Kung mayroon lamang isang diyos, bakit maraming relihiyon?
Lahat ng pananampalataya ay nagmula kay Allah at pagkatapos ang mga tao ay nagsimulang dagdagan o magbawas mula sa mga aral para mapangibabawan ang isa’t isa.
“…Sa araw na ito ay nawalan na ng pag-asa sa inyong Relihiyon ang mga tumangging sumampalataya; kaya huwag kayong matakot sa kanila bagkus ay matakot kayo sa Akin. Sa araw na ito ay ginawa Kong ganap para sa inyo ang Relihiyon ninyo, nilubos Ko sa inyo ang pagpapala Ko, at kinalugdan Ko para sa inyo ang Islam bilang relihiyon…” [Maluwalhating Qur’an 5:3]
Walang pilitan sa Relihiyon
Walang sinuman ang pinilit ni Allah na sumuko sa Kanya. Inilahad Niya ang malinaw na landas at ginawang mabatid nila ang dalawang daan [Paraiso at Impiyerno]. Ang tao ay parati ng malayang pumili sa kanyang sarili.
“Walang pilitan sa relihiyon. Tunay na malinaaw na ang wasto sa kamalian. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya sa diyus-diyusan at sumampalataya kay Allah ay nakakapit na sa hawakang matibay na walang pagkalamat. Si Allah ay Nakaririnig, Nakaaalam. Si Allah ay Tagatangkilik ng mga sumampalataya; inilalabas Niya sila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang mga tumangging sumampalataya, ang kanilang mga tagatangkilik ay ang mga huwad na diyos inilalabas sila ng mga ito mula sa liwanag tungo sa mga kadiliman. Ang mga iyon ang mga mananahan sa Apoy; doon sila mananatili.” [Maluwalhating Qur’an 2:256-257]
Walang sapilitan sa pananampalatayang Islam. Sinuman ang piniling sambahin si Allah ng walang katambal at tapat sa Kanya at sumusunod sa Kanyang mga ipinag-utos sa abot ng kanyang makakaya ay humawak sa napakatibay na hawakang hindi masisira. Sinuman ang itinanggi ang Diyos at pinili ang ibang paraan ng pagsamba o hindi naniwala dito, para sa kanila ay isang walang hanggang parusang napakalagim [Impiyerno].
Ang mga tao ay nagsimulang maghiwalay sa ibat-ibang grupo dahil sa kanilang pagtatwa sa katotohanan at pagtanggi sa mga malinaw na katibayang tumambad sa kanila mula sa kanilang Panginoon.
“Hindi nagkahati-hati ang mga binigyan ng Kasulatan kung hindi nang matapos na dumating sa kanila ang malinaw na patunay. Hindi sila inutusan kundi upang sambahin nila si Allah ng buong tapat sa Kanya sa relihiyon at itayo ang tuwinang pagdarasal at ibigay nila ang para sa nangangailangan. Iyan ay ang Relihiyon na matuwid.” [Maluwalhating Qur’an 98:4-5]
Binigyang babala ni Allah ang mga Muslim na huwag mahulog sa parehong bitag kagaya ng mga taong nauna sa kanila, sa pagtatalo sa isa’t isa at paghihiwalay sa ibat-ibang grupo ng relihiyon.
Huwag kayong maging kagaya ng mga nagkahati-hati at nagkasalungatan matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay. Ang mga iyon ay magkakamit ng isang malaking pagdurusa.
Sa araw na may maningning mga mukha at mangingitim na mga mukha. Kaya tungkol sa mangingitim ang mga mukha nila, tatanungin sila:
“Tumanggi pa ba kayong sumampalataya matapos na sumampalataya na kayo? Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya.” [Maluwalhating Qur’an 105-106]
Ang mga tao ay nagsinungaling tungkol sa mga kapahayagan, binago ang kanilang mga kasulatan at inabuso at pinatay pa ang mga propeta na ipinadala ni Allah sa kanila.
“Tunay na mayroong pangkat sa kanila na pumipilipit ng kanilang mga dila sa pagbigkas ng Aklat upang akalain ninyong iyon ay mula sa Aklat samantalang iyon ay hindi bahagi ng Aklat; at sumasaksi silang iyon ay mula kay Allah, samantalang iyon ay hindi buhat kay Alllah. Sumasaksi sila hinggil kay Allah ng isang kasinungalingan, samantalang nalalaman nila. Hindi mangyayaring may isang tao na bibigyan ito ni Allah ng Aklat at Kaalaman at Pagkapropeta at pagkatapos ay magsasabi ito sa mga tao: ‘Kayo ay maging mga mananamba ko sa halip na kay Allah,’ manapa’y ‘Kayo ay maging mga makapanginoong pantas yamang kayo ay nagtuturo ng Aklat at yamang kayo ay nag-aaral.’” [Maluwalhating Qur’an 3:78-79]
Ang mga Propeta ni Allah ay sinabihan lamang ang mga tao na sambahin si Allah, bilang Isang Diyos na walang katambal. Hindi kailanman sinabi sa mga tao na sambahin sila o sinuman o anumang bagay. Si Allah ay nagpahayag sa Qur’an.
“Ni mag-uutos ito sa inyo na gawin ang mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon. Ipag-uutos kaya nito sa inyo ang kawalang-pananampalataya matapos na kayo ay naging mga Muslim?” [Maluwalhating Qur’an 3:80]
Ang mga Relihiyon na ginawa ng Tao ay hindi tatanggapin
Ang mga relihiyong gawa ng tao ay kalapastangan sa harapan ng Panginoon hindi kailanman tatanggapin.
“Ang iba pa sa Relihiyon ni Allah ay hinahangad ba nila samantalang sa Kanya sumuko ang sinumang nasa mga langit at lupa, nang kusang loob o labag sa loob, at sa Kanya sila magsisibalik? [Maluwalhating Qur’an 3:83]
Tatanggapin lamang ng Allah ang tunay na pagpapasakop, pagsunod, kadalisayan at kapayapaan.
“Ang sinumang maghangad ng iba pa sa Islam bilang relihiyon, hindi iyon matatanggap sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.” [Maluwalhating Qur’an 3:85]
Ang maniwala kay Allah at pagsunod sa Kanyang mga Kautusan ay ang mensahe ng lahat ng mga propeta ng monoteismo.