Ito ay nararapat na inihayag sa panimula ng gawang ito, na ang mga Muslim ay hindi nagnanais na ibagsak o lapastanganin ang Banal na Biblia. Ito ay maselang bagay ng pananampalataya para sa mga Muslim na maniwala sa mga orihinal na kapahayagang ibinaba kay Moises, David, Solomon at Hesus [sumakanilang lahat ang kapayapaan], na kagaya ring mahalaga para sa mga Muslim na maniwala sa kapahayagan ng Qur’an na dala ni Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya]. Ang tampok na kataga dito gayunman ay “orihinal”.
Kagaya ng alam nating lahat ang pinagmulan ng Biblia ay nalalambungan ng mga daang taong pagkopya, pagsasalin at pagpasa ng impormasyon, na ngayon ay matagal ng nawala at mga kopya na lamang ng manuskrito ang nalalabi para ipaalala sa atin kung ano ang dating Biblia.
Bilang karagdagan, nararapat na tandaang ang mga Muslim ay hindi naghahangad na sirain ang paniniwala ng mga Kristiyano o mga Hudyong sa Salita ng Diyos, bagkus ito ay tungkulin para sa mga Muslim na manawagan sa kung ano ang tama at pigilan kung ano ang masama. Katiyakan, ang sanhi na ang “Angkan ng Kasulatan” [pagtukoy ng Qur’an sa mga Kristiyano at mga Hudyo] na mahulog sa kawalang paniniwala at pagtalikod sa anumang pananampalataya sa Diyos, ay napakataliwas sa landasin ng mga Muslim na nararapat na tahakin sa pagpapakilala ng anumang paghahambing sa pagitan ng Islam at sa kung ano ang ibinaba sa nakaraan mula sa Makapangyarihang Diyos.
Ang tanging hangarin namin ay maghatid ng higit pang liwanag sa mga taong naghahangad ng patnubay at manalangin para sa ating lahat na maging matagumpay sa ating Panginoon sa buhay na ito at sa Kabilang-buhay at hilingin natin ang Kanyang Patnubay at Tulong na magawa ito, ameen.
Ang Biblia
Lumang Tipan
Mayroon sa ngayon na ilang magkakaibang bersyon sa sinaunang wikang Hebreo ng Aklat ng Hudyo na tinatawag na Tawrah [Batas] at ito ay karaniwang tinutukoy sa Kristinismo bilang Ang Lumang Tipan. Likas na mayroong ibat-ibang magkakaibang salin sa malaking bilang ng mga wika sa nagdaang mga siglo at hindi maasahan na sa kanila ay may magkakatulad sa teksto o kahulugan. Kung anuman ang mayroon tayo sa Tagalog ngayon ay nanatili kahit papaano ay katulad sa malaking bahagi ng higit na matatandang mga dokumentong ito
Bagong Tipan
Mayroon ding magkakaibang bersyon ang Ebanghelyo o karaniwang tinatawag na Ang Bagong Tipan sa wikang Griyegong Koine at Latin at ito rin ay maraming salin sa ibang mga wika. Kahit pa sa mga salin ng Ingles ay mayroong mga malalaking pagkakaiba. Para banggitin ang dalawang napakalinaw na pagkakaiba halimbawa; ang Katolikong Biblia [325 A.D.] naglalaman ng 73 aklat sa kabuuan, habang ang Protestanteng Biblia ay naglalaman lamang ng 66 na aklat, na bagamat ang mas bagong [Protestanteng bersyon] ay hinango mula sa Katolikong Biblia at kahit pa ang mga aklat na ito ay hindi nagkakatulad ng husto sa isa’t-isa. Walang karaniwang denominador para sa alinman sa maraming magkakaibang mga bersyon ng Biblia.
Kalatas ng Dead Sea
Mayroong bilang ng kalatas at mga pirasong sulatan ang natagpuan sa mga lugar sa paligid ng tinatawag nating “Banal na Lugar” sa nakalipas ng mga siglo, wala sa kanila yaong kadalasang tinutukoy bilang “Dead Sea Scrolls” o para sa mga pantas ay kilalang “Wadi Qumran Scrolls”. Ang mga ito ay natuklasan sa huling siglo ng 1930 at napatunayang napakatanda na at maaaring mas antigo pa kaysa sa anumang natitira pang manuskrito, ngunit mayroon pa ring napakahalagang mga pagkakaiba na mahalagang tandaan. Nais naming imungkahi ang ilang mahahalagang basahin sa paksang ito sa katapusan ng panulat na ito.
Ang Qur’an
Ang Qur’an ay nangangahulugang “Pagbigkas”
Ang katagang “Qur’an” ay nangangahulugang “ang binibigkas; o ang idinikta sa anyong memorya”. Kagaya nito, hindi lamang ito isang aklat, o isang bagay na dumating sa atin sa anyong nakasulat. Ang dokumentasyon sa pagkakasulat tungkol sa Qur’an ay naingatan sa mga museo sa buong mundo, kabilang ang sa Palasyo ng Topekopi sa Istanbul, Turkey, ang museo sa Taskent, Uzbekistan at ganundin sa Inglatera. Ang Qur’an ay nananatili pa rin hanggang ngayong nililimbag sa ilalim ng pamamatnubay ng konseho ng mga pantas na nakasaulo ng Qur’an at sila ang tumitiyak na walang pagkakamali sa paglilimbag.
Isang bersyon lamang – Arabe
Walang ibang bersyon ng Qur’an sa wikang Arabe, tanging ibat-ibang salin at siyempre, walang isaman dito ang maituturing na naghahawak antas at kawastuhan na gaya ng orihinal na Arabeng Pagbigkas. Ang Qur’an ay hinati sa 30 pantay na bahagi, tinatawag itong “Juz” [bahagi] sa wikang Arabe. Ito ay natutunan ng mga Muslim mula sa kanilang napakaagang pagsisimula ng kanilang kabataan.
