Tandaan: Ang “Patunayan” na ang Diyos ay tunay na umiiral ay hindi ito talaga ang ating layunin. Ang tanging layunin natin ay magbigay ng malinaw na paglalahad batay sa mga katotohanan at katuwiran at pagkatapos ay hayaan ang bawat isa na magdesisyon sa kanilang sarili kung sino ang kanilang paniniwalaan.
Tuwina ay may mga taong naniniwala na may Diyos at ganundin naman ay may mga taong tumatanggi na mayroong Diyos. Dapat nating malaman na mayroon ding hindi kailanman maniniwala kahit pa anong katibayan o ebidensya ang ilahad natin. Ang dahilan na ang ibang tao ay ayaw maniwala na may Tagapaglikha o Tagapagtustos. Hindi nila gusto na isang araw ay mananagot sila sa kanilang mga ginawa at ang pagtanggi nila na kilalanin ang kanilang Tagapagtaguyod na sa Kanya nila utang ang kanilang paglitaw. Napag-alaman natin na kung paano natin pinahahalagahan ang pagpapahatid ng ating mga paniniwala sa kanila ay ganundin nila ito isinasantabi na mayroong iniisip na mga paghusga laban sa tamang paniniwala. Nangangahulugan: tunay na ito ay bagay na ang patnubay ay doon sa nasa Itaas. Kung sila ay tatanggi kahit pa ang maliwanag na katibayan ay nasa harapan nila, ito ay hindi sa pagitan natin at nila; bagkus ito ay sa pagitan nila at ng Tagapaglikha. Muli, hindi natin tungkulin na “patunayan” ang anuman sa kaninuman. Ang kailangan natin ay ilahad ang katotohanan at hayaan ang mga tagapakinig na imulat ang kanilang mga isip.
Sinimulan natin sa simpleng katuwiran. Kapag ang isang bagay na tama ay nasa harapan ng ating mga mata ay mahirap itong itatwa, tama diba? Pagtatanong ng mga matatamis na pananalita ay makakatulong sa paglalahad ng ating argumento. Magsimula sa pagtatanong ng katanungang:
Kaya mo bang patunayang ikaw ay umiiral?
Oo, siyempre kaya mo. Ginamit mo lamang ang iyong mga pakiramdam upang malaman kung ano iyong nakikita, naririnig, nararamdaman, naaamoy, nalalasahan at mayroon ka ring emosyon. Ang lahat ng ito ay bahagi ng iyong pag-iral. Subalit ganito namin naiintindihan ang Diyos sa Islam. Maaari nating tingnan ang mga bagay na Kanyang nilikha at kung paano Siya mangalaga sa mga bagay at magtustos sa atin, upang malaman na walang pag-aalinlangan ng Kanyang pag-iral.
Isang paraan dito ay magmungkahi ng simple ngunit kapani-paniwalang mga eksperimento na mauunawaan ng sinuman. Halimbawa, sabihin mo sa isang tao, “Isaalang-alang mo ito sa susunod na tumingala ka sa buwan o mga bituin sa isang maliwanag na gabi; maaari bang maghulog ka ng baso sa bangketa at asahang ito ay tatama sa lupa at sa pagbagsak ito ay hindi mababasag, datapwa’t ito ay maghati-hati na maging maliliit na mga baso, na may niyeluhang tsaa sa loob nito? Siyempre hindi.”
Isa pang halimbawa ay ipasaalang-alang sa kanila na kung ano ang maaaring mangyari kung ang buhawi ay dumaan sa isang tambakan ng mga pira-pirasong lumang sasakyan; mag-iiwan kaya ito ng bagong magandang Mercedes na may makinang gumagana at walang mga bahagi na maiiwan sa paligid? Natural hindi.
O tanungin ang isang tao na isaalang-alang kung ano kaya kapag ang isang tao ay magsabi sa atin tungkol sa isang karinderya na pinamamahalaan ng kanyang sarili na walang mga tauhan doon? Ang pagkain ay naluluto lamang ng mag-isa , ihahain mula sa kusina patungong lamesa at kung tapos na tayo, ang mga pinggan ay lulundag pabalik sa kusina para hugasan ang kanilang mga sarili. Ito’y malaking kabaliwan para sa sinuman na kahit isipin man lamang ito.
Pagkatapos na pagnilay-nilayan ang lahat ng nasa itaas, paano natin titingnan ang santinakpan sa ibabaw natin sa pamamagitan ng isang largabista o susuriin ang mga selula sa isang mikroskopiyo at matapos ay isiping ang lahat ng ito ay naganap dahil bunga ng “malaking pagsabog” o isang “aksidente”?