Home Blog Mga Artikulo Domestikong Karahasan, Pangkalahatang Pananaw sa Islam

Domestikong Karahasan, Pangkalahatang Pananaw sa Islam

0
Domestikong Karahasan, Pangkalahatang Pananaw sa Islam

Isang Masusing Pagtanaw sa Domestikong Karahasan at Karangalang Pagpatay sa Pamayanang Muslim

Isa sa bawat tatlong babae ay maaabuso sa kanilang buong buhay ng kanilang kasuyo. Ang pabago-bagong istatistikong ito ay nagaganap sa lahat ng lipi, relihiyon at nasyonalidad. Anong papel ngayon ang tunay na ginagampanan ng relihiyon sa pagpapahintulot o pagbabawal ng domestikong karahasan?

Isa dito, ang mga mapagsamantala ay sinasamantala ang maling pag-unawa ng mga tekstong pangrelihiyon at inaabuso ang kapahayagan bilang isang pangngatuwiran para saktan ang iba pareho sa pisikal at kaisipan. Ang mga relihiyosong pamayanan at mga pinuno, sa kabilang banda ay makapagbibigay ng pangunahing pagkukunan para itaas ang kamalayan sa mga pinsala at pagbabawal ng domestikong karahasan at makapagbigay ng tulong sa mga biktima.

Ang una at pinakamahalagang hakbang sa landasing ito ay kabilang ang pagbaling sa kapahayagan mismo para maipakita ang mga mapanlinlang na pag-aangking ng ganyang gawi ay pinapayagan. Isang maiksing pagsisiyasat sa Islamikong karunungan sa usaping pang-aabuso sa relasyong mag-asawa ay nagsisiwalat ng isang malinaw na pagtatakwil ng domestikong karahasan at isang pagtatatwa ng maling mga pagpapaunawa sa mga talata ng Qur’an na ginagamit para payagan ito.

Ang mga napapanahong pantas ay malinaw ding nagpahayag na ang pananakit sa asawa, kahit pa sa emosyonal o pisikal, ay mahigpit ang pagbabawal. Ang panulat na ito ay magbibigay ng buod sa mga opinyon at mga pagpapaunawa na may hangaring mapagtibay ang pagbabawal ng domestikong karahasan sa Islam.

Buod ng Islamikong Batas

Bago pumailalim sa mga pagkakaiba-iba patungkol sa pagbabawal ng domestikong karahasan sa Islam, ay mahalagang humakbang ng isang paatras at unawain ang pangkalahatang balangkas sa pagbuo ng mga batas at mga panuntunan sa loob ng pamayanang Muslim. Sa kapanahunan bago pa ang makabagong panahon, na kung saan ang mga konsepto ng bansa-estado at gobyerno ay hindi pa umiiral pareho sa Islamikong batas at lipunan na pinamamahalaan sa pamamagitan ng sariling pamamahala.

Bagamat ang mga namumuno at mga kaharian ay lumitaw ng maaga sa Islamikong kasaysayan, ang mga pamayanan ay unang pinagtibay ang kanilang sariling kapakanan at ang namumuno ay may maliit na impluwensiya sa kung paano ang mga batas ay direktang ipinatutupad. Kung kaya ang bawat pamayanan, kahit sa isang maliit na lungsod o baryo, ang itinalagang mga dalubhasang mambabatas ang magtatatag sa huli ng mga panuntunan ng komunidad batay sa sariling kasanayan ng pamamaraang ligal.

Sa pamamagitan ng pamamaraan ito ng pangangatuwirang at pagsangguni sa teksto, ang mga pantas ay nagawang maitatag ang ligal na pamantayan. At hindi katulad ng layunin ng makabagong batas, na ang hangarin ay upang diktahan at madisiplina ang buong bansa, ang layunin ng Islamikong batas ay itaguyod ang kapayapaan sa buhay ng bawat isa at sa kanyang pakikipag-ugnayan sa iba.

Kaya naman, ang pundasyong kumikilos na ginawa sa buong pamayanang Muslim ay ang isa sa mga pinagyamang mga batas ng mga pantas na naghihikayat sa bawat isa na gawin kung ano ang tama sa bawat sitwasyon, habang ang pamahalaan ay mayroong kapangyarihang magparusa sa mga tao na lumalabag sa mga hangganang yaon.

