Hanggang ngayon, pinagtalunan na natin na ang Diyos ay ang tiyak na umiiral na tagapaglikha, tagapaghubog at moral na tagapagbigay ng batas para sa sansinukob. Gayunpaman, hanggang doon lamang ang nasasabi sa atin tungkol sa Diyos. Ang susunod na karaniwang katanungan ay: Paano natin malalamang ang Qur’an ay nagmula sa Diyos?
Ang nasa ibaba ay isang payak at makatuwirang dahilan kung bakit ang Qur’an ay ang salita ng Diyos. Bago tayo tumungo sa pinakasentro ng argumento ay dalawang paraan ng pagkuha ng kaalaman ang ipapaliwanag.
Patotoo
Karamihan sa anumang nalalaman natin ay batay lamang sa sinabi ng iba. Ito ay nagsisilbing patunay para sa katotohanang hindi natin kailanman mapapasinungalingan. Para sa nakararami sa atin, kabilang sa mga katotohanang ito ang pag-iral ng katutubong Amasonyang mga tribo, potosintesis, ultrabiyoletang radiyasyon at bakterya. Isaalang-alang ang eksperimentong pag-aaral na ito.
Paano mo mapatutunayan sa isang estranghero – na ang iyong ina ang siyang totoong nagsilang sa iyo? Kakatwa man ang katanungang ito kung pakikinggan, ito ay makakatulong na linawin ang isang napakahalaga datapwat minamaliit na napagkukunan ng kaalaman. Maaari mong sabihing “ito ang sabi ng inay ko”, “may katibayan ako ng pagsilang”, “sabi ng itay ko, siya ay nandun”, o “sinuri ko ang talaan ng aking ina sa ospital”.
Ang mga kasagutang ito ay tanggap; gayunpaman, ito ay batay lamang sa mga salaysay ng ibang tao. Ang mga mapagdudang kaisipan ay maaaring hindi kuntento. Maaari kang sumubok ng isang obserbasyon na pagbabatayan para sa iyong malakas na pananalig sa pamamagitan ng “karta ng DNA” o pagsangguni sa kopya ng bidyo. Ang pananalig na ang iyong ina ang siyang nagsabi na siya na nga ay hindi batay sa isang pantahanang kagamitang pangsuri na DNA.
Katotohanan na karamihan sa atin ay hindi pa sumailalim sa pagsusuring DNA. Hindi rin ito batay sa kopya ng bidyo, na kailangan mo pa ring bumatay sa pagsasabi ng iba upang angkining ang sanggol ay ikaw nga talaga. Kaya bakit tayo labis na nakakatiyak? Ang tanging dahilan na mayroon ka ay ang sinabi ng iba, sa madali’t salita ay patotoo. Ang patotoo ay napakahalaga ngunit hindi napupunang pinagmumulan ng karamihan sa ating nalalaman.
Pagkaunawa batay sa pinakamainam na pagpapaliwanag
Ang iba pang paraan sa pagkuha ng kaalaman ay sa pamamaraang kilala bilang ‘pagkaunawa sa pinakamainam na pagpapaliwanag’. Karamihan sa ating mga paniniwala ay batay sa anyo ng pangangatuwiran na nagsisimula sa pagkalap ng mga datos, katotohanan o haka-haka at pagkatapos ay hanapin ang pinakamainam na paliwanag para sa kanila.
Bahagyang balikan nating muli ang iyong ina. Siya ay may kabigatang nagdalang-tao sa iyo sa loob ng kanyang sinapupunan at ang katakdaan ng iyong pagsilang ay sa nakaraang linggo pa. Bigla na lamang, ang kanyang panubigan ay pumutok at nagsimula ang pagkakaroon ng mga paghilab, kaya ang iyong ama at mga tauhang may kaalamang medikal ay maingat na nagpahayag na siya ay nagsisimula nang manganak. Isa pang halimbawa, ilang tao ang dumating, ang iyong ina ay may napansing isang bukas na balutan ng mga biskwit at mumo sa palibot ng iyong bibig at sa iyong mga damit. Ipinagtibay niyang binuksan mo ang balutan at kumain ng ilang mga biskwit. Sa parehong halimbawa ang konklusyon ay hindi naman kailangang totoo o hindi maipagkakaila, subalit ito ang pinakamainam na mga paliwanag sa pagsaalang-alang ng lahat ng mga patunay na mayroon. Ang pamamaraang kaisipang ito ay kilala bilang pagkaunawa batay sa pinakamainam na pagpapaliwanag.
