Sino ang kayang gumawa ng aklat na katulad ng Qur’an? – Isang Hamon mula sa Qur’an!
Ang Qur’an ay hindi lamang kakaiba sa paraan kung paano nito ipinapahayag ang kanyang paksa, bagkus ito rin ay kakaiba sa pagiging himala nito sa kanyang sarili. Sa salitang “himala” ay pinakakahulugan natin ay ang kaganapang hindi pangkaraniwan na hindi magagawa ng mga tao. Isa na dito ang hamon na gumawa ng aklat na katulad ng Qur’an.
Ito ay naitala na ang Propeta Muhammad ﷺ, ay hinamon ang mga Arabo na gumawa ng akdang panitikan na katulad ng antas ng sa Qur’an, subalit hindi nila nakayang magawa ito sa kabila na sila ay tanyag sa balagtasan at husay sa pampanitikan. Ang hamon na gumawa ng Qur’an ay isinawalat sa mga Arabo at sangkatauhan sa tatlong antas:
1. Ang Buong Qur’an
Sa loob ng Qur’an, ang Diyos ay nag-utos sa Propeta ﷺ na hamunin ang lahat ng mga nilikha [tao at engkanto] na gumawa ng aklat na kasing dakila ng Qur’an:
“Sabihin mo: “Talagang kung magkaisa man ang tao at ang jinn na gumawa ng tulad sa Qur’an na ito, hindi sila makagagawa ng tulad nito at kahit pa man sila ay magtulungan.” [Maluwalhating Qur’an 17:88]
2. Sampung Kabanata
Sumunod, ang Diyos ay gumawa ng hamon na para bagang higit na madali sa pagsasabi sa kanilang tumanggi sa banal nitong pinagmulan na gayahin kahit na sampung kabanata lang ng Qur’an:
“O nagsasabi ba sila na, ‘Ginawa-gawa niya ito?’ Sabihin mo: ‘Kaya magdala kayo ng sampung kabanata na tulad nito na mga ginawa-gawa at tawagin ninyo ang anumang makakaya ninyo na bukod pa kay Allah, kung kayo ay mga tapat.’” [Maluwalhating Qur’an 11:13]
3. Isang Kabanata
Ang huling hamon ay gumawa kahit isa man lang na kabanata na papantay sa kung ano ang nasa Qur’an, na ang pinakamaiksing kabanata, ang al-Kawthar [kabanata 108], na naglalaman ng tatlong talata;
“At kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa Aming ibinaba sa Lingkod Namin, magbigay kayo ng isang kabanata na tulad niyon, at tawagin ninyo ang inyong mga saksi bukod pa kay Allah kung kayo ay mga tapat.” [Maluwalhating Quran 2:23]
Ang mga hamon na ito ay hindi lamang mga salitang walang laman na walang magpapahalaga na patotohanang sila’y sinungaling. Ang pag-anyaya ni Propeta Muhammad ﷺ sa kaisahan ng Diyos, na sirain ang mga idolotrya sa lahat ng anyo nito, at ang pagkakapantay ng mga alipin sa kanilang panginoon na nagbabanta sa buong kabuhayang panlipunan ng Makkah, at sa katayuan ng pamumuno ng tribung Kurays na siya ding kinabibilangan ng Propeta ﷺ.
Ang Makkah, ang sentrong kalakalan ng Arabya, na siyang sentrong pang-espiritwal din, ay lubhang nagnanais na matigil ang pagkalat ng Islam. At ang tanging kailangang gawin ng mga kaaway ng Propeta ﷺ na mawasak ang kilusan ay gumawa ng isang kabanata na katulad ng alinman sa mga binibigkas ng Propeta ﷺ at ng kanyang mga tagasunod sa mga tao.
Ang ilang mga Kurays na manunula at makata ay sumubok na gayahin ang Qur’an, subalit sila ay nabigo. Kung kaya’t sila ay sumubok na suhulan ang Propeta ﷺ ng napakalaking kayamanan, maging hari sa kanila, at ang mga pinakamararangal at pinakamagagandang babae sa kanila kapalit ng pangakong paghinto sa pag-anyaya sa mga tao patungo sa Islam. Ang kanyang sagot sa kanila ay pagbigkas ng unang labingtatlong talata sa Kabanata ng Al-Fussilat, hanggang sila’y nakiusap na tumigil na siya.
