Upang mas maintindihan ang kahulugan ng Islam ay ating alamin ang lingguwistikong kahulugan ng Islam.
Ang “Islam” ay nangangahulugan ng [pagsuko; pagpapasakop; pagsunod; kapayapaan]
Islam ay isang pandiwa at isang pangngalan din naman.
Ang unang kahulugan ng “Islam” ay ang pandiwa mula sa salitang ugat na “aslama” [isang pandiwa], na nangangahulugang: “pagsuko; pagpapasakop; pagsunod; katapatan at nasa kapayapaan.”
Ang pangalawang kahulugan ng “Islam” ay nasa anyong pangngalan mula sa katulad na salitang ugat, at isinasalarawan ang pinakahuli at pangwakas na anyo ng pamamaraan ng buhay na itinagubilin ng Tagapaglikha para sa Kanyang Nilikha. Ito ang pangalan na ginamit sa Qur’an para sa mga Muslim upang tawagin ang kanilang mga sarili bilang mga tagasunod ng “Islam”. Ito ay ginagawa silang “Islam-ers” sa Ingles, subalit sa Arabik ang panlaping “mu” ay idinadagdag para matukoy bilang gumagawa ng pagkilos o pandiwa at sa halip ito ay magiging “mu”-“islam” o “Muslim.”
Ang “Islam” ay maaaring maunawaan sa pangkalahatan bilang tunay na relihiyon ng Diyos, dahil ito’y galing sa Kanya at naaayon sa Kanyang mga kautusan ng walang pagdaragdag o pagbabawas mula sa mga pangunahing panuntunan.