bilang unang kalihim mula 1991 hanggang 1994.