Sa paggamit ng konsepto sa itaas, isang usapin na magtutulak na ang Qur’an ay isang hindi matutularang pagpapahayag ng wikang Arabe, na ang Diyos ang pinakamahusay na ipinaliwanag ang di-matutularang katangian nito.. Ang ibig sabihin ng di-matutularan ay walang isaman ang nakagawa o nakagaya ng lingguwistika at pampanitikang mga katangian ng Qur’an.
Ang Mga Himala ng Qur’an
Ang Qur’an ay ipinahayag sa Arabya kay Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] sa ika-7 siglo. Ang panahong yaon ay kilala bilang panahon ng panitikan at lingguwistikang kahusayan. Ang ika-7 siglong mga Arabe ay komunidad ng mga taong pinakamahusay sa pagpapahayag ng kanilang mga sarili sa kanilang katutubong dila. Gayunpaman, nang ang Qur’an ay bigkasin sa kanila ay natulala sila, walang nagawa at natahimik sa pagkamangha. Hindi sila makapaglabas ng anumang katulad ng pagtalakay ng Qur’an.
Higit pang lumala. Ang Qur’an ay hinamon ang mga pinakamahuhusay na lingguwistang ito na gayahin ang kakaibang pampanitikan at lingguwistikang mga katangian, ngunit sila’y bigo. Ang ilang mga dalubhasa ay tinanggap na ang Qur’an ay galing sa Diyos, subalit karamihan ay piniling magboykot, digmaan, pagpatay, pagpapahirap at magkampanya ng paninira. Sa katotohanan, sa buong siglo, ang mga dalubhasa ay nagkamit ng mga kagamitan para hamunin ang Qur’an at maging sila ay nagpatotoong ang Qur’an ay hindi mapapantayan, at kinilala kung bakit ang pinakamahuhusay na mga lingguwista ay nabigo.
Kaya papaanong ang isang di-Arabe o di-dalubhasa sa wikang Arabe ay kikilalanin ang di-matutularang Qur’an?
Pasukin naman ngayon ang papel ng pagpapatotoo. Ang nasa itaas na pagpapatunay ay batay sa matatag na nakasulat at pasalitang pagpapatotoong paghahatid ng kaalaman mula sa nakaraan at kasalukuyang mga pantas ng wikang Arabe. Kung ito ay tunay, at ang mga tao ay inilagay sa pinakamainam na katayuan para hamunin ang Qur’an ay nabigong gayahin ang Banal na diskurso, magkagayun sino ang may akda?
Dito ang pagpapatotoo ay huminto at ang paggamit ng pagpapaliwanag magsisimula.Upang maunawaan ang pagpapaliwanag sa pinakamainam na kahulugan, ang maaaring pangangatuwiran ng di-matutularang kalikasan ng Qur’an ay dapat na suriin. Kabilang sa mga ito ay kung inakdaan ito ng isang Arabe, isang di-Arabe, ni Muhammad ﷺ o ng Diyos.
Sa pagsasaalang-alang ng lahat ng mga katotohanang dapat na talakayin, hindi kapani-paniwalng ito ay hindi matutularan na Qur’an ay maaaring maipaliwanag sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa isang Arabe, di-Arabe o kay Muhammad ﷺ. Sa kadahilanang yaon, ang Diyos ang nagpakahulugan sa pinakamainam na pagpapaliwanag.
