Ang mga Amerikanong Muslim na kababaihan sa ngayon ay muling natutuklasan ang dalisay na Islam na ipinahayag ni Allah, (Diyos), kay Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan), mahigit 1400 taon na ang nakalipas, subalit wala ang anumang salungatan ng kulturang namana. Dahil dito sila ay talagang nakatali na sa kanilang buhay na gawi ang muling pagtuklas sa kanilang sarili, na kung paano maging tao, maging Muslim, at higit pa rito, ay babaeng Muslim. Ang pagtatalukbong (hijab) ay isang mahalagang bahagi ng espiritwal na paglalakbay.
Isa sa mga madalas na katanungan ng mga Muslim at di-Muslim, ay: “Bakit ang kababaihang Muslim ay nagtatakip ng kanilang mga ulo?” Ang sagot ay napakadali – Ang kababaihang Muslim ay nagtatalukbong dahil ipinag-utos ni Allah na gawin nila ito:
O Propeta, sabihin sa inyong mga asawa at mga anak na babae at sa mga mananampalatayang kababaihan na iladlad sa ibabaw ang (bahagi) ng kanilang panlabas na damit (kung sila ay lalabas o kasama ng kalalakihan). Ito ay mainam sa kanila upang sila ay makilala (na Muslim) at hindi bastusin…[Maluwalhating Qur’an 33:59]
Ang mga Muslim ay naniniwala na ang kanilang tanging layunin sa buhay na ito ay sambahin ang Diyos lamang, ayun sa Kanyang tagubilin, na ipinahayag sa Banal na Qur’an, at sa pamamagitan ng mga itinuro ni Propeta Muhammad ﷺ. Katulad ng, pagsusuot ng hijab ay isang gawaing pagsunod sa Diyos at, dahil dito, nakabuo ng pangunahing batayan sa pagsusuot nito.
Ang panglalahat ng tungkol sa Islam at mga Muslim ay sagana sa mga nagbabalita sa ngayon. Ang kababaihang Muslim na may talukbong sa ulo, na kadalasan ay sinisiraang-puri ng walang katarungan. Sila sa isang banda ay pinaparatangan na inaapi, at sa kabilang banda naman, ay sinasabing panatiko o pundmentalista. Ang parehong kasiraan ay maling-mali at hindi angkop. Ang ganyang paglalarawan ay hindi lamang maling pagsalarawan sa mga kababaihang ito na may maalab na damdamin sa hijab, bagkus hindi rin nagawang kilalanin ang kanilang lakas ng loob na nagbunga ng pagkakilanlan na ibinigay sa kanila ng hijab. At mayroon pang pagbabawal sa pagsusuot ng hijab sa ilang bansa. Nang tinanong tungkol dito si Aminah Assilmi, isang kristyanong yumakap sa Islam, nagsabi: “Kapag inutusan mo akong lumabas ng walang hijab ay para mo na rin sinabi na lumabas ang madre na walang pang-itaas. Ako’y namamangha, at hindi ko maiwasang magtaka, kung uutusan din ba nila si Maria, ang ina ni Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan) na tanggalin ang talukbong sa kanyang buhok.”
Ang isa pang maling pagkaunawa ay ang paniniwala na ang mga kababaihang muslim ay sapilitang pinagsusuot ng hijab. Para sa higit na nakararaming kababaihang muslim, ay wala ng makalalayo pa sa katotohanan. Katunayan, ang pagpapasya sa wakas na magsuot ng hijab ay kadalasang mahirap. Mga araw ng pagmumuni-muni, takot sa mga negatibong ibubunga at mga maaring gawin ng pamilya at/o ng kabuuang lipunan ng mga Amerikano, at pangwakas, ang pangangailangan ng sapat na lakas ng loob ay mabigat na konsiderasyon para maabot ang pagpapasya. Ang pagsusuot ng hijab ay personal at malayang pagpapasya, na nagmumula sa pagpapahalaga sa karunungan ng pagpapasailalim sa kautusan ni Allah at wagas na hangarin na kaluguran ni Allah.
