Ang Islam ay kadalasang inilalarawan bilang isang relihiyon ng pagkasuklam at walang habas na karahasan. Si Donald Trump ay nagsabi “Sa palagay ko ay nasusuklam ang Islam sa atin.” Ang Islam ay hindi tao at samakatuwid hindi maaaring masuklam. Karagdagan pa, hindi malinaw kung sino ang “atin” dahil ang mga Muslim ay mga Amerikano din. Siya ay maaaring inuulit na lang ang maling bintang na ang Islam ay tinuturuan ang mga Muslim na masuklam sa lahat ng mga di-Muslim. Sa halip na tanggapin na lamang ang malawakang paglalahat sa isang relihiyong 1400 taon na, ipinapayong siyasatin ang Qur’an at tingnan kung ano ang itinuturo nito sa bagay na ito. Talaga bang nagtuturo ang Islam sa mga Muslim na masuklam at gumawa ng karahasan laban sa mga di-Muslim?
Ang Islam at Karahasan
Ang karahasan ay madalas bahagi ng kasaysayan ng sangkatauhan. Wala kailanman na pagkakataon sa panahon na walang karahasang naganap, maging indibidwal na away o mga malawakang digmaan. Bilang mga tao, ang karahasan ay bahagi ng ating pag-iral at may pagkakataon na talagang kinakailangan ito at mahalaga. Kadalasan, ang katagang “karahasan” ay nagdadala ng negatibong pakahulugan. Gayunpaman, mayroong lehitimo at di-lehitimong karahasan. Mayroong karahasang pinupuri natin at ipinagbubunyi at mayroong karahasang kinokondena at itinatakwil. Ang nauna ay pangangailangan upang mabuhay. Halimbawa, kailangan nating maging marahas upang magapi ang isang magnanakaw o kriminal. Hindi makatuwiran na ang pagtugon sa tumatakas na kidnaper ay iba pa maliban sa pagtugis sa kanila at pagsagip sa bata. Ito ay madalas na nangangailangan ng isang pagkilos ng lehitimong karahasan. Ang kidnaper ay gumagamit din ng karahasan, subalit yaong di-lehitimong uri.
Ang Islam ay hindi pasipistang relihiyon at nagpapahintulot ng lehitimong karahasan sa ilang partikular na mga konteksto. Ang Qur’an at mga aral ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay nagbigay ng mga panuntunan at mga hangganan sa paggamit ng karahasan. Ang mga kautusang ito ay madalas na basta na lang pinipili ng wala sa konteksto para itanghal ang bintang na ang karahasan ay likas sa Islam laban sa mga di-Muslim. Gayunpaman, kahit ang isang matapat na dagliang pagsusuri sa Qur’an at sa buhay ni Propeta Muhammad ﷺ ay magiging malinaw na hindi ito nagtuturo na makipaglaban sa mga tao ng batay lamang sa kanilang pananampalataya.
Ang Propeta ﷺ ay mayroong di-Muslim na mga kapitbahay at kapamilyang minamahal niya, pinangangalagaan niya at may matibay na ugnayan at relasyon. Kung ang Islam ay nagtuturo sa mga Muslim na patayin at kasuklaman ang lahat ng mga di-Muslim ng dahil lamang sa kanilang pananampalataya magkagayun ay siya dapat mismo ang unang gumawa nito. Subalit hindi gayon ang pangyayari. Ang Qur’an ay binigyang-linaw ang ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at mga di-Muslim bilang isa na ibinatay sa pagmamahalan at pagdadamayan. Ang Qur’an ay nagpahayag:
“Si Allah ay hindi ipinagbawal sa inyong makipag-ugnayan ng makatarungan at maging mabait sa kanilang hindi nakikipaglaban sa inyo ng dahil sa usaping relihiyon at hindi kayo itinataboy sa inyong mga tahanan. Katunayan, si Allah ay minamahal yaong mga makatarungan.” [Maluwalhating Qur’an 60:8]
Ang talatang ito ay ginawang malinaw na ang batayan ng pakikipaglaban ay hindi relihiyon, bagkus pagtatanggol laban sa mga umaatake sa mga Muslim nang dahil lamang sa pagiging mga Muslim. Bagama’t ang Islam ay ipinahintulot ang pakikipaglaban sa mga umaatake sa kanila, ito ay inaatasan ang mga Muslim na maging patas at makatarungan kahit pa sa kanilang mga kaaway.