Nasaulo ng Milyon-Milyon – Ang Kabuuan
Ang mahalagang bagay na dapat tandaan tungkol sa Qur’an ay ang pagsasaulo at paglilipat ng mismong “Pagbigkas” na kagaya ng pagdating nito kay Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] mula sa Anghel Jibril at kung paano natutunan at naisaulo ng kanyang mga kasamahan at sila sa kalaunan ay ipinasa sa kanilang mga tagasunod at nagpatuloy sa ganitong paraan hanggang sa makarating sa ating panahon ngayon, mahigit na 10,000,000 [sampung milyon] mga Muslim ang namanatang ang buong Qur’an ay isaulo. Hindi ito madaling gawain. Pagkatapos ng lahat, ilan pa bang ibang gawang may pampanitikang halaga ang naisaulo at naipasa sa maraming henerasyon, sa orihinal na wika nito, ng wala isa mang pagbabago sa kahit isang talata?
Ang bawat Muslim ay may nasaulong “Qur’an”
Ang lahat ng mga Muslim ay may naisaulong bahagi ng Qur’an sa wikang Arabe, ito ay bilang mahalagang bahagi ng kanilang pangaraw-araw na mga pagdarasal. Maraming mga Muslim ang nakapagsaulo ng malaking bahagi ng Qur’an mula sa ikasampu hanggang kalahati ng buong Qur’an, at lahat ng ito ay sa orihinal na wikang Arabe. Nararapat tandaan, na mayroong mahigit na isa at kalahating bilyong [1,500,000,000] mga Muslim sa buong mundo at tanging halos 10% lamang ang Arabo, ang lahat ng iba ay natututunan ang Qur’an sa Arabe bilang pangalawang wika.
Ang Diyos mismo ay Nangusap sa sangkatauhan sa Qur’an
Ang Qur’an ay naglalaman ng malinaw na talata mula sa Makapangyarihang Diyos [Allah] at Siya itong nangungusap sa ating lahat bilang mismong tagapagsalita. Sinabi sa atin ang ating pagkalikha, ang paglikha ng lahat sa sansinukob at kung ano ang nangyari sa mga nauna sa atin at ano ang mangyayari sa atin kung hindi natin papansinin ang maliwanag na babala na binanggit sa Kanyang Kapahayagan. Siya ay nakikipag-usap kay Muhammad ﷺ para ipakitang si Muhammad ﷺ ay hindi niya ito gawa-gawa lamang at kahit si Muhammad ﷺ ay kinastigo sa kanyang pantaong palagay na halip ay maghintay ng kapahayagan ukol sa mga bagay [hal. Surah At-Tahrim at Surah Al-Abasa]
Binanggit ng Qur’an ang sarili nito
Ang Qur’an ay tinukoy ang sarili nito bilang “Ang Qur’an” [Ang Pagbigkas] at binanggit na ito ay para sa lahat ng sangkatauhan at mga jinn [mga engkanto na nilikha rin ni Allah na kagaya ng mga tao na may pananagutan sa kanilang malayang pagpili kung susunod o susuway sa mga Utos ng Diyos at sila ay umiiral na bago pa ang mga tao].
Inilarawan ng Qur’an ang tiyakang kalikasan ng Diyos
Ang Qur’an ay malinaw kung sino ang Diyos at kung ano ang hindi Siya. Walang iniwang puwang ng pagdududa pagkatapos na basahin ang Qur’an sa wikang Arabe: Ang Diyos ay iisa. Siya lamang ang Tagapaglikha, Tagapagtustos at May-ari ng Sansinukob. Wala Siyang mga katambal. Wala Siyang kamag-anak; mga asawa o mga anak o mga supling. Hindi Siya kagaya ng Kanyang nilikha at hindi Niya ito kailangan sa Kanyang pag-iral, habang sa lahat ng panahon ang Kanyang mga nilikha ay lubusang umaasa sa Kanya. Ang Kanyang mga katangian ay malinaw na sinaysay at nasa kasukdulang ganap ang bawat isa. Siya halimbawa ay ang Nakakabatid ng lahat; Nakakarinig ng lahat; Nakakakita ng lahat; Mapagpatawad sa lahat; Mapagmahal sa lahat; Maawain sa lahat; Tanging Isang Diyos. Wala kailanman na salungatan ang matatagpuan saan man sa Qur’an.
Ang Qur’an ay Hinamon ang mga Mambabasa
Ang Qur’an ay malinaw na naghamon, na kung may pagdududa ka ukol dito – magkagayun ay maglabas ng aklat na kagaya nito. Ganundin, maglabas ng sampung kabanatang kagaya nito at panghuli, maglabas ng isang kabanata na kagaya nito. 1,400 taon – walang isaman ang nagawang gayahin ang kagandahan nito, pagbigkas, mga himala at madaling maisaulo. Isa pang hamon para sa mga di-sumasampalataya na dapat isaalang-alang;
“Kung ito [Qur’an] ay nagmula sa iba bukod kay Allah, matatagpuan mo ito na maraming salungatan.”
Gayunpaman, isang pang hamon ang inalok ni Allah sa Qur’an para sa mga di-sumampalataya na maghanap sa paligid para sa mga katibayan. Si Allah ay nagwikang ipapakita Niya ang mga tanda sa pagitan ng kanilang mga sarili at sa pinakamalayong mga kalawakan.
Siyentipikong mga Himala ng Qur’an
Ang siyentipikong mga himala ng Qur’an ay maaaring hindi naintindihan sa panahong yaon, datapwat ngayon ay hindi natin binigyan ng halaga ang maraming mga bagay na kabilang sa kapahayagan ng Qur’an. Ang ilan na kabilang sa binanggit: Ang pamumuo ng embrayo sa sinapupunan ng ina [kabanata 98]; partisyon ng malalaking karagatan; hindi naghahalo ang kanilang tubig; ang ulap kung paano sila gumagawa ng ulan at kung paano ang kidlat ay sinasanhi ng mga yelong kristal; ang pagkakasaayos ng ugat ng mga kabundukan sa kailaliman ng kalupaan; pag-inog ng mga planeta at mga bituin at mga buwan – at maging ang pagbanggit sa paglalakbay sa kalawakan [kabanata 55:33].
