Home Mga Tanong Tungkol sa Islam Ano ang Halal? Isang gabay para sa mga hindi Muslim

Ano ang Halal? Isang gabay para sa mga hindi Muslim

Ano ang Halal? Isang gabay para sa mga hindi Muslim

Ang layunin ng kaalamang ito ay upang tulungan ang mga di-Muslim na magkaroon ng isang mas maayos na pagkaunawa kung ano ang Halal at ang kahalagahan nito sa mga Muslim.

Nag-iisang Islam – Maraming Muslim

Bagamat ang Islam ay iisang relihiyon, mahalagang makilala na ang mga mamamayang Muslim ay hindi iisang grupo na magkakauri. May tinatayang mahigit 400,000 mga Muslim sa Australya, na nagmula sa mahigit na 70 mga bansa sa buong mundo mula sa Europa [hal. Albanya, Bosnya, Turkiya], Aprika, Asya [kasama ang Gitnang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya], Pulong Pasipiko, at Hilaga at Timog Amerika.
Naniniwala ang mga Muslim sa nag-iisang Diyos. Allah ang pangalang pantangi ng Diyos, at ang mga Muslim ay naniniwala sa lahat ng mga Propeta kabilang sina Hesus, Moises, Abraham at iba pa na kabilang at pinakahuli ay si Muhammad, sumakanila nawa ang kapayapaan.
Ang Halal ay isang katagang naglalagay sa anumang bagay o pagkilos bilang ipinahihintulot na gamitin o gawin, ayon sa batas Islamiko. Ito naman ay kasalungat ng haram o bawal. Ang kataga ay ginagamit upang ang pagkain ay italaga na ipinahihintulot ayon sa batas Islamiko.

Ano ang Halal?

Ang Halal ay isang katagang Arabe na nangangahulugang mabuti o ipinahihintulot. Kung ipangtutukoy sa pagkain, ito ay ang pamantayan ng pagkain, ayon sa ipinag-utos ng Qur’an [kasulatan ng Muslim]. Ang kasalungat ng halal ay haram, na nangangahulugang masama o ipinagbabawal. Ang halal at haram ay pandaigdigang kataga na ginagamit sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang mga katagang ito ay karaniwang ginagamit kaugnay sa mga produktong pagkain, mga produktong karne, mga kosmetiko, mga produktong pang-alaga ng sarili, parmasyotikal, mga panglahok sa pagkain, at mga kagamitang may kaugnayan sa pagkain.

Habang maraming mga bagay ay malinaw na halal o haram, mayroon ilang mga bagay ang hindi malinaw. Karagdagang impormasyon ay kailangan para matukoy ang mga ito bilang halal o haram. Ang mga ganyang bagay ay madalas itinuturing na mashbooh, na nangangahulugang nakakaduda o hindi tiyak.

Pakahulugan

Sa pangkalahatan ang bawat pagkain ay itinuturing na halal sa Islam malibang ito ay tinukoy na bawal sa Qur’an o sa Hadith. Sa opisyal na pakahulugan, ang halal na mga pagkain ay yaong mga: Malaya mula sa anumang bagay na ipinagbawal sa mga Muslim na kainin ayon sa batas Islamiko [Shari’ah].

Naproseso, gawa, nilikha, niyari at/o inimbak na gamit ang mga kagamitan, kasangkapan at/o makinaryang nilinis ayon sa batas Islamiko.

Ang mga Muslim ay kumakain para mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan upang magkaroon ng kakayahang ibahagi ang kanilang kaalaman at pagsisikap para sa kapakanan ng lipunan.

Ang mga Muslim ay nararapat na gumawa ng pagsisikap para magkamit ng pinakamainam na kalidad pangnutrisyon. Ito ay nabanggit sa isang Hadith na ang pagdarasal ng isang tao ay hindi tanggap ni Allah kapag ang pagkaing kinakain ay ipinagbabawal [haram]. Lahat ng mga pagkain ay itinuturing na halal maliban sa mga sumusunod [na haram]:

