Sa Maluwalhating Qur’an, ang Diyos ay nagpahayag tungkol sa mga antas ng embrayonikong paglago ng tao, 1,400 na taon bago pa ang makabagong panahong ‘natuklasan’ ng mga siyentipiko ang mahahalagang impormasyon ng paglikha sa tao at kanyang paglago:
At tunay na Aming nilikha ang [unang] tao buhat sa bagay na hinango mula sa putik. Pagkatapos nilikha Namin ang mga anak niya mula sa pinaghalong punlay sa loob ng tahanang ligtas. Pagkatapos ay nilikha Namin ang malalinta na namuong dugo na isang pirasong laman, pagkatapos ay nilikha Namin ang kimpal na laman na mga buto, pagkatapos ay binalot Namin ang buto ng laman… [Maluwalhating Quran 23:12-14]
Sa literal ang katagang Arabe na alaqah ay may 3 kahulugan:
- linta
- nakabiting bagay
- namuong dugo
Paghahambing ng linta sa embrayo
“Sa paghahambing ng linta sa embrayo sa kalagayang alaqah, natagpuan namin ang pagkakatulad ng dalawa.” [The Developing Human p.8]
“Ganundin, ang embrayo sa ganitong kalagayan ay umaasa ng pagkain mula sa dugo ng ina, katulad ng linta na umaasa sa dugo ng iba.” [Human Development as Described in Quran and Sunnah p.36]
Nakabiting bagay
Ang pangalawang kahulugan ng katagang alaqah ay ‘nakabiting bagay’. Ang pagkakabitin ng embrayo, habang nasa kalagayang alaqah, sa sinapupunan ng ina ay angkop na angkop sa pagkalarawang ito.
Namuong dugo
Ang pangatlong kahulugan ng katagang alaqah ay ‘namuong dugo’. Nakita natin na ang panlabas na anyo ng embrayo at ang mga supot nito habang nasa kalagayang alaqah na kagaya ng isang namuong dugo. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng medyo maraming dugo sa embrayo habang nasa kalagayang ito. Ganundin sa ganitong kalagayan ang dugo sa embrayo ay hindi umiikot hanggang sa katapusan ng ikatlong linggo. Kung kaya ang embrayo sa kalagayang ito ay katulad ng namuong dugo.
Sa pagsusuri ng balangkas ng sinaunang sistemang sirkulatoryo sa isang embrayo habang nasa kalagayang alaqah ay mapapansin natin ang panlabas na anyo ng embrayo at mga supot nito ay kagaya nang namuong dugo dahil sa pagkakaroon ng medyo maraming dugo sa embrayo. [The Developing Human, p. 65]
Kung kaya ang tatlong kahulugan ng katagang alaqah ay angkop na angkop sa pagkalarawan ng embrayo sa kalagayang alaqah.
Ang Embrayo ay katulad ng kinagat na laman
Ang susunod na kalagayang binanggit sa talata ay ang kalagayang mudghah. Ang katagang Arabeng mudghah ay nangangahulugang “parang kinagat na laman”. Kung ang isang tao ay kukuha ng kapirasong tsuwing gam at nguyain sa kanyang bibig, at pagkatapos ay ihambing ito sa embrayo sa kalagayang mudghah, mapagtitibay nating sila ay halos magkahawig dahil sa mga gulugod sa likod ng embrayo na ‘halos kahawig ng bakat ng mga kagat sa nginuyang laman’.
Papaanong si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay mangyayaring malaman ito 1,400 na taon ang lumipas samantalang ang mga siyentipiko ay natuklasan ito kamakailan lamang gamit ang makabagong kagamitan at napakalakas na mikroskopyo na wala pa sa panahong yaon?