Paghahambing ng Biblia at Qur’an
Ang Biblia ay Tinipong mga Panulat, Ang Qur’an ay Pagbigkas Mula sa Diyos Patungo kay Muhammad
Samantalang, ang Biblia ay isang tinipong mga panulat ng ibat-ibang mga nag-akda, ang Qur’an ay isang pagdikta [o pagbigkas]. Ang tagapagsalita sa Qur’an – ang mismong nagsasalita – ay ang Makapangyarihang Diyos [si Allah] mismo na nangungusap ng tuwiran sa tao. Sa Biblia ay mayroon kang maraming taong sumusulat tungkol sa Diyos at mayroon sa ibang mga talata na ang salita ng Diyos ay nangungusap sa mga tao at ganundin sa ibang talata ay mayroong ilang mga taong simpleng sumulat ng tungkol sa kasaysayan o personal na pakikipagpalitan ng impormasyon sa bawat isa [hal. Epeso ni Juan 3]. Ang Biblia sa Bersyon ng King James sa Ingles ay binubuo ng 66 na maliliit na aklat. Halos 18 dito ay nagsisimula sa pagsasabing: Ito ay kapahayagan ng Diyos na ibinigay kay ganito at ganoon. Ang iba ay hindi makapag-angkin ng kanilang pinagmulan. Mayroon dito halimbawa sa umpisa ng aklat ni Jonas na sinabi sa umpisa: Ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas ang anak ni Amittai at nagpatuloy sa pagsalaysay hanggang dalawa o tatlong pahina.
Kung ihahambing ito sa pasimula ng Aklat ni “Lucas” na nagsimula sa salaysay na:
1- Yamang marami ang umakong mag-ayos ng isang kasaysayan nang mga bagay na naganap sa gitna natin.
2- Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita.
3- Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunod-sunod, kagalang-galang na Teofilo.
4- Upang mapagkilala mo ang katunayan, tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
Nakita natin ang may akda ng Aklat ni “Lucas” na tiyakang nagsasabing,
“Maraming tao ang sumulat tungkol sa mga bagay, at sa palagay ko ay nararapat din sa aking gawin ito. Si “Lucas” ay nagwika na sa kanya ay parang hangga’t ang iba ay nagagawang sumulat ng mga bagay tungkol dito, kahit pa nga sila ay mga saksi sa buong pangyayari, at kahit alam niyang hindi siya saksi, na siya ay mayroon pa ring “ganap na pagkaunawa sa lahat ng mga bagay mula pa sa simula.”
Magkagayun ito ay isa lamang liham mula sa isang tao patungo sa isa, na pareho silang hindi kilala si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] o saksi sa anumang nangyari. [Y. Estes]
Kung ihahambing mo yan sa isa sa apat na salaysay ng buhay ni Hesus, si Lucas ay nagsimula sa pagsasabing: maraming tao ang sumulat ng tungkol sa taong ito, at parang naakma din sa aking gawin ito. Ang lahat ng yaon ay walang pag-aangking nagsasabing ang mga salitang ito ay ibinigay sa akin ng Diyos dito at ngayon ay ibinibigay ko sa inyo itong kapahayagan, walang nabanggit na ganito.
Ang “Biblia” ay wala sa Biblia
Ang Biblia ay walang nilalaman sa sariling-sanggunian, na nagsasabing “Ako ang Biblia na ipinadala ng Diyos.” Wala saan man sa Biblia ang nagtatalakay tungkol sa sarili niya. Ang ilang kasulatan ay minsan tumutukoy sa Biblia, nagsasabing: Narito na siya ang nagsasalita tungkol sa sarili niya, ngunit kapag sinisiyasat nating mabuti. 2 Timoteo 3:16 ay ang paboritong mababasa:
“Ang lahat ng kasulatan ay inspirasyon ng Diyos”
at mayroon sa kanilang nagsasabing, narito kung saan ang Biblia ay nagsasalita tungkol sa sarili niya, at sinasabing ito ay inspirasyon ng Diyos, lahat ng ito. Ngunit kung babasahin mo ang buong pangungusap, ay mababasa mo na ito ay liham na isinulat ni Pablo kay Timoteo at ang buong pangungusap ay nagsasabi kay Timoteo:
Dahil ikaw ay isang binata ay kailangan mong pag-aralan ang banal na kasulatang ispirasyon ng Diyos at iba pa. Noong si Timoteo ay binata pa ang Bagong Tipan ay wala pa, ang bagay lang na pinagsimulan na tinatukoy niya ay tungkol sa mga kasulatan na tanging bahagi ng Biblia – mula noong bago pa ang panahon na yaon. Hindi ang tinutukoy ay ang Biblia.
Ang Biblia ay Isinusumpa ang mga Papa ng Simbahan na nagtanggal ng Aklat ng mga Rebelasyon
Mayroon sa katapusan ng Biblia na isang talata ang nagsasabing
“Ako ay nagpapatotoo para sa lahat ng nakarinig ng mga salita ng propesiya sa aklat na ito [mga Kapahayagan]: Kung sinuman ang magdagdag sa mga bagay na ito, ang Diyos ay idadagdag sa kanya ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito.
At sinuman ang bumawas mula sa mga salita ng aklat sa mga propesiya na ito, ang diyos ay aalisin ang bahagi niya mula sa Aklat ng Buhay, mula sa banal na lungsod, at mula sa mga bagay na nakasulat sa aklat na ito.
Hayaan ang sinumang nagbawas mula sa aklat na ito o nagdagdag sa aklat na ito ay isumpa. Ito rin ay minsang tinukoy sa akin na nagsasabing: Narito kung saan binuo ang sarili bilang isang aklat. Subalit tingnan muli at makikita mo nang sabihin: Hayaang walang sinumang magbago sa aklat na ito, ito ba ay tumutukoy sa huling aklat, 66 [o ito yaong 73 sa Biblia ng Katoliko?], ang Aklat ng Rebelasyon. Ito rin, dahil alinmang sanggunian ay magsasabi sa iyo na ang Aklat ng Rebelasyon ay isinulat bago ang ilang mga bahagi ng Biblia ay naisulat. Ito ay nangyayari ngayon para isalansan sa hulihan, ngunit mayroong ibang mga bahagi na dumating pagkatapos na, kaya hindi maaaring tinutukoy nito ang kabuuan ng aklat.
[Nagkataon, ayon sa ibat-ibang manuskritong higit na sinauna kaysa Bersyong King James, mayroong ibat-ibang mga salita sa hulihan ng Aklat ng Rebelasyon, kaya paano natin malulutas ang bagay na ito? – Y.E.]Paalala: Ang Aklat ng Rebelasyon ay tinanggal sa Biblia ng makailang ulit at pinalitan at muling tinanggal at pinalitan ayon sa ibat-ibang mga Konseho ng Simbahan sa buong kasaysayan ng Simbahan. Ipagpalagay na ang mga Papa ng Simbahan ay hindi nabasa ang sumpa sa katapusan ng aklat?
