Bakit ang Qur’an ginagamit ang “Kami” at “Siya” kapag tumutukoy sa Diyos [Allah]?
Ito ay magandang tanong at ang isang mambabasa ng Biblia ay itinanong din ang tungkol dito. Ang katagang “Kami” sa Biblia at sa Qur’an ay ang maharlikang “Kami” – bilang halimbawa kapag ang hari ay nagsasabi, “Nagtakda kami ng sumusunod na pahayag, atbp.” o, “Kami ay hindi napahanga.” Hindi ito nagpapahiwatig ng pangmaramihan; bagkus ito ay nagpapakita ng pinakamataas na antas sa wika. Ingles, Persiano, Hebreo, Arabe at marami pang mga wika ay nagkaloob para sa paggamit ng “Kami” para sa maharlikang anyo.
Makakatulong na tandaan ang parehong paggalang ay ibinigay sa tao sa pagsasalita sa wikang Tagalog. Sinasabi natin sa isang tao, “KAYO ay aking kaibigan.” Bagaman ang taong ito ay nag-iisa sa ating harapan. Bakit natin sinasabi “KAYO” sa halip na “IKAW”? Ang pantukoy na “ikaw” ay pang-isahan at nararapat samakatuwid ay kasama ng pandiwang pang-isahan para sa kanyang katayuan, bagaman sinasabi natin, “ikaw”. Ang kagaya ay katotohanan para sa nagsasalita na tinutukoy ang kanyang sarili. Sinasabi natin, “Kami” at ito rin ay maharlikang pangmaramihan, sa halip na sabihing, “Ako”.
Kapag si Allah ay ginagamit ang katagang “SIYA” sa Qur’an, ito ay kagaya ng sagot sa itaas. Ang katagang “Siya” ay ginagamit na pantukoy kay Allah bilang paggalang, kadakilaan at mataas na katayuan. Magiging lubos na hindi angkop gamitin ang katagang “ito” at maaaring hindi maipararating ang tumpak na pagkaunawa kay Allah bilang sino si Allah; Buhay, Maawain, Mapagpatawad, Mapagpaumanhin, Mapagmahal, atbp. Hindi tama na ibilang ang katagang “Siya” na may kasarian, dahil ito ay magmumukhang ihinahalintulad si Allah sa nilikha, isang bagay na lubusang salungat sa aral ng Qur’an.