Noong panahon ng ang kalakhang bahagi ng mundo, mula sa Gresya at Roma hanggang Indiya at Tsina, na itinuturing ang kababaihan na hindi hihigit pa sa mga bata o maging sa mga alipin, na walang kahit na anong karapatan, samantalang ang Islam ay kumikilala sa pagkakapantay ng kababaihan sa kalalakihan sa maraming malalaking bagay. Ang Qur’an ay naglahad;
“At kabilang sa Kanyang mga tanda na Kanyang nilikha para sa inyo na mula sa inyong mga sarili ang inyong mga asawa upang sa kanila kayo ay manahan at inilagay sa pagitan ninyo ang pagmamahal at awa. Tunay na dito ay may mga tanda sa mga taong nag-iisip.” [Maluwalhating Qur’an 30:21]
Si Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at mga pagpapala) ay nagsabi:
“Ang pinakaperpektong pananampalataya sa mga mananampalataya ay siya na may pinakamabuting pag-uugali at pinakamabait sa kanyang asawa.”
[Abu Dawud]
Ang mga Muslim naniniwala na si Adan at si Eba ay nilikha mula sa iisang kaluluwa. Kapwa sila parehong nagkasala at nahulog mula sa biyaya, at kapwa sila pinatawad ni Allah. Maraming mga kababaihan sa Islam na may mataas na katayuan; isaalang-alang na lamang ang katotohanan na ang unang taong yumakap sa Islam ay si Khadija, ang asawa ni Muhammad ﷺ, na kanyang kapwa minahal at iginalang. Ang kanyang paboritong asawa pagkatapos na namatay si Khadija, ay si Aishah, ay naging tanyag na pantas at isa sa dakilang pinagmulan ng panitikan ng Hadith. Marami sa kababaihang Kasamahan ang nakagawa ng mga dakilang gawain at nagtamo ng katanyagan at sa buong kasaysayan ng Islam mayroong mga tanyag at maimpluwensyang pantas at mga hukom.
Patungkol sa edukasyon, kapwa kababaihan at kalalakihan ay may parehong mga karapatan at mga tungkulin. Ito ay maliwanag sa sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ:
“Ang paghahanap sa kaalaman ay tungkulin ng bawat mananampalataya.” [Ibn Majah]
Ito ay nagpapahiwatig sa kalalakihan at kababaihan.
Ang babae ay dapat na ituring kagaya ng ipinagkaloob ng Diyos sa kanya, na mga karapatan, katulad ng pagturing bilang indibidwal, na may karapatang mag-angkin at gumugol ng sariling pag-aari at kita, pumasok sa mga kasunduan, kahit pa may-asawa na. Siya ay may karapatan na maging edukada at magtrabaho sa labas ng kanyang tahanan kung kanyang nais. Siya ay may karapatan na magmana mula sa kanyang ama, ina at asawa. Isang mahalagang punto na dapat tandaan na ang Islam, hindi katulad ng ibang relihiyon, ang babae ay maaaring maging imam o mamuno ng sama-samang pagdarasal, para sa grupo ng kababaihan.
Ang Muslim na babae ay may mga tungkulin din. Ang lahat na mga batas at mga alitutunin patungkol sa pagdarasal, pag-aayuno, pagkakawang-gawa, pagdalaw sa Makkah, paggawa ng kabutihan, atbp, ay ganundin sa kababaihan, bagaman may maliit na mga pagkakaiba ito ay dahil sa pisikal na kakayahan ng babae.
Bago ang kasal, ang babae ay may karapatang pumili ng kanyang mapapangasawa. Ang batas Islamiko ay napakahigpit sa pagkakaroon ng pagsang-ayon ng babae sa kasal. Ang mapapangasawang lalaki ay nagbibigay ng handog sa pakakasalang babae na para sa kanya ang personal na paggastos nito. Kanyang mapapanatili ang paggamit ng apelyido ng kanyang pamilya, sa halip na gamitin ang apelyido ng kanyang asawa. Bilang asawa, ang babae ay may karapatang tustusan ng kanyang asawa kahit pa siya ay mayaman na. Siya ay may karapatan ding magkipaghiwalay at kanya ang pangangalaga ng maliliit pang anak. Hindi niya kailangan ibalik ang handog sa kasal maliban sa ilang mga sitwasyon.
Sa kabila ng katotohanan sa maraming mga lugar at panahon ang mga lipunan ng Muslim ay hindi palagiang sumusunod sa lahat o kahit sa maraming mga sinaunang nakasanayan, ang huwaran ay naroon na sa nakalipas na 1,400 na taon, habang sa katunayan na ang ibang malalaking sibilisasyon ay hindi pa nagsimula na pagtuunan ang mga usaping ito o baguhin ang kanilang negatibong kaugalian hanggang sa ika-19 at ika-20 siglo, at mayroon parin mga nananatili sa kapanahunan ngayun na mga sibilisasyon na hindi parin ginagawa ito.