Bakit mo naisip na ayaw ng Diyos na makita natin Siya sa Mundong ito? Bakit kailangan nating maghintay hanggang sa tayo’y mamatay?
Salamat sa iyong pagsulat at sa iyong katanungan.
Ang partikular na katanungan sa halip ay madali para sa mga Muslim. Ang katunayan, ang Islam ay nagtuturo na ang kabuuang layunin ng buhay na ito ay bilang pagsubok. Ang mga pagsubok at mga pagsusulit na natatanggap natin mula kay Allah ay nakatala sa Kanyang Aklat, ang Banal na Qur’an.
Ang mahalagang bagay na dapat tandaan na si Allah ay hindi tayo pinipilit na lumapit sa Kanya o sumuko sa Kanyang ipinag-utos. Nangangahulugan ito na tayo ay palagi ng may pagpipilian. At isang mahalagang bagay tungkol sa pagpili, si Allah ay hindi kailanman ginawa ito na masyadong halata na parang wala na bagang pagpipilian pa. Kung kaya, sa buong buhay ng tao ay may mga pagkakataon na tumalikod sa kasamaan at piliin na sambahin si Allah sa Kanyang mga Tuntunin. At ganundin, mayroon ding katulad na pagkakataon na tumalikod mula sa gabay at magkagayun maging mga talunan.
Hinihiling ko kay Allah na iligtas tayo ni Allah mula dito, Ameen.
Kung sinuman ang nakakita na kay Allah – magkagayun paano kaya sila magiging patas sa pagsusulit? Ganundin, sa Islam ay alam natin na kung si Allah ay “ipakita” ang Kanyang sarili sa bundok ito ay guguho ng dahil sa matinding dadanasin. At ang asawa ng propeta, si Aisha ay nagsabi sa atin na kung sinuman ang magsabi na ang Propeta ﷺ ay nakita na si Allah, ang taong yan ay sinungaling.
Ang pinakamalaking pangarap para sa mga Muslim sa Susunod na Buhay, ay hindi katulad ng maling ipinakikita sa TV at mga pahayagan, na magkaroon ng mga birhen na nagtatakbuhan sa paligid at mga alak na inumin, hindi kailanman. Ang pinakamalaki at pinakamataas na karangalan sa Susunod na Buhay ay magkaroon ng pagkakataon na tumayo sa “Harapan ni Allah”. At ito ay isinalarawan sa mapapanaligang mga Hadith [mga aral ni Muhammad ﷺ].
Bagamat lahat tayo ay katiyakang inaasam ang Paraiso at ang lahat ng nilalaman nito, tinitingnan natin ito bilang pinakamataas at pinakadakila sa lahat ng karangalan at mga biyaya ni Allah – ang pagkakataon na maging “malapit kay Allah” sa bawat oras sa Paraiso. Nagawa kong masabik ang lahat na mag-isip man lamang tungkol dito.
Ang mga ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi natin “nakikita” si Allah sa buhay na ito.
Magkagayun man, mayroong ibang napakahalagang dahilan na dapat alam mo kung sasagot sa ganitong uri ng katanungan. Ito ang, si Allah ay hindi makikita sa buhay na ito sa mundong ito, o maririnig man Siya, maaamoy, mararamdaman, iisipin, o iba pang mga pandama na mayroon tayo. Katulad ng aking binalangkas, na ito ay lalabag sa prinsipyo Niya na hindi makikialam sa ating mga pipiliin. Karagdagan, si Allah ay hindi kailanman maitutulad sa Kanyang nilikha sa anumang paraan, hugis of anyo. Ito ay nangangahulugan na hindi Siya ay pumapasok sa Kanyang nilikha, o Siya ay nagkaloob ang alinman sa nilikha Niya ng Kanyang mga katangian o lakas sa ganyang bagay. Ang lahat ng lakas at kapangyarihan ay na kay Allah at walang sinumang makakahamon sa Kanya, kailanman.
Hindi natin inilalagay si Allah sa nilikha. Sinasabi natin kung ano ang sinasabi ni Allah tungkol sa Kanyang sarili sa Aklat Niya, na Kanyang nilikha ang mga Kalangitan at mga kalupaan sa anim na araw at pagkatapos ay pumaibabaw Siya sa Kanyang Trono [na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan]. Hindi natin sinasabi na umupo Siya o humiga sa Kanyang trono dahil hindi Niya sinabi ito sa Kanyang sarili. Ang mga Muslim ay nag-iingat na hindi magsabi ng anuman tungkol kay Allah na wala siyang karapatan na sabihin. Ito ay pamumusong.
Si Allah ay nagsabi na hindi Siya inihahalintulad sa anumang paraan sa anumang bahagi ng Kanyang nilikha. Siya ang nagsalsay sa atin na Siya ay “Nakikita ang lahat, Naririnig ang lahat, Mapagpala sa lahat, Mapagmahal sa lahat, Makapangyarihan sa lahat, at iba pa. “Subalit hindi Niya sinabi kailanman an Siya ay “nandun sa lahat” ng Kanyang nilikha. Ganundin, alam natin na Siya ay hindi nagkaloob sa tao ng kapangyarihan katulad ni ‘superman’. Ang mga tao ay nag-angkin ng kapangyarihan mula kay Allah, subalit sila ay mga sinungaling [kahit pa angkinin nilang sila ay mga Muslim]. Walang katambal kay Allah at Siya ay sadyang napakataas sa anumang kanilang ihahalintulad sa Kanya sa anumang paraan.
Ang salaysay sa Arabik na “La Hawla Wa La Quwwata illa Billah”. [Walang lakas o kapangyarihan maliban kay Allah.]
Umaasa ako na ito ay makakatulong sa inyo na makapaghanda ng inyong kasagutan sa mga tao na magtatanong tungkol sa Islam at naway patawarin ako ni Allah sa aking mahinang mga pagsasalin, at kahinaan sa pagsagot sa inyo, Ameen.
Salamat muli sa inyong katanungan. Ang lahat ng kabutihan ay mula kay Allah & ang kamalian ay galing sa aking sarili.
Naway gabayan tayo ni Allah sa Katotohanan, Ameen.
Sheikh Yusuf Estes