Ang buod ng argumento ay ang mga sumusunod:
1. Ang Qur’an ay maglalatag ng pampanitikan at lingguwistikang hamon sa sangkatauhan.
2. Ang ika-7 siglong mga Arabe ang nasa pinakakarapat-dapat na katayuan para hamunin ang Qur’an.
3. Ang ika-7 siglong mga Arabe ay nabigong gawin ito.
4. Ang mga pantas ay nagpatotoo sa di-matutularang Qur’an.
5. Ang salangat sa karunungang mga pagpapatotoo ay hindi mga kapani-paniwala, dahil kailangan nilang pasinungalingan ang napagtibay na kaalaman sa likod ng mga impormasyon.
6. Samakatuwid [mula 1-5] ang Qur’an ay hindi matutularan.
7. Ang maaaring mga paliwanag para sa di-matutularang Qur’an ay ang mga pag-aakda ng isang Arabe, isang di-Arabe, ni Muhammad ﷺ o ng Diyos.
8. Hindi maaaring ito ay inakdaan ng isang Arabe, isang di-Arabe o ni Muhammad ﷺ.
9. Samakatuwid ang pinakamainam na paliwanag ay galing ito sa Diyos.
1. Ang Qur’an ay naglalahad ng isang pampanitikan at lingguwistikang paghamon sa sangkatauhan.
“Sabihin [o bumasa] sa ngalan ng iyong Panginoon”. Ito ang unang mga kataga ng Qur’an na ipinahayag sa Propeta Muhammad ﷺ mahigit na 1,400 taon na ang nakaraan.
Si Muhammad ﷺ na kilalang nagmumuni-muni sa yungib sa labas ng Makkah, ay tumanggap ng kapahayagan ng isang aklat na magbibigay ng matinding impluwensya sa ibabaw ng mundong ginagalawan natin ngayon. Hindi nakilalang nakapag-akda ng kahit na anumang piyesa ng tula at hindi nagkaroon ng anumang natatanging galing sa retorika, si Muhammad ﷺ ay nakatanggap lamang ng panimula ng isang aklat na tatalakay sa mga bagay na may kaugnayan sa paniniwala, pagbabatas, pagsamba, epirituwal at pang-ekonomiya sa isang pangkalahatang bagong uri at pampanitikang anyo.
Ang natatanging pampanitikan at lingguwistikang mga katangian ng Qur’an ay ginagamit ng mga Muslim para liwanagin ang ilang mga argumento upang pagtibayin pa ang kanilang paniniwala na ang aklat ay galing sa Banal.
Si Jalal ad-Din al-Suyuti, isang malikhaing manunulat sa ika-15 siglo at pantas, ay isinabuod ang doktrina ng di-matutularang Qur’an:
… nang ang Propeta ﷺ ay dinala [ang hamon] sa kanila, sila ang pinakamahusay na mga retoriko kung kaya hinamon niya silang mag-akda ng katulad [nang buong Qur’an] at maraming taon ang lumipas at sila ay hindi nakagawa gaya ng sinabi ng Diyos, ‘Hayaan silang gumawa ng pagtulang gaya nito, kung sila nga ay tunay na makatotohanan’. Pagkatapos, [ang Propeta ﷺ] ay hinamon silang gumawa ng 10 kabanata gaya nito na kung saan sinabi ng Diyos na, ‘Sabihin, magdala samakatuwid ng sampung kabanatang gaya nito at tawagin ang kahit sinong makakaya ninyo maliban sa Diyos, kung kayo ay makatotohanan. Pagkatapos, hinamon Niya sila na gumawa ng kahit isa [na kabanata] at dito ang Diyos ay nagsabi, ‘Sinasabi ba nilang siya [ang Propeta ﷺ] ay ginaya lamang ito? Sabihin, magdala ng isang kabanatang kagaya nito at tawagin ang sinumang makakaya ninyo bukod sa Diyos, kung kayo ay makatotohanan… Nang ang mga [Arabe] ay hindi nakayang gumawa ng kahit isang kabantang gaya [ng Qur’an] sa kabila ng kanilang pagiging pinakamahusay na mga retoriko sa pagitan nila, [ang Propeta ﷺ] ay lantarang ipinahayag ang pagkabigo at kawalang kakayahan [na harapin ang hamon] at ideklarang hindi matutularan ang Qur’an. Pagkatapos ang Diyos ay nagsabi, ‘Sabihin, kung ang lahat ng mga tao at mga engkanto ay magkatipon para gumawa ng kagaya ng Qur’an ay hindi sila makagagawa ng kagaya nito – kahit pa magtulungan sila sa isat-isa…
Ayon sa mga klasikong mga tagapagsalin, ang iba’t-ibang mga talata sa Qur’an na nagpahayag ng paghamong gumawa ng kabanatang gaya nito ay buong tapang na nanawagan sa mga dalubhasang lingguwistiko ng kahit anong panahon para gayahin ang mga katangiang lingguwistika at pampanitikan ng Qur’an. Ang mga kagamitang kailangan para maharap ang hamong ito ay ang limitadong pambalarilang mga panuntunan, pampanitikan at lingguwistikang mga kagamitan, at ang dalawampu’t walong titik na bumubuo sa wikang Arabe; ito ay mga malaya at makatotohanang pamantayang matatamo ng lahat.
