Saan nga ba nagmula ang Lahat? Ano ang katibayan?
Ang Islam ay nagsasabi sa atin na si Allah ay kapwa Tagapaglikha at Tagapaghubog, ng lahat ng mga umiiral. Nalalaman natin na si Allah ay hindi tayo hinubog mula sa mga unggoy, at nalalaman nating ang lahat ng bagay ay nagmula kay Allah. Ano ang pananaw ng Islam sa teorya ng Big Bang? Pakiusap ipamahagi ang kaalamang ito sa kanilang mga tumatanggi sa pag-iral ng Diyos, Kailangan nila ito.
May isang tanyag na teoryang tinaguriang teoryang ‘Big Bang’. Ito ay tinatangkang ipaliwanag ang pag-iral ng sansinukob sa ebolusyonaryong na may panimulang napakalawak na pagsabog ng ilang mga gas o solidong masa. Ang ilan ay nagsasabi na ang nauna ay kawalang laman o kawalan, o marahil, ang ilang mga gas na sumabog at pagkatapos nagmula dito ang lahat sa sansinukob ay basta na lamang nagsimulang mahubog sa antas na nakikita natin ngayon. Wala kailanman na talagang nagkaroon ng matibay na patunay sa ganitong kaisipan na ‘isang bagay mula sa wala’ na konsepto. Maging sa ganitong bagay, ang teoryang ebolusyon mismo.
Nais naming siyasatin ang kaisipang paglikha mula sa tanging makatuwirang pananaw gamit ang mga simpleng terminilohiyang walang pangrelihiyong pag-aangat, madamdaming pananalig o mga pamahiin.
¤ Paano kung ang isang tinatawag na ‘siyentipiko’ ay sabihin sa iyo ang kanyang ‘teorya’ kung paano ang sasakyan ay nabubuo ay katulad nito:
Isang lugar na tambakan sa timog na bahagi ng bayan ay sumambulat at lahat ng mga pirasong bakal ay lumipad sa hangin at bumagsak sa isang lugar na bumubuo ng isang bagong Chevrolet Caprice na kotse.. na walang bahagi na natira.. at ang makina ay umaandar..
¤ O paano kung ang kanyang teorya kung paano ang upuan ay ginawa ay:
Ang pagsabog ay nangyari sa isang kagubatan at ang mga puno ay nagliparan sa hangin at pagkatapos ay biglang nagkabit-kabit kasama ang ilang lumilipad na tela para maging isang magandang upuan… at pagkatapos ay lalapag sa isang tindahan ng muwebles na kumpleto na may kasama pang lamesa at lampara…
¤ Siya ay nagpaliwanag pa na:
Isang lindol sa ‘Silicon Valley’ ng California ay naging dahilan na ang mga piyesa ng kompyuter at tabla ng serkito at iba pang mga piyesa ay nagsilabas mula sa kanilang mga kahon at sumalansan sa kanilang mga istante at kusang nagsama-sama sa isang lugar na gumugulong sa sahig at bumuo ng pinakamakabagong mga teknikong kompyuter na umiiral sa mundo?…
¤ O kaya ang kanyang ‘Teoryang Medisina’? Siya ngayon ay nag-aangkin na:
Isang singaw ng gas sa bodega ng botika ay naging dahilan ng napakalakas na pagsabog. Ang lahat ng ibat-ibang kemikal at mga sangkap ay nagbanggaan lamang sa isat-isa sa eksaktong tamang sukat para makalikha ng mahimalang gamot na napapagaling ang lahat mula sa kanser hanggang sa sakit sa puso at sakit sa atay, katandaan at mga kulugo?…
¤ Teka muna… mayroon pang iba sa isang ito:
Ang lahat ay nasa iisang timpla, nakalagay sa mga botelya na may etiketa at handa nang ibenta na walang kalat na natira sa sahig?…
¤ Ngayon matapos ang lahat ng pagsabog at kasiyahan ang ‘siyentipiko’ na ito ay sasabihin sa iyo ang isang magandang lugar para magpahinga at magkaroon ng makakain. Ito ang kanyang paboritong lugar at tinawag niya itong: “Burger Blast”! Siya ay nagsabi:
Pupunta ka lang sa loob at mauupo at bigla ay isang ‘pagsabog’ mula sa kusina ay mangyayari at kaagad ay isang ‘burger’ ay lalapag sa harap mo mismo na may kumpletong gayak… ayon sa kung papaano mo ito gusto na may kumpletong pritong patatas, inumin at kahit pa ang paborito mong panghimagas?…
¤ AT…
Walang nagtatrabaho sa “Burger Blast”, ito ay basta na lamang kusang tumatakbong mag-isa, kusang naglilinis mag-isa at habang papaalis ka ay sinusuri nito ang iyong bayarin para sa isang gumaganang kreditong tarheta at kusang sisingil sa iyong impok sa bangko para sa ang iyong kinain?…
¤ Ngayon ang tanong ay: “Tatanggapin mo ba talaga ang alinman dito bilang ‘katotohanan’?”
