Tungkol sa pinagmulan ng Sansinukob, Ang agham ng makabagong kosmolohiya, pagmamatyag at panteorya, ay malinaw na nagpapahiwatig na, sa isang pagkakataon, ang buong sansinukob ay wala pa maliban sa isang ulap ng ‘usok’ [ito ay isang makapal na siksik at mainit na nagsama-samang mga gaas]. Isa itong hindi mapag-aalinlangang prinsipyo ng karaniwang makabagong kosmolohiya. Ang mga siyentipiko ngayon ay maaari nang matyagan ang mga bagong bituing nabubuo mula sa mga natira ng ‘usok’ na yaon. Ang mga nagniningning na bituin na nakikita natin sa gabi, ay kagaya din dati ng sa buong sansinukob, na ganunding ‘usok’ na yaon. Ang Diyos ay nagsabi sa Qur’an:
Pagkatapos ay bumaling Siya sa langit nang ito ay usok pa… [Maluwalhating Quran 41:11]
Sapagkat ang lupa at mga kalangitan sa itaas (ang araw, buwan, mga bituin, mga planeta, mga kalawakan, atbp.) ay nabuo mula sa parehong ‘usok’ na ating napagtibay na ang lupa at mga kalangitan ay magkasanib sa bawat isa. Pagkatapos mula sa magkakauring ‘usok’ na ito, sila ay nabuo at naghiwa-hiwalay sa bawat isa. Ang Diyos ay nagsabi sa Qur’an:
Hindi ba nalaman ng mga di-mananampalataya na ang mga kalangitan at ang kalupaan ay magkasanib noon, pagkatapos ay pinaghiwalay Namin ang mga ito?.. [Maluwalhating Quran 21:30]
Si Propesor Alfred Kroner ay isa sa mga kilalang tanyag sa mundo bilang heologo. Siya ay Propesor ng Department of Geosciences, Universidad ng Mainz, Germany. Siya ay nagsabi,
“Pinag-iisipan kung saan nagmula si Muhammad.. Sa palagay ko ay halos imposible na malaman niya ang tungkol sa mga bagay katulad ng likas na pinagmulan ng sansinukob, dahil ang mga siyentipiko ay napag-alaman lamang ito sa loob ng nakaraang ilang taon gamit ang mga napaka-kumplikado at makabagong pamamaraan ng teknolohiya na ganun nga ang naganap.” [Mula sa ‘This is the Truth’ (video)].
Sinabi rin Niya,
“Ang isang taong walang anumang nalalaman tungkol sa pisikang nukleyar sa nakaraang labing apat na raang taon ay hindi maaari, sa palagay ko, na mapunta sa kalagayang matuklasan mula sa kanyang sariling isip, halimbawa, na ang lupa at mga kalangitan ay mayroong parehong pinagmulan.”
Pagmasdan ng malapitan ang kalangitan na nakapalibot sa daigdig. Tinatawag natin silang ‘himpapawid’. Pansinin ang mga ulap? Ano sila?