Ang katotohanang hindi pa ito napantayan simula pa ng unang ipahayag ito ay hindi na ikinagulat ng nakararaming mga pantas na bihasa sa wikang Arabe at ng Qur’an.
2. Ang ika-7 siglong mga Arabe ay nasa pinakakarapat-dapat na katayuan para hamunin ang Qur’an.
Ang Qur’an ay nagbigay hamon sa pinakamahuhusay na mga Arabeng lingguwista, ang ika-7 siglong Arabe. Ang katotohanang naabot nila ang pinakarurok sa kahusayan ng pananalita ay pinagtibay ng kanluranin at silanganing mga karunungan..
Ang pantas na si Taqi Usmani ay pinagtibay na para sa mga ika-7 siglong Arabe “ang husay sa pananalita at retorika ay ang dugo ng kanilang buhay.” Ayon sa ika-9 na siglong byograpo ng mga manunula, na si Al-Juhami “ang talata para sa mga Arabe ang talaan ng lahat ng kanilang nalalaman, at ang sukdulang nagtuturo ng kanilang karunungan; sa pamamagitan nito; sinisimulan nila ang kanilang mga pakikipag-ugnayan, at sa pamamagitan nito, ay tinatapos nila ang mga ito.”
Ang ika-14 na siglong pantas na si Ibn Khaldun ay binigyang diin ang halaga ng tula sa buhay Arabe:
Nararapat na malaman na ang mga Arabe ay mataas ang pagpapahalaga sa pagtula bilang isang anyo ng pananalita. Samakatuwid, ginawa nila itong talaan ng kanilang kasaysayan, ang katibayan sa mga bagay na itinuturing nilang tama at mali, at ang pangunahing batayan ng sanggunian para sa karamihang ng kanilang mga agham at karunungan.
Ang kakayahang lingguistika at kadalubhasaan ay isang mataas na maimpluwensyang katangian ng ika-7 siglo sa kapaligirang panlipunang Arabe. Ang pampanitikang kritiko at mananalaysay na si Ibn Rasheeq ay isinalarawan itong:
Sa tuwing may lilitaw na manunula sa isang tribu ng Arabe, ang ibang tribu ay dumarating para bumati, ang pagdiriwang ay ihahanda, ang mga kababaihan ay magsasama-sama na may mga luta katulad ng ginagawa nila sa mga kasalan, at ang mga matatanda at mga batang lalaki ay magdidiwang lahat para sa magandang balita. Ang mga Arabe ay nakasanayang magbatian sa isat-isa sa pagsilang lamang ng isang bata at kapag ang isang manunula ang lumitaw mula sa kanila.