Ang Islam ba ay nagtuturo sa mga Muslim na masuklam sa mga di-Muslim?
Ang Qur’an ay binigyang-diin ang natatanging katayuan ng mga Kristiyano at mga Hudyo sa pamamagitan ng madalas pagtukoy sa kanila bilang mga “angkan ng kasulatan”. Mayroong mga talata sa Qur’an na binibigyang-diin ang malapit na ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at mga di-Muslim.
“At talaga ngang matatagpuan mo na ang pinakamalapit sa kanila sa pagmamahal ng mga mananampalataya ay ang mga nagsasabi, ‘Kami ay mga Kristiyano’. Iyan ay sapagkat may kabilang sa kanilang mga pantas at mga monghe, at sila ay hindi nagmamalaki. [Maluwalhating Qur’an 5:82]
Karagdagan pa, ang Qur’an ay ipinagbawal sa mga Muslim kahit pa ang pangungutya sa mga diyos o mga idolo na sinasamba ng ibang mga relihiyon. Bagama’t ang mga Muslim ay hayagang hindi sang-ayon sa mga di-Muslim na sumasamba sa iba maliban sa Diyos, sila ay pinagbawalan mula sa pangungutya o pagsasalita ng masama sa ibang mga idolong pangrelihiyon.
“At huwag kutyain yaong mga tinatawag nila bukod kay Allah.” [Maluwalhating Qur’an 6:108]
Karagdagan pa, ang Qur’an ay pinahintulutan ang mga Muslim na kumain ng pagkain ng mga Hudyo at mga Kristiyano at pinayagan na makipag-asawa.sa magkabilang relihiyon. Ang Qur’an ay nagpahayag:
“Ang pagkain ng mga tumanggap ng Kapahayagan ay ipinahintulot sa inyo at ang inyong pagkain ay ipinahintulot sa kanila. At gayundin ang mga mabubuting kababaihan ng mga mananampalataya at mga mabubuting kababaihan ng mga tumanggap Kapahayagan bago pa kayo.”[Maluwalhating Qur’an 5:5]
Kabaliktaran sa mga bintang na ang mga Muslim ay dapat na patayin o kasuklaman ang mga di-Muslim, ang Qur’an ay nagpahayag na ang mga Muslim ay maaaring kumain kasama ang mga tao ng ibang pananampalataya. Ang kumain ng “kanilang” pagkain at kumain ang mga di-Muslim ng “inyong” pagkain ay nagpapahiwatig na mayroong pagsasalo-salo sa mga hapunan, mga pagdiriwang, at mga paanyaya. Ito ay nangangailangan ng isang pagkakaibigan at pagmamahalang samahan.
Ang hulihang bahagi ng talata ay lalo pang mapanghimok, ang Qur’an ay nagpahayag na ang mga Muslim ay maaaring mag-asawa ng kababaihang Hudyo o Kristiyano. Ang pag-aasawa ay ibinibilang ang pag-ibig, hindi lamang tungo sa asawang di-Muslim, bagkus sa kanyang pamilya, mga magulang at mga kapatid. Hindi makatuwiran na ang Qur’an ay mananawagan sa mga Muslim na patayin o kasuklaman lahat ng mga di-Muslim habang ipinapahintulot na maging asawa at makisalo sa kanilang pagkain. Sa madaling salita, ang utos ng Qur’an tungkol sa pagmamahal/pagkasuklam at karahasan/kapayapaan sa pagitan ng mga Muslim at mga di-Muslim ay hindi batay sa pananampalataya ng isang tao, bagkus sa kung marahas nilang inaatake ang mga Muslim at nagdudulot sila ng pang-aapi.
Hindi ito nangangahulugang ang Qur’an ay nagtuturo ng pasismo dahil sa ang Qur’an ay mayroong mga pangyayari na ang mga tao ay lalabanan at itataboy ang mga Muslim mula sa kanilang mga tahanang dahil lamang sa relilhiyon. Ang Qur’an ay itinatanggi ang ganitong uri ng pagkiling at tinuturuan ang mga Muslim na huwag pumayag at huwag makipagtulungan sa mga tao na nananawagan para sa pagtataboy ng mga Muslim mula sa kanilang mga tinitirahang bansa ng dahil lamang sa kanilang pagiging Muslim.
