Ang Islam at Terorismo
Ano ang Mayroon sa Islam at Terorismo na Magkatulad?
“Ang mga terorista ay nang-hijack ng eroplano!”
“Ang mga terorista ay may hawak na mga bihag!”
“Ang mga terorista ay may mga bomba!”
“Ang pakiramdam ko ay parang may nanloob sa tahanan ko, pinaslang ang aking pamilya at ang pulis ay sinisisi ako!” – pahayag Washington, DC lugar ng Muslim.
Walang pag-aalinlangan na lahat ng nasa Estados Unidos [Pangalan ng Iyong Bansa] sa wakas ay nagkakasundo kahit papaano sa isang bagay: Ang mga Terorista ay Kakila-kilabot.
Subalit kung ano ang hindi malinaw sa isipan ng mga Amerikano [Pangalan ng Iyong Bansa] sa mga sandaling ito ay ang katotohanang ang mga Muslim ay HINDI mga terorista. Ang Islam ay hindi nagtuturo ng terorismo, pagpapasabog, pambibihag, pamimirata at pagpatay. Katunayan na ang kabaliktaran ang totoo.
Kahit ang “Jihad” [kadalasang napagkakamalian na ang kahulugan ay “Banal na Digmaan”] na walang katulad ang mga pahayagan at pamamahayag sa telebisyon sa paglalarawan nito sa nakaraan. Kamakailan lamang, simula ng Setyembre 11, na pag-atake sa New York at Washington, DC na ang mga mamamahayag at mga himpapawid na pag-uulat ay sinamantala para itama ang kanilang napakahalatang mga pagkakamali sa pag-uulat.
Isa sa mga pangunahing salita na kinuha mula sa ugat ng kahulugan ng salitang “Islam” sa katunayan, ay “KAPAYAPAAN”.
Paanong ang isamang nasa larangan ng propesyonal na pamamahayag ay maging napakamangmang para hindi malaman na may pagkakaiba sa pagitan ng isang gumagawa ng malinaw na kakila-kilabot na mga gawain ay mangyaring kabilang din sa isang relihiyon, at ang relihiyon mismo. Sa tingin ko na alam nila.
Si Timothy McViegh ay pinasabog ang Gusaling Pederal sa Lungsod ng Oklahoma ilang taon na ang nakalipas ay isang Romano Katoliko. Mayroon bang isaman lang na inakusahan ang simbahan sa kanyang ginawa?
Ang mga Katolikong Irlandes at mga Protestanteng Irlandes ay nagpapatayan sa mahabang panahon ng dahil sa mga usaping pangrelihiyon subalit, ang mamamahayag batay dito, ang mamamahayag ba ay ipinagwalang-bahala ang katotohanang ito?
Kapayapaan
Ang “Salam” [kapayapaan] ay ang pinakapangkaraniwang salita sa dila ng isang Muslim.
“Kahit kailan ang dalawang tao ay magkatagpo, sila’y nagbabatian, hinihiling ang kapayapaan sa isat-isa: “Sumaiyo ang kapayapaan.” Subalit ang kapayapaan ay hindi mangingibabaw maliban sa pamamagitan ng katarungan. Yamang ang konsepto ng katarungan ay maaaring magkaiba sa bawat isa, o sa bawat lipunan, ang mga Muslim ay naniniwala na ang tunay na katarungan ay yaong tinukoy ni Allah [ang Diyos].
Ang Islam ay ipinahintulot ang pakikipaglaban para ipagtatanggol ang sarili, pagtatanggol sa relihiyon, o sa mga sapilitang itinaboy mula sa kanilang mga tahanan. Kasabay nito, ang Islam ay nagtatagubilin na ituring ang kanyang kaaway ng may awa. Naglatag ito ng mahigpit na mga panuntunan sa pakikipaglaban na kasama ang pagbabawal laban sa pamiminsala sa mga sibilyan at laban sa pagsira sa mga pananim, mga puno at mga alagang hayop. Ang Islam ay nagtagubilin na kapag ang kalaban ay nagpahayag ng kanyang hangaring itigil ang labanan at magnais ng kapayapaan, ang mga Muslim ay dapat na tumugon ng katulad nito.
Ang konsepto ng Jihad [Pakikibaka sa landas ni Allah] ay nakatala sa Qur’an. Si Allah ay nagsabi:
“Makipaglaban sa landas ni Allah sa mga nakikipaglaban sa inyo, subalit huwag magmalabis sa hangganan. Katotohanan si Allah ay hindi minamahal ang mga nagmamalabis. [Maluwalhating Qur’an 2:190]
Ang Jihad ay hindi kailanman isinasagawa para pilitin ang kahit na sino na pumili ng partikular na relihiyon. Datapwat, ito ay isinasagawa upang ipagtanggol ang kanyang karapatan na pumili ng malaya. Magkagayun, kung mayroong puwersa sa mundo na sinusubukang pigilin ang isang tao mula sa pagsasabuhay ng karapatang ito, ang Jihad ay maaaring maging daan na labanan ang puwersang sinusubukan siyang pigilan mula sa pagsasabuhay ng malayang pagpili.