Pinagkukunan na Pangrelihiyon

Mayroong dalawang pangunahing pamamaraan ng pagpapaunawang pinagyaman ng mga pantas para maunawaan ang Qur’an. Ang unang anyo na ito ay napapaloob ang pagpapaliwanag ng talatang nagkakaugnayan sa Qur’an o sa madaling salita, pagpapahintulot sa mga talata ng Qur’an na bigyang linaw ang isat-isa. Ang pangalawang anyo ay napapaloob sa pagpapaunawa ng Qur’an batay sa halimbawa ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], na kung saan ay tinawag ng kanyang asawa bilang isang “naglalakad na Qur’an”.

Sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang paraang ito ng pag-aaral ng tungkol sa pagpapaliwanag ng aklat ng Diyos, tayo ngayon ay makakapagtuon sa ating mga pinagkukunan para maunawaan kung paano ang Islam ay nanatiling kinasusuklaman ang domestikong karahasan.

Sa puso ng ilang mga talata na tumatalakay sa huwarang relasyon sa pagitan ng mag-asawa sa Qur’an ay ang mga sumusunod na talata:

“Kabilang sa Kanyang mga Tanda ay lumikha Siya para sa inyo, mula sa inyong sarili ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahalan at awa. Tunay na may Tanda dito para sa mga nag-iisip.” [Maluwalhating Qur’an 30:21]

Ang Diyos ay nagtakda din sa kalalakihan sa ibang talata na:

“..Pakitunguhan ninyo sila [asawang babae] ng makatuwiran..” [Maluwalhating Qur’an 4:19]

Habang sa ibang mga talata ay binalaan sila ng Diyos kung sila ay maglalayon na saktan o umabuso laban sa kanilang mga asawa:

“..Huwag ninyo silang panatilihin upang pasakitan dahil nakalalabag kayo. Ang sinumang gumagawa niyon ay lumabag na sa nararapat sa sarili…” [Maluwalhating Qur’an 2:231]

Karagdagan pa, mayroong mga talata na kinikilala ang likas na kabutihan ng pag-aasawa sa pamamagitan ng pagsasalarawan bilang mga pantakip sa isat-isa:

“Ipinahintulot sa inyo sa gabi ng pag-aayuno ang pakikipagtalik sa mga may-bahay ninyo. Sila ay kasuutan ninyo at kayo ay kasuutan nila…” [Maluwalhating Qur’an 2:187]

At pinaaalalahanan ang mga mananampalataya na ang kalalakihan at kababaihan ay tagapangalaga sa isat-isa:

“Ang mga lalaking sumasampalataya at ang mga babaeng sumasampalataya ay mga tagatangkilik ng isa’t-isa sa kanila..” [Maluwalhating Qur’an 9:71]

Ang mga talatang ito ay naglagay ng pamantayan at halimbawa ng pag-ibig, pagmamahal at pagkakapantay sa relasyong mag-asawa.
Para naman sa huwarang galing sa Propeta na ang bawat mananampalataya ay nararapat na gayahin, isinalaysay ng kanyang asawa na,

Ang Sugo ni Allah ay hindi pinalo ang kahit isang lingkod o babae, at hindi kailanman namalo ng anuman nang kanyang kamay.

Naisalaysay din na ang Propeta Muhammad ay nagsabi,

“Ang marangal na lalaki ay pinakikitunguhan ang kababaihan ng marangal at magalang, at tanging masamang tao ang nakikitungo sa kababaihan ng salat.”

Ang ibang hadith o salaysay ang naghatid ng kwento ng isang kasamahan ng Propeta na nagtanong sa Sugo, “Ano ang masasabi mo tungkol sa aming mga asawa?” na ang Propeta ay sumagot,

“Bahaginan sila ng kagaya ng mayroon ka para sa sarili, at damitan sila ng kung paano mo dinadamitan ang sarili mo, at huwag silang hahampasin at huwag silang lalaitin.”

Karagdagan pa, ang Propeta ay nagpahayag,

“Ang isa ba sa inyo ay hahampasin ang kanyang asawa kagaya ng alipin at pagkatapos ay sisipingan siya sa gabi?!” sa pamamagitan nito ay binigyang-diin ang kahangalan ng isang lalaki na manakit sa kanyang asawa.”

