Bagamat ang astrolabya ay may pinagmulang mababakas pa sa mahigit 1,500 na taon, ito ay napaunlad ng malaki sa Islamikong panahon sa taong 800 at ipinakilala sa Europa mula sa Islamikong Espanya [Andalusia] sa simula ng ika-12 siglo. Ito ang pinakabantog na instrumentong astronomiya hanggang sa taong 1650, nang ito ay palitan ng higit na dalubhasa at tumpak na mga instrumento. Ang mga astrolabya ay nananatiling kinikilala sa kakaibang kakayahan nito at ang halaga nito para sa astronomiyang kaalaman.
Ano ang Astrolabya?
Ang astrolabya ay astronomiyang kompyuter para lutasin ang mga suliranin na may kaugnayan sa oras at posisyon ng Araw at mga bituin sa kalawakan. Ilang mga uri ng astrolabya ay ginawa. Sa ngayon ang pinakabantog na klase ay ang astrolabyang planisperiko, na ang esperong selestiyal ay itinayo sa kapatagan ng ekwador. Isang pangkaraniwang lumang astrolabya na gawang tansong dilaw at halos 6 na pulgada [15 sentimetro] ang diyametro; bagamat gumawa rin ng mas malalaki at maliliit.
Ang astrolabya ay ginagamit para ipakita ang anyo ng kalawakan sa takdang lugar at oras. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagguhit ng kalawakan sa mukha ng astrolabya at minamarkahan ito kaya ang posisyon sa kalawakan ay madaling matatagpuan. Para gamitin ang astrolabya, pihitin ang bahaging nagagalaw sa takdang petsa at oras. Sa sandaling nakapwesto na, ang buong kalawakan, ang nakikita at hindi nakikita, ay lumalantad sa harapan ng instrumento. Ito ay pinahihintulutan ang maraming astronimikong suliraning malutas sa paraang kitang-kita. Ang pangkariniwang paggamit ng astrolabya ay kabilang ang pagkuha ng oras sa araw at gabi, pagkuha ng oras sa selestiyal na kaganapan kagaya ng pagsikat o paglubog ng araw at bilang napakadaling gamiting sanggunian ng selestiyal na posisyon.
Ang astrolabya ay isa rin sa mga pangunahing kagamitang pangkaalamang astronomiko sa huling bahagi ng Kalagitnaang Panahon [Middle Ages]. Mga lumang instrumento ay ginagamit rin para sa layuning astrolohika. Ang pangkaraniwang astrolabya ay hindi isang instrumentong panglayag gayunpaman ang instrumentong tinawag na astrolaybyang pandagat ay malawakang ginamit. Ang astrolaybyang pandagat ay isang simpleng pabilog na markado ng antas para sukatin ang selestiyal na kataasan.