Kaninong Salita Ito?
Ito ay masidhing posisyong pinanghahawakan lamang ng ilang mga grupo ng Kristiyano na ang Biblia sa kabuuan – mula pabalat hanggang pabalat ay ang isiniwalat na salita ng Diyos sa bawat salita, ngunit sila ay may inihandang palusot kapag binanggit nila ito, o kapag nag-angkin sila ng ganito. Sasabihin nila na ang Biblia sa kabuuan ay salita ng Diyos; na tumpak [walang mga mali] sa orihinal na anyo nito.
Kaya kung dadako ka sa Biblia para ituro ang ilang mali na mayroon dito ay sasabihin sa iyo: Ang mga maling iyan ay wala sa orihinal na manuskrito, ang mga ito ay magpapalusot para makita natin sila dito ngayon.
Ganyan nila hinaharap ang problema. Mayroong talata sa Biblia sa Isaias 40:8 sa katotohanan ay napakabantog na ang ilang Biblia ay naglimbag na ito ay nasa pabalat bilang panimula na nagsasabing: Ang damo ay nanunuyot, ang bulaklak ay nalalanta, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mamamalagi magpakailanman. Ito ang isang pag-aangkin sa Biblia na ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman, hindi mababago, hindi magmamaliw.
Kaya kung ngayon ay may makita kang pagkakamali sa Biblia ay may dalawa kang pagpipilian. Alin sa dalawa, na ang pangakong ito ay huwad nang sabihin ng Diyos na ang aking salita ay hindi magmamaliw, siya ay nagkamali, o ang bahaging may pagkakamali dito ay hindi bahagi ng salita ng Diyos sa simula pa man, dahil ang pangako ng Diyos na ito ay pangangalagaan, hindi ito mababago.
Mayroon Bang Mga Mali?
Iminungkahi ko ng maraming ulit na mayroong mga mali sa Biblia at ang paratang ay babalik ng napakabilis; Magbigay ka ng isa. Sa katunayan may daan-daan. Kung nais mong tukuyin ko ay babanggit ako ng ilan. Halimbawa ay sa II Samuel 10:18 isang paglalarawan ng digmaan nakipaglaban si David na nagsasabing nakapatay siya ng 7000 kalalakihan at siya rin ay nakapatay ng 40000 kalalakihang mangangabayo.
Sa 1 Cronica 19 ay binanggit sa parehong pangyayari na nagsasabing siya ay nakapatay ng 70,000 kalalakihan at 40,000 kalalakihan na hindi mangangabayo, sila ay naglalakad.
Ang punto dito ay ang pagkakaiba sa pagitan ng naglalakad at hindi ay napakahalagang bagay.
Paano Namatay si Hudas?
Sa Mateo 27:5 ay nagsasabing si Hudas Iskaryote nang mamatay ay binigti ang sarili. Sa Mga Gawa 1 ay nagsasabing, siya ay lumundag sa bangin una ang ulo. Kung pag-aaralan mo ang lohika ay kaagad kang mapupunta sa kalagayang tinatawag nilang hindi mapagpapasyahang mungkahi o walang kahulugang mga pangungusap o mga pangungusap na hindi mapagpasyahan dahil walang tekstong nagpapabulaan. Isang pangkaraniwang halimbawa na maibibigay ay ang tinatawag na “Effeminates paradox”.
Ang taong ito ay Cretan at sabi niya ang Cretan ay laging nagsisinungaling, ngayon ang pangungusap bang ito ay tunay o huwad? Kung siya ay Cretan at sinabing ang Cretan ay laging nagsisinungaling siya ba ay nagsinungaling? Kung hindi siya nagsinungaling magkagayun siya ay nagsasabi ng totoo na magkagayun ang mga Cretan ay hindi laging nagsisinungaling. Nakita mo ba na hindi ito maaring maging totoo at hindi rin ito maaaring maging huwad, ang pangungusap ay babalik sa sarili nito. Kagaya ito ng pagsasabing, Ang sinasabi ko sa iyo ngayon ay kasinungalingan paniniwalaan mo ba ito o hindi? Makikita mo na ang pangungusap ay walang totoong nilalaman. Hindi maaaring maging totoo at hindi rin maaaring maging kasinungalingan. Kung ito ay totoo ay lagi rin itong kasinungalingan. Kung ito naman ay kasinungalingan ay lagi rin itong totoo.
Sa Biblia sa Titus 1:12 ang sumulat ay si Pablo at siya ay nagsasalita tungkol sa mga Cretan. Sabi niya na isa sa kanilang lalaki ay propeta – sabi niya na kabilang sa kanilang sariling tauhan na isang propeta – ay nagsabing ang mga Cretan ay laging nagsisinungaling at sinasabi niya na ang sinabi ng taong ito ay totoo.
Ito ay maliit na pagkakamali, ngunit ang punto dito na ito ay pagkakamali ng tao, hindi mo ito makikita kung maingat mong sisiyasatin ang tunay na nilalaman ng pangungusap na yaon. Hindi ito maaaring maging totoong pangungusap.
Sino ang may Akda?
Ngayon babalik ako sa Qur’an, ang kagaya ng binanggit kong ang nagsasalita sa Qur’an – mismo – ay ang Diyos. Ang aklat na nag-aangkin sa kabuuan na ito ay salita ng Diyos. Ito ay pinangalanan ang sarili ng 70 ulit bilang Qur’an. Ito ay nangusap tungkol sa sarili nitong mga nilalaman. Ito ay may sariling-sanggunian.
Ang Qur’an ay nagpahayag sa unang Kabanata pagkatapos ng Al-Fatiha na ang aklat na ito, ay walang alinlangan dito, ito ay gabay para sa kanilang may takot sa Diyos at nagpatuloy pa ng nagpatuloy. Ito ay nagsimula sa ganung paraan at nagpatuloy sa ganung paraang binibigyang-diin yaon.
At mayroong isang kamangha-manghang talata sa Qur’an na kapag dumako ka sa ikaapat na Kabanata talatang 82 na nagsasabing sa kanilang nagsasabi na ang Qur’an ay ibang bagay bukod sa salita ng Diyos. Hinahamon silang nagsasabi na: “Kaya hindi ba nila pinagninilay-nilayan ang Qur’an? Kung ito ay galing sa iba bukod pa kay Allah, talagang nakasumpong na sana sila rito ng maraming salungatan.”