Ang ika-9 na siglong pantas na si Ibn Qutayba ay ipinaliwanag ang panunula kung paano ito nakita ng mga Arabe, “ang bukal ng kaalaman ng mga Arabe, ang aklat ng kanilang karunungan…
Si Navid Kermani, isang manunulat at dalubhasa sa Islamikong pag-aaral, ipinaliwanag ang bigat na kung saan ang mga Arabe ay kailangang magpakadalubhasa sa wikang Arabe, na nagpapakita na ang ika-7 siglong Arabe ay namuhay sa mundo na iginagalang ang panunula:
Ang sinaunang Arabikong panunula ay isang napaka-masalimuot na kababalaghan. Ang talasalitaan, kakaibang pangbalarilang katangian at mahigpit na kasanayan ay isinasalin mula sa bawat henerasyon, at tanging ang pinakahenyo sa mga mag-aaral ang ganap na nagpapakadalubhasa sa wika. Ang isang tao ay kailangang mag-aral ng mga taon, kung minsan pa ay dekada sa ilalim ng isang dalubhasang manunula bago maangkin ang titulong manunula. Si Muhammad ﷺ ay lumaki sa mundong halos relihiyosong sambahin ang mga patulang paghahayag.
Ang ika-7 siglong Arabe ay namuhay sa isang kapaligirang sosyo-kultural na nagkaroon ng lahat ng mga tamang kondisyon para pagaanin ang hindi mapantayang kahusayan sa paggamit ng wikang Arabe.
3. Ang ika-7 siglong mga Arabe ay nabigong gawin ito.
Sa kabila ng kanilang lingguwistikang kakayahan, sila ay nabigong lahat na makagawa ng tekstong Arabe na tatapat sa lingguwistika at pampanitikang katangian ng Qur’an.
Ang Propesor ng Pag-aaral ng Qur’an, si Angelika Neuwrith, ay nagbigay ng argumento na ang Qur’an ay hindi pa kailanman napagtagumpayang hamunin ng sinuman, nakaraan o kasalukuyan:
… walang isaman ang nagtagumpay, ito ay tumpak… Talagang iniisip kong ang Qur’an ay dinala pa ang mga Kanluraning mananaliksik sa kahihiyan, na hindi nagawang ipaliwanag kung papaanong bigla na lamang sa isang lugar na walang anumang naisulat maaaring kilalaning teksto, ay lumitaw ang Qur’an na may napakayamang kaisipan at kamangha-manghang mga kataga.
Si Labid ibn Rabi’ah, isa sa mga tanyag na manunula ng Seven Odes, ay niyakap ang Islam sa kadahilanang hindi mapapantayan ang Qur’an. Pagkatapos niyang yakapin ang Islam ay tumigil siya sa paggawa ng tula. Ang mga tao ay nagulat dahil “siya ang kanilang pinakatanyag na manunula”. Sila’y nagtanong kung bakit siya tumigil sa paggawa ng tula; siya ay sumagot, “Ano! Pagkatapos na naipahayag ang Qur’an?”
Si E. H. Palmer, Propesor ng Arabe at ng Qur’an, ay nagbigay ng argumeto na ang pagpapatunay na ginawa ng mga akademiko kagaya ng isa sa itaas ay hindi natin dapat ikagulat. Siya ay sumulat,
Ang pinakamahusay na Arabeng manunulat na hindi kailanman nagtagumpay na gumawa ng anumang kapantay sa merito ng sa Qur’an mismo ay hindi na nakakagulat.
Ang Pantas at Propesor ng Islamikong Pag-aaral, na si M. A. Draz, ay pinagtibay kung paano ang ika-7 siglong mga dalubhasa ay nilamon sa panayam na ginawa silang mga walang silbi:
Sa ginintuang panahon ng kahusayan ng pagsasalita ng mga Arabe, nang ang wika ay umabot sa rurok ng kadalisayan at lakas, at ang titulo ng karangalan ay ibinibigay nang may kabanalan sa mga manunula at makata sa taunang mga kapistahan, ang pananalitang Qur’an ay winalis palayo ang lahat ng paghahangad sa panunula o prosa, at naging dahilan na ang Pitong Ginintuang Tula na isinabit sa pintuan ng Ka’bah ay tanggalin. Lahat ng tainga ay kusang nakatuon sa pakikinig ng kamangha-manghang Arabikong pagpapahayag na ito.