  • Mga inuming may alkohol at nakakalasing
  • Di-Halal na taba ng hayop
  • Mga Ensaym* (ang mga Mikrobiyal na Ensaym ay pinahihintulot)
  • Gulaman* – galing sa di-Halal na pinagkukunan [ang gulaman ng isda ay Halal]
  • L-cysteine [kung galing sa buhok ng tao]
  • Lard [mantikang gawa sa taba ng baboy]
  • Lipase* [tanging lipase lamang ng hayop ang dapat iwasan]
  • Di-Halal na Mantika ng Hayop
  • Karne ng Baboy, Tusino / Hamon at anumang galing sa mga baboy
  • Sabaw ng hindi tukoy na karne
  • Renit* (Ang lahat ng mga uri ay dapat na iwasan maliban para sa halaman / mikrobiyal
  • Sintetiko – ang renit na nakuha mula sa halal na kinatay na hayop ay ipinahihintulot]..
  • Sabaw (isang timpla ng pinaghalong klase ng sabaw o sabaw ng karne)
  • Taba* [mga di-Halal na klase]
  • Karniborong mga hayop, mandaragit na ibon, at iba pang tukoy na hayop
  • Mga pagkain na kontaminado ng anumang produkto ng nabanggit sa itaas [*Maaaring kainin kung galing sa Halal na hayop]

Halal/Haram

Mga pagkaing nahahaluan ng mga sangkap katulad ng gulaman, mga ensaym, emulsipayer, at mga lasa ay kahina-hinala, dahil ang pinagmulan ng mga sangkap na ito ay hindi tukoy.

Sa mga industriya pagkaing karne at manok, ang mga hayop katulad ng mga baka, guya, kordero, tupa, kambing, pabo, mga manok, mga pato, huling ibon, bison, usa, atbpa, ay itinuturing na halal, ngunit sila ay dapat na ihanda ayon sa batas Islamiko upang ang kanilang karne ay angkop para sa pagkain [tingnan sa ibaba].

Isda at lamang-dagat [maliban sa mga buwaya at mga palaka] sa pangkalahatan ay tanggap para sa mga Muslim subalit palaging susuriin muna, dahil maaaring may pansariling hilig o pangangailangan o alerdye. Ang paghahanda ng isda o lamang-dagat ay hindi dapat lahukan ng alkohol [bater o alak, o anumang itinuturing na haram].

Sa mga pagkakataon ng pangangailangan, ang mga bagay na bawal ay maaaring ipahintulot [halal] sa panahon ng kagipitan o pangangailangan, dahil ang Islam ay pinahahalagahan ang buhay higit sa kamatayan. Tingnan sa Qur’an kabanata 2:173 [Al-Baraqah].

Islamikong Paghahanda at Pangangasiwa ng Halal na Karne

Sa Australya, ang Australian Federation of Islamic Council [AFIC – pinakamataas na kapulungan ng Muslim] ay sinisertipikuhan at sinasanay ang mga Islamikong tagapagkatay para sa industriya ng karne at manok. Ang Tagapangasiwa sa Paglilingkod ng AFIC Halal ay naglalakbay sa buong Australya sa ibat-ibang katayan/hayupan, mapa-karne at kompanya na hindi pangkarneng mga pagkain, mga gamot, pampagandang establisimiyento upang gawin ang Islamikong pamamahala, pagsusulit/inspeksiyon, at halal na paghahanda.

Ang mga produktong halal ay kinuha mula sa mga hayop at/o manukan na dapat ay inihanda ayon sa batas Islamiko sa ilalim ng mga sumusunod na pahayag, “Sa ngalan ni Allah – si Allah ay Dakila / Bismillahi Allahu Akbar”.

Ang mga produktong halal at produksyon ay maingat na hinihiwalay at malinaw na kinilala mula sa mga di-halal na mga produkto.

Ang Buhay ay sagrado

Ang Islam ay binigyan ng matinding pagpapahalaga ang paraan sa pagkitil ng buhay ng hayop, na nararapat lamang na naayon sa pamantayang Islamiko. Ang buhay ay sagradong biyaya ng Diyos sa nilikha, mga hayop na katulad rin naman ng mga tao.

Kung ang buhay ng isang hayop ay kailangang kunin para sa pagpapatuloy ng sangkatauhan, magkagayun ang buhay nito ay nararapat na kunin lamang sa pangalan ng Diyos. Dahil dito, ang katagang bismillah [sa ngalan ni Allah] ay dapat na bigkasin bago ang pagkatay ng isang hayop.

Ang mga Muslim ay hindi maaaring kumain ng karne ng mga hayop na inalay sa ngalan ng iba bukod sa Diyos. Anumang hayop na inalay sa ngalan ng isang taong buhay o patay, anumang bathala o idolo ay itinuturing na haram at magkagayun hindi ipinahihintulot para sa mga Muslim na kainin ang karne niyon.

