Paano mo mabibigyang katarungan na ang isang lalaki ay maaaring magkaroon ng apat na asawa sa Islam?
Kung nais mo kaming punahin dahil maaari kaming magkaroon ng apat na asawa, ilang mga nobya ang maaaring magkaroon ka ng ligal sa estado ng California? Kasing dami ng mapagkakasya mo sa iyong kotse o iyong ban sa palagay ko. Walang hangganan, maaari kang umarkila ng bus.
Subalit kami ay may hangganan, hindi kami maaaring magkaroon ng higit sa isa maliban na pakitunguhan namin sila ng magkakapantay.
Nang dumating ang kautusan, dumating ito sa mga tao na maraming asawa, na kinailangan nilang hiwalayan ang kanilang mga asawa dahil hindi nila kayang pakitunguhan sila ng may pagkakapantay-pantay at ang ilan sa kanila ay mayroong higit sa apat. Kung kaya’t hindi ito dumating bilang mabuting balita sa kanila, ito ay dumating bilang masamang balita, dahil kinailangan nilang hiwalayan ang kanilang mga asawa.
At ngayon, ang mga Muslim ang pinakamarami sa lahat ng tao sa mundo na isa lang kung mag-asawa. HIndi kami nagsasagawa ng poligamya. Ito ay tinatawag na polidyini, dahil ang isang babae ay hindi nag-aasawa ng 4 o 5 o 10 na asawa. Bakit? Dahil sa Islam ay may mga karapatan at mga hangganan.
Kapag mayroong isinilang na sanggol, ang isang lalaki ay tungkulin na pangalagaan ang sanggol ng pinansiyal, hindi ang babae, ang lalaki ang may tungkulin sa sanggol na iyon, iyon ang kanyang anak at siya ay may tungkuling pinansiyal sa batang yaon, oo o hindi? At kapag siya ay namatay, ang mana ay mapupunta sa batang yaon at paano ito mapupunta sa bata kung ang bata ay hindi kilala kung sino ang kanyang ama? Kapag ang isang babae ay mayroong higit sa isa na asawa, paano malalaman ng bata kung sino ang kanyang ama?
Subalit tingnan ito, mayroon pang isang punto, gusto ko, na pag-isipan ninyo ang tungkol dito. Ang isang lalaki ay limitado, dahil sa Islam, hindi niya maaaring pakasalan ang isang babae na may asawa na. Magkagayun kung mayroon kang komunidad ng 100 mga babae, 99 ay may asawa na, mayroon ka na lamang isang pagpipilian, subalit ang isang babae ay nasa isang komunidad na may 100 kalalakihan at lahat sila ay maaari pang pakasalan at siya ay maaari pa ring pumili mula sa lahat ng mga kalalakihang ito maliban sa kanilang mga may apat na asawa, at siya ay may kahigitan na malaman kung paano nila pinakikitunguhan ang kanyang ibang mga asawa at siya ay binigyan ng kasiguruhan ng Qur’an na siya ay makatatanggap ng katulad na mabuting pakikitungo.
Kung kaya ang pakinabang ay para sa dalaga, at hindi para sa lalaki, dahil sa tuwing ang isang lalaki ay kukuha ng asawa ay kumuha siya ng obligasyon, responsibilidad at siya ay inatasan sa Qur’an, Kabanata 4, talata 34, na ang mga lalaki ay tagapangalaga, at tagapagtustos, at tagapagkupkop ng mga kababaihan. Ang mga kalalakihan ay mayroong gayong responsibilidad ngunit ang mga kababaihan ay hindi kailangang magbayad ng isang sentimo mula sa kanilang pera para tumulong sa tahanan. Kung siya ay isang milyonarya at ang lalaki naman ay isang magbabasura, kailangan parin niyang [lalaki] gumastos lahat mula sa kanya upang mapangalagaan siya [babae].
Siya nga pala, ang aking asawa ay higit ang kinikita kaysa sa akin sa tunay na buhay. Mayroon siyang mga bagay sa pagpapanaderya na kanyang ginagawa sa bahay; at gumagawa siya ng mga keyk at biskwit. at mga kagaya nito at tuwing katapusan ng bawat linggo higit na marami siyang pera kaysa sa akin, kaya pinapaalalahanan ko siya, kahit pa hindi mo kailangan gawin ito, si Allah ay magbibigay ng napakalaking Ajr [gantimpala] sa pagbibigay ng Sadaqah [kawanggawa] sa mahihirap. Siya ay nagkakamal ng maraming Ajr [gantimpala] sa palibot ng aming lugar, sinasabi ko sa inyo, Alhamdulillah [ang lahat ng papuri ay kay Allah].
Kung kaya ito ay mahalagang bagay at maraming kababaihan na kapag napagtanto nila ang mataas na katayuan na hinahawakan nila sa Islam, ay nagugustuhan nila ito dahil sila ay itinuturing na katulad ng isang reyna. Kung ang isang tao ay ituturing kang katulad ng hari, hindi mo ba ito magugustuhan? At yaon ang kasunod na bahagi ng talata, dahil dito, ang babae ay mataos na sumusunod kay Allah, at katiyakan sa kanyang asawa ay ganundin, dahil tingnan! “Ang lalaking ito ay tunay na nagsasakripisyo para sa akin. Kapag may kailangan ako sa aking kalusugan, tirahan, pananamit, pagkain o inumin, edukasyon para sa aking mga anak, ang lalaking ito ay kailangang pamahalaan ang lahat ng mga ito..” At kahit pa siya [babae] ay may trabaho, maaari niyang itabi ang kanyang pera. Ito ang dahilan kung bakit hindi mahalaga para sa isang babae na lumabas at maghanap-buhay dahil maaari niya itong itabi. Kapag siya [babae] ay nagmana, ang lahat ng ito ay mananatili sa kanya. Ito ang dahilan na kapag may mamanahin, ang lalaki ay kukuha ng higit na malaking bahagi kaysa babae dahil ang lalaki ang magtutustos sa mga kababaihan, samantalang ang babae ay maitatabi niya ang sa kanya. Kaya may bagay sa Islam na hindi tinatawag na pagkakapantay-pantay, ito’y tinatawag na katarungan. Ang pagkakapantay-pantay ay nangangahulugang pantay ang lahat ng bagay, mangyari pa, ito ay hindi pa rin magkakapantay.
Sa katotohanan hindi ito magkapantay. Ang isang lalaki ba ay nanganganak? Hindi siguro, subalit ang babae ay nanganganak. Kung kaya ang katarungan ay ang lalaki ay lumalabas at ginagawa ang mga gawain na hindi kaya ng babae, lalo na sa gayong pagkakataon. At sa bawat buwan ang babae ay may panahon ng dalaw [regla], na ang mga bagay sa kanya ay higit na mahirap at hindi maaliwalas para sa kanya, at ang lalaki ay may tungkulin na pangalagaan siya at hindi ito isang pagpipilian, ito ay isang tungkulin.
Sheikh Yusuf Estes