Isang napakalakas na argumento na umaayuda sa pagpapatunay na ang ika-7 siglong mga Arabe ay nabigong gayahin ang Qur’an na nag-uugnay sa sosyo-politikal na mga pangyayari ng panahong yaon. Ang sentro sa mensahe ng Qur’an ay ang pagkondena sa imoralidad, kawalang-katarungan at masamang mga gawi ng ika-7 siglong tribu ng Makkah. Kabilang dito ang pagmamaliit sa mga kababaihan, di-makatarungang kalakalan, politeismo, pang-aalipin, pagtatago ng kayamanan, pagpatay ng mga sanggol at pagtataboy sa mga ulila.
Ang pamumuno ng taga-Makkah ay hinamon ng mensahe ng Qur’an, at ito ay nagkaroon ng posibilidad na magapo ang kanilang pamumuno at pangkabuhayang pamamayagpag. At upang mapigilan ang pagkalat ng Islam, ang tanging kailangan ng mga kaaway ng Propeta ﷺ ay tapatan ang lingguwistika at pampanitikang hamon ng Qur’an.
Gayunpaman, ang katotohanan na ang Islam ay nagtagumpay sa maaga at maselang mga araw nito sa Makkah na nagpapatunay sa katotohanang ang pangunahing tagapakinig nito ay walang kakayahang matapatan ang hamon ng Qur’an. Walang samahan na magtatagumpay kung ang pundasyon ng isang pag-aangkin sa pinakaugat nito ay tahasang napatunayang huwad. Ang katotohanan na ang pamunuan ng Makkah ay kinailangang gumamit ng matinding mga kampanya katulad ng digmaan at pagpapahirap para tangkaing puksain ang Islam ay nagpapakita na ang madaling paraang pagpapasinungaling sa Islam – pagtugon sa hamon ng Qur’an – ay bigo.
4. Mga pantas ay nagpatotoo na hindi matutularan ang Qur’an.
Maraming mga pantas mula sa kanluran, silangan, nagmula sa relihiyoso at di-relihiyosong mga pinagmulan ay nagpatunay na hindi matutularan ang Qur’an. Sa ibaba ay isang hindi pinaghirapang talaan ng mga pantas na bumuo ng mga pagpapatotoo na ang Qur’an ay hindi magagaya:
Ang Propesor ng Oryental na Pag-aaral na si Martin Zammit:
Sa kabila ng mga pampanitikang kahusayan ng ilan sa mahabang panahon bago pa ang Islamikong mga tula… ang Qur’an sa katiyakang nasa antas ng sarili nito bilang pinakamarangal na naisulat bilang patunay ng wikang Arabe.
Ang Oryentalista at literatikong si A. J. Arberry:
Sa kasalukuyang ginawan pagtatangka para mapalago sa pagganap ng mga pinagmanahan, at para makagawa ng bagay na maaaring matanggap bilang umaalingawngaw subalit mahina ang maringal na retorika ng Arabeng Qur’an, ako ay nagpapakasakit sa pag-aaralan ng masalimuot at mayamang ibat-ibang mga indayog na – bukod pa sa mismong mensahe –
Pinagtitibay ang hindi maitatangging pag-aangkin ng Qur’an na Si Propesor Bruce Lawrence:
“Bilang hayag na mga palatandaan, ang mga talata ng Qur’an ay mapagpahayag ng walang kapagurang katotohanan, nagpapahiwatig ito ng kahulugang may magkakapatong na kahulugan, liwanag pagkatapos ng liwanag, himala pagkatapos ng himala.”
Ang Propesor at Arabistang si Hamilton Gibb:
“Kagaya ng lahat ng mga Arabe, sila ay dalubhasa sa wika at retorika. Kaya, kung ang Qur’an ay sariling likha ng ibang tao ay matatapatan ito. Hayaan silang maglabas ng sampung talata kagaya nito. Kung hindi nila kaya [at talagang hindi nila kaya], kaya’t hayaan silang tanggapin na ang Qur’an bilang namumukod-tanging patunay na himala.”