“Sa ganang akin, ang nag-akay sa pagpapasyang magsuot ng hijab ay higit na mahirap kaysa sa mismong pagsusuot nito. Natagpuan ko yun, Alhamdulillah ( ang lahat ng papuri ay kay Allah), bagamat ako’y nakatanggap ng mga negatibong puna mula sa mga tao, ay naramdaman ko ang kahalagahan sa pagsusuot ng hijab na nagbigay sa akin ng kahinhinan, ang nakakamangha, sa negatibong pagpuna ay higit akong nakaramdam ng pagmamalaki para makilala bilang Muslim,” ang sabi ni Katherine Bullock, isang Canadian na yumakap sa Islam.
“Para sa ganang akin ang hijab ay handog mula kay Allah. Nagbigay ito sa akin ng pagkakataon na mapalapit kay Allah. At isa pang napakahalaga, (nagbigay ito sa akin) ng pagkakataon na manindigan at makilala bilang Muslim,” ang pahayag ni Fariha Khan ng Rockville, Maryland.
Habang ang hijab ay nagpapakilala sa mga kababaihan bilang mga tagasunod ng Islam, kaakibat nito ang napakalaking tungkulin. Ang hijab ay hindi lamang pantakip na damit, subalit higit na mahalaga, ay ang gawi, pag-uugali, pananalita at pagharap sa publiko. Ang talukbong ay panlabas na anyo ng panloob na pangako sa pagsamba kay Allah, ito ay sumisimbulo ng pangakong magpakatuwid. Sa sarili o kaibuturang kabinihan na nagbibigay kahulugan sa panlabas na bandana. Ito ay mauunawaan sa pangkalahatang gawi ng bawat babaeng muslim, kung paano siya kumilos, manamit, magsalita, at iba pa. Sa lugar na ang maling impormasyon tungkol sa Islam at mga Muslim ay kumakalat, ang mga kapatid na babaeng muslim ay may pagkakataon na isabuhay ang Islam sa tunay nitong liwanag.
Si Saba M. Baig, nagtapos sa Pamantasan ng Rutgers, NJ, ay 17 taong gulang nang siya ay seryosong magsimulang magsuot ng hijab. Nararamdaman niya na siya ay nasa proseso pa rin ng pag-aaral ng pangloob na hijab, “Ang pinakamalaki kong nauunawaan na ang hijab ay hindi lamang sa pagsusuot ng bandana sa aking ulo, bagkus higit ang (pagtatakip) sa aking puso” sinabi ni Baig. “Ang hijab ay higit pa sa panlabas na pagtatakip. Iyan ang pinakamadaling bahagi ng lahat ng ito. Marami pang dapat gawin sa pagiging mayumi katulad ng pagdadala mo ng iyong sarili.”
Si Imaan, isang yumakap sa Islam, ay nagsabi bilang karagdagan, “Sa kasamaang-palad, meron din itong sariling pananaw: ikaw ay pakikitunguhan ng masama, ituturing na parang inaapi. Isinuot ko ito para kay (Allah), at dahil gusto ko, Tapos.”
Si Katherine Bullock ay naobserbahan na “pagkatapos kong magsuot ng hijab, ay napansin kong ang mga tao ay madalas na naging maingat na sa akin, katulad ng paghingi ng tawad kung sila ay manunumpa. Natuwa ako doon. Naramdaman ko na ang pagsusuot ng hijab ay binigyan ako ng kabatiran sa disente at maayos na pamumuhay.”
Ang Hijab ay Gawang Kahinhinan
Ang mayuming pananamit at hijab ay pag-iingat para maiwasan ang mga paglabag sa lipunan. Ang mga susunod talata ng Qur’an ay binigyang-diin na hindi limitado sa mga kababaihan lamang.
