Ano ang iyong paniniwala sa Tagapaglikha?
Simulan natin sa pag-amin na tayo ay hindi mga diyos o tayo ay nag-aangkin ng lahat ng kaalaman. Kinakailangan ding alisin mula sa ating mga isipan at mga puso ang anumang paniniwala at haka-haka kung paano ang lahat ay nagsimulang umiral at kung paano ito pinanatili at pinagyaman.
Ito ang pinakamaselang unang hakbang sa pagkamit ng anumang tumpak na kaalaman at pagpapatibay ng katotohanan batay sa katibayan lalo na sa paniniwala sa Tagapaglikha.
Tanungin ang sinuman ng katanungang: “Naniniwala ka ba sa Diyos?” at ikaw ay nakatitiyak na makakatanggap ng ibat-ibang mga sagot. Ang tanong ay nararapat na “Ano ang paniniwala mo tungkol sa Diyos?”
Pag-isipan ang tungkol dito:
Kung mayroong nilikha, dapat may Tagapaglikha.
Kung may Tagapaglikha, dapat Siya ang Tagapagtustos.
Ang Tagapaglikha ay Hindi Malilikha ang Sarili.
Kung Siya ang tanging Tagapaglikha/Tagapagtustos – Siya ay dapat na ISA lang.
Ang Diyos ay dapat na iisa lang. Kung hindi ay makikita natin ang malaking mga pagkakaiba at pagpapaligsahan sa pagitan ng mga diyos kung mayroong higit sa isa — Nag-iisa.
“Sabihin, ‘Siya si Allah, ay [tanging] Isa. Si Allah, ang Sandigan ng lahat. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak, (3) At sa Kanya ay walang anumang katulad.” [Maluwalhating Qur’an 112:1-4]
Nagkakasundo ba tayo na ito ay isang nilikha? O tinatanggap natin na walang magmumula sa wala para mabuo ang buong sansinukob na ito?
Ito ay napakalinaw na mensahe mula kay Allah, sa Qur’an. Ang isang bagay ay hindi magmumula sa wala. Magkagayun, dapat na may bagay nang umiiral na lumikha sa lahat na alam nating umiiral. At ang “bagay” na yan ay kailangan para tawagin sa panahon ng pangangailangan at pasasalamat.
Ang sabi ni Allah sa marangal na Quran:
“…At hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao malibang sambahin Ako…” [Maluwalhating Qur’an 51:56]
Sinabi din Niya na tayong lahat ay sinubukan Niya sa ating kayamanan, pamilya, mga anak at katayuan sa lipunan. Talagang susubukin nga Namin kayo sa pamamagitan ng bagay na tulad ng pangamba, gutom, at kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Balitaan mo ng nakagagalak ang mga nagtitiis:
“…Talagang susubukin nga Namin kayo sa pamamatitan ng bagay na tulad ng pangamba, gutom, at kabawasan ng mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Kaya’t balitaan ang mga natitiis..” [Maluwalhating Qur’an 2:155]