Ang ilan sa inyo ay mga mag-aaral, kaya ba ninyong subukan na isulat sa isang papel pagkatapos ng iyong pagsasaliksik o anuman sa ibaba ay ilagay mong hindi ka makakita ng pagkakamali dito. Magagawa mo bang hamunin ang iyong guro sa ganyang paraan? Alam ba ninyo na ang Qur’an ay nagawa ang ganyan. Ito ay nagsasabing: “Kung talagang iniisip mo na alam mo kung saan ito nanggaling magkagayun magsimula kang maghanap ng kamalian dahil wala kang matatagpuan ni isa.”
Isa pang bagay na kanais-nais na ginawa ng Qur’an ay binanggit nito na ang lahat ng kritiko nito. Wala kailanman – sa mga daan-daang taon – na mungkahi kung saan ang aklat na ito nagmula ngunit ang Qur’an ay binanggit ang pagtutol na ito at sinagot. Maraming pagkakataong matatagpuan mo ang talata na nagsasabi kagaya ng: Sinasabi ba nilang ganito at ganyan at gayun, sabihin sa kanila ang ganito at ganyan at gayun. Sa bawat usapin ay mayroong katugunan. Higit pa riyan ang Qur’an ay nag-angking ang katibayan ng pinagmulan nito ay ang sarili nito, na kapag siniyasat mo ang aklat na ito ay sasang-ayon ka.
Pagkakaiba ng Awtoridad
Kaya ang pagkakaiba ng Kristiyanismo at Islam ay nahuhulog sa isang pagkakaiba ng awtoridad at pag-apila sa awtoridad. Ang Kristiyano ay nagnanais umapila sa Biblia at ang mga Muslim ay nagnanais umapila sa Qur’an. Hindi ka maaaring huminto sa pagsasabing: Ito ay tunay dahil ang aking aklat ay ganyan ang sinabi, at iba naman ay magsasabing iba ang tunay dahil ang aking aklat ay iba ang sinasabi, hindi ka maaaring huminto sa puntong yan, at ang Qur’an ay hindi.
Ang mga Kristiyano ay maaaring tukuyin ang ilang salita na naitalang sinabi ni Hesus at sabihing ito ay magpapatunay ng aking punto. Ngunit ang Muslim ay hindi lamang bubuksan ang aklat at magsasabing: Hindi, hindi ang Qur’an ay nagsasabi ng ganito, dahil ang Qur’an ay hindi lang basta pinabubulaanan ang bagay na sinabi sa Biblia at sa halip ay magsabi ng iba dito. Ang Qur’an ay kukunin ang anyo ng isang pagpapasinungaling, ito ay isang gabay kagaya ng sa panimulang nagsasabi ng [hudal lil muttaqen].
Kaya sa bawat mungkahing maaaring sabihin ng Kristiyano: Ang Biblia ko ay sinasabing ganito at ganyan, ang Qur’an ay hindi lang magsasabi ng: Hindi walang katotohanan yan, ito ay magsasabi ng: Sinabi ba nila ang ganito at ganyan, magkagayun sabihin sa kanila na ganito at ganyan. Mayroon ka bilang halimbawa ng talatang pinaghahambing si Hesus at si Adan. Mayroong mga nagsasabing si Hesus ay dapat na maging Diyos [anak ng Diyos] dahil siya ay walang ama. Mayroong babae na kanyang ina, subalit wala siyang ama na tao. Ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa kanya, kaya dapat lang na siya ay maging anak ng Diyos.
Ang Qur’an ay ipinaalala sa mga Krisitiyano sa isang maikling talata na alalahanin si Adan – sino ang kanyang ama? – at sa katunayan – sino ang kanyang ina? Wala siyang ama at sa katunayan wala rin siyang ina, kaya ano ang gumawa sa kanya? Kaya ang kagaya ni Hesus ay tulad ni Adan, sila ay dating wala at sila ay lumitaw: para sambahin ang Diyos.
Ang Qur’an ay Nag-aanyaya – Hindi Nagtatakda
Kaya ang Qur’an ay hindi namimilit ng pananampalataya – ang Qur’an ay nag-aanyaya sa pananampalataya, at narito ang pangunahing pagkakaiba. Hindi lang ito basta ipinadala na: Narito ang kailangan ninyong paniwalaan, ngunit sa buong Qur’an ang talata ay palaging: O tao pinag-isipan mo ba ang ganito at ganyan, isinaalang-alang mo ba ang ganito at ganyan. Ito ay palaging paanyaya para sa inyo na tingnan ang katibayan; ngayon ano ang paniniwalaan mo?
Pagtatanging Pakiusap ng Biblia
Ang pagbanggit ng Biblia ay kadasalang kinukuha ang anyong tinatawag na Argumentasyon: Pagtatanging Pakiusap. Ang Natatanging Pakiusap ay kung ang implikasyon ay nagbabago. Kung may kinuha kang isang bagay at sinasabi mong: Ito ay nangangahulugang ganito, ngunit hindi mo ginagamit ang parehong argumento upang gamitin ito sa ibang bagay. Halimbawa, nakita ko ito sa mga limbagan ng maraming ulit, ipinapahayag na si Hesus ay dapat talagang naging Diyos dahil siya ay gumawa ng mga himala.
Sa kabilang banda alam natin na walang himala kailanmang ginawa si Hesus maliban sa nakatala rin sa Lumang Tipan na ginawa rin ng isa sa mga propeta. Mayroong kabilang dito, si Elias, na naiulat na nagpagaling ng ketongin, bumuhay ng patay na bata at nagparami ng tinapay para makakain ang mga tao – tatlo sa mga paboritong himalang ginawa ni Hesus. Kung ang mga himalang ginawa ni Hesus ay nagpatunay na siya ay Diyos, bakit hindi nila pinatunayang si Elias ay Diyos?
Ito ay isang Pagtatanging Pakiusap, kung nakikita mo ang ibig kong sabihin. Ang implikasyon ay nagbabago. Kung ito ay may ganyang implikasyon samakatuwid ito ay dapat na may magkatulad na implikasyon rin.