Ang nasa itaas na mga patunay na hindi matutularang Qur’an ay maliit na halimbawa mula sa hindi mabilang na mga pagpapatotoo na mayroon sa amin.
5. Pagsalungat sa karungungang mga pagpapatotoo ay hindi kapani-paniwala, dahil kailangan nilang pasinungalingang ang napagtibay na nalalamang impormasyon sa likod nito.
Ang pagsalin ng mga pagpapatotoong patungkol sa hindi matutularang Qur’an ay ang pinakamakatuwiran na tanggapin. Ito ay hindi nangangahulugang mayroong isang ganap na napagkasunduan sa usapin, o lahat ng mga karunungan ay nagpatunay na ang Qur’an ay hindi nahamon. Mayroong ilan [kahit na kakaunti] pangpantas na mga opinyong gustong humamon laban sa di-matutularang Qur’an. Kung ang tanggap na pagpapatotoo ay hindi nangangailangan ng pagkakaisa, papaanong ang isang tao ay tatanggapin ang isa lang na pagpapatotoo kasya sa iba?
Ang pagpapatotoo patungkol sa pagiging di-matutularan ng Qur’an ay higit na makatuwiran, dahil sa katotohanan ito ay nakasandig sa likod ng malakas na pundasyon ng kaalaman. Ang kaalamang ito ay pinag-usapan sa mga bilang na 1, 2 at 3.
6. Samakatuwid [mula 1-5] ang Qur’an ay di-matutularan.
Ito ay ang sumusunod mula sa bilang 1 hanggang 5 na ang di-matutularang Qur’an ay makatuwiran.
7. Ang maaaring mga paliwanag para katangiang hindi matutularan ng Qur’an ay inakdaan ng isang Arabe, isang di-Arabe, ni Muhammad ﷺ o ng Diyos.
Para maipaliwanag ang Banal na pinagmulan ng Qur’an ng hindi sasangguni sa mga tukoy tungkol sa wikang Arabe, ang paggamit ng pagpapatotoo at pagkaunawa ay kailangan. Ang napag-usapan sa ngayon ay na mayroong isang tanggap na kawing ng pagsalin ng pagpapatotoo na ang Qur’an ay hindi matutularan at ang maaaring paliwanag para sa katangiang hindi matutularan ng Qur’an at ang maaaring paliwanag sa pagiging hindi matutularan nito ay maaaring ipaliwanag sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pag-aakda nito sa isang Arabe, isang di-Arabe, kay Muhammad ﷺ o sa Diyos.
8. Kung hindi ito ginawa ng isang Arabe, isang di-Arabe o ni Muhammad ﷺ.
Para maunawaan kung sino ang maaaring gumawa ng Qur’an, ang isang pagbalangkas ng tatlong pangunahing teorya ay kailangan.
Isang Arabe?
Mayroong ilang pangunahing dahilan kung bakit ang Qur’an ay hindi maaaring magmula sa ika-7 siglong Arabe, na atin nang isinalarawan, subalit paano ang mga Arabe ngayon?
Kaya, para patunayang ang isang kapanabayang tao na nagsasalita ng Arabe ay maaaring magaya ang Qur’an ay walang batayan. Ilang mga dahilan para mapatunayan ang puntong ito. Una, ang mga Arabe sa ika-7 siglo ay higit na karapat-dapat ang katayuan para hamunin ang Qur’an, at dahil sila ay nabigong gawin ito, hindi makatuwirang na maipalagay na ang isang mahina sa lingguwistikang makabagong Arabe ay maaaring mahigitan ang kakayahan ng kanilang mga ninuno. Pangalawa, ang makabagong Arabe ay dumadanas ng matinding panghihiram at pagkasira sa lingguwistika kumpara sa klasikong Arabeng tradisyon.