Marami pang hindi mabilang na ibang mga salaysay na naglalarawan na ang Propeta Muhammad ay napopoot sa domestikong karahasan.

Sa isang pangyayari, ang asawa ng isang lalaki na nagngangalang al-Walid ibn Uqbah ay nilapitan ang Propeta para isumbong ang tungkol sa kanyang asawa, na nagsabi,

“O Sugo ni Allah! Si Al-Walid ay sinaktan ako!” Ang Propeta ay sumagot, “Sabihin mo sa kanya: ang Propeta ay pinangalagaan ako.” Hindi nagtagal ay bumalik siya, na nagsasabing, “Hindi siya tumigil bagkus lalo akong sinaktan!” Ang Propeta ay pumilas mula sa kanyang damit ng kapiraso [bilang tanda ng katibayan para sa kanyang pangangalaga] at nagsabi, “Sabihin sa kanya: Katotohanan, ang Sugo ni Allah ay binigyan ako ng pangangalaga.” At hindi nagtagal siya ay bumalik muli at nagsabi, “Wala siyang ginawa bagkus lalo akong sinaktan!” Ang Propeta pagkatapos ay itinaas ang mga kamay at nagsabi: “O Allah, dapat na harapin mo si al-Walid dahil siya ay nagkasala laban sa akin ng makalawang ulit.”

Sa isa namang pangyayari, ang Propeta ay masiglang tinulungan ang biktima ng domestikong pang-aabuso, si Habiba bint Sahl, ang asawa ni Thabit bin Qays at ang kapitbahay ni Propeta Muhammad, sa pagtulong sa kanyang iwanan ang mapang-abusong relasyon. Nang pinalo ni Thabit si Habiba, siya ay nagtungo sa pintuan ni Propeta Muhammad. Pagkatapos na sabihin sa Sugo ang tungkol sa kanyang sitwasyon, siya ay nagsabi,

“Si Thabit at ako ay hindi na maaari pang maging mag-asawa.”

Ang Propeta ay ipinatawag si Thabit, inayos ang kanilang ugnayang pananalapi, at sinigurong si Habiba ay makakauwi ng ligtas sa kanyang pamilya. Karagdagan pa sa mga ginawang hakbang na ito, ang Propeta Muhammad ay gumawa pa ng mga paraan para mapigilan upang masigurong ang kababaihan ay hindi makapag-asawa ng mapaminsalang kalalakihan.

Naiulat na ang Propeta ay nilapitan si Fatima bint Qays para magtanong kung siya ay handa ng mag-asawa. Siya ay nakatanggap na ng alok mula kay Mu’awiyah, Abu Jahm, at Usama ibn Zayd. Upang matulungan siyang makapagpasya ng tama, ang Propeta ay nagpayo sa kanya, “Para kay Mu’awiyah, siya ay mahirap na tao at walang pera [at walang sapat na kakayahang magsustento sa’yo]. Para kay Abu Jahm, siya ay lalaking may hilig manakit ng babae. [Magkagayun] Ako ay nagpapayo sa iyo na magpakasal kay Usama.”

Ang “Kontrobersyal” na Talata

Sa kabila ng likas na pagkasuklam ng Propeta sa pananakit sa kababaihan, mayroong pagtatangka sa pakikipagtalo para sa pagpapahintulot ng domestikong karahasan batay sa pagkaunawa ng tukoy na talata sa Qur’an [4:34]. Ang pagtatalo sa huli ay lumitaw sa usapin ng pang-aabuso ng asawa sa Islam mula sa maling pagbasa ng tinukoy na talatang ito. Ang talatang ito ay nagsasaad na kung ang isang lalaking asawa ay natatakot sa masamang ugali o katigasan ng ulo ng asawang babae, kailangan niyang sundin ang tatlong hakbang para lunasan ang sitwasyon. Una, ay nararapat niyang pagsabihan siya laban sa kanyang pag-uugali at kailangang itama ang kanyang [asawang babae] mga pagkakamali. Kung sakaling ito ay hindi nakapagpabuti ng sitwasyon kailangan niyang “iwanan” ang kanyang [asawang babae] higaan bilang pagpapakita ng kanyang pagtutol. Kung sakali pa rin na ito ay napatunayang hindi mabisa, magkagayun ang pinakahuling hakbang ay binigyang kahulugan na paglalapat ng simbolikong amba ng pisikal na pagdisiplina [daraba]. Ang mga pagkakasunod-sunod na hakbang na ito ay maipagtatanggol na isinasagawa bilang isang paraan na mapigil ang biglang galit sa pamamagitan ng pagtatagubilin sa asawang lalaki na mahalagang magpalamig ng kanyang galit at upang hindi siya bigla-biglang makapanakit sa kanyang asawang babae.