Mayroon yaong mga nagsasabing si Hesus ay Diyos dahil siya ay itinaas sa langit. Ngunit ang Biblia ay nagsasabi ring may isang Enoch na hindi namatay nang siya ay itinaas sa langit ng Diyos. Kung tunay man ito o hindi, sinong nakakaalam, ngunit ang punto ay kung si Hesus dahil itinaas ay pinatutunayang siya ay Diyos, bakit hindi pinatunayang si Enoch ay Diyos? Parehong bagay ang nangyari sa kanya.
Malinaw na mga Bahagi at Mahirap na mga Bahagi ng Biblia
Sumulat ako sa isang tao minsan, na siyang sumulat ng isang aklat tungkol sa Kristiyanismo at mayroon akong ilang mga punang binanggit ko ngayon. At ang kanyang tugon sa akin ay ginagawa kong mahirap ang mga bagay sa aking sarili, na mayroong mga bahagi sa Biblia na napakalinaw at mayroong bahagi na mahirap, at ang problema sa akin ay tinitingnan ko ang mga mahihirap na bahagi sa halip na yung malinaw na mga bahagi.
Ang tunay na problema ay isa itong pagsasanay ng panlilinlang sa sarili – bakit ang ibang bahagi ay malinaw at ang iba ay mahirap? Ito ay dahil may taong nagpasya kung ano ang malinaw na kahulugan nito, ngayon ito ay naging higit na mahirap.
Para bigyan kita ng halimbawa, Juan Kabanata 14 isang tao ay nagsabi kay Hesus: Ipakita mo sa amin ang Diyos at si Hesus ay nagwika: Kung nakikita mo ako ay nakita mo ang Diyos. Ngayon ng walang pagbabasa ang mga Kristiyano ay magsasabi: Nakita mo si Hesus ay nag-angking Diyos, siya ay nagsabing kung nakikita mo ako ay nakikita mo ang Diyos.
Kung yan ay napakalinaw magkagayun ay mayroon kang mahirap na bahagi sa Biblia kung babalik ka ilang pahina lamang sa Kabanata 5 nang ang isa pang tao ay dumating kay Hesus at nagsabi na ipakita mo sa amin ang Diyos at siya ay nagwika hindi mo kailanman makikita ang Diyos hindi mo kailanman maririnig ang Kanyang tinig. Ngayon anong ibig niyang sabihin dito na kung sa ibang pangyayari ang ibig niyang sabihing siya ay Diyos?
Maliwanag na ginawa mong mahirap ang mga bagay sa pagpapasya kung ano ang ibig sabihin ng nauna. Kung babasahin mo ang Kabanata 14 makikita mo kung ano ang sasabihin niya sa pagpapatuloy. Siya ay nagsabing ang pinakamalapit na makikita mo ang Diyos ay ang mga gawa na nakikita mong ginagawa ko.
Ang Biblia Ay Hindi Nagsasabing si Hesus ay Inangking Maging Anak ng Diyos
Katotohanan na ang mga katagang anak ng Diyos ay hindi makikita sa mga labi ni Hesus saan man sa unang tatlong ulat ng Ebanghelyo, palagi niyang tinatawag ang kanyang sariling Anak ng Tao. At ito ay isang kakatwang anyo ng pangangatuwiran na nakikita ko ng madalas na ito ay napagtibay mula sa Biblia na siya ang nag-angking Diyos dahil – tingnan kung paano tumugon ang mga Hudyo. Sila ay magsasabi halimbawang siya ay nagsabi ng ganito at ganyan at ang mga Hudyo ay magsasabing siya ang namusong, siya ang nag-angking Diyos at sila ay nagtangkang batuhin siya.
Kaya’t sila ay mangangatuwiran na talagang siya ay maaaring nag-aangking maging Diyos dahil tingnan! – ang mga Hudyo ay nagtangkang patayin siya. Sila ay nagsasabing iyan ang kanyang inaangkin. Ngunit ang kaakit-akit na bagay ay lahat ng katibayan ay nakatindig sa katotohanang ang tao ay nagsasabing: Naniniwala akong si Hesus ay anak ng Diyos dahil ang mga Hudyong pumatay sa kanya ay nagsabing ganun ang sinasabi niya! Ang kanyang mga kaaway ay sinasabi yan, kung kaya talagang sinabi nga niya ito, ganito ang katumbas na bigat nito.
Sa kabilang banda mayroon tayong salita ni Hesus na nagsasabing pananatilihin niya ang batas, ang batas ni Moises at mayroon tayong pahayag ng Biblia, kung bakit siya pinatay ng mga Hudyo? Dahil nilabag niya ang batas ni Moises. Maliwanag ang mga Hudyo ay pinaratangan siya, kung nangako siyang pananatilihin niya ang batas, ngunit pinatay siya dahil nilabag niya ang batas, talaga pinaratangan siya ng mali o nagsinungaling tungkol sa kanya.
Mga Sumulat ng Biblia – Wala sa Konteksto
Nang nagpahayag ako tungkol sa Biblia at bumasa ng ilang mga talata dito at doon ako ay madalas na napagbibintangang naglalagay ng mga bagay na wala sa konteksto, na sinasabing kinuha mo ang isang bagay na malayo sa pinag-uusapan tungkol dito at binibigyan ito ng pakahulugan. Ayaw kong tumugon sa bintang na kagaya nito, ngunit parang hindi nangyayari sa maraming tao na marahil yaong mga sumulat ng mga bahagi ng Biblia sa parehong bagay ay may sala rin kung tututusin.
Maaari ang ilan sa kanilang mga sumulat – naniniwala sa isang tukoy na bagay at para mapatunayan ito ay bumasa mula sa kanilang mga kapahayagang ang Lumang Tipan, ang mga akda sa Habreo – binanggit na wala sa konteksto para patunayan ang kanilang punto. Mayroong mga halimbawa ng ganyang mga bagay. Sa Mateo 2 nagsabi itong isang hari na gustong patayin ang batang lalaking si Hesus kung kaya siya kasama ang kanyang pamilya ay nagtungo ng Ehipto, at sila ay nanatili doon hanggang namatay ang haring yaon, ang sila ay bumalik.
Nang ang manunulat ng Mateo, sinuman siya, dahil ang pangalang Mateo ay hindi makikita sa aklat ng Mateo; nang inilarawan niya ang pangyayaring ito na nagsasabing siya ay bumalik mula sa Ehipto, sabi niya; Ito ay para matupad ang propesiyang nakasulat at pagkatapos ay sinipi niya ang Oseas Kabanata 11 ‘Sa labas ng Ehipto tinawag ko ang aking Anak.