Kaya papaanong ang isang Arabe na bunga ng nasisirang lingguwitikang kultura ay papantay sa isang Arabe na lumabas sa isang kapaligirang may lingguwistikang kadalisayan? Pangatlo, kahit pa ang isang kasabayang Arabe ay natuto ng klasikong Arabe, ang kanyang mga kakayahan ay hindi maipapantay sa isang lumabas sa kultura na na napagdalubhasaan ang wika.
Isang di-Arabe
Ang Qur’an ay hindi maaaring manggaling mula sa isang di-Arabe, dahil sa ang wika ng Qur’an ay Arabe, at ang kaalaman ng wikang Arabe ay isang napakahalagang sangkap para matagumpay na hamunin ang Qur’an. Ito ay ipinahayag sa Qur’an mismo: “At katotohanan alam Namin na sila [mga politeista at mga pagano] ay nagsasabi: ‘Ito ay isang tao lamang ang nagturo sa kanya [Muhammad ﷺ].’ Ang dila ng tao na kanilang tinutukoy ay dayuhan, samantalang ito ay pananalitang Arabeeyun mubeen [malinaw na Arabe].”
Paano kung ang isang di-Arabe ay natuto ng wika? Ito ay magagawa ang taong yaon na magsalita ng Arabe, at ako ay maaaring sasangguni sa unang paliwanag sa itaas.
Ang Propeta Muhammad ﷺ
Si Propeta Muhammad ﷺ?Naangkop na tandaang ang mga lingguwistang Arabe sa panahong yaon ng kapahayagan ay tumigil ng pagpaparatang sa Propeta ﷺ bilang may-akda ng Qur’an, pagkatapos ng kanilang unang maling pagpapalagay na siya ay naging manunula. Sumulat si Propesor Mohar Ali:
Dapat na bigyang pansing ang Qur’an ay hindi maituturing na aklat ng tula ng sinumang maalam na tao. Kahit pa ang Propeta ﷺ ay hindi kailanman nakisangkot sa panunula. Ito sa katunayan ang bintang ng mga di-mananampalatayang Quraysh sa unang mga yugto ng kanilang pagsalungat sa kapahayagan na si Muhammad ﷺ ay naging isang manunula; subalit hindi nagtagal ay natagpuan nilang ang kanilang bintang ay labas sa usapan at binago ang kanilang linya ng pagbatikos sa pananaw ng hindi maitatangging katotohanang ang Propeta ﷺ sa pagiging hindi marunong sumulat at bumasa at ganap na walang anumang kasanayan sa larangan ng paggawa ng tula, na sinasabing siya ay tinuruan ng iba, na nakuha niya ang matatandang napakasamang mga kwentong isinulat para sa kanya ng iba at binabasa sa kanya sa umaga at gabi.
Makabuluhang, ang Propeta ay hindi itinuring na dalubhasa ng wika at hindi nasangkot sa paglikha ng tula o ritmo ng prosa. Samakatuwid, para angkining siya kahit papaano ay nagawang makabuo ng isang pampanitikan at lingguwistikang obra maestra ay lagpas sa kalabuan ng makatuwirang kaisipan.
Si Kermani ay sumulat,
Siya ay hindi nag-aral ng mahirap na paglikha ng tula nang magsimula siyang bumigkas ng mga talata sa publiko… Gayunpaman ang mga pagbigkas ni Muhammad ﷺ ay naiiba sa tula at mula sa pagtutugma ng prosa ng mga manghuhula, ang ibang pangkaraniwang anyo ng pinukaw, panukat ng pananalita sa panahong yaon.
9. Samakatuwid, ang pinakamainam na paliwanag na ang Qur’an ay nagmula sa Diyos.
Sa kadahilanang ang Qur’an ay hindi maaaring ginawa ng isang Arabe, isang di-Arabe o ni Propeta Muhammad ﷺ, kung gayon ay sumusunod itong ang pinakamainam na paliwanag ay mula ito sa Diyos. Na nagbibigay ng pinakamainam na paliwanag para sa katangian ng Qur’an na hindi matutularan dahil ang ibang mga paliwanag ay hindi maaabot ang liwanag sa umiiral na kaalaman.