Ang mga Kurays ay gumamit din ng pagpapahirap sa kanilang mga alipin at mga kamag-anak na yamakap sa Islam na hindi nila nagawang pabalikin sa paganismo. Kalaunan sila ay nagkaisang magsagawa ng boykot laban sa Propeta ﷺ at kanyang mga tagasunod at kasapi ng kanyang angkan, na Banu Hashim, sa layuning pasukuin sila sa gutom. Subalit kahit na ang pakanang ito sa kalaunan ay nabigo.
At sa huli, sila’y nagpakana na patayin siya sa kanyang bahay sa pamamagitan ng mga kabataang matitipuno na galing sa lahat ng angkan ng mga Kurays upang ang sisi ay pagsaluhan ng lahat ng mga angkan, nang sa gayun ang paghihiganti ng angkan ng Propeta ﷺ ay hindi na magagawa pa.
Ganunpaman, ang Diyos ay ipinahintulot na ang Propeta ﷺ at ang kanyang mga tagasunod ay makatakas mula sa Makkah at makasama ang bagong grupo ng mga bagong yakap na dumadami sa mga tribu sa lungsod sa hilaga na tinatawag na Yathrib. Ang Islam ay kumalat ng mabilis sa pamamagitan ng mga angkan ng Yathrib, at sa loob ng isang taon ay naging mayorya sa loob ng lungsod. Si Propeta Muhammad ﷺ pagkatapos ay ginawa nilang pinuno, at ang pangalan ng lungsod ay binago sa Madinatun Nabi [Lungsod ng Propeta ﷺ], na sa kalaunan ay tinawag na sa pinaiksing “Madina”. Sa loob ng sumunod na walong taon, ang mga angkan ng Makkah at karatig nito ay nagsagawa ng mga bigong pagsalakay laban sa lumalaking pamayanan sa Madina, na ang dulo ay ang pagsakop ng mga Muslim sa Makkah mismo.
Ang lahat ng pagdanak ng dugo na ito ay naiwasan sana kung ang mga Kurays at mga kapanalig ay nagtagumpay na makapaglabas ng tatlong talata ng tula o daloy ng himig na katulad ng pinakamaiksing kabanata ng Qur’an.
Datapwat, walang pag-aalinlangan na hindi makokopya ang paraan ng panitikan ng Qur’an, ang himala ng himig nito at ang kababalaghan ng indayog nito.
Sinasabing ang hindi kayang kopyahin na Qur’an ay hindi naman talaga kakaiba, para sa dakilang manunulang Ingles katulad nina Shakespeare, Chaucer, o mga dakilang manunula sa ibang mga wika ay talaga ngang may kakaibang istilo na naghihiwalay sa kanila sa mga kasabayan. Ganunpaman, kung, halimbawa, ang ilang mga nangungunang manunula ngayon ay magsasagawa ng malalimang pagsisiyasat sa mga isinulat ni Shakespeare at pagkatapos ay susulat ng maiksing tula sa istilo ni Shakespeare na gamit ang lumang tinta at lumang papel, pagkatapos ay sabihing nahanap niya ang nawawalang tula ni Shakespeare, ang mundo ng panitikan ay maaari itong tanggapin kahit pagkatapos ng maingat na pagsisiyasat. Magkagayun, kahit pa ang pinakamahusay na makata ay magagaya, kahit pa gaano naiiba ang kanyang istilo, katulad na lang ng tanyag na pintor na nagagaya. [Ang totoo, ilang mga pantas na Ingles ay nagpapalagay na ang maraming mga iniuugnay kay Shakespeare ay isinulat ng kasabayan niyang si Christopher Marlowe.]
Datapwat ang Qur’an, ay napakalayo ng agwat sa antas na ito, kahit may mga pagtatangkang dayain ang mga kabanata nito sa paglipas ng mahabang panahon, sa kalaunan ay wala pa ring nakapasa na malapit sa pagsisiyasat. At katulad ng nabanggit, ang pagnanais na kopyahin ang Qur’an ay napakatindi sa panahon ng ipinapahayag pa lamang ito na ang kakayahan sa panitikan ay nasa rurok na higit kailanman, dapatwat walang nagtagumpay sa mga nagtangka.
Dr. Abu Aminah Bilal Philips