Kaya sabi niya dahil si Hesus ay nagtungo sa Ehipto at pagkaraan ay lumabas ng Ehipto at mayroon tayong talata sa kasulatang Hebreo na ‘sa labas Ehipto tinawag ko ang aking anak kaya si Hesus ay talagang naging anak ng Diyos. Kung titingnan mo at makikita kung ano ang kanyang sinipi, Oseas 11:1 sinipi niya ang pangalawang kalahati ng isang buong pangungusap na ang kumpletong pangungusap ay mababasang: Noong si Israel ay bata pa ay mahal ko siya at sa labas ng Ehipto ay tinawag ko ang aking anak. Ang bayan ng Israel ay itinuturing na anak ng Diyos.
Si Moises ay inutusang pumunta kay Paraon at sabihin sa kanya: Kung sasalingin mo ang bayan ng taong iyan, ay sinaling mo ang aking anak; binalaan siya, binalaan si Paraon: huwag mong salingin ang bayang iyan, tinatawag ang bayan na anak ng Diyos. Kaya ito lamang ang bagay na tinatalakay sa Oseas 11:1. Sa labas ng Ehipto tinawag ko ang aking anak na tumutukoy lamang sa bayan ng Israel. Binanggit ko ang puntong ito ilang buwan ang nakalipas sa ibang panayam, na kung saan may dalagang babaeng kasama natin ay tumutol na ang Israel ay simbolikong pangalan ni Hesus.
Mahihirapan kang hanapin ito sa Biblia dahil wala ito doon. Maaari mong tingnan sa talatuntunan ang katagang Israel kahit saan ang salita lumabas at hindi mo makikita sa kahit anong lugar na maaari mong iugnay ang salitang Israel kay Hesus. Ngunit hayaan mo na – ipagpalagay na ito ay totoo, magbasa pa, ang susunod na talata ay nagsasabing pagkatapos nito siya ay nagpatuloy sa pagsamba kay Baal, dahil dito kung saan ang mga Israelita ay nagkasala, napakadalas na sila ay nahuhulog pabalik sa pagsamba sa idolo.
Kaya kung iyang Israel ay talagang nangangahulugang si Hesus at nangangahulugang si Hesus ay anak ng Diyos na lumabas sa Ehipto dapat ito ay mangangahulugan ring si Hesus sa tuwi-tuwina ay yumuyukod sa idolong si Baal. Kailangang hindi ka nagbabago, at sundan kung ano ang sinasabi nito. Kaya ang punto ay sinuman ang sumulat ng Mateo at Kabanata 2 at tinatangkang patunayan ang punto sa pamamagitan ng pagsipi na isang bagay na wala sa konteksto, at pabulaanan ang kanyang sarili, dahil kung susundan ito, ay hindi talaga magkakagayun.
Ang Qur’an ay May Panloob na mga Katibayan
Ngayon ay makababalik na ako sa pag-aangking ang Qur’an na ito ay may panloob na katibayan ng pinanggalingan nito. Maraming paraang maaari mo itong tingnan. Bilang isang halimbawa, kung pipiliin ko sa isa dito na: Alam mo ba, kilala ko ang tatay mo – pagdududahan niya ito, hindi niya ako nakita kahit kailan na kasama ng tatay niya. Sasabihin niya, ano ang hitsura niya, mataas ba siya o mababa, nagsusuot ba siya ng salamin sa mata? At kung anu-ano pa, at kung mabibigyan ko siya ng tumpak na mga sagot sa madaling panahon siya ay mapapaniwala, Oo nga, nagkita na nga kayo. Kung gagamitin mo ang parehong uri ng pag-iisip kung titingnan mo ang Qur’an, narito ang aklat na nagsasabing ito ay galing sa Kanyang naroroon na sa pasimula pa lang ng sansinukob. Kaya nararapat na itanong mo ang isang ito: Kaya sabihin sa akin ang isang bagay na magpapatunay dito. Sabihin sa akin ang magpapakita sa aking naroroon ka nga noong ang sansinukob ay nagsisimula pa lamang.
Matatagpuan mo sa dalawang magkaibang talata ang salaysay na ang lahat ng nilikha ay nagsimula sa isang bagay, at mula sa bagay na ito ay patuloy na lumalawak. Noong 1978 ipinagkaloob nila ang gantimpalang Nobel sa dalawang tao na napatunayang ganun nga ang pangyayari. Ito ang ‘big bang’ na pinagmulan ng sansinukob.
Ito ay napagtibay ng malakas sumagap na radyo awditibo na mayroon sila sa mga kompanya ng teleponong sapat sa pagkasensitibo para makuha ang paghahatid mula sa mga buntabay at patuloy itong nakakatanggap ng ingay sa kalawakan na hindi nila matukoy. Hanggang ang tanging paliwanag ay dumating na, ito ay mga labing enerhiya mula sa orihinal na pagsabog na eksaktong angkop katulad ng inaasahan sa pamamagitan ng matematikang kalkulasyon na naging bagay ngang ito kung ang sansinukob ay nagsimula nga sa isang bagay at sumabog palabas. Kaya pinatotohanan nila ito, nito lamang 1978.
Ilang siglo bago pa yan ay narito ang Qur’an na sinasabing ang kalangitan at kalupaan sa pasimula ay iisa lang, at naghiwalay at sinasabi sa isang talata: at sa kalangitan ay pinalalawak Namin.
Ang Qur’an ay may Ganap na Kawastuhan
Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa isang pansariling pagsisiyasat, nangyari ito sa akin na may ilang mga bagay na matatagpuan ninyo sa Qur’an na nagbibigay ng katibayan sa pinagmulan nito, panloob na katibayan. Kung ang Qur’an ay idinikta mula sa isang ganap na indibidwal; ito ay nagmula sa Diyos, magkagayun nararapat na wala itong nasasayang na lugar, nararapat itong napaka-makabuluhan.
Nararapat na wala ditong bagay na hindi kailangan at nararapat na tanggalin, at nararapat na walang kulang na anuman dito. At kung kaya lahat ng bagay na naroon ay dapat talagang naroon para sa natatanging layunin. At napaisip ako tungkol sa talatang binanggit ko kanina, ito ay nagsasabing, ang kagaya ni Hesus ay kagaya ni Adan. Ito ay isang paghahalintulad, ginamit ang katagang Arabeng [mithel], ito ay nagsasabing si Hesus, si Adan, ay magkatulad.
