Bakit si Propeta Muhammad ﷺ, pinakasalan si Aisha noong napakabata pa niya?
Mahalagang maunawaan natin ang tungkol sa pag-aasawa ni Aisha kay Propeta [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] na hindi natin maaaring magamit ang ating mga pamantayan sa 2019 sa mga tao noong mahigit 1,400 taong nakalipas at gayundin sila sa atin. Kapag ang mga tao ay inilagay ang pamumuhay 1,400 taong nakalipas sa ika-21 siglong konteksto, ay para bagang tinatanggap nila na huwag unawain ang konteksto ng kasaysayan o hindi kailanman nakapag-aral ng kasaysayan sa kanilang buhay. At ito ay talagang nakakalungkot lang.
Buhay sa ika-7 siglo
Hindi tayo namumuhay sa parehong mundo kailanman. Sa ika-7 siglo ang mga tao ay walang katiyakan na makita ang kahustuhang gulang na edad 30. Ang mga tao ay maagang gumugulang at nagiging handa para sa pag-aasawa ng mas higit na maaga. Pagbabalik-tanaw kahit pa ilang daan taon lang na lumipas, ang ligal na edad ng pag-aasawa ay kasing bata ng mula sa 10 – 14 na taong gulang.
Si Richard A. Posner, punong hukom ng korte ng apela sa U.S. ay sumulat, “Ang batas na namamahala sa edad ng pagpapahintulot ay kapansin-pansing nagbago ng malaki sa Estados Unidos sa siglong ito. Karamihan sa mga estado ay binago ang batas ng edad ng pagpapahintulot nitong ikalabingsiyam na siglo, at ang karaniwang edad ay sampung taon.” [A Guide to America’s Sex Laws by Richard A. Posner & Katharine B. Silbaugh page 44]
Pag-aasawa sa ika-7 siglo
Ang nakasanayang pag-aasawa ng maaga ay hindi pagkaligaw para sa mga tao sa panahon ni Propeta Muhammad ﷺ at Aisha. Ang mga Kristiyano, Hudyo at pagano ay lahat nagsisipag-asawa na napakabata pa.
Kaya kung ating babatikusin si Propeta Muhammad ﷺ sa pag-aasawa kay Aisha, bakit wala tayong problema kay Haring Juan ng Inglatera na pinakasalan ang 12 taong gulang na si Isabella ng Angouleme?
Ganito na ang mga bagay na umiiral noong panahon para sa lahat.
Edukasyon at Pag-aasawa
Isa sa maraming mabubuting dahilan na tayo ay nag-aasawa ngayon [o pinapayagan] pagkatapos ng 18 ay dahil sa ating sistema ng edukasyon. Tayo ay nag-aaral hanggang sa edad na 18 sa kadalasan, minsan ay lumalabis pa, minsan ay mas napapaaga. Ngunit 18 ang panahon na tayong gumagaya sa Kanluraning pamayanan ay nagkakaroon ng sapat na edukasyon para magkaroon ng pagkakataon sa lipunan na makakuha ng trabaho, malaman kung paano gumagana ang mga bagay, mabatid ang tungkol sa pamahalaan.
Ngunit sa nakalipas na panahon, kahit pa halos isang siglo lang ang nakaraan, ang edukasyon ay napakaiksi. Ang mga tao ay batid na lahat ng aaralin nila sa murang edad. Si Aisha ay ganap na maalam sa mga paraan at pinagkukunan ng pamumuhay sa kanyang lipunan sa panahon ng kanyang pag-aasawa. At bukod pa sa ganap na maalam sa kanyang konteksto, siya ay mag-aasawa ng isang lalaki na makapagbibigay sa kanya ng higit pang kaalaman. Kung kaya ang kanyang pag-aasawa ay kalamangan sa kanyang edukasyon at hindi hadlang dito.
Si Aisha ay naging isa sa mga dakilang pantas ng Islam dahil sa kanyang pag-aasawa. Karamihan sa mga nalalaman natin ngayon ay galing sa kanyang kaalaman.
Pag-aasawa ni Aisha at Pahintulot
Kailangan rin nating bigyang pansin ang pahintulot. Nakapanglulumo, na karamihan sa kakabaihan noon sa panahon ni Aisha ay hindi hiningi ang pahintulot sa kanilang mga pag-aasawa. Siya ay hiningian. At ipinahintulot niya. Ang Islam ay nagtatakda ng pahintulot.
“O mga sumampalataya, hindi ipinahihintulot sa inyo na manahin ang mga babae nang sapilitan. Huwag ninyo silang pigilan na makapag-asawa upang makuha ninyo ang ilan sa ibinigay ninyo sa kanila, maliban kung gumagawa sila ng maliwanag na kahalayan. Pakitunguhan ninyo sila ayon sa makatwiran. [Maluwalhating Qur’an 4:19]
Siya rin ay naipagkasundo na sa ibang lalaki ng mas maaga pa sa kanyang buhay. Sa kasuduang ito, hindi hiningi ang kanyang pahintulot at ang kasunduan ay nasira.
Hustong Gulang
Bilang karagdagan na natapos ang kanyang napapahong edukasyon, sa pagbibigay ng kanyang pahintulot, si Aisha rin ay naabot ang hustong gulang. Siya ay maagang naabot ang hustong gulang sa isang lipunan na nangangailangang maagang marating ang hustong gulang dahil ang buhay ay sadyang mahirap at talagang maikli. Kung ang pag-aasawa ay hindi magaganap sa oras na ang hustong gulang ay maabot, hindi ako nakatitiyak na tayo bilang mga nilalang ay maaring mabuhay.
Gayundin, batid natin na si Aisha ay itinuturing na isang nasa hustong gulang sa kanyang konteksto dahil sa Islam, ang isang bata ay hindi makapagbibigay ng pahintulot para mag-asawa o anumang kontratang ligal kagaya ng kontrata ng pagpapakasal. Ang edad na kung saan ang isang tao ay maaaring magpahintulot para sa pag-aasawa ay kung ang isang tao ay naabot na ang hustong gulang at lakas nito, na nagkakaiba-iba sa bawat tao, sa panahon at sa pamayanan.
Gamitin ang iyong Konteksto
Hindi natin maaaring mahusgahan ang mga tao sa nakalipas na daan-daang siglo sa ating mga pamantayan. Ang pagsasabi na ang pag-aasawa ni Aisha kay Propeta Muhammad ﷺ ay isang uri ng krimen ay kagaya na lang ng pagsasabi na ang Propeta ﷺ ay malupit dahil hindi niya pinayagan ang kanyang mga kasamahan na magkaroon ng Twitter. Ito ay kahibangan! Kailangan nating ilagay ang mga bagay sa kanilang konteksto.
Ngayon, para sa mga Muslim na nag-iisip na ang pag-aasawa sa batang edad ay nananatiling ayos lang, nawawala sila sa kanilang pag-iisip. Ang parehong punto ay umiiral din sa kabaliktaran nito. Hindi tayo maagang nagkakaroon ng hustong pag-iisip at hindi handa para sa pag-aasawa ng maaga kagaya sa mga tao noon, at ang gamitin ang pag-aasawa ni Aisha bilang halimbawa ay isang malubhang kasiraan at isang kasuklam-suklam na maling pagpapakilala ng Islam dahil hindi nila isinaalang-alang ang labis na pagkakaiba ng lipunan sa ating mundo ngayon at noon. Lahat ng ito ay batay sa kung ano ang konteksto.