Islamikong Pagkatay

Ang mga Muslim ay pinahihintulutan lamang kumain ng karneng dumaan sa paghahandang ayon sa batas Islamiko. Ang pamamaraang ito ay kadalasang hinahamon ng mga aktibista para sa karapatang panghayop bilang dahilan na hindi dapat magdusa ang hayop. Ang mga Muslim ay hindi sumasang-ayon at nagsasabing ang batas Islamiko sa pagkatay ng mga hayop ay sadyang ginawa para mabawasan ang sakit at dalamhati na sinasapit ng hayop.

Ang AFIC ay may mahigpit na mga panuntunan sa Islamikong pagkatay. Ang mga panuntunang ito ay nagsasaad:

  1. Ang magkakatay ay dapat matino ang isip at nasa tamang gulang na Muslim.
  2. Dapat na bigkasin ang ngalan ni Allah ng magkakatay bago ang paghiwa.
  3. Ang pangalan ni Allah ay sinasabi upang bigyang halaga ang kabanalan ng buhay at ang hayop ay kinatay upang kainin sa pahintulot ng Diyos.
  4. Ang hayop ay dapat patayin sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paghiwa sa lalamunan ng matalas na patalim.
  5. Ang paghiwa ay dapat na maputol kahit ang tatlo sa lalagukan, esopago at dalawang daluyan ng dugo alinman sa magkabilang gilid ng lalamunan.
  6. Ang gulugod ay dapat hindi maputol.
  7. Ang hayop ay hindi dapat pinahihirapan bago katayin.
  8. Ang hayop ay hindi dapat nakikita ang ibang hayop na kinakatay.
  9. Ang patalim ay dapat na huwag hasain sa harap ng hayop.
  10. Ang patalim ay dapat na walang mga bungi na maaaring makapunit sa sugat.
  11. Ang hayop ay dapat na hindi nahihirapan sa kanyang katayuan.
  12. Ang hayop ay dapat na hayaang dumaloy palabas ang lahat ng dugo at ganap na wala nang buhay bago pa ituloy ang pagkatay.

Ang ilang dalubhasa ay nagsasabing ang hayop na kinatay sa pamamaraang ito ay hindi maghihirap kung ang paghiwa ay gagawing mabilis at malinis, dahil ito ay mawawalan ng kamalayan bago pa mamalayan ng utak nito ang sakit: “ang Islamikong pamamaraan ng pagkatay ay ang pinakamakataong paraan ng pagkatay at ang pagbaril ng pirasong bakal sa noo na nakasanayan sa Kanluran, ay nagdudulot ng 3 matitinding pagdurusa sa hayop”

Si Schulze W, Schultze-Petzold H, Hazem AS, Gross R. Mga eksperimento para sa ‘pagpapadanas’ ng hapdi at kamalayan habang nasa pangkaraniwang [pagbaril ng pirasong bakal sa noo] at atas ng relihiyon [‘ritwal na paghiwa’] na mga pamamaraan ng pagkatay para sa tupa at mga kordero. Deutsche Tierarztliche Wochenschrift 1978 Feb 5;85(2):62-6.

Ang argumento na ang halal na pagkatay ay kalupitan dahil ang mga hayop ay hinahayaang nagdurugo hanggang sa mamatay ay makaagham na napasinungalingan..

Ang lalamunan ng hayop na pinuputol sa isang dagliang paraan na may mala-labahang talas na patalim. Ang pagkawala ng malay ay kaagad sa loob ng ilang saglit at namamatay agad dahil sa “cerebral hypoxia” at hindi sa pagkaubos ng dugo.

Konklusyon

Ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon bagkus ito ay isang pamamaraan ng buhay na may pagbabatas, panuntunan at mga kaugaliang nangangasiwa sa bawat aspeto ng buhay. Dahil sa ang pagkain ay mahalagang bahagi ng pangaraw-araw na buhay, ang mga batas sa pagkain ay nagdadala ng natatanging pagpapahalaga. Ang mga Muslim ay inaasahang kumain para mabuhay, upang mapanatili ang maayos na kalusugan at hindi nabubuhay para kumain. Sa Islam, ang kumain ay itinuturing na isang bagay na pagsamba sa Diyos katulad ng pagdarasal, pag-aayuno, pagkakawanggawa, at iba pang gawaing pangrelihiyon.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…