Home Pangunahin Ateismo at ang Pag-iral ng Diyos

Ateismo at ang Pag-iral ng Diyos

Ang tanong sa pag-iral ng Diyos ay isa sa madalas buksan sa mga pagtitipon, mga silid aralan, telebisyon, at mga pelikula. Habang ang ilan ay nag-aalinlangan sa Diyos, maraming mga tao sa ibat-ibang mga panahon, kultura, at mga rehiyon ay kinikilala ang pag-iral ng isang mataas na kapangyarihan. Sa kabila ng katotohanan na ang mga tao ay nagkakaiba sa halos lahat ng mga bagay, ang paniniwala sa isang mataas na kapangyarihan ay nananatili sa lahat ng mga kultura, panahon, at mga lugar.

Ang ateismo ay lumalagong higit na nangingibabaw sa makabagong panahon, lalo’t higit ang Kanluran ay nagkaroon ng napakasamang karanasan sa Simbahan. Samakatuwid ang mga ateista ay karaniwang tinatanggihan ang relihiyon batay sa kanilang pag-aaral ng Kristiyanismo at hindi ng Islam. Ang Ateismo at mga Ateista kadalasan ay ipinakikita ang kanilang katayuan bilang isang lohikal at makaagham habang kasabay na inilalarawan ang relihiyon at mga relihiyosong tao bilang paurong at ilohikal. Itinatanggi rin nila ang pag-iral ng Diyos dahil sa paniniwalang kakulangan ng makaagham na patunay para dito. Ito ay isang hindi patas na pamantayan dahil hindi lahat ng bagay sa buhay ay napatutunayan sa pamamagitan ng isang mikroskopyo o sa isang laboratoryo. Sa ating araw-araw na pamumuhay ay tinatanggap natin ang mga bagay bilang katotohanan sa pamamaraang hindi makaagham.

Ang ilang mga ateista ay tumangging maniwala sa Diyos batay sa katotohanang hindi nila Siya nakikita. Para sa kanila, ang paniwalaan ang isang bagay na hindi mo nakikita ay katumbas ng paniniwala sa kwentong engkantada o paniniwala sa kabayong may sungay at pakpak. Gayunman, hindi lahat ng bagay sa buhay ay tanggap dahil lamang sa ito ay nakikita. Maraming mga bagay na pinaniniwalaan natin batay sa patunay at hindi katibayan. Sa hukuman, ang mga tao ay ginagamit ang patunay para makabuo ng kaso upang patunayan ang isang bagay. Tinitipon nila ang lahat ng mga piraso at pinagsasama-sama ang mga ito para marating ang maaaring ituring nating “katibayan”. Ang gwantes sa isang lugar ng pinagpaslangan, ang saksi, at isang nalalamang motibo ay mga piraso ng katibayan na ginagamit para makabuo ng isang kasong ligal laban sa isang salarin. Kung ang isang tao ay umuwi at nakita ang sasakyan ng kanilang mga magulang, kanilang susi, mga sapatos, jaket, at payong ay magagamit nila itong mga piraso ng katibayan para marating ang isang lohikal na konklusyon na ang kanilang mga magulang ay nasa bahay.

Tinatanggap natin ang halos lahat ng bagay sa ating buhay batay sa katibayan at hindi sa walang alinlangang patunay sa pamamagitan ng diwa ng pagkakita. Halimbawa, tinatanggap natin na ang ating mga magulang ay ang tunay nating mga magulang, ito ay hindi nangangailangan ng makaagham na patunay na sila talaga ang byolohikong anak ng kanilang mga magulang. Ang mga tao ay tinatanggap ito batay sa katibayan na ang kanilang mga magulang ay nagsasama ng maraming mga taon, na ang ibang mga tao ay sumasaksi na sila ang kanilang mga magulang, at batay sa katotohanang ang kanilang mga magulang ay tapat sa isat-isa. Ang mga tao ay tinatanggap ang katotohanan na ang isang tao ay lalaki o babae batay sa katibayan kagaya ng hitsura ng buhok, pangangatawan, at iba pang katangian. Walang isaman na nasa matinong pag-iisip ang tuwina ay nangangailangan ng “patunay” at nagtatakda na kailangang makita ang kasarian ng bawat isa para matiyak na sila ay lalaki o babae. Sa madaling salita, sila’y naniniwala sa isang bagay nang hindi na ito kailangan pang makita.

Gayundin, maaaring tayo ay hindi makita ang Diyos, ngunit maraming mga tanda, na kung pagsasama-samahin, magpapatunay na umiiral ang Diyos. Ang Qur’an ay tinutukoy ang mga bagay sa kalikasan bilang mga “tanda”, na ang layunin ay para ipakita ang kadakilaan at pag-iral ng Diyos. Gayunman, karamihan sa mga tao ay dumaraan sa mga tanda at katibayang ito at tumatalikod na may pagmamalaki.

“Marami ng tanda sa mga langit at lupa na dinaraanan nila samantalang sila sa mga ito ay mga tumatalikod.” [Maluwalhating Qur’an 12:105]

Ang araw, buwan, daigdig, ulan, pagsilang, mga hayop, katawan ng tao, at buhay ay lahat katibayan ng pag-iral ng Diyos, kaalaman at karunungan. Sa pamamagitan ng mga tandang ito na magtuturo sa lohikang konklusyon na mayroong isang Diyos at hindi Niya nilikha ang mundong ito na walang kabuluhan.

“Tunay na sa pagkalikha ng mga langit at lupa at pagsasalitan ng gabi at araw ay talagang may mga tanda para sa mga may pang-unawa. Ang mga gumugunita kay Allah, nakatayo man o nakaupo o nakahigang nakalapat ang mga tagiliran nila, at nagmumuni sa pagkalikha ng mga langit at lupa ay nagsasabi: “Panginoon namin, hindi Mo nilikha ito nang walang saysay, kaluwalhatian sa Iyo; kaya iligtas Mo kami sa pagdurusa sa Impiyerno.” [Maluwalhating Qur’an 3:190-191]

Para sa malaking mayorya ng mga tao, ang pag-iral ng Diyos ay hindi nangangailangan ng patunay, ito ay napakalinaw. Kagaya ng sinasabi sa Arabeng salawikain na:

“Wala ng magiging makatuwiran sa isipan kung kahit ang maliwanag na katanghalian ay nangangailangan pa na mapatunayan.”

 

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…