“Si Allah ay pinagbawalan lamang kayo mula sa mga nakikipaglaban sa inyo ng dahil sa relihiyon at itinataboy kayo sa inyong mga tahanan at tumutulong sa pagtataboy – [Siya ay nagbabawal] na kayo ay maging kakampi nila. At sinuman ang kumampi sa kanila, magkagayun sila ay yaong mga mapaggawa ng masama.” [Maluwalhating Qur’an 60:9]
Ang talatang ito ay itinatangging ang mga Muslim ay kumakampi sa ganitong mga indibidwal, subalit hindi rin naghihikayat ng walang habas na pagkasuklam at karahasan. Ang Qur’an ay isang payak na aklat na nagpapahintulot sa mga inaapi na makipaglaban sa walang katarungan, subalit hindi nagpapahintulot sa mga Muslim na labanan ang kawalang katarungan ng kawalang katarungan din. Sa madaling salita, ang Qur’an ay nagtalaga na ang mga Muslim ay maging makatarungan pa rin kahit pa sa mga nasusuklam at nakikipaglaban sa kanila.
“O kayong mga mananampalataya, maging matatag para kay Allah, sumaksi sa katarungan, at huwag hayaan na ang galit sa mga tao ay pigilan kayo na maging makatarungan. Maging makatarungan, ito ay malapit sa pagkamatuwid. At matakot kay Allah, katiyakan, si Allah ay Nakababatid sa ginagawa ninyo.” [Maluwalhating Qur’an 5:8]
Konklusyon
Mayroon talagang mga ilang talata sa Qur’an na nagpapahintulot sa karahasan, subalit kadalasan sila ay pinipili nang wala sa konteksto. Ang makatuwirang konklusyong daratnan ng isa kapag binasa ang mga talatang ito na ang Islam ay nagtuturo at naghihikayat sa mga Muslim na mahalin ang lahat ng tao, kabilang ang mga nasa ibang pananampalataya.Gayunpaman, ito ay nagbabawal sa mga Muslim mula sa “pagbenta ng sarili” sa pamamagitan ng pagkampi sa mga takot sa dayuhan na nakikipaglaban sa mga Muslim at nagtataboy sa kanilang mga tahanan ng dahil lamang sa kanilang relihiyon. Sa madaling salita, ang Qur’an ay hindi nagtuturo sa mga Muslim na makipaglaban sa mga di-Muslim, bagkus makipaglaban sa mga hindi nagpaparaya sa ibang relihiyon.
Ang Qur’an ay nagpahayag na kung ang tao ay hindi nagtanggol para sa pagpaparaya sa ibang relihiyon ay magdudulot ng kapinsalaan sa lahat ng mga pook sambahan.
“Mayroon yaong mga naitaboy mula sa kanilang mga tahanan ng walang katarungan, dahil lamang sila ay nagsabing, “Ang Panginoon Namin ay si Allah”. At kung hindi lamang dahil na si Allah ay pinabalik ang mga tao, ang ilan sa pamamagitan ng iba ay mayroong sanang mga monesteryong nawasak, mga simbahan, mga sinagoga at mga masjid sa kung saan ang pangalan ng Diyos ay higit na binabanggit. At ang Diyos ay katiyakang tinutulungan yaong mga pumapanig sa Kanya. Katiyakan, si Allah ay Pinakamakapangyarihan at Kataas-taasan sa Lakas.” [Maluwalhating Qur’an 22:40]
Ang nasa itaas na talata ay ginawang malinaw na ang pagpapahintulot ng Qur’an ng karahasan ay hindi laban sa mga tao ng ibat-ibang pananampalataya, bagkus para pangalagaan ang kalayaan sa lahat ng pananampalataya. Kung ang karapatan ng kalayaan sa pananampalataya ay hindi pangangalagaan para sa isang relihiyon, magkagayun ito ay magdudulot ng paniniil ng ibang maliliit na relihiyon.