Paano tayo lilitisin ng Allah sa araw ng paghuhukom? Ang mga tao ba ay gagantimpalaan ng pantay? Kahit ang mga taong hindi Muslim ay gagantimpalaan?
Opo, katiyakan. Si Allah ay laging pinakikitunguhan ng pantay at may katarungan ang bawat isa.
Subalit basahin ang mga talatang ito ng Qur’an ng maingat, lalo ang tungkol sa mga “Angkan ng Kasulatan” [Hudyo at Kristiyano]:
Iyon ang mga kapahayagan ni Allah; binibigkas Namin ang mga ito sa iyo [O Muhammad] taglay ang katotohanan. Hindi naghahangad si Allah ng paglabag sa katarungan para sa mga nilalang. At kay Allah ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At kay Allah magbabalik ang lahat ng bagay. Kayo [mga tunay na naniniwala sa Kaisahan ni Allah, at mga tunay na tagasunod ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya at mga kautusan na nasa kanya] ay pinakamainam na kalipunang inilabas para sa mga tao: ipinag-uutos ninyo ang nakabubuti at ipinagbabawal ninyo ang nakasasama, (politeismo, kawalan ng paniniwala at lahat ng ipinagbawal ng Islam) at sumasampalataya kayo kay Allah. Kung sumampalataya lamang ang mga angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano], talagang iyon sana ay pinakamainam para sa kanila; iilan sa kanila ang mga sumasampalataya at higit na marami sa kanila ang mga suwail. [Maluwalhating Qur’an 3:108-110]
Sinuman ang maniwala kay Allah, na Isang Diyos at gumagawa ng matuwid sa abot na kanilang kakayahan – at sumusunod sa pinakahuling propeta na ipinadala ni Allah, sumakanila ang kapayapaan, ay maaaring maging isang mabuting Muslim [sumusuko sa Kagustuhan ni Allah] at katulad nito, at si Allah ang kanilang Hukom, katulad ng Siya ang Hukom sa lahat ng mga bagay.
Si Allah ba ay itinuturing ang mga Hudyo at Kristiyano na katulad ng mga Muslim?
Ang ilan ay maaaring magtanong kung ang mga “Angkan ng Kasulatan” [Hudyo at Kristiyano] na nabubuhay ngayon ay itinuturing bang “ligtas” o hindi.
Ang katotohanan, ang mga Hudyo at Kristiyano na naniniwala kay Allah bilang Isang Diyos – at sila’y nagsisikap na sundin ang mga kautusan ni Allah at sinusunod ang mensahe na ipinadala ni Allah sa Kanyang mga tukoy na mensahero [katulad ni Abraham, Moises, Hesus atbp.] na binanggit ng maraming ulit sa Qur’an:
“Hindi sila [lahat] magkakatulad: mayroon sa mga Angkan ng Kasulatan na kalipunang naninindigan [sa pagsunod], binibigkas ang mga kapahayagan ni Allah sa ilang mga bahagi ng gabi at nagpapatirapa [sa pagdarasal]. Sumasampalataya sila kay Allah at sa Huling Araw, at nag-uutos sila kung ano ang tama at nagbabawal sila kung ano ang mali, at nakikipag-unahan sila sa mga mabuting gawa; at sila ang mga matutuwid. At sila yaong kabilang sa mga mabubuti. At ang anumang gagawin nilang mabuti ay kailanman ay hindi sila pagkakaitan [ng gantimpala] nito. At si Allah ay Nakaaalam sa mga nangingilaga magkasala.” [Maluwalhating Quran 3:113-115]
At atin pang isaalang-alang kung ano ang sinasabi sa atin ni Allah sa Quran tungkol sa kanila:
“Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay samantalang sila ay tumatangging sumampalataya, hindi tatanggapin sa isa man sa kanila ang gamundong dami ng ginto at kahit ipantubos man nila iyon…” [Maluwalhating Quran 3:91]
Yaong mga namatay na di-mananampalataya, ay tatanggap lamang ng kabayaran ng kanilang mga mabubuting gawa dito sa mundo, sa buhay na ito.
Subalit ang kanilang mga gawa ay hindi tatanggapin mula sa kanila sa Araw ng Paghuhukom, kahit pa ginugol nila ang gamundong ginto sa mga inakala nilang gawaing pagsunod.
Ang Propeta ﷺ ay tinanong tungkol kay ‘Abdullah bin Jud’an, na napakabuti sa mga panauhin, matulungin sa mga baon sa utang at nagpapakain [sa mga mahihirap]; ang lahat bang yan ay pakikinabangan niya? Ang Propeta ay nagsabi:
Hindi, dahil kahit isang araw man lang sa kanyang buhay ay hindi niya sinabi, ‘O aking Panginoon! Patawarin ang aking mga kasalanan sa Araw ng Paghuhukom’.
Ang Propeta Muhammad ﷺ, ay sinabi sa atin:
“Kung sinuman sa Angkan ng Kasulatan na narinig ang tungkol sa akin at ang mensahe na kung bakit ako ipinadala, at hindi tinanggap ang pagsuko at pagpapasakop sa Makapangyarihang Allah sa kapayapaan [Islam] magkagayun siya ay sa Apoy.”
Si Allah ay sinabi sa atin sa Qur’an, na Siya ay ang “Pinakamahusay sa mga Hukom” at katiyakan ang pangwakas na Paghatol sa ating lahat ay sa Kanya.