Sa unang pagbasa sa talatang ito, maraming mambabasa ang nagmistulang nabigo sa akala mo’y nagpapahintulot sa asawang lalaki na saktan ang kanyang asawang babae. Sa kadahilang ito, ang mga pantas ay hindi hinikayat ang mga pangkaraniwang tao mula sa paghahanap ng mga kasagutang ligal mula sa Qur’an nang walang patnubay bilang pag-unawa sa talatang nangangailangan ng dalubhasang pagpapaliwanag at kontekstualisasyon.

Katunayan, karamihan sa mga sektang Muslim ay sumang-ayong ang mga talata ng Qur’an ay mauunawaan lamang ng maayos kapag binasa sa pamamatnubay ng ibang talata ng Qur’an at mga halimbawa ng Propeta, gayundin ng mga pagkaunawa at ligal na pagpapatupad ng mga piling pantas. Ang mga pantas sa bawat pamayanan ang makapagpapatibay kung paano ang talatang ito ay hindi lamang nauwanaan, bagkus kung ano ang mga maaaring kasunod na idudulot nito kung ang asawang lalaki ay nagksala sa kanyang asawang babae sa anumang paraan [pisikal o kaisipan].

Sa totoong buhay, ang karamihan sa mga pantas ay nagkakaisa sa pagtutol ng Propeta sa domestikong karahasan at gumawa ng mga hakbang para mapigilan ang tila kahulugan ng daraba o pisikal na pagdisiplina sa talatang 4:34.

Ayon sa tanyag na hukom noon na taga Makkah na si ‘Ata’ ibn Abi Rabah [p. 732 AD], ang daraba ay hindi tumutukoy sa pananakit kailanman; sa halip, ito ay simbolikong pag-amba bilang pagpapakita ng galit. Siya ay matibay na nanindigan:

Ang isang lalaki ay hindi sinasaktan ang kanyang asawa.

Si Al-Darimi [p. 869 AD], isang prominenteng Persianong pantas at guro ng dalawang tanyag na tagapagtala ng mga Propetikong salaysay, na Bukhari at Muslim, ay naglalaman ng isang buong kabanata ng hadith [mga Propetikong salaysay] na tumututol sa domestikong karahasan na pinamagatang ‘Ang Pagbabawal sa Pananakit ng Kababaihan’.

Ang ilang mga pantas ay dumating pa sa puntong hinahamon ang pagkamakatotohanan ng mga salaysay na ipinapalagay na dapat ay nagpapahintulot sa mga kalalakihang saktan ang kanilang mga asawang babae. Si Ibn Hajar, isang pantas na kinilalang isang maestro ng hadith ng gitnang panahon, ay nanindigang sa kabila ng lantad na kahulugan ng talata sa Qur’an, na halimbawang inihatag ng Propeta ay sapat na katibayan na ang pananakit sa asawang babae ay kasuklam-suklam.

Ang ikalabinsiyam na siglong hukom, si Ibn Abidin, sa karagdagan, ay ipinahayag na ang anumang pananakit na nag-iwan ng latay sa asawang babae ay maaaring magbunga ng pisikal na kaparusahan sa asawang lalaki.

Makabagong Karunungan

Sa pagpasok ng ikadalawampung siglo, ang mga pantas ay nagpatuloy ng pagtataguyod ng higit na humigpit pang paninindigan laban sa domestikong karahasan.

