Home Mga Tanong Mga Babae sa Islam Bakit ang babaeng Muslim ay nagtatakip ng kanyang ulo?

Bakit ang babaeng Muslim ay nagtatakip ng kanyang ulo?

Bakit ang babaeng Muslim ay nagtatakip ng kanyang ulo?

Bakit ang mga babaeng Muslim ay kailangang magtakip ng kanilang ulo?


Ang katanungang ito ay isa sa tanong ng kapwa Muslim at di-Muslim. Para sa maraming mga kababaihan ito ay ang pinakamaliwanag na pagsubok sa pagiging isang Muslim. Ang kasagutan sa tanong ay napakasimple – Ang mga babaeng Muslim ay naghihijab [pagtatakip ng ulo at katawan] dahil si Allah ay sinabi sa kanila na isagawa ito.

“O Propeta, sabihin sa inyong mga asawa at mga anak na babae at mga mananampalatayang kababaihan na iladlad ang kanilang mga panlabas na damit palibot sa kanilang katawan [kapag sila ay lalabas o kasama ng mga kalalakihan]. Ito ay mainam upang sila ay makilala [bilang Muslim] at hindi bastusin…” [Maluwalhating Qur’an 33:59]

Ang iba pang mga sumunod na kadahilanan ay kabilang ang pangangailangan sa kahinhinan ng parehong lalaki at babae. Silang pareho ay susukatin sa talino at kakayahan sa halip na sa hitsura at sekswalidad. Isang Iranian na mag-aaral ay nabanggit na nagsabing, “Gusto naming tumigil ang mga kalalakihan na ituring kaming mga tampulan ng pagnanasa, na lagi nilang ginagawa. Nais naming huwag pagtuunan ang aming mga hitsura bagkus ang pagtuunan ay ang aming mga personalidad at isipan. Nais naming sila ay ituring kami ng totohanan at ituring kaming kapantay at hindi lamang kami hahabulin para sa aming katawan at panlabas na mga anyo.”

Ang babaeng Muslim na nagtatakip ng kanyang ulo ay naghahatid ng mensahe tungkol sa kanyang pagkatao. Sinumang makakita sa kanya ay malalaman na siya ay isang Muslim na mayroong mabuting pag-uugali. Maraming mga kababaihang Muslim na nagtatakip ay puno ng karangalan at tiwala sa sarili; sila ay nagagalak na kilalanin bilang isang Muslim na babae. Bilang malinis, marangal, at dalisay na babae, ayaw niya na ang kanyang pagkababae ay papasok sa pakikisalamuha sa mga kalalakihan sa pinakamababang antas. Ang babae na nagtatakip ng kanyang sarili ay itinatago ang kanyang pagkababae subalit pinahihintulutang lumabas ang kanyang kahinhinan.

Ang katanungan ng Hijab para sa mga babaeng Muslim ay isang usapin na sa loob ng ilang siglo at malamang magpatuloy pa. Ang ilang nakapag-aral na tao ay itinuturing ang paksang ito na hindi na maaaring talakayin pa at itinuturing na ang pagtatakip ng mukha ay tungkulin, habang ang nakararami ay nasa opinyong ito ay hindi tungkulin. Ang nasa gitnang paninindigan na pinili ng ilan na nag-aangkin na ang kautusan ay hindi malinaw at bukas sa pagpapasya ng bawat isa na ayon sa kanilang kalagayan.

Ang mga asawa ng Propeta ﷺ ay tungkulin na magtakip ng kanilang mga mukha upang ang mga kalalakihan ay hindi mag-isip sa kanila ng kalaswaan gayung sila ay tinatawag na “Ina ng mga Mananampalataya”, subalit ang pangangailangan na ito ay hindi nasasakop ang ibang mga kababaihan.

Ang salitang Hijab ay nagmula sa salitang Arabik na hajaba na ang kahulungan ay ikubli o itago. Sa panahon ngayon, ang pakahulugan ng Hijab ay kagalang-galang na pananamit ng isang babaeng Muslim. Ang katanungan ngayon ay hanggang saan ang sakop ng pagtatakip?

Ang Qur’an ay nagsabi:

“Sabihin sa mga mananampalatayang kalalakihan na ibaba ang kanilang tingin [sa kababaihan] at bantayan ang kanilang maselang bahagi. Ito ay higit na dalisay para sa kanila. Katiyakan si Allah ay nalalaman ang lahat ng kanilang mga ginagawa. At sabihin sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba ang kanilang tingin [sa kalalakihan] at bantayan ang kanilang maselang bahagi at huwag ilantad ang kanilang kagandahan at mga palamuti maliban sa likas ng nakalabas dito, at iladlad ang [bahagi ng] balabal sa ibabaw ng kanilang mga dibdib at huwag ilantad ang kanilang kagandahan maliban sa kanilang mga asawa…” [Maluwalhating Qur’an 24:30-31]

Ang mga talatang ito sa Qur’an ay naglalaman ng dalawang pangunahing mga utos:

Ang kababaihan ay hindi dapat na ilantad ang kanyang kagandahan o mga palamuti maliban sa likas ng nakalabas o hindi sinasadyang lumabas dahil ipinalad ng hangin ang kanyang kasuotan.

Ang takip sa ulo ay nararapat na mahaba para matakpan ang buhok, ang leeg at ang dibdib.