Syempre hindi!
Hindi tayo maniniwala na ang isang sasakyan ay gawa mula sa lumilipad na basura ng bakal; ang mga upuan ay hindi bumagsak mula sa sumasabog na mga puno; ang mga lindol ay hindi makapagbibigay ng mga kompyuter at hind uulan ng sumasambulat na ‘burger’ sa atin mula sa itaas.
Tanong: Kaya paanong hindi natin hinahamon ang teorya ng isang bagay na nagmumula sa wala at pagkatapos nagbabanggaan sa kalawakan para gumawa ng sansinukob? Ito ba ay dahil sa napakalaking pagpapahalaga na mayroon tayo at napakaliit na pagkaunawa tungkol dito, na payag tayong tanggapin ang anumang teorya mula sa kaunting largabistang ‘boserong Tom’ na sabihin sa atin na ito ay nanggaling mula sa ‘kawalan’? O basta ilang singaw na nagbanggaan at pagkatapos.. ‘Pak’!? Sansinukob na agad? Paano?
Tayo na ngayon sa ating pinakapaksa:
Paglikha o Pagsabog (Teorya ng Big Bang)?
Maaari nating ibaling ang ating pansin sa mundo at sa mga kalangitan at gumawa ng pagmamasid ng sarili natin na walang ‘henyong’ siyentipiko na magsasabi sa atin kung ano ang nakikita natin. At pagkatapos ang pananaw na walang nangangalaga sa mga kalangitan at sa mundo! – ‘Basta na lamang pinatatakbo ng sarili niya’? Paano?
Isipin ang mga bituin, ang araw, ang buwan at ang hindi mabilang na mga pangkalawakang sistema at mga kalawakan sa sansinukob.
Sino o Ano ang lumikha sa kanila bilang pasimula?
Sila ay patuloy na gagana at gagalaw na may sukdulang katumpakan at kawastuhan.
Sino ang gumawa nito? Sino ang nagpapanatili nito sa paglalayag sa kanilang daanan at pag-inog na itinakda sa kanila?
Ang Qur’an sa Pinagmulan ng Sansinukob
Pagmasdang mabuti ang langit na nakapalibot sa mundo. Tinatawag natin itong ‘himpapawid’. Pansinin ang mga ulap? Ano ba sila?
Ang Qur’an sa mga Ulap
Ating dalhin ang ating paningin ng mas malapit sa mundo. Isaalang-alang ang mga kabundukan at ang kanilang karangyaan. Mayroon bang anuman sa mga higanteng hanay na ito na maaari tayong bigyan ng palatandaan kung ano ang pinagmulan ng paglikha?
Ang Qur’an sa mga Bundok
Paano ang tungkol sa tubig na tumatakip sa mundo? Mayroon pa bang ibang bakas na nakatago sa ilalim ng mga karagatan?
Ang Qur’an sa Kalaliman ng mga Karagatan at mga Alon sa Ilalim
Ang kalakhan ng mundo ay natatakpan ng tubig at humahalo pa sa kalupaan sa mga ilog at mga batis. Subalit may bagay bang pumipigil dito para humalo ito sa mismong sarili nito? Ano ang bumabalot na misteryo sa paghihiwalay ng mga tubig?
Ang Qur’an sa mga Karagatan at mga Ilog
Ano naman ang tungkol sa atin? Tayo ba ay bahagi ng paglikha? Paano tayo nagsimula? Ano ang nagpaunlad sa atin at dahilan para tayo ay mabuhay at mamatay? Paano tayo pinangangalagaan?
Ang Qur’an sa Pag-unlad ng Tao sa Sinapupunan
Pag-isipan ang tungkol sa mga tao. Paano tayong lahat napunta dito? Ano ang kalikasan ng sangkatauhan? Ano ang mga dahilan para tayo ay kumilos katulad ng ginagawa natin? Tayo ba ay walang utang na loob sa Isang lumikha sa atin at nangangalaga sa atin? Ano ang palatandaang ito? Pag-isipan ang tungkol sa iyong sarili. Nilikha mo ba ang iyong sarili?
Ang Qur’an sa Noo [harapang bahagi ng utak ng tao]
Sino o Ano ang lumikha ng lahat ng ito? Sino ang nangangalaga sa lahat? Paano ang mga organismo ay dumadami sa kanilang sarili? Paano ang isang puno ay sumisibol mula sa isang buto?