..Sabihin sa mga mananampalatayang kalalakihan na nararapat nilang ibaba ang kanilang paningin at bantayan ang kanilang pagkalalaki ito ay higit na dalisay para sa kanila; at si Allah ay nababatid ang kanilang mga gawa. At sabihin sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba ang kanilang paningin at pangalagaan ang kanilang pagkababae; at huwag ilantad ang kanilang kagandahan maliban sa mga likas na nakalabas dito; at nararapat nilang iladlad ang kanilang bandana sa ibabaw ng kanilang dibdib at huwag ilantad ang kanilang kagandahan maliban sa kanilang mga asawa…[Maluwalhating Qur’an 24:30-31]
Ayun kay Jabir ibn Abdullah, nang tanungin niya ang Propeta ﷺ, tungkol sa paningin ng lalaki na naipukol ng hindi sinasadya sa di-kilalang babae, ang Propeta ay sumagot: “Ibaling sa iba ang inyong tingin.” (Muslim) Sa ibang tradisyon, ang Propeta ﷺ sinumbatan ang muling pagtingin sa babae, Kanyang sinabi: “ang pangalawang tingin ay kay Satanas.”
Kung kaya, kabaliktaran sa kilalang paniniwala, ng Muslim at di-Muslim, ang hijab ay hindi para sa mga kalalakihan; upang bantayan ang kanilang masamang pagnanasa, ito ay kanilang pansariling tungkulin, katulad ng talata sa itaas at sinasabi ng tradisyon ng Propeta. Datapwat, ang kababaihang Muslim ay isinusuot ito para sa Diyos at sa kanilang sarili. Ang Islam ay relihiyon ng katamtaman at balanse sa pagitan ng pagmamalabis. Samakatuwid, hindi ito umaasa na kababaihan lamang ang magtataguyod ng moralidad sa lipunan at kabutihan. Datapwat, ang Islam ay inuutusan ang kalalakihan at kababaihan na parehong magsikap na gumawa ng malusog na kapaligiran na ang kabataan ay lumalaking positibo, maganda, malikhain at may praktikal na mga pag-uugali’t pananaw.
“Ang katotohanan, para sa mga kababaihan ang hijab ay isang palagian na paalaala na sila ay nararapat na huwag nilang hubugin ang kanilang buhay para sa kalalakihan. Bago ako nagsimula na magtalukbong, iniisip ko ang aking sarili batay sa iniisip sa akin ng iba. Madalas kong nakikita sa mga kadalagahan, ang kanilang kaligayahan ay batay sa kung ano ang tingin sa kanila ng iba, lalo na ng kalalakihan. Noon pa man, ang opinyon ko sa aking sarili ay nagbago ng malaki; Ako ay umani (ng malaking) paggalang sa sarili. Natutunan ko na kahit iniisip ng iba na maganda ako o hindi ay hindi ito ang mahalaga. Kung gaano ako kaganda sa palagay ko sa aking sarili at nalaman kong si Allah ay nakita akong maganda at dahil dito ay maganda ako sa pakiramdam ko,” Kwento ni Baig.
Ang konsepto ng kayumihan at hijab sa Islam ay banal, at nasasaklaw nito ang kalalakihan at kababaihan. Ang pinakalayunin ay panatilihin ang katatagan ng lipunan at para sa ikalulugod ng Diyos.
Dahil sa ang kababaihang Muslim ay higit na kapansin-pansin dahil sa kanilang hitsura, madali para sa mga tao na iugnay sila sa mga nakabalot na mga larawang kanilang nakikita na nakalathala at ipinakikita ng mga tagapagbalita. Dahil dito ang mga napagkaugalian ay ginawa at ang kababaihang Muslim ay kadalasang mahiwaga sa kanilang mga walang alam sa kahulugang pangrelihiyon ng hijab. Itong mukha ng hiwaga ay hindi mabubura hanggang ang kanilang pamumuhay, paniniwala at sistema ng pananaw ay tunay na magsaliksik. At ito ay hindi mararating na makamit hanggat ang tao ay hindi na takot lumapit ng magalang sa kababaihang Muslim o kalalakihan hinggil sa bagay na yaon, Kung kaya, sa susunod na makakita ka ng Muslim ay tawagin sila at makipag-usap sa kanila. Mararamdaman mo, sa pahintulot ng Diyos, na para kang pumapasok sa ibang mundo, sa mundo ng Islam: puno ng kababaang-loob, pagkamatuwid, at syempre, kahinhinan!