Mga Alituntunin sa Hijab

Ang Islam ay walang tinukoy na pamantayan sa estilo ng damit o klase ng pananamit na dapat na kasuotan ng mga Muslim. Datapwat, may mga pangangailangang dapat na makamit.

1. Dapat na matakpan ang mga bahagi ng katawan

Ang una sa mga pangangailangan na ito ay ang mga bahagi ng katawan na dapat matakpan.

Ang Islam ay may dalawang pinagkukunan para sa gabay at mga panuntunan: una, ang Qur’an, ang ipinahayag na salita ni Allah, at ang pangalawa, ang Hadith o mga tradisyon at kawikaan ni Propeta Muhammad ﷺ na pinili ni Allah bilang huwaran ng sangkatauhan. Ang mga sumusunod ay Tradisyon ng Propeta ﷺ:

Si Aisha ay nag-ulat na si Asma na anak ni Abu Bakr [kalugdan siya ni Allah] ay dumating sa Sugo ni Allah habang nakasuot ng manipis na kasuotan. Nilapitan niya [Muhammad ﷺ] siya at sinabi: ‘O Asma! Kapag ang isang babae ay umabot na sa edad na nireregla na siya, ay hindi kaaya-ayang nanatiling nakalantad ang anuman maliban dito at dito. Itinuro ang mukha at mga kamay. [Abu Dawud]

2. Kaluwagan

Ang pangalawang kailangan ay kaluwagan. Ang pananamit ay dapat na maluwag at hindi masikip na mababakat ang hugis ng katawan ng babae. Ang isang kanais-nais na paraan para maitago ang hugis ng katawan ay magsuot ng balabal sa ibabaw ng damit. Gayunman, kung ang pananamit ay maluwag na, ang panlabas na kasuotan ay hindi na kinakailangan pa.

3. Makapal

Ang pangatlong kailangan ay makapal. Ang pananamit ay dapat na makapal na hindi maaaninag ang kulay ng balat na tinatakpan nito o ang hugis ng katawan. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi na sa huling panahon ng kanyang Ummah ay magkakaroon ng kababaihan na mananamit subalit hubad at sa tuktok ng kanilang ulo ay parang likod [na nakaumbok] ng kamelyo. Isumpa sila dahil tunay na isinumpa sila. [Muslim]

4. Kagalang-galang

Isa pang kailangan ay pangkalahatang anyo na kagalang-galang. Ang pananamit ay nararapat na hindi mapang-akit sa pansin ng mga kalalakihan sa babae. Hindi ito maningning at makintab para mapansin ng lahat ang damit at ang babae.

5. Huwag manamit na parang lalaki

Ang kababaihan ay hindi dapat manamit na parang lalaki. Si Ibnu Abbas ay nagsalaysay, “Ang Propeta ﷺ ay isinumpa ang mga kalalakihan na nag-aanyong parang mga babae at ang mga kababaihan na nag-aanyong parang lalaki.” [Bukhari]

6. Huwag tularang manamit ang mga di-manampalataya

Ang mga kababaihan ay hindi nararapat na manamit sa parang katulad ng mga di-mananampalataya. Ang pananamit ay nararapat na maayos, at hindi masyadong nakakahumaling at ganundin naman punit-punit para makakuha ng paghanga at simpatiya.

Kadalasang nakakalimutan ay ang katotohanan na ang makabagong damit na Kanluranin ay bagong tuklas. Kung titingnan ang pananamit ng kababaihan na pinakabago na gaya ng nakaraang pitumpong taon, ay makikita natin ang pananamit na katulad sa HIjab. Itong mga aktibo at masisipag na mga kababaihan ng Kanluran ay hindi sila pinagbawalan sa kanilang pananamit na mahahaba, mga buong damit at iba’t-ibang mga uri ng pantakip sa ulo. Ang mga babaeng Muslim na nagsusuot ng Hijab ay hindi ito nakikitang di-praktikal o nakakasagabal sa kanilang mga ginagawa sa lahat ng katayuan at antas ng pamumuhay.

Ang Hijab ay hindi lamang isang pantakip na kasuotan bagkus higit na mahalaga, ito ay pag-uugali, pamamaraan, pananalita at panlipunang anyo. Ang pananamit ay isa lamang bahagi ng kabuoang pagkatao.

Ang pangunahing mga pangangailangan ng pananamit ng mga babaeng Muslim ay inilalapat din sa pananamit ng mga kalalakihang Muslim na ang pangunahing pagkakaiba lamang ay sa nasasakop. Ang kaayusan ay nangangailangan na ang bahagi sa pagitan ng pusod at tuhod ay natatakpan sa harapan ng lahat ng tao maliban sa asawa. Ang pananamit ng mga kalalakihan ay nararapat na hindi kawangis sa damit ng mga kababaihan, o hindi rin hapit o mapang-akit. Ang Muslim ay dapat manamit upang ipakita ang kanyang pagkakilanlan bilang Muslim. Ang kalalakihan ay hindi pinahihintulutang magsuot ng ginto at seda, samantalang ito naman ay kapwa ipinahihintulot sa mga kababaihan.

Para sa parehong kababaihan at kalalakihan, ang mga pangangailangan sa pananamit ay hindi hangarin para maging isang paghihigpit bagkus isang paraan na kung saan ang lipunan ay iiral ng maayos, sa Islamikong kaasalan.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…