Bakit nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay?
Sinabi sa maluwalhating Qur’an na hindi nilikha ng Diyos ang lahat ng ito para sa anumang kahangalang layunin. Sinabi ni Allah:
At hindi ko Nilikha ang jinn at mga tao maliban sambahin Ako. [Maluwalhating Qur’an 51:56]
Nilikha Niya tayo para sa layuning sambahin Siya, Nag-iisa at walang mga katambal.
At Siya ang lumikha ng mga langit at lupa sa loob ng anim na Araw at ang Trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig, upang subukin Niya kayo kung sino sa inyo ang pinakamainam sa gawa. Talagang kung magsasabi kayo. “Tunay na kayo ay mga bubuhayin matapos ang kamatayan”, talagang magsasabi nga ang mga di-mananampalataya, “Ito’y walang iba kundi malinaw na panggagaway”. [Maluwalhating Qur’an 11:7]
Nilikha ni Allah ang tinatawag nating lahat na sansinukob bilang pagsubok sa atin. Hindi ito ang ating huling hantungan. Ang anumang mga itinuturing nating “masama” o “mabuti” ay maaaring kabaliktaran.
Mapagpala Siya na nasa Kanyang mga Kamay ang paghahari at Siya sa bawat bagay ang may Kapangyarihan. [Siya ang Nag-iisa] na lumikha ng kamatayan at buhay, para subukin Niya kayo kung sino sa inyo ang pinakamagaling sa gawa. Siya ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad; [Siya ang Nag-iisa] na lumikha sa pitong langit na magkakapatong, hindi ka makakakita sa pagkakalikha ng Maawain ng anumang hindi magkatugma. Ibalik ang paningin sa langit, “May nakikita ka bang anumang mga bitak?” Pagkatapos ay ibalik pang muli ang paningin nang makalawang ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na hamak samantalang ito ay pata. [Maluwalhating Qur’an 67:1-4]
Ang Qur’an ay nagsasabi sa atin tungkol sa kalikasan ng sangkatauhan at kung gaano kadali nating makalimutan ang maraming kahanga-hangang pagpapala na ibinibigay sa atin araw-araw. Inilarawan ni Allah ang ating gawi ng malinaw sa Kanyang Qur’an:
At kapag sinaling ang tao ng kapinsalaan, nananalangin ito sa Panginoon [Allah lamang] na nagbabalik-loob sa Kanya, pagkatapos ay kapag ginawaran Niya ito ng biyayang mula sa Kanya, nakakalimutan nito ang dati nitong idinadalangin sa Kanya noong una, at ginagawan si Allah ng mga kaagaw para makapagligaw palayo sa Landas Niya. Sabihin mo: “Magpakaligaya ka sa kawalan ng pananamapalataya nang kaunti, katiyakan na ikaw ay mapapabilang sa mga mananahan sa Apoy!” [Maluwalhating Qur’an 39:8]
Nakakalimot tayo, dahil tayo ay nilkha na nakakalimot. At ito ay isang bahagi ng ating pagsubok. Gagamitin lamang ba natin ang mapamiling ala-ala at pababayaan ang ating pagkakautang sa ating Tagapaglikha at Tagapagtustos? O tayo ay magiging mapagpasalamat kahit pa tayo ay nagdurusa sa ilang mga kahirapan o dagok sa buhay na ito?
At ang tao, kapag sinubok siya ng Panginoon niya – kaya naman pinarangalan siya Nito at biniyayaan siya Nito – ay nagsasabi [ng may pagyayabang]: “Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin!”
Ngunit kapag sinubok siya Nito – kaya naman ginipit Nito ang biyaya sa kanya – ay nagsasabi: “Ang Panginoon ko ay hinahamak ako!” [Maluwalhating Qur’an 89:15-16]
Pagkatapos ay ginawang malinaw sa atin ni Allah ang tunay na dahilan sa likod ng lahat ng mga nangyayari:
Aba’y hindi! Bagkus hindi kayo nagparangal sa ulila. At hindi kayo nanghimok sa pagpapakain sa dukha! Nilalamon ninyo ang pamana ng may pagkahayok, at minamahal ninyo ang yaman nang masidhing pagmamahal. [Maluwalhating Qur’an 89:17-20]
Nilikha tayo ni Allah at binigyan tayo ng labis, subalit tayo ay napakapabaya hinggil sa Kanyang Karapatang sambahin Siya lamang at itinatwa ang Araw ng Paghuhukom na kung saan tayo ay tatanungin tungkol sa Kanyang Pagkamapagbigay.
O tao! Ano ang nakadaya sa iyo hinggil sa iyong Panginoon, ang Pinakamapagbigay? Na lumikha sa iyo, at saka humubog sa iyo ng ganap, at ginawa kang nasa sukat; Sa alinmang anyo na Kanyang niloob ay binuo ka Niya. Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa Paggagantimpala [pagbibigay gantimpala sa mabuting gawa at pagpaparusa sa masamang gawa]. [Maluwalhating Qur’an 82:6-9]
At paano mo tatanawin ang ating kalagayan at mga kapaligiran? At paano natin pakikitunguhan ang iba sa paligid natin? Tayo ba ay mapagpaumanhin sa iba at tayo ba ay mabilis manumbat o madaling magpatawad? Ang lahat ng mga ito ay bahagi ng ating pagsubok, mga bagay na tatanungin tayo hinggil sa Araw ng Paghuhukom.