Ang Moroko na hukom, si al-Mahdi al-Wazzani [p. 1923 AD], halimbawa, ay nagtungo sa walang katulad na haba sa kanyang ligal na kompendyum sa paglalarawan ng maraming anyo ng pananakit sa isang asawang babae, bilang karagdagan para ipaliwanag ang mga hangganan at ang mga idudulot nito sa asawang lalaki. Higit pa sa pagtutok lamang sa pisikal na pang-aabuso, si al-Wazzani ay itinuring ang pangrelihiyon at sekswal na pinsala na maaaring maidulot ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae, at pinayagan ang mga hukom na mamagitan sa ugnayan kapag ang asawang babae ay nagsumbong. Kung mayroong latay sa kanyang katawan mula sa pananakit, o siya ay nakapagdala ng dalawang saksi, ang asawang lalaki ay nagkasala sa pananakit sa kanyang asawang babae at maaaring sumailalim sa pagpapayo o makulong ayon sa tindi ng pang-aabuso, habang ang asawang babae ay pamimiliin kung diborsyo o pagbabayad na katumbas na kanyang kabuuang dote.

Sapat na para kagiliwan, si al-Wazzani ay pinawalang-bisa ang pananaw ni Ibn Harith, isang pantas na nagkaloob ng kakaunting pansin para sa asawang babae sa kanyang patotoo, bilang minoryang opinyon na sumasalungat sa mga opinyon ng mayoryang mga pantas. Sa kabaligtaran, iniangat niya ang opinyon ni al-Sanhuri [p. 1606 AD] na nagproklama na kahit pa ang isang babae ay hindi iniwan ang kanyang hindi kanais-nais na ugali hanggat siya ay pinalo sa isang nakakatakot na paraan, ang pagpalo sa kanya ay hindi pinapayagan.

Ang mga ligal na pagbabago ni al-Wazzani ay mahalagang kilalanin na sa kanyang tangkang pagkilos sa loob ng tradisyon para makalikha ng isang ligal na pamantayan sa pagbabawal ng domestikong karahasan.

Kahalintulad nito, ang namayapang pantas na taga Iraq na si Abdulkarim Zaydan [p. 2014 AD] nakikiramay na pinanatili na ang pananakit sa kanino mang asawang babae ay haram, o ipinagbabawal, dahil ito ay sumasalungat sa tungkuling ligal ng asawang lalaki para mamuhay ng may kabaitan kasama ng kanyang asawang babae. Ang pananakit sa ibang tao, kanyang idinagdag, ay isang anyo ng pang-aapi at ang pang-aapi ay parehong ipinagbawal at kinasusuklaman ng Diyos. Pagkatapos ay kanyang ipinahayag,

Kung ang pananakit sa isang tao ay ipinagbabawal, magkagayun ang pananakit ng isang asawang lalaki sa kanyang asawang babae ay higit pang mahigpit ang pagbabawal dahil ang batas ay nagtatakda sa asawang lalaki ng tungkuling pangalagaan ang kanyang asawa at mamuhay ng may kabaitan kasama niya.

Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagbibigay ng mga talata mula sa Qur’an , na nagbabawal sa pananakit ng asawang babae, partikular habang nasa panahon ng pakikipaghiwalay sa pagsaalang-alang na ito ay panahon na kung saan maraming lalaki ay pinipiling manamantala sa kanilang mga asawang babae ng dahil sa galit at pagkabigo. Si Zaydan ay nagpatuloy pang inihayag na ang isang asawang lalaking emosyonal na binabantaan ang kanyang asawang babae sa pananakot ng paghihiwalay ay nakapagdulot din ng pinsala sa asawang babae.

Ang pagbabawal ng pananakit sa isang asawang babae ay kabilang ang nakikita at hindi nakikitang pananakit.

Ayon kay Zaydan, kagaya ng naisalarawan sa salaysay ng Propeta na ipinagbawal ang pang-aabusong salita at pamamahiya sa publiko kaninumang asawang babae.

Mga Tala sa Hukuman

Si Ibn Ashur [p.1973 AD], isa sa mga una sa makabagong Tunisianong pantas, na naunawaan ang talatang 4:34 bilang isang ligal na gabay para sa mga namumuno [hal. Bansa], na ang mga hakbang na gagawin laban sa palasuway na asawang babae sa sa katunayan ay hindi tungkulin ng asawang lalaki dahil ang pansariling pagpipigil ay magiging mahirap sa oras ng galit.

Sa buong kasaysayan, ang katotohanan sa bagay na ito ay ang mga usaping domestikong karahasan ay ipinagkakatiwala sa mala-pantas o ng hukumang awtoridad na may saklaw para ipatupad ang mga pagbabawal para mapangalagaan ang asawang babae.