Pumunta ka sa talatuntunan ng Qur’an, hanapin ang pangalang EISA ito ay nasa Qur’an 25 na ulit, hanapin ang pangalang Adan ito ay naroon 25 na ulit. Sila ay pantay, bagamat nagkalat ang saligan ay 25 ang bawat isa. Sundan lang yaon at matatagpuan na sa Qur’an ay mayroong 8 lugar na ang talatang nagsasabi ng isang bagay ay kagaya ng iba, gamit ito [mithel], matatagpuan sa bawat pangyayari at kunin ang magkabilang panig ng anumang tinutukoy ng salita ay hanapin sa talatuntunan at matatagpuang ganun, sabihin nating 110 ulit at tingnan ang ibang kataga at ito ay babanggitin ng pantay na kagaya ng 110.
Ito ay matibay na proyekto ng koordinasyon kung susubukin mong sumulat ng aklat sa paraang iyan sa sarili mo. Kaya kahit saan mangyari na banggitin ang ganito at ganyan ay kagaya ng ganito at ganyan pagkatapos ay tingnan ang iyong talatuntunan, sistema ng pagssalansan, o ang iyong tarhetang panandang IBM o anuman, para masiguradong sa buong aklat na ito ay binanggit silang pareho ng pantay na bilang ng pag-ulit. Ngunit ganyan ang matatagpuan mo sa Qur’an.
Ang Qur’an ay Nagkakaloob ng Katuwiran
Ang sinasabi ko ay tungkol sa gumawa sa bagay na tinatawag na Lohika: Paggamit at Pagbanggit ng isang Salita. Kapag ginamit mo ang isang salita, ginagamit mo ang kahulugan nito. Kapag binanggit mo ang isang salita, ikaw ay nagsasabi tungkol sa simbolo nang walang kahulugan.
Halimbawa, kung sabihin ko, ang Toronto ay isang malaking lungsod – ginamit ko ang katagang Toronto na ang pakahulugan ko itong lugar ng Toronto ay isang malaking lungsod. Ngunit kung sabihin ko sa iyong ang Toronto ay may 7 titik, hindi ako nagsasabi tungkol sa lugar na Toronto, ang sinasabi ko ay tungkol sa katagang – Toronto. Kung kaya, ang kapahayagan ay lagpas sa pangangatuwiran, subalit hindi ito lagpas sa katuwiran.
Ang ibig sabihin na tayo ay malamang hindi matagpuan sa Qur’an ang isang bagay na hindi makatuwiran, ngunit maaari tayong makatagpo ng bagay na hindi maunawaan ng ating mga sarili.
Natatanging Salitang Tumutukoy sa Sarili sa Qur’an
Ang may akda ng pangungusap na ito ay nagsabing kung ang aklat na ito ay nagmula sa iba bukod sa Diyos magkagayun ay matatagpuan mo dito ang maraming ikhtilafan [pagsasalungatan]. Ang katagang ikhtilaf ay matatagpuan ng maraming ulit sa Qur’an. Ngunit ang katagang ikhtilafan ay tanging miminsan lang natagpuan sa Qur’an. Kaya walang maraming Ikhtilafan sa Qur’an, may isa lamang – kung saang pangungusap ito ay binanggit. Nakita mo na ba kung paano ang mga bagay ay inilapat lahat ng ganap.
Ito ay iminungkahi sa sangkatauhan. Hanapan ng mali. Ang tao ay hindi makapanghawak ng kahit isang mali, at siya ang napakatalino, dahil ang talatang ito ay maaaring mangahulugan ding: Humanap ng maraming ikhtilafan at kung kaya kaagad siyang pumunta sa talatuntunan para tingnan kung may makikita siyang maraming katagang ikhtilafan doon ngunit ang mayroon ay tanging isa lamang… Paumanhin matalinong tao.
Ang Biblia at Qur’an – Katutubong Kapwa Mula kay Allah
Konklusyon: Kapwa ang mga naunang kasulatan at ang Qur’an ay dumating sa atin sa pamamagitan ng Makapangyarihang Diyos, pagkatapos ay sa pamamagitan ng Kanyang Anghel Jibril at pagkatapos ay sa mga propeta [sumakanilang lahat ang kapayapaan]. Datapwat pagdating sa susunod na baytang [na ang tao ay dapat na matapat na isasalin ito sa iba at sa mga darating na henerasyon] ay natagpuan nating si Allah ay tanging iningatan ang Kanyang Huling Pangwakas na kapahayagan para sa lahat ng panahon. At katiyakan na hindi Niya kailangan ang tao para magawa ito.
Paggalang Para sa mga Banal na Aklat
Ang mga Muslim ay nararapat na igalang ang Biblia dahil ito ay nananatiling naglalaman ng ilang mga orihinal na aral ni Allah. Ngunit hindi na kailangan pang pumunta sa pag-aaral ng Biblia o bumili ng isa para magbasa upang tangkaing matuto tungkol sa kung ano ang ating layunin sa buhay na ito. Ang Qur’an ay nilinaw na si Allah ay katiyakan ginawang ganap ang ating “paraan ng buhay” para sa atin at ipinagkaloob sa atin ang Kanyang pabor at pinili para sa atin na sumuko sa Kanya sa Islam.
Nais naming imungkahi sa mga di-Musim na isaalang-alang na magkaroon ng Qur’an [magkamit ng libre sa aming site kung nais mo] at pagkatapos ay magsiyasat para sa kanilang mga sarili kung para saan talaga lahat patungkol ang Qur’an at kung ano ang maaaring kahulugan nito sa kanilang mga buhay.
Panghuling puna mula kay Yusuf Estes:
Nais kong ipahayag na pagkatapos ng mga taon sa pag-aaral ng Biblia at matapos natutunan ang wikang Arabe para makabasa ng Qur’an kung saan ito unang binigkas kay Muhammad ni anghel Gabriel, ako ay dumating sa isang kamangha-manghang konklusyon.
Sa ganang akin ang Biblia at ang Qur’an ay katiyakan mula sa parehong pinagmulan at ang mga ito ay pumupuri sa isat-isa ng napakainam. Sa katotohanan, lumalabas na ang Biblia ay hindi sinasalungat ang Qur’an, maliban sa parehong lugar kung saan ang Biblia ay sinasalungat nito ang kanyang sarili.