Si Hamm at Leeuwenhoek ay ang pinakaunang mga siyentipikong pinag-aralan ang semilya ng tao gamit ang pinag-ibayong mikroskopyo noong 1677 A.D [mahigit na 1000 taon pagkatapos ni Muhammad]. Napagkamalan nila na ang semilya ay naglalalaman ng maliliit na hugis ng tao na lumalaki kapag ito ay inilagak sa sinapupunan ng babae. [The Developing Human, p.9]
Mga modernong Siyentipiko sa pahayag ng Qur’an sa embrayonikong paglago ng tao
Si Propesor Keith Moore ay isa sa pinakatanyag na siyentipiko sa larangan ng anatomya at embrayolohiya at may akda ng aklat na pinamagatang “Developing Human”, na naisalin sa walong wika. Ang aklat na ito ay itinuturing na pang-agham na sangguniang gawa at napili ng katangi-tanging kalipunan sa Estados Unidos bilang pinakamahusay na aklat na inakdaan ng isang tao. Si Dr. Keith Moore ay isang Propesor ng Anatomya at Biolohiya ng Selula sa Unibersidad ng Toronto, Toronto, Canada. Noong 1984, siya ay tumanggap ng pinagpipitagang parangal na ibinibigay sa larangan ng anatomya sa Canada, ang J.C.B. Grant Award mula sa Canadian Association of Anatomists. Siya ay namuno sa maraming mga pandaigdigang samahan, katulad ng Canadian and American Association of Anatomists at Council of the Union of Biological Sciences.
Noong 1981, sa panahon ng Seventh Medical Conference sa Dammam, Saudi Arabia, si Propesor Moore ay nagsabi;
Isang napakalaking kasiyahan para sa aking tumulong na bigyang-linaw ang mga pahayag sa Qur’an tungkol sa paglago ng tao. Ito ay maliwanag sa akin na ang mga pahayag na ito ay marapat lamang talagang dumating kay Muhammad mula sa Diyos, o Allah, dahil halos lahat ng kaalamang ito ay hindi pa natuklasan hanggang sa makalipas ang maraming siglo. Ito ay nagpapatunay sa akin na si Muhammad ay marapat talagang naging sugo ng Diyos, o Allah.
Kaya naman, si Propesor Moore ay tinanong ng mga sumusunod na tanong, “Ito ba ay nangangahulugan na ikaw ay naniniwala na ang Qur’an ay Salita ng Diyos?” Siya ay sumagot, “Hindi mahirap sa akin na tanggapin ito.”
Habang nasa isang pagtitipon, si Propesor Moore ay nagpahayag,
Dahil ang mga antas ng embrayo ng tao ay masikot, utang sa patuloy na proseso ng pagbabago sa panahon ng paglago, iminumungkahing ang bagong sistema ng pag-uuri ay maaaring paunlarin gamit ang mga katawagan na binanggit sa Qur’an at ng Sunnah [mga gawa at salita ni Propeta Muhammad]. Ang iminungkahing sistema ay madali, malawak, at umaayon sa kasalukuyang kaalaman sa embrayo. Ang puspusang pagsasaliksik sa Qur’an at Hadith [mga salaysay tungkol sa Sunnah] sa nakalipas na apat na taon ay nagpahayag ng isang sistemang pag-uuri ng embrayo ng tao na kahanga-hanga dahil ito ay naitala sa ika7 siglo A.D. Bagamat si Aristotle, ang nagtatag ng agham ng embrolohiya, napagtanto na ang embrayo ng sisiw ay lumago sa mga antas mula sa kanyang pagsasaliksik ng itlog ng inahin sa ikaapat na siglo B.C., hindi niya ibinigay ang anumang detalye tungkol sa mga antas na ito. Sa abot ng kaalaman mula sa kasaysayan ng embrayolohiya, maliit lamang ang nalaman sa mga antas at pag-uuri ng embrayo ng tao hanggang sa ika-dalawampung siglo. Sa kadahilanang ito, ang mga paglalarawan ng embrayo ng tao sa Qur’an ay hindi maaaring ibinatay sa pang-agham na kaalaman sa ika 7 siglo A.D. Ang tanging makatuwirang konklusyon ay itong mga paglalarawan ay ipinahayag kay Muhammad mula sa Diyos. Hindi niya maaaring malaman ang ganyang mga detalye dahil siya ay hindi nakakabasa at nakakasulat na tao at walang anumang siyentipikong kasanayan.
Pag-isipan ang tungkol sa mga tao. Paano tayo lahat nakarating dito? Ano ang kalikasan ng sangkatauhan? Ano ang dahilan ng ating pagkilos ayon sa ginagawa natin? Tayo ba ay walang utang na loob sa Nag-iisa na lumikha sa atin at tumutustos sa atin? Ano ang palatandaang ito? Pakaisipin ang iyong sarili. Ikaw ba ang lumikha sa iyong sarili?