Sa ilang mga huling dekada, nagkaroon ng pagdami sa akademikong hangarin sa ginagampanan ng mga kababaihan sa ibat-ibang mga Islamikong pamamaraan ng hukuman. Ang karamihan sa mga talang ito at pagsusuri ay napatunayan sa huli na ang mga kababaihang Muslim ay ginagampanan ang aktibong papel sa pagsasakdal ng kanilang mga alalahanin sa mga namumuno at ang kalakhan sa mga usapin ay nalutas.

Si Judith Tucker sa ‘House of Law, halimbawa, ay kabilang sa mga nauna sa mga gawaing ito, na kung saan ang may-akda ay siniyasat ang mga opinyong ligal ng ika labimpito at ikalabing-walong siglong hukon sa Ottoman ng Syria at Palestina bilang mga paraan sa pagkaunawa ng aktibong pakikilahok ng lahat ng kasarian sa pamayanang yaon. Ang kanyang pagsisikap ay sumalamin sa tanyag na uso sa pagitan ng Islamikong mga pantas panligal na naghahangad na maitatag na ang Islamikong batas ay sapat nang umaayon para umakma sa nagbabagong mga katayuan. Si Tucker ay unang pinagtibay na sa kabila ng likas na patriyarka ng Islamikong batas, ang mga hukom at mga hukuman ay nagsikap na itaguyod ang kapakanan ng pamayanan at dahilan upang pangalagaan ang mga karapatan ng mga kababaihan, lalo na sa mga usaping pisikal at emosyonal na pinsala.

Ang mga tala ng hukuman ng Ottoman mula sa Aleppo sa ikalabimpitong siglo, halimbawa, ay pumanig para sa kapakanan ng inabusong mga kababaihan sa ibat-ibang mga usapin. Sa isang pagtatalo, isang nagsasakdal sa pangalang Fatima na nagpatunay sa hukumang ang kanyang asawang lalaki ay patuloy siyang sinasaktan at sa isang pangyayari ay naging dahilan na siya ay naduguan, ang kanyang pag-aangkin ay pinagtibay ng limang mga saksi. Ang hukuman ay naghatol laban sa abusadong asawang lalaki at ipinag-utos na siya ay maparusahan. Sa isang kagayang halimbawa, ang namumunong Hukom ng Ottoman, si Abu al-Saud, ay tinanong kung anong mangyayari kapag ang isang lalaki ay sinaktan ang kanyang asawa sa ibat-ibang paraan, na dito siya ay sumagot na ang hukom ay dapat na pigilan ang pananakit sa asawang babae sa anumang paraang maaari.

Konklusyon

Si Ibn al-Qayyim [p. 1350 AD], isang prominenteng pantas sa kalagitnaan ng panahon ay nagpahayag,

Ang relihiyon sa kabuuan nito ay katarungan, pagmamahal, pag-unlad at karunungan, at samakatuwid ang anumang sumasalungat dito at nagbubunga ng kawalang katarungan, kalupitan, pinsala o kawalang saysay ay hindi kailanman makapag-aangkin na bahagi ng relihiyon kahit ano pang mga pagkaunawa ang pagtatangkang gawin.

Kapag tinatalakay at inuunawa ang pamantayan ng pag-aasawa sa loob ng Islam, mahalagang isaalang-alang ang isang ganap na paraang nagpapahintulot para sa isang malawak na pagbasa ng mga pinagkununan galing sa Qur’an, sa Propeta at mga gawang pantas.

Ang malawak na paraan ng pag-aaral na ito ay nagpapahintulot sa atin na pumanig sa malawak na karamihan ng mga pantas na tumanggi sa pagpapahintulot ng anumang pisikal na pagdidisiplina na magdudulot ng pinsala at sa katunayan ay pinapanagot.

Sa huli, gaya ng ipinahayag ng ikalabing dalawang siglong pantas na si Ibn al-Jawzi,

Kung ang pagbabanta ng pamamalo ay hindi gumana, magkagayun ang mismong pamamalo sa kanila ay hindi rin makapagpapatigil sa kanila.
Maglagay Pa Ng Mga Kaugnayang Artikulo
Sarado na ang Komento

Tsekan Din

Naniniwala ba ang mga Muslim sa Demonyo?

Ang mga Muslim ay naniniwala na ang mga Demonyo ay umiiral, na para itatwa ang kanyang pag…